The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #15: Friendship Over

118K 1.9K 296
By kathipuneraaa

"Erica!" alam kong nakasunod siya sa likod pero hindi ako lumilingon. Nope. Ayokong ipakita sa kanya tong mga luha ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit sila tumutulo eh.


"Erica!" isa pang tawag niya. Binilisan ko ang paglalakad dahil nararamdaman kong malapit na siya


"Ano ba?!" naabutan niya na ako. Hinawakan niya ako sa braso pero hindi ko pa din talaga siya tinitignan. Sa ibang direksyon ako nakatingin habang hawak niya pa din ako ng mahigpit


"Saan ka pupunta?" he demanded. Urgency in his voice.


"Wala kang pakiilam!" I jerked


"Bakit hindi mo ako tignan?" tanong niya. Pinakalma ko ang sarili ko. Pasimple kong pinunasan yung mukha ko at huminga ng malalim. Wala lang to di ba, Erica? Napuhing ka lang kaya ka naiyak. Walang ibig sabihin yun.


Nilingon ko na siya. Hindi ko mabasa ang expression niya. "Oh ano?" sabi ko. Neutral as possible


"Bakit ka bigla na lang umalis? At bakit ka umiiyak?"


"Hindi ko alam ang sinasabi mo" pagtanggi ko kaagad. Kinagat ko ang labi ko ng madiin dahil nararamdaman kong maluluha na naman ako. Ngayon na nandito siya at tinatanong sakin ang dahilan ng pag iyak ko, pakiramdam ko nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang hirap na hirap ang kalooban ko. Something inside me is raging. Gusto ko sumigaw. I want to break something. I want something I can destroy.


"Ako pa ba ang lolokohin mo, huh? What is it? Bakit bigla ka na lang umalis? Dahil ba sa hindi ikaw ang hinalikan ko?" medyo mataas ang boses niya. May ilan din na napapatingin samin at napapahinto. Tinignan ko sila ng masama kaya napapaalis. Or maybe ginawa din ni Derick yun at mas nakakatakot siya.


"Hindi ko alam ang sinasabi mo" ulit ko at kumawala sa kanya pero kinuha niya na naman ang braso ko. Idinikit niya pa ang sarili niya sakin kaya sobrang malapit na ang mga mukha namin.


"Wag kang magmaang maangan. Ano bakit ka umiyak? Is it because of the kiss o nahuhulog ka na sakin?" tanong niya na parang hinahamon ako.

Binuksan ko na yung bibig ko para sumagot. Para isigaw sa kanya na nagkakamali siya. Na wala sa dalawa yung dahilan kung bakit ako nag walkout. Pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Kung paano ko ba sasabihin.


"Bakit hindi ka sumagot, Erica? Ano mahal mo na ba ako?" at dahil hindi na ako makawala sa sitwasyon, bigla akong may naisip na alam kong kapag sinabi ko, matatapos na kami.


"Saan ka naman nakakuha ng idea na mahal na kita? Hindi ako nag walk out dahil sa mga sinabi mo. Nakatanggap ako ng text kay Robie. Magkikita kaming dalawa" pagsisinungaling ko. Alam kong hindi tama na gumamit ako ng ibang tao pero wala na talaga akong maisip. Knowing, Derick? God, this is almost the same nung marahas niya kong hinalikan sa isang classroom matapos niya akong makitang nakikipag hangout sa mga boys.

Lumuwag na yung pagkakahawak niya sakin hanggang sa totally wala na. Matagal niya lang akong tinignan. Magkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung gaano katagal.


"Bakit kayo magkikita? Dalawang araw lang akong nawala madami nang nangyari?" hindi makapaniwalang tanong niya and brushed his hair frustratedly gamit ang mga daliri niya.


"So tama nga yung nakarating sakin.." dagdag pa niya at umiling


"Kaya kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Ayokong siyang paghintayin" pagtatapos ko sa usapan at tumalikod na ulit para maglakad palayo. I didnt dare look back. Kahit na alam kong nakasunod siya ng tingin sakin.


"Nakakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo? He's just using you!"


"I dont care! I dont fucking care!"

Now I know how a big liar I am. Naguluhan tuloy ako lalo. May sinigaw siya na pahabol sakin and that caused me na mapahinto sa paglalakad


"Wag kang magsinungaling, Erica! Wag mong itanggi sakin na hindi mo din naramdaman yun!"


"I dont know what you're talking about! Shut up, Derick! Bumalik ka na sa loob. Nakakahiya sa kanila! Pakisabi na lang na kailangan ko na talagang umalis!" I shouted back and started walking again.


