EROTIC VAMPIRE

By malisyocious

92.2K 1.2K 171

√ Mayaman √ Gwapo √ Matangkad √ 6 Pandesals √ Green eyes √ Pinky and soft lips These are the qualities of Sir... More

[ CHAPTER 1 ]
(A/N)
[ CHAPTER 2 ]
[ CHAPTER 3 ]
[ CHAPTER 4 ]
[ CHAPTER 5 ]
[ CHAPTER 6 ]
[ CHAPTER 7 ]
[ CHAPTER 8 ]
[ CHAPTER 9 ]
[ CHAPTER 10 ]
[ CHAPTER 11 ]
[ CHAPTER 12 ]
[ CHARACTERS ]
[ CHAPTER 13 ]
[ CHAPTER 14 ]
[ CHAPTER 15 ]
[ CHAPTER 16 ]
[ CHAPTER 17 ]
[ CHAPTER 18 ]
[ CHAPTER 19 ]
[ CHAPTER 20 ]
[ CHAPTER 21 ]
( A/ N )
[ CHAPTER 22 ]
[ CHATPER 23 ]
[ CHAPTER 24 ]
[ CHAPTER 25 ]
[ CHAPTER 26 ]
[ CHAPTER 27 ]
[ CHAPTER 28 ]
[ CHAPTER 29 ]
[ CHAPTER 30 ]
[ CHAPTER 32 ]
[ CHAPTER 33 ]
(A/N)
[ CHAPTER 34 ]
(A/N)
[ CHAPTER 35 ]

[ CHAPTER 31 ]

1.1K 8 0
By malisyocious


[ZELLE's POV]


Napakadilim....wala man lang akong maaninag na kahit ano....tila ito na ang sinasabi nilang kadiliman...ngunit bakit sobrang dilim naman dito? hindi katulad sa daan na kapag walang ilaw ay naaninag mo pa din ang iyong daraanan.


Ngunit kahit na ganoon kadilim ay wala namang ganong nakamamatay na amoy...bagkus ay amos bulaklak ang kwartong ito.....amoy ng sariwang bulaklak ngunit hindi ko tiyak kung anong bulaklak ito.


Noon ko lamang naramdaman na ako ay parang nakatali sa isang upuan....hindi naman ganoon ang kabigatan kaya't tiyak na hindi itong kadena....at higit pa doon ay hindi naman ganoong kahigpitan na parang idudulot niyo ay tangin sakit at sugat lamang , mukhang mabait naman ang taong nagdala sa akin dito....


What!!!!! Anoo? Nasaan ako ? 


Noong lamang ako nagwala at pinilit na mawala mula sa pagkakatali ko dito sa upuan na may malambot namang upuan.


Ngunit kahit anong pagpupumiglas ko ay wala pa ding nangyayari...hindi nga masyadong mahigpit ang pagkakatali sakin ngunit bakit ganon?....hindi ko pa din magawang makawala.


Ayoko namang mangapa sa dilim at hindi ko alam kung sa bawat hakbang ko ay baka may panganib na kaharap...hindi ko nga alam na baka may kasama na akong leon dito at binabalak balak na akong kainin.


Maya't maya pa ay nakarinig ako ng parang pagbukas ng isang pintuan...at tunog ng mga lakad ng hindi lang isang tao...hindi ko tiyak kung tatlo o dalawa silang naglalakad papalapit sa akin....ngunit isa lang ang nasisiguro ko...gulo ang kanilang hatid.


Mukhang nasa likod ko silang dalawa...at maya maya muli ay nagpatuloy lamang silang maglakad...at nararamdaman ko ang presensya nilang dalawa o tatlo sa aking harapan....


Ngunit kahit ano ay wala talaga akong makita....


Nagulat ako ng may apat na bilog na may kulay ang lumutang sa ere....


Ganon na lamang ang gulat ko ng lumabas ang dalawang berde na kulay ng bola at dalawa ring asul na bola na.....noong ko lamang napagtanto na mata ng dalawang tao na nasa harapan ko...


Ngunit hindi ko maialis ang aking titig sa kanilang mga mata...tila nakahihipnotismo ito....noon ko lang rin napagtanto na mga mata pala ang apat na bolang lumutang lutang iyon...nalaman ko lamang yoon ng parang nawawala ang makukulay na liwanag na bolang iyon at babalik...iyon ay ang pagdilat at muling pagpikit ng kanilang mga mata.


Asyujheswipeyoooo


Malalim na boses na bigkas ng isa...tila lalaki ang isa doon sa dalawang yon.


Ganun lamang ang gulat ko ng biglang nagliwanag ang paligid....


Ganun na lang din ang aking pagkagulat ng nakita ang aking mga nasa harap....


Isang lalaki na may blonde na buhok ay may asul na mata.. na nababalot ng kayumangging kulay ng karaniwang suot ng mga estranghero...yung mga sinusuot ng mga nakatatakot na hudyo...balot na balot sila ng kayumangging telang kanilang sinusuot at ang tangin makikita mo na lamang sa kanila ay ang kanilang mga leeg pataas sa kanilang mga ulo.


Katulad lamang ng lalaki ang babaeng kaniyang katabi....blonde din ang buhok nito ay mayroon din siyang kaputian....maganda ang kanilang kutis na tila alagang alaga....ang kulay naman ng mata ng babae ay berde...matatangos ang kanilang mga ilong..mamula mula ang kanilang mga labi..mahahaba ang pilik mata at magandang kilay.


