Not Like In The Movies (COMPL...

LushEricson

90.1K 1.7K 48

May dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapan... Еще

Walang Himalaaa!
Kung Ikaw Ay Isang Panaginip (Wenn Deramas)
Katarungan para kay Ka Dencio!
Sabeeel... This Must Be Loooveee
Bona (Lino Brocka)
Romcom Moments
You're nothing, but a second rate...
Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron!
One More Chance (Cathy Garcia Molina)
Sabeeel... This Must Be Love... 2
Kaya kong Abutin ang Langit (Maryo J. Delos Reyes)
Bona 2 (Lino Brocka)
Kung saan at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan
You're My Boss (Antoinette Jadaone)
Hindi ko kailangan ng tissue, I don't need tissue, don't judge me!
Every Romcom Ending Ever

Romcom Moments

5.2K 98 2
LushEricson


KINAKABAHAN si Beauty dahil bihirang magpatawag si Ate Kim ng meeting pagkatapos ng isang performance night. Sa ngayon ay nahubad na nila na ang mga costumer nila, bakante na ang mga mesa at wala nang buhay ang stage. Nakadulog sa isang mesa si Ate Kim at mukhang malungkot.

"May problema tayo mga anak..." panimula ni Ate Kim.

At sinabi nito ang problema. Talaga raw nalulugi na ang comedy bar. Nababaon na raw sa utang si Ate Kim. Hindi na raw nito kakayanin na araw-araw pa ring mag-show. Sa mga bayarin sa koryente pa lang daw kasi ay wala na itong kinikita. Baka mga three times a week na lang daw sila magkaroon ng palabas. Kung gusto raw nila, puwede na silang lumipat sa ibang comedy bar. Naramdaman ni Beauty na kaya sinabi ni Ate Kim 'yon ay dahil gusto nitong magbawas ng stand-up comedian. Hindi lang nito iyon direktang masabi.

Natahimik ang ilan sa mga kasamahan niya. Umiyak naman si Regal Shocker, iyong pinaka-matandang stand-up comedian sa comedy bar. Nagpupunas na rin ng luha si Valyena. Alam niyang napakalungkot din ng hitsura niya. Naisip agad niya, paano na ang pamilya niya? Lalong magdadamdam ang nanay niya sa kanya.

"Magkakaroon pa rin naman tayo ng performance night bukas..." hindi na niya naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi ni Ate Kim dahil nakuha ang atensyon niya ng tumutunog na cell phone niya. Someone was calling her. Nag-excuse siya sa mga ito at nagtungo sa isang sulok para tingnan kung sino ang tumatawag. Hindi naka-register ang number sa telepeno niya pero sinagot pa rin niya iyon.

"Hello?"

"Hello there."

Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig. The voice was deep, yet playful. As if tuwang-tuwa ang taong 'yon na makausap siya. At kilala niya ang tinig na iyon. Parang tinig iyon ni Gavin. Pero wala raw himala kaya imposibleng ang lalaki ang tumawag sa kanya

"Sino po sila?"

"Gavin Acosta," said the seductive voice.

May himala! muntik na niyang isigaw.

Bigla na siyang nataranta. "P-pa'no mo nalaman ang number ko?"

"Hmm... doon sa papel na ipinasa mo no'ng nag-audition ka. Kinabisado ko ang number mo."

Kinabisado niya ang number ko? Oh my gulay!

"Talaga?" Halata na yatang kinikilig siya dahil sa tinig niya kaya tumikhim siya. "Bakit ka naman napatawag?"

"Well... I don't know how to say this but... do you want a job? Hindi ko maibibigay sa 'yo ang leading lady position kahit anong pilit ko sa direktor kaya ginusto ko na bigyan ka ng ibang trabaho."

"Anong trabaho?"

"To be my personal assistant," enthusiastic na sabi nito. Was she detecting excitement on his voice? O baka ilusyon lang niya 'yon? "Pero hindi naman kita pinipilit. I mean, I'm sure you would want to be an actress, not an assistant. Inalok ko lang para makatulong ako kung may financial crisis kang pinagdadaanan."

Personal assistant? Kung normal sigurong araw, baka tanggihan niya ito. Hindi niya gustong sumunud-sunod sa utos ng kahit sino. But this was Gavin Acosta. Ang lalaki sa mga poster sa kuwarto niya. Ang lalaking gusto niyang pagsilbihan at alagaan.

Kapag naging personal assistant siya nito, siguradong lagi siyang makakasama nito. Lagi siyang nasa tabi nito. Siguradong hindi siya nakakaramdam ng pagod.

