CHAPTER 15 (Oh its Saturdate) ^_^ PART 1

138 9 3
                                    

(Oh its Saturdate) ^_^

Lumipas ang mga araw at sumapit ang araw ng sabado.  Simula noong araw na feeling ko iniiwasan ako ni Jomar hindi na ako nagkaroon ng chance na makausap siya. Parang may wall na sa pagitan naming dalawa. Iniisip ko na lang na busy lang talaga siya.

^^^^^^^^^^

Nababagot ako dito sa bahay.


"Sis, ano ba ang dinadamdam mo diyan? Alam mo mukha kang shunga." maka shunga naman tong si Lance.

"Ano ka ba? Nakita mong nalulungkot ako dito oh. Atleast maganda ako kahit mukha akong tanga."

pampalubag loob ko naman.

"Oo tanga ka talaga sa kanya, siya lang ang iniisip mo hindi ka lang niya napapansin emote kana diyan. Hindi naman kayo."

Kaya nga hindi nga naman kase kami bakit nag-eemote ako dito. Tulala. Hindi nalang ako nagsalita pa alam ko naman kase sa sarili ko na totoo yun. Kaya sinarili ko nalang gusto kong sabihin.

"Bakit nararamdaman ko nga na liligawan na niya ako malapit na. Okay lang sa akin na itago muna namin yung magiging relasyon namin." bulong ko lang yan sa sarili ko yung sobrang hina. 


"Sis shopping nalang tayo wala ka namang pasok, bumili ka ng bagong damit, bagong sapatos at kung ano-ano pang bago. Para hindi lang siya ang papansin sayo kundi lahat ng boys."

"Tinatamad kase akong lumabas wala ako sa mood, hindi kita masasamahan ikaw na lang. Saka ang aga-aga pa wala pang bukas na mall noh."

"Basta aalis ako, sige buruhin mo yang beauty mo dito sa bahay ninyo at baka mag-improve yan. Pagnasa mood kana ikaw na lang gumawa ng sariling lakad mo ha?"

"Okay." matabang kung sagot kay Lance.

Hindi ko naman kaylangan ng pagtingin ng iba kay Jomar lang sapat na. WOW.


Ayoko din talaga lumabas tinatamad ako pero nabuburyo ako dito ano ba magandang gawin. Alam ko na!



Nasa loob ako ng kwarto ko nakapantulog panga ako. Naisip kong magpatugtog ako ng malakas at sinara ko yung pinto para solid yung tunog. Saka ako nagsasayaw ng nagsasayaw. Kahit anong step wala namang nakakakita saka anong pake nila. It's my life. Exercise din to noh try nyo!!

Hindi pa ako napapagod ng biglang pumasok si Lance.

"Girl anong kabaliwan naman yang trip mo, ano ka ba ang lakas- lakas ng tunog dinig sa baba hanggang kabilang bahay. Bahala ka pagsinugod tayo nung matandang laging galit." sinabi niya iyon ng pasigaw full force yung ngalangala ni teh. Noong una tuloy tuloy lang ako sa pagsayaw hanggang sa noong i-mention niya yung kapitbahay naming matanda na ubod ng sungit napatigil ako at hininto ko agad yung pinapatugtog ko baka kasi sugurin nga  ako. Pero sa lahat ng kapitbahay niya namin din pala si mommy ang ka close niya ewan ko ba bakit. Sa akin ayaw niya kase minsan napansin kong nakasimangot siya sa akin nung dumaan ako sa tapat ng bahay niya kahit binati  ko siya. Ang weird nga eh. Mag-isa lang kase ata siya sa buhay.

"Oo na..  ayan masaya ka na wala ng tugtugang malakas."

"Baka lang naman kase yung matandang babae sa kabila eh ipa-baranggay pa tayo dahil sa pinaggagagawa mo." Alam din kase ni Lance ang taglay na kasungitan ng matanda dahil pagnagpupunta siya tuwing gabi dito noon sa bahay ay laging nakatingin yung matanda ng masama. Paano ba naman yung mga aso niya abot  ang tahol.

"Okay, teka bakit naman ang aga mo magshoshopping?"

"Hindi may pupuntahan pa kase akong iba. Sige diyan ka na ha. Wait ano ba gusto mong pasalubong."

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now