"See? Hindi ka masasaktan kung wala kang pakiilam. At hindi ka rin magseselos kung wala kang nararamdaman" sumusunod ata siya sakin. Salamat naman na kahit paano mini maintain niya yung distance samin dalawa. Siguro dahil gusto niya pang humaba ang usapan.


"Im not hurt, either jealous. Walang dahilan, Derick. Wala" mariin na sabi ko. This is not funny anymore. Mukha kaming mga tanga na nagsisigawan sa kalsada.


"Kung totooo ang sinasabi mo, sige sumama ka sakin ngayon at babalik tayo sa loob"


"Di mo ba narinig sinabi ko kanina?! Magkikita nga kami ni Robie!"


"Well, if you'll just leave like this, then iisipin ko na tama ang sinabi ko kanina. That you're jealous at mahal mo na nga ako"

I stopped on my heels para lingunin siya. Now he's smiling naughtily. He got me there and he knows it.


"Bahala ka na sa gusto mong paniwalaan!"


"Hindi ako naniniwala sayo, Erica! Cant you feel it? Cant you fucking feel kung ano yung nararamdaman ko para sayo? Hindi ko alam kung manhid ka ba, nagpapanggap na walang alam or just too heartless!"


"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Please, let me go now" pakiusap ko. Hindi ko talaga alam ang gusto niyang sabihin. Kung yung nararamdaman ko nga hindi ko maintindihan, yung sa kanya pa kaya?


"Tell me just one more lie, babe"


"You want a lie? Okay fine. I love you!" I ran as fast as I can makalayo lang sa kanya. Hindi ko na alam ang dapat gawin o sabihin. Ano ba yung nararamdaman niya para sakin? Why is he like that?

Gustong gusto ko itext si Robie. I want to ask him kung bakit bigla na lang siyang nawala kanina. But Im not in the position na gawin yun. There's something that stopping me. And maybe Im too tired. Yung pag uusap namin ni Derick mas nakakapagod pa kaysa sa paglalaro ko ng volleyball.

Uuwi na lang siguro ako since I have nowhere else to go. Wala naman nang gagawin sa school. And how can I explain yung bigla ko na lang pagkawala? Nakakahiya din kay coach. I didnt even bother to say my thanks for a reason I dont know.

Naalala ko na naman yung paghalik ni Derick kay Angeleen. Alam kong hindi dapat ako maapektuhan pero inunahan ako ng katawan ko. Parang yung utak ko mismo ang nagkusa na diktahan ako na tumayo at umalis.

Shit.


"Ma, nandito na ako" sigaw ko bago ko pa buksan yung pintuan ng bahay. Pagpasok ko napahinto ako sa doorway. Nandito si Annabeth, Stephen at Robie. Nakaupo sa sofa at pare parehong nakatingin sakin.


"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. I just hope it didn't sound rude at all. Nagulat lang talaga ako na nandito sila ngayon. And their faces.. Ugh

Tumayo si Annabeth at lumapit sakin. Buong akala ko yayakap siya pero laking gulat ko nang sampalin niya ako ng malakas.


"Annabeth?!" magkasabay na sigaw ni Robie at Stephen. Hawak hawak ko naman yung pisngi ko. Pakiramdam ko nag iinit yun.

When I looked at my bestfriend, nang uusig ang mga mata niya. And I know she's angry at me. Bihira kong makita na magalit si Annabeth pero alam ko na ganito ang itsura niya pag oo. Ang tanong lang bakit? Bakit niya ako sinampal?


"Ang galing mo din eh noh? Nagpapaligaw ka kay Robie, tapos si Derick ganun din?" she growled that made me flinch.


"Anong pinagsasasabi mo?!" I growled back ng maka recover na ako sa pagkabigla. Nararamdaman ko pa din yung kamay niya sa pisngi ko. Hindi volleyball player si Annabeth pero malakas ang pulso niya.


"Huh? Magmamaang maangan ka pa?! After all the effort na ginawa ni Robie sayo, sisirain lang ng Derick na yun by making a grand entrance na may bitbit pang bulaklak? Anong kalokohan yun ha?"

I tightened my jaw at tinignan yung dalawang lalaki. Hindi sila nakatingin sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis kay Robie. Ano bang sinabi niya sa kaibigan ko para magawa niya akong sampalin? Anong ginawa ni Stephen kay Annabeth at bakit parang nagbabago na ang ugali niya? Lately hindi ko na siya nakakasama. Tapos ngayon pupuntahan niya ako para sampalin? Just wow.