Iginala niya ang paningin niya sa walang buhay na comedy bar, kung saan malungkot pa ring nag-uusap ang mga kasamahan niya. Kung hindi na regular ang mga show nila, mas lalong bababa ang kita niya. May mga gamot nang iniinom ang mga magulang niya kaya kailangan niyang palaging makabili ng mga iyon. Kailangan niya ng regular na trabaho. Kailangan niyang maging praktikal.

Doon lang niya na-realize na nagsasalita pala si Gavin. "I'm sorry, Beauty, I didn't mean to insult you..."

"No," putol agad niya rito. "No. Hindi ako nainsulto. Nag-isip lang ako."

"Oh." He laughed. "Sorry for that. Praning lang ako. Gusto ko sanang magkita tayo sa Lunes. Mga eight ng umaga. Para mapag-usapan natin ng pormal ang alok ko sa 'yo. Libre ka ba?"

Ayaw niyang magmukhang eager, pero baka kapag nagpakipot pa siya ay humanap ito ng iba. "Sure," sabi niya. "Puwede ako sa Monday."

"That would be great," sabi nito. "Office ng manager ko ang pupuntahan mo." At sinabi nito ang address kailangan niyang puntahan. Ilang sandali pang nakipag-usap ito sa kanya bago magpaalam. Nang matapos ang tawag, hindi mapuknat ang ngiti niya.

She had to admit, she was looking forward to be his asissitant—or to be with him and get paid for it, to be exact.

NANG mawala na sa kabilang linya si Beauty ay hindi matigil sa pagngiti si Gavin. Mahigit isang minuto na yatang nakapaskil ang ngiting iyon sa mga labi niya. Nagdududa tuloy ang tinging ibinibigay sa kanya ng pinsang si Lolita, na kasama niya kanina sa isang presscon. Ngayon ay nasa van na sila nito at pauwi na.

"You look stupid," hindi nakatiis na sabi nito.

"Wala kang pakialam," sabi niya. Then he started smiling like a mentally ill person again.

"You're creepy," dagdag pa nito.

"Mind your own business."

"You are my business," mataray na sabi nitong nagpatameme sa kanya. "Kung may babae kang kinalolokohan, mag-ingat ka. You're a public property, Gavin."

"It's not a girl," he said.

Kumunot ang noo ni Lolita. "It's a guy then? That's a bigger problem."

"No, of course not," natatawang tanggi niya. "It's a girl. Pero hindi ko siya type in a romantic way. I mean, gusto ko kasi na siya ang kuning personal assistant dahil mukhang masaya siyang kasama. Natakot lang ako na baka mainsulto siya. Pero hindi naman. Pumayag naman siya na pag-usapan ang offer ko."

Tumaas ang kilay nito. "So masaya ka dahil may posibilidad na tanggapin ng babaeng 'yan ang trabahong inaalok mo?"

He nodded energetically, then grinned.

Napailing ang pinsan niya. "I'm right," exasperated na sabi nito. "You really are creepy."

And he just laughed at that.

LUNES. Ito ang araw na pupuntahan ni Beauty si Gavin para pag-usapan ang offer nito sa kanya. Mas excited pa sa kanya ang mga magulang niya. Gumawa pa nga ang nanay niya ng specialty nitong kalamay para ibigay kay Gavin. Paalala pa ng mga ito, kung reasonable naman daw ang sahod, 'wag na raw siyang tumanggi. Malay daw niya, baka dahil naging assistant siya ni Gavin ay ma-discover na talaga siya.

May point, naisip niya.

Kaya alas-otso ng umaga ay papasok na siya sa Juniors, ang ahensyang nagha-handle ng career ni Gavin. Sinabi sa kanya ng receptionist kung saan ang opisina ng manager ni Gavin. Dala-dala ang mabigat na basket na may lamang puto, tinungo niya ang seventh floor at hingal na hingal na kinatok ang pinto.

The door swung open and he was greeted by Gavin's handsome smiling face. Nawala agad ang pagod niya, naamoy pa lang niya ang panlalaking pabango nito.

"H-hi," bati niya.

"Hello there," he greeted back, the tone of his voice was sweet and joyful. Pagkatapos ay tumingin sa basket niya. "Tulungan na kita diyan."

Inabot nito ang basket mula sa kanya kaya nahawakan nito ang kamay niya. Iyon ang unang beses na napadikit siya sa lalaki at tila may nakakakiliting koryenteng dumaloy sa ugat niya, dumeretso sa puso niya. Nawala yata siya sa sarili dahil hindi niya mabitiwan ang basket. Hindi naman ito nagsalita, na parang ayos lang dito kung magtagal mang nakalapat ang kamay nito sa kamay niya.

