CHAPTER 12

164 11 5
                                    

Chapter 12

12:00 LUNCH TIME

Naglalakad na ako papunta ng cafeteria ng bigla akong nakarecieve ng isang txt message mula kay......

UNKNOWN : Sabay tayo maglunch. punta ka dito sa may parking area. Sa labas tayo maglunch ibibigay ko na i.d. mo.

ME:  Saan mo nakuha number ko??

UNKNOWN : remember nasaakin i.d. mo malamang merong contact number na nakalagay dun.

Parking Area ??bakit may sasakyan ba siya ??diba nagcocommute lang  din siya dalawang beses ko pa nga siyang nakasabay eh. Sasabay ba akong makipag lunch sa kanya? Kukuhanin ko lang naman yung I.D. ko.

ME: Sige, makikipaglunch ako basta siguraduhin mong ibibigay mo yang I.D. ko.

UNKNOWN: Okay pumunta kana dito

Habang papunta na ako ng parking area natanaw ko na yung lalaking yun sa di kalayuan nakatayo siya malapit sa isang sasakyan. Nang biglang may lumapit na babaeng parang yung kaninang umagang aswang na nakabangga ko. Parang may sinasabi si aswang dun sa onggoy na lalake na yun. Bakit close ba sila??

Anong ginagawa nila ang flirt hhhaa!!

Bakit ano bang pake ko? 

Hay nako hindi naman niya sinabe na may isasama siyang aswang sa lunch.

ME: Sana sinabi mo na may iba ka palang lakad. Kayo nalang maglunch isama mo yang mukhang aswang na yan. Nakakawalang gana kumain.

Umalis na ako at tinahak ko muli ang daan pabalik papuntang cafeteria. Dahil sadyang mapagbiro ang tadhana at sa dami ba naman ng pwedeng makasalubong bakit siya pa.

click the video >>>>>>>>>

"Hi, long time no see." bati  ni Jomar.

Ayaw magsalita ng bibig ko. Ano ba dapat ko sabihin.Long time no see daw eh nagkita lang kami kanina sa klase. Yun nga lang hindi nya ko kinamusta.

"Naglunch ka na ba?" tanong ko.

Wala na ba talaga ko maisip na sasabihin. Ang boba ko rin noh iniiwasan ko nga siya diba. Eh kung hindi pa naglulunch yan at maki sabay pa. Nganga ka na naman.

"Nop, if hindi kapa naglulunch sabay na tayo. Ang tagal natin hindi nagkita hindi mo ba ako na miss?"

"Na miss." bakit ko nasabi yung nasa isip ko baliw talaga. Ayan na nga ba sinasabi ko eh.

"Ilalagay ko lang sana itong mga gamit ko sa office pero mamaya nalang. Tara na." pagkasabi non ay naglakad na siya papunta ng cafeteria. Pero ako parang tuod na nakatayo pa rin sa pwesto ko.

"Uyyy halika na." lumapit siya uli sa akin at hinigit niya ang kanang kamay ko. Uyy hinawakan niya kamay ko. Ang bongga naman.

Nasa loob na kami ng cafeteria. Kakaunti lang ang mga tao sa loob ngayon. Dahil summer class yung iba pang umaga lang ang sched. Naupo na kami malapit sa gawing dulo.

"Ano gusto mo ako nalang oorder?"

Ikaw ang gusto ko. CHAROT. wahahaha

"Kahit ano ikaw nalang din ang pumili."

"Okay."

Ano ba yan hindi na talaga ako nahiya siya pa pinag-order ko. Pano pagnakita siya ng iba. Baka ano pa isipin nila. Pero hindi naman siguro. Hindi ko na rin iisipin ang pagdrodrop sa klase nya para lagi ko siya makikita.

Habang umoorder si Jomar ng pagkain ay vibrate ng vibrate ang cellphone ko sa loob ng aking bag. May nagtxt...

UNKNOWN: san ka?

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now