Elysian Tale: Flare of Frost

By goluckycharm

3.1M 156K 47K

Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She... More

Elysian Tale: Flare of Frost
Mensahe
Elysian Tale (TRAILER)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Epilogue
FAQS
Special Chapter
Special Chapter
STORY PROMOTION
ANNOUNCEMENT
Flare Fyche Henessy

Kabanata 19

43.1K 2.1K 523
By goluckycharm

Kabanata 19.

Flare

Pinikit ko ang kanang kamay ko sabay pakawala ng tatlong palaso sa iisang pana. Napangisi ako nang tumama ito eksakto sa gitna ng tatlong target na kaharap ko. Dumukot ako ng anim na palaso sa rack at maingat itong inasinta. Tulad ng nangyari kanina ay tumama na naman ito sa gitna, at sinapawan pa nito ang naunang palaso na nakatarak doon.

Taas noo akong lumabas ng Training Simulator dahil tapos na ang oras sa pagsasanay ko. We only have two to three hours to train per day. Mayroong sampung Training Simulator rito't dalawa roon ay eksklusibong para lang sa mga estudyanteng may dugong bughaw. Isa rin doon ay para sa mga nakapasok sa Hall of Fame at ang pitong natitira ay para sa normal na mga estudyante rito.

Daan-daan kami rito kaya kailangan maaga ka upang mauna kang makapag-ensayo sa iba. Nitong mga nakaraang araw ay wala na ring pasok dahil papalapit na ang monthly examination. We deserve a break, but we need to train on our own. Dalawang araw na lang at magbabago na naman ang ranggo ng bawat isa sa Hierarchy List.

"Good morning, Lady Regent." I just nod at them. Bawat isa sa kanilang nadadaanan ko'y nagsisiyukuan upang galangin ang prisensya ko.

I rolled my eyes. I received a lot of respect when I saved those royalties assess. I used to be someone no one would even pay their attention to,but looks like the table has turned now. From someone infamous and invisible,to someone very famous and respected. How ironic.

Naisipan kong matulog muna kaya dumiretso ako sa Botanical Garden. Isa itong hardin kung saan wala masyadong tumatambay na estudyante dahil sinasabi nilang malas daw ang lugar na 'yon. There are three gardens here in the Institute. The Pavilion Garden, exclusive for the prince and princess. The Chesire Garden, a garden for everyone, and the Botanical Garden, where everyone believed anyone who steps a foot here will run a bad luck.

Pagdating ko roon ay humampas kaagad sa mukha ko ang sariwang hangin. I closed my eyes as I felt it sofly touching my face. This is not a place for bad luck. Kung tutuusin ay tahimik dito't mapayapa. Magandang lugar ito upang magnilay-nilay at matulog.

Inakyat ko ang puno ng isang matayog na kahoy. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, pero ito ay kadalasang tinatawag Cursed Tree. May tatlong kulay ang mga dahon nito. Kulay pula, dilaw,at berde. Habang naghahanap ako ng sangang hihigaan ay dumaan na naman ang hampas ng hangin at sa pagkakataong 'to ay nakita ko kung paano magsilaglagan ang mga layang dahon nito.

Inihiga ko ang katawan ko sa sanga't ginawang unan ang kamay ko. Nakatingala lang ako habang tinatanaw ang langit na siyang tinatakpan ng iba't-ibang kulay ng dahon. Malapit ng magtanghali kaya dapat matirik na ang araw, pero makulimlim lang ito'y tila ba nagtatago lang ito sa makapal na ulap sa langit.

Pinikit ko ang mga mata ko't makakaidlip na sana ako nang may marinig akong isang matinis na boses.

"I'm telling you, Icca! He's the one for me! Na-love at first sight ako!" Nangunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.

"Love at first sight? Akala ko ba hindi mo nakita ang mukha niya?" nagtatakang wika ng babaeng kilalang-kilala ko.

Kailan pa nagkakilala ang dalawang 'to?