Ayoko man gawin pero ginawa ko na. Hinila ko ang kwelyo ng damit ni Annabeth at kinaladkad siya papunta ng kusina. Nagtataka man ako kung nasaan sila mama, mamaya ko na lang poproblemahin yun.

Pabalya ko siyang binitawan. Ni hindi siya natinag. "Unang una, gusto din kita tanungin. Ano bang pakiilam mo huh?" I gritted between my teeth


"Pinapaasa mo si Robie, Erica!"


"Pinapaasa?! In what way?! Unang una siya ang may gusto na manligaw sakin! And will you be kind to enlighten me kung saang paraan ko siya pinapaasa?!"

Mukhang hindi niya napaghandaan to dahil hindi siya sumagot. Marahas siyang huminga. Then Stephen came.


"Uh I know. Nahahawa ka sa pag uugali nitong boyfriend mo! Di ba siya ang nanira kay Derick sayo?" I said almost sa tono na nang aasar. Mukhang nagtaka naman si Stephen kung paano ko yun nalaman. Well, mukhang wala atang nasabi sa kanya ang magaling kong kaibigan ng sagutan namin sa CR nun.


"Stay him out of this" she pointed angrily.


"Stay Derick out of this too!" I shouted "Para tayong magkapatid, Annabeth. And now you'll just throw everything away because of your boyfriend's bestfriend's caprices! Umalis ka na dito! Kayo! And never come back!" I dismissed at tinuro yung daan pabalik sa sala

Matigas niya akong tinignan. Ng matagal ko ng kaibigan na bigla na lang nawala ng dahil sa walang kwentang dahilan.


"Oo. Aalis talaga ako" she hissed at padabog na umalis. Stephen catched her up at hinawakan siya sa siko.


"Kakaiba ka din, Annabeth noh? Nagka boyfriend ka lang, kinalimutan mo na ang pagkakaibigan natin. And let me tell you this too. Kapag niloko ka at iniwan wag na wag mo akong lalapitan!" pahabol ko pa.

Nagpakalma muna ako gaya ng ginagawa ko noon pagtapos ng away o mainit na diskusyon. Uminom ako ng ilang basong tubig at mahinang sinuntok ang pader ng sunod sunod. Pumunta ako sa sala dahil akala ko wala ng tao pero nandun pa si Robie.


"Anong ginagawa mo dito?" I asked sa mahinahong tono without looking at him.


"Erica, please. Wag mo naman akong idamay sa init ng ulo mo kay Annabeth. Kahit ako nagulat sa ginawa niya"


"Yes, I can see that. Sa sobrang gulat mo ni hindi mo siya nagawang sawayin man lang. Nasa papamahay ko kayo tapos ang lakas ng loob niya gawin sakin yun!"


"Eric-"

"At ikaw naman?! Anong problema mo?! You cry baby, jerk! Ako yung nililigawan mo di ba?! Imbes na nawala ka kanina, sana in approach mo man lang ako!" hindi ko na napigilan ang mga luha ko na naman. Bakit ba parang napaka balimbing ng buhay ko ngayong araw?! Kaninang umaga masaya ako tapos ngayon wala akong ginawa kung di umiyak at sumama ang loob.


"Pinangunahan ako ng selos"


"Selos?! At bakit ka magseselos? Im not even yours!" sigaw ko and that frozen him. Nakita kong nag igting ang bagang niya at bumukas sara ang kamao niya.


"Yes. That's it. You're not even mine" mahinang sabi niya at parang nanghihina.


"Wag mo akong daanin sa mga ganyan, Robie. You want me? You love me? Then make ways to get me! Im not a property of anybody! Kung nililigawan man ako ni Derick, walang problema yun! Dahil kung desidido ka na ligawan ako, hindi ka magpapadaig sa kanya!" I dismissed. Wala naman siyang nasabi kung di tumango at umalis na din.

Noon ko lang din napansin ang mga bulaklak at teddy bear na nasa center table.

So my day went on just like that. Namalengke pala si mama kaya wala siya. Hindi niya ni lock ang bahay dahil nandito naman daw sila Annabeth. In fact, nagtataka nga siya kung bakit wala na sila. Hindi ko na lang kinwento yung pagsampal sakin. I know, masasaktan si mama kung sasabihin ko pa yun. I have known Annabeth since forever. We're like sisters, family. And now she's gone.