"Ang lambot ng kamay mo," nakangiting komento nito, kumikislap ang mga mata.

Nagising siya mula sa pagkatulala. "Ah, pasensiya na." Binitiwan niya ang basket.

"Pasok ka," niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto.

Gano'n nga ang ginawa niya. Umupo ito sa sofa na naroon at umupo siya sa single couch sa tapat nito. Ipinatong nito ang basket sa center table. Nakatodo yata ang aircon dahil malamig sa buong opisina.

"Bakit may dala kang basket?" tanong nito.

"Ah, kalamay 'yan. Niluto ng nanay ko para ibigay sa 'yo. Hindi ka gagayumahin no'n 'wag kang mag-alala. Faithful kay tatay 'yon."

Natawa lang ito. "'Akin talaga 'to?"

Tumango siya.

"That's good. Nagugutom na talaga ako."

Kumuha ito ng kalamay sa basket, bale-walang tinanggal iyon sa plastic at kinagatan. Siguro ay nasarapan ito sa kalamay dahil napaungol pa ito. Pati ang ungol nito ay nakaka-akit. Pati na rin iyong paraan ng pag-upo nito, iyong bahagyang magkahiwalay ang mga hita...

"Ang sarap," puno pa ang bibig na sabi nito. "Sabihin mo sa nanay mo, salamat."

Hindi ito tumigil sa pagkain ng kalamay. Hindi ito mahinhin ngumuya, tulad ng ibang artista. He seemed to be really enjoying the treat.

"Matutuwa 'yon kapag nalamang nagustuhan mo ang kalamay niya." Lalo niyang niyakap ang sarili dahil napakalamig talaga sa opisina. "Nasaan ang manager mo?"

"Tulog pa 'yon," sabi nito. "Tulog-grasa 'yon eh. Ako lang talaga ang makikipag-usap sa 'yo." Kumagat ulit ito sa kalamay at tumingin sa kanya na parang binabasa ang isip niya. "Okay lang ba?"

"Okay lang," sagot niya. Pinagkiskis niya ang mga palad niya dahil nilalamig na rin ang mga 'yon.

Napatingin ito sa mga palad niya. "Nilalamig ka ba?"

"Medyo."

"Bakit hindi mo agad sinabi?" natatawang sabi nito. Tumayo ito at lumapit sa mesa na siguro ay sa manager nito. May kinuha itong jacket doon at bumalik sa puwesto nito kanina. Nagulat siya ng iabot nito sa kanya ang jacket. "Pasensiya na. Hindi ko puwedeng hinaan ang aircon. Magagalit ang manager ko kapag dumating siyang hindi malamig ang opisina."

Tinitigan niya ang jacket. "Ipapasuot mo sa 'kin 'yan?"

Hindi ito sumagot. Nakatutok lang sa kanya ang magagandang mga mata nito. Naka-outsretch pa rin sa kanya ang kamay nito na may hawak na jacket.

"Eh, sa 'yo yata 'yan eh," wika pa niya.

Hindi ulit ito sumagot. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin nito sa kanya. Malapit nang dumugo ang ilong niya sa kaguwapuhan nito.

"Bahala ka, ha. Hindi ko tatanggihan 'to." Hindi na siya mahihiya. Ito naman ang nag-alok. Tinanggap niya ang jacket. Pagkatapos ay isinuot niya iyon. All the while, Gavin was watching her. Nang masuot niya iyon ng tuluyan, pakiramdam niya ay yakap yakap siya ng lalaki.

Pagkatapos niyon ay pinag-usapan na nila ang magiging trabaho niya. Ipinaliwanag nito na hindi naman siya nito pipigilan kung gusto pa rin niyang mag-audition para sa isang role, basta sabihan lang daw niya ito. Pinuri pa siya nito, sinabing 'wag niyang itigil ang pangangarap dahil may potensyal siyang maging aktres.

Nang sabihin nito ang sahod niya ay pinigil niya ang mapanganga. Doble pa 'yon sa sinasahod niya sa comedy bar ng isang buong buwan!

"Parang ang laki naman masyado," sabi niya. "Baka mamaya niyan wala na kayong pambayad nang pang-aircon dito." Dinaan niya sa biro ang nararamdamang mangha.

He chuckled, then stopped. Then he just stared at her again. He seemed to like staring at her. "Well, if it's you, think it would be worth it," wika nito na tila may kakaibang emosyon sa tinig.