"I don't need to see his face! Boses niya pa lang nakakakilig na, paano na lang kaya kapag makita ko mukha niya? Baka malaglag matres ko!" Muntik na ako mawalan ng balanse sa pagkakahiga ko nang marinig ang eksageradang atugal ni Tinashe.

"Talaga? Kyaah! Alam mo ano'ng pangalan niya?" Parang mga tangang nagsapakan silang dalawa sa baba. Itinukod ko ang kaliwang kamay ko't bumangon sabay yuko upang dumungaw sa kanilang dalawa na nakaupo sa damuhan.

"Iyon nga e! Hindi ko nalaman ang pangalan!" nakasimangot nitong wika habang naiinis ma pinagbubunot ang damo. Pagdaan ng ilang segundo, sinaboy niya sa mukha ni Icca ang damo habang sumisigaw-sigaw sa kilig. Halos bugbog sirado na rin si Icca kakahampas niya.

"Pero alam mo ano'ng sabi niya? Sasabihin niya raw ang pangalan niya kung itinadhana raw kami magkita! Wala ng mas nakakabaliw ro'n!" Napangiwi ako. May mas nakakabaliw pa Tinashe dahil ako ang tinutukoy mo. Isang babae na buong akala mo'y lalaki.

"Alam mo kung bet mo talaga siya, tutulungan kitang hanapin siya. Ano ba ang alam mo sa kaniya?" Nagisip-isip naman 'to.

"He's tall and handsome. He smells baby-like, but sexy and hot in other way. He's so skilled in fighting, a Class A Fire Elemental Mage maybe?" She paused for a moment. "Alam mo 'yong pakiramdam na noong niligtas niya ako't hawak-hawak niya ang kamay ko,pakiramdam ko wala na akong ikaliligtas pa bukod sa piling ng lalaking 'to." She looks so dreamy and her eyes are sparkling as she tell her story.

Wala sa sarili akong napasapo ng noo. I really should've told her I'm not a man that night. Looking at her, she's so in love and determined to find that man who's also me. Goodness sake, there's no point to this.

Tinapik-tapik lang siya ni Icca sa balikat. "Tinamaan ka na talaga,kaibigan. Hayaan mo,pagkatapos na pagkatapos ng monthly examination, susuyurin natin ang buong Fire Continent para mahanap ang lalaking nagpapatibok ng puso mo." Umiling-iling na lang ako.

"Ayie! Salamat! Mabuti na lang nakilala kita! Loner kasi ako. Haha!" Nagtawanan silang dalawa kaya bumalik na lang ako mula sa pagkakahiga. Ipinikit ko na lang muli ang mata ko habang nakikinig sa usapan nilang dalawa.

"Loner din naman ako rati sa Blaze Academy, buti na lang nakilala ko si Flare." Now I can almost picture her smiling in my mind.

"Flare? Flare as in, Flare Fyche Henessy? The Institute Regent?" parang gulat na gulat na tanong ni Tinashe.

"Yep. The one and only." natatawang sagot ni Icca.

"Woah! I can't believe it! What was she like? I met her two days ago, and she's really the type to be so calm yet deadly!"

"Flare, she's not the showy type. Maikli ang pasensya niya't magaling siyang magpanggap na walang pakialam kahit ang totoo'y may pakialam siya. She does the opposite of what you expect her to do. She's wise and pretty and hot as her element. What can I say, she's such a gorgeous disaster." Nagtawanan naman silang dalawa't akala talaga nila'y walang nakakarinig sa usapan nilang dalawa.

"I hope she punish those people who are ganging up on her." bulong ni Tinashe.

"Oh? What happened ba?" tanong ni Icca.

"Nakita ko kasi na may papahulog na flower pot sa ulo niya, so I saved her. Muntik na nga tumama sa ulo niya pero sobrang kalma niya lang." kuwento nito. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Icca.

"There are still students who hates her because of who she is, and what she does. Naiinggit sila dahil sa mga prihibileyong natatanggap niya mula sa mga hari at reyna. Hindi nila matanggap na ang babaeng may mababang estado sa buhay ay tinitingala ng lahat kesa sa kanilang may mas mataas na estado sa buhay." mahaba nitong lintaya.