"Annabeth, anak kanina pa tumutunog ang cellphone mo. Hindi mo ba sasagutin?" nagbalik ang diwa ko nang magsalita si mama. Natatarantang kinuha ko naman yung phone ko na nasa tabi ko lang.


"Oh bakit?" si Derick


"Did you know that I love you?" bungad niya agad. Ni walang hello


"Shut up"


"Can you.. Be.. My.."


"Hoy lasing ka ba?!" pasigaw na sabi ko dahil parang iba yung boses niya sa pang karaniwan


"Ah.. Hehe.. Di naman.. Medyo lang" nasaan naman kaya ang lalaking to? Mukhang hindi naman bar dahil wala akong naririnig na music. At isa pa, alas otso pa lang. Masyado pang maaga para sa night life.


"Nasaan ka ba huh?"


"Uhm, nandito sa labas ng bahay niyo" automatic na napatayo ako at tumakbo palabas. At ayun nga siya, nakaupo sa gutter. May hawak na malaking teddy bear


"Derickkkk!!!!" malakas na tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at sumenyas na parang binabaril ako. I rolled my eyes. Shit, lasing nga ang loko.

Pinuntahan ko siya agad. Mabuti na lang at di siya masyado napapansin ng mga taong dumadaan.


"Ano ba bakit ka nandyan?! Bakit ka lasing?! At nasaan ang kotse mo?! Ano?! Siraulo ka ba?! Baliw ka ba?! O sadyang gago ka lang talaga?!" kinuha ko yung kamay niya at hinatak siya patayo.


"I love you.. I love you.. I love you.."


"Saka ka mag i love you sa kin pag di ka na lasing! Hinayupak ka!" sagot ko at inakay siya pabalik sa bahay namin



"I love you Manilla Erica Dela Serna!" malakas na sigaw niya. At this time may mga nakapansin na. Yung mga taga dito na nakakakilala sakin napahinto pa para lang ngitian kami.

At si Zeke na kapitbahay namin napalabas. Ugh..


"Ate boyfriend mo po ba yan?"


"Tumigil ka, Zeke!"


"Ugh lasing ba siya?"


"Oo kaya tulungan mo ako!" nagtatakbo naman siya at inakay yung isa pang braso ni Derick at ginaya yung posisyon ko. Siya din yung bumuhat sa malaking teddy bear. Lintek na lalaking to. He's almost half asleep! At grabe pa ang pawis niya nakakadiri

Nagulat naman si mama nang salubungin kami. Siguro nagtaka siya kung bakit bigla na akong nawala samantalang nakupo lang ako kanina sa sofa.


"Santisima! Anong nangyari kay Derick?" nagpapanic na sabi ni mama at bigla na lang naging aligaga. Inayos niya yung sofa at nilagyan ng unan kung saan hiniga naman si Derick. Halos mapadagan pa kami ni Zeke sa kanya.


"Ano ba ang nangyayari dyan sa kaibigan mo, Erica?" tanong na naman ni mama habang sinisipat siya.


"Ayun, lasing" sagot ko sa medyo naiinis na tono. Tama ba naman kasi yung ginawa niya?! Duh, oo maaga pa ang alas otso, pero para sa kanya na wala sa ulirat, masyadong delikado ang oras na to. Paano na lang kung may kumidnap sa kanya? Humold up? And worse, ma rape. We'll never know. Ang mga rapist ngayon halang ang bituka. Kahit sanggol hindi pinapatawad.


"Ano tatayo ka lang? Kumuha ka ng palanggana doon na may malamig na tubig. Tsaka tuwalya na din" utos ni mama. Tumalikod ako at nagmadali nang gawin yung sinabi niya. Nilagyan ko ng yelo yung basin para malamig na malamig talaga.


"Zeke saan niyo siya nakita ng ate mo?" dinig kong tanong ni mama


"Sa may gutter po nakahiga. Sa totoo lang po, kanina ko pa nakikita ang lalaking yan dyan sa labas. Di ko naman alam na kaibigan pala ni ate" napailing ako. Ano naman kaya ang problema ng isang to?

Pinunasan ni mama si Derick. Tulog na siya ngayon and keeps on moaning. May sinasabi siya pero hindi namin maintindihan. Gusto kong hawakan yung mukha niya but I held myself. Hinubad ni mama yung polo niya kaya ngayon naka sando siya na kulay puti. Mabuti naman at nagpalit siya ng damit. Dahil as far as I remember kaning umaga naka all black get up siya.