Binago na nito ang topic dahil halatang naiilang ito na pinag-uusapan ang pera. Gano'n din naman siya. Lalo tuloy siyang humanga sa lalaking ito. Ngayon ay wala na siyang duda na hindi niya papalampasin ang oportunidad na lalo pang mapalapit dito, kasehodang maging assistant siya nito. Kaya nang tanungin nito kung tinatanggap ba niya ang alok nito, isang mataginting na "Oo" ang sagot niya.

His eyes suddenly sparkled like stars.

"Dapat ba kitang tawaging 'sir?" tanong niya maya-maya.

"Kung gusto mo ng sapak," pabirong sagot nito, sumandal sa inuupuang sofa. Sexy. "I would definitely prefer if you would call me Gavin. I mean, gusto rin naman kitang maging kaibigan."

Sangkatutak na kasiyahan ang idinulot nang sinabi nito sa kanya.

"Let's go downstairs," biglang sabi nito. "I'm going to show you my van. Kailangang maging familiar ka doon dahil 'yon ang ginagamit ko kapag out-of-town ang shooting."

Huhubarin sana niya ang jacket na suot niya pero nagsalita uli ito. "Keep it. Malamig din kasi sa lobby."

Bago pa siya makapag-react ay nauna na itong maglakad. Gusto pa rin nitong isuot niya ang jacket nito? That's... sweet. Mukha kasing wala itong pakialam may makakita man sa kanya sa labas na suot ang jacket nito, basta 'wag lang siyang malamigan.

Ngiting-ngiti na sumunod siya rito. She really liked that he wanted her to keep on wearing the jacket. It felt as if he wanted to tell the world that she belonged to him.

Kanya-kanyang pangarap lang 'yan, kinikilig na sabi niya sa sarili. Ang kumontra pangit.

HABANG naglalakad si Beauty sa lobby ay pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakakasalubong niya. Nagbubulungan ang mga ito habang nakatitig sa jacket na suot niya. Parang wala namang pakialam ang kolokoy na si Gavin na bahagyang nauuna sa kanya. Mukhang deretso lang ang tingin nito at hindi nito binibigyangpansin ang mga nakakasalubong nila.

Bilang pang-iinis sa mga intregerang babae ay smug niyang nginitian ang mga ito at bahagya pang inamoy ang jacket, sabay belat sa mga ito. Isang drum ng irap ang natanggap niya. Kulang na lang ay mapahalakhak siya dahil doon.

Hmm... the jacket smelled good. Faint na lang ang perfume ni Gavin na naamoy niya roon. Para siyang nagkaroon ng sariling mundo, nahihipnotismo ng init at amoy ng jacket. Hindi pa siya siguro hihinto kung hindi nagsalita si Gavin.

"Hindi naman mabaho 'di ba?"

Muntik na siyang mapatalon nang marinig niya 'yon. Natigil siya sa paglalakad. Napatingin kay Gavin na huminto na rin pala sa paglalakad at nakaharap na sa kanya. Alanganin ang ngiti na nasa labi nito.

Inay ko! "H-ha?"

"Sabi ko, hindi naman mabaho ang jacket ko 'di ba?" wika nito.

Nakakahiya ka! Panenermon niya sa sarili.

"Ahm, hindi mabaho," wika niya, nag-iinit ang magkabilang pisngi. May lusot pa ba siya? "Mabango nga eh," pag-amin pa niya.

Ang alanganin nitong ngiti ay dahan-dahang naging tunay at matamis. "Whew. That's a relief. Akala ko may naamoy kang unusual sa jacket ko eh. Ayoko pa naman na ma-turn off ka sa 'kin." He flashed an irresistible cute grin. "Let's go."

Naglakad na muli ito at wala sa sariling sumunod siya rito. Mabilis at malakas ang tibok ng kanyang puso. Sinabi ba talaga nito iyon? Pero wala namang ibang kahulugan iyon 'di ba? Kahit naman ang mga kaibigan natin o ang mga bago nating kakilala, ayaw natin na ma-turn-off sa 'tin.

But come to think of it, wala itong sinabi tungkol sa pagsinghot niya sa jacket nito. Ibig bang sabihin niyon, okay lang rito na i-enjoy niya ang pag-amoy sa jacket nito?

Don't jump to conclusions, Beauty. Or you might fall on a deep dark ditch.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Somewhere Between Friends Ate Raine

Любовные романы

471K 2.7K 5
A story of young love among three friends. The Villegas-Falcon-Villaluz 2nd Generation
Jersey Number Nine em

Любовные романы

336K 18K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
South Boys #5: Crazy Stranger Jamille Fumah

Любовные романы

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...