"Oo nga e. The Lady Regent may not take it to heart, but I know she's not cool with it. They should stop treating people base on life statuses. Nag-aalala ako na baka may mas malala pa silang gawin kay Lady Regent." Napangisi ako.

Not a chance, Tinashe. They'll get hurt before they could even touch me.

"Not to mention bigla-bigla na lang nagyaya ng duel si Princess Feleri. Kinakabahan ako sa puweding mangyari kay Flare. She's gaining too much attention anf now even the Fire Princess is against her." halatang kinakabahang wika ni Icca. Paniguradong kinakagat-kagat na niya ang kuko niya ngayon.

I opened my eyes and look at the sky. Speaking of that bratty princess, I can't get a hold of her. The day after she challenged me for a duel, I tried to find her but no one would tell me where she is. Of course they would shut up if they are told not to tell me. Kahit ako ang Institute Regent dito, mas mataas pa rin ang posisyon ng mga prinsipe at prinsesa kesa sa akin.

"Oo nga. Bakit kaya bigla siyang nagyaya ng duel? I even saw her in their Training Room. Seryosong-seryoso talaga siya sa pag-eensayo." Awtomatiko akong napabangon. Tumalon ako pababa't halos mapatalon naman silang dalawa nang makita akong lumapag sa tabi nila.

"F-Flare!"

"L-Lady Regent!"

Halatang gulat ang mga ito sa prisensya ko dahil bukod sa nanlalaki ang mata nila sa gulat, ilang beses lumunok ang mga ito. Marahil ay naisip nilang ang lahat ng pinag-usapan nilang dalawa kanina'y narinig ko lahat.

"Are you sure Princess Feleri is still on the royalty's Training Room?" Dahang-dahang tumango si Tinashe kaya kaagad akong naglakad paalis ng Botanical Garden.

"Flare, wait! What are you gonna do?" Napangisi ako.

Confront what's the deal with that Fire Princess.

Paglisan ko ng Botanical Garden ay kaagad akong nagtungo papunta sa mga nakahilerang Tarining Rooms sa training grounds. Pababa pa lang ako ng hagdan ay kitang-kita ko na ang mga estudyanteng nakapila upang makagamit ng Training Room,ang iba naman ay doon nakapila sa Training Simulators.

When I saw door,I easily concluded it's the private Training Room for the royalties. Nakita kong may iilang estudyante ang umaaligid sa labas nito na para bang may pinapanood na nakakamanghang bagay sa loob.

She's still there.

"Lady Regent, what are you-" wika ng isang lalaking estudyante. Nakaharang ito sa pinto na para bang pinipigilan akong makapasok.

"Step aside." mahinahon kong sabi.

"I'm sorry, Lady Regent but the princess ordered us not to let anyone disturb her." I rolled my eyes. Dalawang lalaki ang nakabantay sa pinto kaya inangat ko ang magkabilang kamay ko upang hatakin sila paalis sa harap ng pinto.

I tried to open the door but it was locked, so I raise my left foot and kick it. Marahas na bumukas ang pinto't tumalsik pa ito sa loob. Nagsinghapan ang mga estudyante sa labas at nagsimula na naman silang magbulungan dahil sa ginawa ko.

"Flare Fyche Henessy, I didn't expect you to come and find me violently." I rolled my eyes. Sinadya kong ipakita 'yon sa kaniya para malaman niyang hindi ako natutuwa sa pinanggagawa niya.

"Do you expect me to find you and kneel in front of you?" I countered sarcastically.

"Oh careful, Lady Regent. A lot of eyes and ears can see and hear us." she playfully said as she twirl the ends of her hair into a curl.

Kinumpas ko ang magkabilang kamay ko. Now we're covered by a magnetic field. No one can hear what we're going to say to each other, and it'll be just between the two of us.

"What's your deal with the duel, Princess Feleri?" she laughed.