Nanlaki ang mga mata ko. Muscles. Abs. Gee, pakiramdam ko namumula ako!


"Paano ba to? Paano natin siya mauuwi sa kanila?" nag aalalang tanong ni mama. Nagpaalam na si Zeke na aalis dahil tinatawag na siya ng mama niya. Nagpasalamat na din ako sa pagtulong niya.

Pinagmasdan ko ang natutulog na si Derick. His perfect lips, his strong jaw. At ngayon ko lang din napansin yung itim na marka sa bandang collar bone niya. Binaba ko ng onti yung sando niya para makita kung ano yun. Tattoo. Kahit hindi ko alam ang ibig sabihin, alam kong alibata yun dahil familiar ako.


"Wag mong pagnasahan ang lasing. Nakakahiya ka, di kita pinalaki nang ganyan" napapitlag ako sa sinabi ni mama. Ano?!


"Mama grabe ganyan ba tingin mo sakin?" depensa ko agad. Mabuti na lang wala na si Zeke. Kahit bata yun nakakahiya pa din.


"Eh kung makatingin ka kasi eh! Tapos halos hubaran mo na siya!"


"Stop, mother! Stoooppp!" sabi ko. Super irritated at tinakpan na ang magkabilang tenga ko.


"Oh paano? Iuuwi ba natin siya?" thank you at napalitan na ang topic

Inisip ko na magandang idea kung iuuwi siya sa kanila. Doon mas komportable. Doon malambot ang kama at higit sa lahat maaasikaso siya ng maigi. Pero sa tingin ko hindi magandang gawin yun. With him this way, alam kong hindi to magugustuhan ng magulang niya kapag nagkataon na makita siya sa ganitong state.


"Nope, ma. Dito na lang muna siya satin. Gigisingin ko na lang ng maaga para makauwi sa kanila" mariin na sabi ko.


"Sigurado ka ba? Naku, baka hanapin yan siya ni Don Manuel" nag aalalang sagot ni mama at sininop na yung mga ginamit namin


"Maniwala ka sakin, ma. Mas makakabuti na nandito muna siya" pilit ko. Hindi naman na nagsalita si mama. Kilala naman niya ako. Alam niyang may dahilan ako kapag ganitong seryoso na ako.


"Sige. Kumuha ka ng unan at kumot tapos dito ka na muna matulog. Bantayan mo si Derick, at baka sumuka"


"Opo"


"Wag mo na abangan ang papa mo ha? Gagabihin daw siya kaya ako naman matutulog na. Masakit ang ulo ko anak" nag alala ako bigla nang parang mag iba ang mukha ni mama. Parang may masakit sa kanya pero hindi naman siya nagsasalita


"Okay ka lang ba, ma?" tanong ko at hinawakan ang magkabilang balikat niya.


"Oo pagod lang. Sige na papanhik na ako" tumalikod na si mama at umakyat. Sumunod ako para kumuha ng mga unan at kumot. Pagbalik ko hindi pa din nagbabago ang ayos ni Derick kung paano siya kanina. Malalim na ang tulog niya. Pinatungan ko siya ng kumot and kissed his forehead.

Inayos ko na din yung hihigaan ko na isa pang sofa. In evaluate ko sa utak ko yung mga nangyari sakin ngayong araw

"Wag kang magmaang maangan. Ano bakit ka umiyak? Is it because of the kiss o nahuhulog ka na sakin?"

"Hindi ako naniniwala sayo, Erica! Cant you feel it? Cant you fucking feel kung ano yung nararamdaman ko para sayo? Hindi ko alam kung manhid ka ba, nagpapanggap na walang alam or just too heartless!"

"Ang galing mo din eh noh? Nagpapaligaw ka kay Robie, tapos si Derick ganun din?"

"Yes. That's it. You're not even mine"

Napailing na lang ako. Seems my life is a big joke right now. Yung tahimik na buhay ko biglang naging maingay. At kung kailan gagraduate na ako saka pa nangyari ang mga to.

Pinikit ko na ang mga mata ko and tried to get a sleep. It was almost successful then a voice startled me.

"Sabi ni coach halikan ko daw yung pinakamagandang babae kaya hindi ikaw ang hinalikan ko. Kung sinabi niya sana na halikan ko ang pinakamamahal ko, then probaby I wont stop doing it to you"

Continue Reading

You'll Also Like

263K 18K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
38K 359 155
She values love and Family, While he values the business. She was fixed to marry him for the sake of the Business legacy. He doesn't want to get marr...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.8M 44.8K 58
[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed...