CHAPTER 13

172 11 1
                                    

Chapter 13

@CLAZEL's_house

Maaga naman ako nakauwi ng bahay na walang stress o ano mang kakaibang nangyari sa akin.

PERO.........

NAGULAT AKO SA PAGPASOK KO NG BAHAY, MAY KUMAKALUSKOS, MAY TAO ATA SA MAY BANDANG KUSINA .

Sa takot ko na baka isang magnanakaw ang nasa loob ng bahay kinuha ko yung flower vase na nasa lamesa sa living room. Para sa pangtatanggol ko yun sa aking sarili.  Mahirap na baka hindi nga magnanakaw  rapist naman ang nakapasok, baka ang manakaw naman sa akin ay ang aking pagkababae eh. Hindi pa naman ako handa. Nako po!!!!

Dahan-dahan akong nagpunta ng kusina at tama may tao nga,  sa gulat ko akmang ipapalo ko na yung vase dun sa ulo nung taong nasa kusina.

YAAAAAAAAAAAAAHHH~~~wala kanang kawala.....

Biglang sumigaw yung tao ng..............

WAAAAAAAGGGGGGG........... !!!!!

Napahinto agad ako.

Ô~Ô AKO

Ø–Ø SINO TO?

"MOMMY????? Anong ginagawa mo dito ? Saka bakit ganyan yang ayos mo?" tanong ko kay mommy paano ba naman may patakip-takip pa kase  ng mukha.

"Ano ba yang gagawin mong bata ka? May balak ka bang patayin ako? Ikamamatay ko yang pinaggagagawa mo eh." sabi ni mommy.

"Mommy naman kase bakit kase nandito ka sa bahay?" WOW..TAMA BA YUNG TANONG KO SA NANAY KO SA SARILI NIYANG PAMAMAHAY. TINGNAN LANG NATIN KUNG HINDI AKO MAPEKTUSAN SA LALAMUNAN.

"ABA, loko tong batang to ah." parang gusto akong kurotin ng pinong-pino ni mommy.

Hindi kase ako sanay na andito siya sa bahay ng ganun kaaga. Kadalasan kase gabing-gabi na siya kung umuwi. Minsan maaga rin siyang umaalis. Minsan hindi na rin ata siya umuuwi. Basta hindi kami nagkikita ng madalas sa bahay. Kahit na sa iisang bubong lang kami nakatira. Hindi ko nga alam kung ano ang trabaho ni mommy hindi ko naman kase siya matanong dahil lagi  siyang wala. Iniisip ko nga nasa ibang bansa ang pamilya ko at ako lang ang nandito sa Pilipinas. Independent nga ang feeling ko sa sarili ko. Kung noon mahigpit siya sa akin sa mga lakad ko at sa oras ng pag-uwi ko ngayon wala ng kumokontra. Pati nga si Kuya namimiss ko na. :(

" Medyo nililinis ko lang tong kusina bago ako magluto ng dinner natin." sabi ni mommy baka naman ako magCRYola dito, totoo ba magdidinner kami ng sabay?

"Mommy pupunta daw po si Lance dito. Dagdagan niyo po yung lulutuin nyo." abiso ko kay mommy.

"Lance??? sinong Lance boyfriend mo anak? " tanong ni mommy parang gulat pa siya ng konti. Hindi kase niya kilala si Lance kahit na palagi itong  pumupunta ng bahay kase wala siyang time uriratin ang life ko. " ilang buwan na kayo hindi mo manlang maipakilala sa akin anak."

"Mommy? si Lance? boyfriend ko? no way!!!! maghahalo muna ang balat sa tinalupan."  ANO DAW YUNG SINABI KONG HULI?

"EH, sino nga yun anak?" tanong pa uli ni mommy.

"Mamaya makikilala mo siya, madalas nga siyang makitulog dito sa bahay eh!!"

"AAAANNNNNOOOOOO??????"

"MOM wag kang OA walang gamot yan. Makapagreact wagas. Sige mommy akyat muna ako sa room ko palit lang ako ng damit. Tapos po bababa po ako turuan mo ako magluto."

Tumango nalang siya sa akin na parang nagtatanong sino ba talaga yung dadating.

Nakapagpalit na ako ng damit. Bumaba na rin ako at tinulungan ko si mommy.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now