"Call me Princess Leri, or just Leri, drop the princess thing," Napakunot ang noo ko. She somehow reminds me of Aerus.

"And oh, I want to have a duel with you." I remained my poker face.

"In what particular reason? We barely even know each other, and I'm pretty sure I have not offended you. Wala akong nakikitang rason para magyaya kang maglaban tayo." She crossed her arms and look at me like she's grasping for some answers.

"Can't I just do it because I want to? I don't need a reason." pagdadahilan niya. I shook my head. Everything has a reason.

Natigilan ako nang may maalala ako. Ang natatandaan ko lang nangyari ng araw na nakatanggap ako mg balita na nagyaya siya ng duelo ay ang araw na nagpanggap akong nireject si Aerus. Napatingin naman ako kay Leri na nagtataka sa panandalian kong pananahimik.

I heard about Leri a lot. Well, read a lot maybe. Nabasa ko lahat ng memorials at letter of apology na sulat niya mula sa nagtambak na box sa loob ng quarters ko. She's the type who always escape every night to have fun in brothels. The latest brothel she went was in Brothel's Eve. Naglalasing siya roon at nakikisaya at nakikisalamuha sa mga kalalakihan.

Hilig niyang paglaruan ang mga lalaki sa palad niya't kung magsawa na siya't makuha na niya ang gusto niya'y itatapon niya lang 'to't iiwanan na para bang walang nangyari. Maraming relasyon ang nasira sa kaniya dahil sa pagiging paasa niya. She believes she can get every man she wants.

"Do you like Aerus?" Natigilan siya sa naging tanong ko. Saglit pa itong nabalisa pero nawala rin kaagad 'yon nang tumawa siya.

"Are you kidding me?" Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil halata ang pagbalata ng kaba sa mga mata niya kahit anong pilit niyang tago rito.

"Sa araw na mismong nagyaya kang makipagduelo sa akin ay ang mismong araw kung kailan kumalat ang balitang nagtapat si Aerus sa akin at hindi ko siya sinagot," I stated and continued, "About me rejecting Aerus Zaito Columbus should not be a big deal to you. Not unless if you liked him, and I step on your pride because I rejected the man who passed your standards?" Natahimik naman siya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang kinakalkula ako.

"Sa dinami-rami ng rason bakit 'yon pa ang naisip mo?" Napakibit-balikat na lang ako.

"That's the only reason I can see. As far as I can remember, we don't know each other nor have a conversation. Besides, you don't have any reason to hate me because you have everything." Napalinga ako sa paligid at napansin kong parami nang parami ang nanonood sa aming dalawa.

Hindi niya man aminin, at hindi niya man sabihin sa akin ay alam kong may gusto siya kay Aerus. The look in her eyes, and her reaction when I mentioned his name was different.

"Para naman kumampante ang loob mo, hindi ko sinagot si Aerus dahil hindi naman talaga siya nagtapat sa akin," Nagbago kaagad ang ekspresyon sa mukha niya. Parang nabunutan siya ng tinik pero bakas pa rin ang pagdadalawang-isip at pagtataka roon.

"I was just teaching him a lesson. Proving him that someday he'll get rejected and his reputation will be ruined. Rest assured, he did not confess his feelings to me." Tinanggal ko ang magnetic field. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.

"No. I don't like him. I just find him a huge challenge because unlike other men, he won't kneel for me." Napangisi ako. Oh sure,they are indeed so much alike.

"Suit yourself, princess." Naramdaman kong may mainit na bagay na papalapit sa akin kaya nilingon ko kaagad siya.

Blades with blazing fire flame are only two meters away from me. Inangat ko ang kaliwang paa ko't sinipa ito pabalik sa kaniya. She was not expecting I could throw it back to her so she almost burnt the sleeve of her uniform.

"I shouldn't let you leave without a fight, right?" Nakangisi niyang wika.

Napatingin ako sa labas at halos kuyugin na kami rito sa loob sa rami ng mga estudyanteng nakikinood at nakikitsismisan sa labas. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya't nakangisi lang siya habang pinaglalaruan na naman ang dulo ng buhok niya.

