CHAPTER 3

189 18 6
                                    

A/N: Sa makakabasa nito need ko ang iyong suggestions. If may suggestions kayo add n'yo lang ako sa Facebook search n'yo lang LahVern LahVern. Salamat ^_^v

++++++++++++++++++++++++++++++++++

CHAPTER :3

CLAZEL' POV

~~~wake up wake up its a brand new day

wake up wake up its a beautiful day

wake up~~~♪♪

"AHhhhhhhhhm.  Anong oras na ba ¿?  ORAS. Hala bakit ang liwanag na."

Biglang may pumasok sa kwarto.

"Nakatirik na ang araw Ace may lakad ako ngayon ikaw muna maiwan dito sa bahay. Maliwanag ba? "

"Mommy saan ka ba pupunta?"

"May lalakarin lang ako if nagugutom ka nakaluto na ako andun nakatakip sa mesa."

Ano kaya magandang palusot ngayon bakit hindi ako nakapag-isip ng maganda at kapanipaniwalang palusot kagabi.

"What time uwi mo mommy? "

"Hindi ko alam bakit ba kanina ka pa puro tanong. Oo nga pala wag mong kakalimutang pakainin si Tiny."

"Mommy pero----...."

"Ah wala nang pero pero aalis na ako."

Paano ng gagawin ko ngayon, nasaan ba ang magaling kong kapatid.

Nagvibrate yung cellphone ko may nagtxt.

**Message **

Hi, CJ 7:00pm yung party sana makapunta ka. Sa resort nga pala nila Dex yung party. :)

From: JOMAR ツ

Ayan nagtext na siya paano na to sa bagay 11 am palang naman makakaisip pa ako ng paraan para makaalis. Pero makaalis man ako paano naman ang ayos ko dapat maganda ako pag-umattend ako sa party. Makapag hanap nga sa closet pero puro t-shirt at jeans lang naman ang nandun.

Pili-pili

    Pili-pili

Pili-pili

 Wala akong masyadong pang summer outfit. Sa resort pa naman yun siguradong magswiswimming kami. Hindi rin ako marunong lumangoy. Ano ba naman yan.

"Ok na siguro to."

Nakapili na ako ng isusuot pwede na siguro tong simpleng t-shirt saka maikling short kahit di ako sanay magsuot ng maikling short alangan namang magpantalon ako habang ng swiswiming. Ngayon kaylangan ko namang mag-isip kung paano ako makakaalis. Pupunta muna ako ng kusina medyo gutom na ako.

"Maka -kain nga muna para may maisip ako."

Meow ~~~meow

May pusang gala atang nakapasok sa bahay kase ang alam ko aso lang ang meron kami.

"Bakit may ngumingiyaw?? Nasaan ba yun.."

Hanap...

    Hanap....

Hanap...

"Ayun, andito ka lang palang pusa ka.  Ohh bakit ka sisinghap-singhap. Masama ba pakiramdam mo? Parang masusuka pa 'to mailabas na nga baka dito pa 'to magkalat."

Ahhh.. may naisip na akong paraan ilolock ko na lang ang pintuan at bintana ng bahay tapos papatingnan ko na lang kay Flor itong bahay. (Si Flor yung kasambahay dun sa katabing bahay namin. ) Tapos in case na magtanong siya if saan ako pupunta sasabihin ko pupunta akong clinic  kase masama pakiramdam ko parang yung pusa lang yung peg.

"Pwede na siguro yun. Okay time na para maghanda."  kahit sobrang aga pa excited lang.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

@the party

Andito na ako sa party marami na rin ang mga tao pero hindi ko pa rin makita si Jomar.

"Dex, nakita mo ba si Jomar?" pagtatanong ko para mas mabilis ko siyang makita.

"Nandun lang sa gawi ro'n kasama yung iba." sagot naman ni Dex at tinuro yung lugar na kinaroroonan nang iba.

"Ahh ok salamat ."sagot ko ng nakasmile. Tumango lang siya at nakisama na sa ibang bisita.

Nang makita ko na kung nasaan sila ay bigla akong kinabahan at napahinto ako sa paglalakad. Yung feeling na gusto ko nang umuwi ulit kahit na ang tagal kong hinintay to na halos hindi ako makatulog kagabi na okay lang mabale  wala sa sobrang kaba ko.

Tapos nakita kong tumayo si Jomar sa kinauupuan niya at parang alam ko kung saan siya pupunta lalapitan nya AKO dahil mukhang nakita na n'ya ako...AKO ano ang gagawin ko. Ayan na siya in...

5

4

3

2

1

"CJ, buti nakapunta ka. Tara na dun sa iba." sabi niya tapos hinigit niya ako. Pwede bang matumba nalang ako sa moment na 'to.

"Ahhhm, Jomar teka lang bago tayo pumunta dun may sasabihin sana ako sayo."

Ito na yun yung pinakahihintay ko...

"Ok, anu ba yun?" sabi ni Jomar.

"Jomar kase gusto kita. Gustong -gusto kita matagal na." Nasabi ko din sa wakas.

Nakatingin lang siya sa akin. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. Anu kaya yung sasabihin niya. Pero bakit ayaw niya magsalita.

"Babe, anung ginagawa mo dyan?"

sabi nung babaeng paparating. "Oh Clazel, nakarating ka halika join ka sa amin."

Tama ba yung narinig ko tinawag ni Angelica si Jomar na BABE? ? How come na tinawag ni si Jomar ng ganun.

"Clazel, kami na nga pala ni Angelica. Girlfriend ko na siya." Narinig ko mula sa labi ni Jomar.

Sana bumuka ang lupa sa kinatatayuan ko at kainin na niya ako sa sobrang kahihiyang ito.

"Namumutla ka, okay ka lang?" tanong ni Angelica sa akin.

"AHh Congrats kayo na pala. Bagay kayo." sabi ko habang pilit akong naka smile sa kanila. "Ahmm siguro kaylangan ko lang magpahinga siguro kaylangan ko ng umuwi at matulog. Sige mauna na ako. Pakasaya kayo. "

"Ihahatid na kita pauwi." pag-aalok ni Jomar.

"Hindi na kaya ko pa namang umuwi. Salamat na lang." sagot ko naman.

"Okay lang kaya siya.?" rinig kong sabi nung babaeng yun.  Ayoko nang i mention yung name niya.

Umalis ako ng resort ng wala ako sa sarili buti at nakauwi pa ako sa bahay ng ligtas ngunit dala  ko ang sakit  sa aking puso. Sakit na nakuha ko sa mga narinig ko kanina nung kaharap ko sila Jomar at ang GIRLFRIEND niya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now