CHAPTER 19

119 7 0
                                    

Chapter 19

♥♪Paano ba yan? ako ang nagwagi hihi ^_^ . Epal kasi yung classmate kong mukhang aswang eh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ayan na Ms. Montereal, si Mr. Miguel na ang partner mo." sabi ni Jomar sabay turo dun sa paparating na si Chonggo na mukhang inaantok pa. Aba grabe 'to medyo tanghali na nga yung klase namin eh late pa magising.

"Sorry sir i'm late."

Hay nako dumating-dating pa kase tong lalaking 'to. Kasasabi ko pa lang na ako ang nagwagi. Ang bilis namang bawiin yung pagkapanalo ko. Isang epal kase tong lalake na 'to eh.

Nakabenda parin yung kamay niya. Kawawa naman :( Bleh buti nga :P

"Okay guys i think okay na lahat. Lahat may ka partner na. So ang activity niyo ay................... you will draw your partner."

"WHAT???" sabi ng lahat.

"Gagawin niyo yan sa bond paper na short. So if wala kayong dala bumili na kayo sa labas. Okay lang kung lapis o ballpen ang gamitin nyo basta maidrawing niyo ng maayos yung kapartner nyo. Buong oras ng klase natin yan ang gagawin nyo ok? kaya dapat maayos yan. Sige gumawa na kayo. Yung iba pwede na bumili sa labas. Go."

××××××××××××××××××××××××××××××××××

Oh eto na nga mga friend nasa labas na ako at bumibili ng bond paper.  Sa kasawiang palad kasama ko si Chonggo ang kapartner ko sa activity wala din siyang gamit na dala eh.

Pabalik na kami ng classroom. Nakasunod siya sa paglalakad sa akin ng lumingon ako sa kanya at sinabi na.........

"Bakit kase pumasok kapa? Mukhang inaantok ka pa ah."

"Wow concern lang."

"Haha funny!!! Ang ibig kong sabihin sana hindi kana pumasok para si Jomar ang partner ko at hindi ikaw. Dumating-dating kapa kase."

"Ahh ganon kaya pala. Tara sabihin natin kay Sir."

"Wag na!! wala na ako sa mood baka maging pangit pa yung pagdrawing ko sa kanya mabuting ikaw na lang pangit ka naman eh. Kaya wala na tayong magagawa kung pangit man ang maging kalabasan ng drawing ko. Sabihin ko lang na natural na yun." syempre joke lang pang-asar lang.

"Humanda ka sa gagawin ko sa drawing ko sayo."

"Humanda ka din. Sana natulog ka nalang pumasok ka pa kase. Siguro kung ano ano ginagawa mo sa gabi kaya tanghali kana nagigising."

"Bakit gusto mo malaman kung ano ang ginagawa ko sa gabi?"

"Hindi na baka kung ano pang milagro ang ginagawa mo."

"Hahaha. Baka magulat ka pagnalaman mo."

"Tara bilisan mo na nga baka nagsisimula na yung iba."

**************************************

@classroom

"Guys ayusin nyo ha gragradedan ko yan bago nyo ibigay sa partner niyo." bilin uli ni Sir Jomar.

"okay sir" sagot ng lahat.

Aayusin ko na nga.

"Umayos ka nga ang likot-likot mo hindi ko makuha yang mata mo hindi ko maidrawing ng maayos."

"Sabihin mo lang na gusto mo tingnan yung mata ko."

"Haha. Oo gusto ko ng tusuktusukin ng bagong tasa kong lapis yang mata mo pag di ka pa umayos. Magsimula ka na nga."

"Oh anong problema sa inyong dalawa? Mr. Miguel bakit hindi ka pa nagsisimula?"

"Sir wala naman po hindi ko po kase maigalaw pa ng maayos itong kanang kamay ko." Pinakita ni Chonggo yung kamay niya na nakabenda pa rin.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now