"Trust me when I say this training room will get wrecked if we were to put up a fight here." sabi ko habang iniikot ang tingin ko sa kalooban ng training room.

It's not my fault if this will get wrecked, burned even. It's not my loss if they won't have a proper room to train for the montly examination. My concern is that, I am the Institute Regent and I should not do anything that could destroy any facilities. I should at least pretend if I care.

"Oh, bummer. I really wanted to have a one on one fight with you. The Lady Regent is indeed bold and strong-willed. I won't doubt that." Nagkibit-balikat na lang ako. Tinalikuran ko na siya, at nang mapatingin ako sa pinto ay nakita ko ang kumpulan ng mga estudyante sa labas.

Pagdako ng tingin ko sa kanila'y pinanatili ko ang walang ekspresyon kong mukha. Napaatras ang mga ito't napayuko nang masalubong ang tingin ko. Paglabas ko'y mabilis silang tumabi sa daan at ni isa sa kanila'y walang lakas na loob na magtanong o mag-ingay man lang.

Habang paakyat ako ng hagdan ay nahagip ng mga mata ko si Frost na pababa. His hair is messy, lose tie on his neck, sleeves folded up to his elbow, paired with his famous poker face.  Napakurap na lang ako nang may tinig akong narinig sa isip ko.

"Shut up. If I found out you are hurt somewhere else, I will kill that bitch twice in more ways than she can imagine."

Mariin kong naipikit ang mata ko. Hindi ko maiwasang maalala ang sinabi niya sa akin ng araw na 'yon. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng pangiginit ng pisngi ko.

What the hell, am I blushing?

"Damn i-" Nagitla na lang ako nang kapusin ako ng hakbang sa hagdan. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang sarili kong pahulog na, subalit ang inaakala kong senaryong pumagulong-gulong na ako pababa'y naalintana dahil sa kamay na nakahawak sa braso ko.

Pag-angat ko ng tingin ko'y nagkasalubong ang mata naming dalawa. When I met his baby blue eyes a memory suddenly flashed in my mind.

Bigla kong naalala ang batang lalaki na naging kaibigan ko pitong taon na ang nakakalipas. He was about to get drowned in the Green Lake that day when I caught his arms to save him. He had the same eyes as Frost.

Napatingin ako sa sitwasyon naming dalawa't naalala ko ang pangyayaring 'yon. The same situation but in different time,place,and position. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko kaya nakagat ko ang labi ko.

This is not right.

Nabalik na lang ako sa realidad nang bitawan niya ang braso ko. Napaatras ako't mabilis kong binalanse ang sarili ko. Napahinga ako nang maluwag nang maitapak ko ang magkabilang paa ko sa isang bahagdan ng hagdan. Akala ko gugulong na ako't magkandabali-bali na ang mga buto ko.

Inis akong humarap upang singhalan ang lalaking 'yon, pero pagharap ko'y wala na siya't nalampasan na niya ako. I look back, only to see his back while his hands are on the pocket of his pants. Umiling ako. That little kid is not him. Palangiti ang batang 'yon at mabait. Hindi 'gaya niya na ngingiti lang kung puputi na ang uwak. Isa pa, hindi naman siya mabait. Antipatiko siya't suplado.

Bago pa siya tuluyang makababa ay humarang na ako sa daan niya. He gave me a bored look. I smiled at him sweetly, hiding the frown in my face. Dapat ay magpasalamat ako dahil nahawakan niya ako sa braso bago pa ako gumulong pababa, pero sana naman pinatayo niya man lang ako ng maayos ano? Hindi 'yong bibitawan niya ako. 

"If you save me in my fall, make sure not to let me go. Don't hold me then let go of me after making me believe I'm safe in your arms." He just stared at me. I stared at him back, but seconds later I turned my back at him and walked passed him.

"If you meet my gaze once again, make sure to remember me." he whispered.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Remember him? Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. May kasalanan ako sa kaniya't may pangako akong kinalimutan?

Could it be that he's...

I shook my head. That's a nada. That kid would never be him. Kung namukhaan niya ako dapat siya mismo ang magpapakilala sa akin. Isa pa, ang layo-layo ng ugali nilang dalawa.

Papunta na ako sa quarters ko nang makabangga ako ng isang lalaki. Marami siyang dalang pinagpatong-patong na aklat kaya nahulog ang mga 'yon. Mukhang hindi niya naman sinasadya kaya tinulungan ko siyang pulutin ang mga 'yon. Napakunot ang noo ko nang may makitang akong kulay itim na envelope na nakaipit sa isa mga aklat na 'yon. I saw a weird symbol in it.

Kukunin ko na nga sana ito pero naunahan niya ako. He hid it inside the book and arranged it in the floor. Napatunghay naman ako sa kaniya. He looks like a normal student. Ang pinagkaiba niya lang sa lahat ay may kulay asul na parrot sa kaliwang balikat niya. Nakatingin din ito sa akin na para bang sinusuri ako.

Matapos niyang ayusin ang mga aklat ay nagtagpo ang paningin naming dalawa. It was just a matter of seconds, but I instantly knew his name just by looking at his eyes.

"What's his name?" Tanong ko sa isang babae habang sinusundan ng tingin ang lalaking nagmamadaling pumasok sa loob ng Silid Aklatan.

"He's Canaan Sparrow." Tumango ako. So that's how his name was pronounced. Keinan.

"What's his deal?" naitanong ko.

"Ah. He has the lowest rank in the Hierarchy List, Lady Regent. A Class C Mage and Type C level of sixth sense. He's mute, and his parrot speaks on his behalf." Well, that intrigued me.

"The lowest rank? For how many years?" Saglit itong natahimik na para bang nag-iisip.

"For five long years. Late bloomer kasi siya.  Kahit ano'ng gawin niyang pagsasanay ay hindi talaga lumalabas ang kapangyarihan niya. Even the Professors are not able to do it." Matapos niya 'yong sabihin ay tumango na lang ako't umalis na.

Pagpasok ko sa loob ng quarters ko'y naalarma ako nang makitang nagkalat sa sahig ang memorials sa mesa ko. Ang mga dokumento ukol sa gaganaping buwanang pagsusulit na nakatago sa loob ng drawer ay nakakalat na sa mesa. The place is all messed up. Parang may hinalukay rito't mag kinuha.

Right at the middle of my desk, there is a folded papyrus paper. May nakatarak pa ritong isang palaso upang hindi ito liparin ng hangin. Binaklas ko ang palaso't tiningnan ito ng mabuti. It was an ordinary arrow, hindi ito mababakasan ng lagkakakilanlan. Pagbukas ko naman ng papel ay bumungad sa akin ang isang sulat kamay na sadyang napakaganda tingnan.

A cursive writing. It's neither a man or a woman's penmanship.

I planted a seed in my enemy's land

As it grows, it became a very strong and and beautiful flower

As strong as it is, exeptional and mysterious, people grew fond of her

Curiosity and confusion leads them to find out the truth

The truth that will never set them free, but the truth that will make them wish they never should've seek for it

She was a flower watered with hatred, lightened by the darkness of her being

Long been waited to be awakened under the red-blue moon of the East Orient

The mess of a gorgeous chaos. The daughter of the Lost Continent's King.

C.E.

Pagkatapos ko itong basahin ay kusa itong nasunog sa mga kamay ko. Napakurap-kurap na lang ako habang pinapanood ang mga abo na lumilipad-lipad sa paligid. I remained silent for a few minutes. I don't know why but I suddenly felt goosebumps.

What was that?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 137 28
Christmas Series Special # 2.19 Disyembre. Ang huling buwan ng taon. Ang huling buwan ng pagsasakripisyo. Ang huling buwan ng kaligayahan. Ang huling...
43.7K 1.7K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
35.4K 1.4K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...