Masasabi kong may lahi ang dalawang nilalang na nasa harapan ko...hitsura pa lamang ay nakatitiyak na galing sila sa isang marangal at siguradong dugong bughaw na pamilya.


Walang emosyong mababakas sa kanilang mata...


Noon ko lamang naalala ang salitang binigkas nila kanina..wala akong naintindihan yon at tila wala naman itong kagayang ibang lenggwahe na tutugma sa ibang bansa..o lugar.


"Sino kayo?" kalmadong tanong ko dahil wala naman silang masamang ginagawa sa akin.


Wala man lang kumibo at nagpatuloy lamang sila sa pagdilat at maya maya'y muling pagpikit.


"Sino kayo?" inulit kong muli baka sakaling hindi lamang ako nila naiintindihan.


Wala pa din akong nakatamnan na sagot mula sa kanila...ngunit hindi iyon naging dahilan para tigilan ko ang ginagawa ko...muli ko silang tatanungin...


"Sino kayo?...." muli kong pagtatanong....


Nakita ko lamang na pinagmamasdan lamang nila ako mula ulo hanggang paa....at babalik muli sa ulo at muling bababa...obserbasyon....


"Kami ang Council.." maiksi ngunit nakapagtataka nilang banggit.


"Council?... pero wala naman akong naalalang na may nagawa akong kilos na labag sa batas...wala naman akong napapatay.." agad kong pagsagot.


"Mukhang wala ka pang alam" agad na banggit ng lalaki na nasa harapan ko.


"Wala talaga akong alam...at wala akong malalaman kung hindi kayo magsasalita." kalmado kong sabi...


"Nasaan sila?..." unang banggit ng babaeng nasa harapan ko..naiinis ako dahil hindi naman niya sinagot ang mga tanong na isinambit ko.


"Ako ang unang nagtanong...at sasagutin mo ito ng isa pang tanong..." pagsasalaysay ko.


"Nasaan sila?..sagutin mo ako" walang emosyong banggit ng babaeng muling nasa harap ko.


"Sino nga muna kayo....." tanong kong muli.


"Kami nga ang council..." agad na sagot ng lalaki.


"Oo nga kayo nga ang council ngunit sino kayo? anong pangalan niyo? saang bansa kayo nagmula?" wala pa ding mga emosyon na mababakas sa kanilang mukha kahit sa mga nabanggit kong mga katanungan.


"Hindi mo na kailangang malaman ang aming mga pangalan...ang kailangan namin ay ang iyong mga sagot..." sagot nung babae.


"Madali naman akong kausap...sagutin niyo lamang ang aking mga katanungan.." huling mga salitang lumabas sa aking bibig...bago magbago ang paligid......


----------

[MARTINA's POV]


Naiinis ako kay Zelle....dahil sa kaniya magbubuwis ng buhay si Calix?....dahil sa kaniya mawawalay sakin si Calix ko?....


Hayssssss


"Austin? Pigilan mo naman si Calix.....sige na please...." pagmamakaawa ko.


Nasa itaas sina Calix at Kahlil dahil naghahanda sa mga gagamitin.


Isa pa tong si Kahlil na nagpapakabaliw dahil sa Zelle na yon...sino ba yung Zelle na yon? para magkaganoon silang lahat?...oo nga magada siya pero hindi ko siya gusto....may naamoy akong kakaiba sa kaniya...


"Pinal na ang desisyon ng dalawang iyon...wala ka naman ng magagawa pa...kung hindi ang mag ingat habang wala kaming tatlo...." sagot niya..


"Anong maiiwan? sasama ako sa inyo..." sambit ko naman.


"Wag kang makulit hindi ka nga pwedeng sumama..mapanganib doon...sa mundo ng mga bampira..hindi natin alam na baka nagkalat na ang council at iba pang mga kapanalig ng mga kaharian." muli niyang pagsagot 


"Hindi pwede...hindi ako papayag...kung kailangang kong pumatay para makasama sa kaniya...gagawin ko....hindi ko na siya papakawalan pa...." agad kong pagtatanggol.


"Alam nating lahat na mahal mo siya..pero kailangan din naming iligtas si Zelle...lalo na ng malaman ko na dati na palang kaibigan yon....at parang kaibigan ko na din siya..." pagtatanggol niya sa sagot niya.


"Kaibigan lang ba?" napalaki ang kaniyang mata...ngunit sumagot naman agad.


"Ah-..a..o-o...kai-bigan lang....ano ka ba Martina" agad niyang sagot ngunit uutal utal.


"Talaga ba? Maniniwala na ba ako?...kakaiba din naman ang mga tingin mo sa kaniya...nakikita ko..pwede naman nating tong pagusapan...." agad kong pagsabi.


"Tutal napagalaman ko din naman na magkakilala sila dati palang ay baka...may relasyon sila dati palang...kailangan kong masigurado....papayag ka ba sa mga plano ko..?" sambit ko.


"Anong plano Martina?.....Basta wag kang sumama...." wika niya.


"Walang makakapigil sakin...magkakapatayan dito..isama niyo ako!!..." agad kong pasigaw na sabi.


"Sinong magpapatayan?...." agad na sagot ng isang boses....


Si Calix ko....


"Ahh wala...." agad na sagot ko...


"Nagpupumilit kasing sumama itong si Martina..." agad na sagot niya.


"Napagusapan na natin ito mahal.." agad na malambing niyang sabi.


"Oo..at pumayag ba ako?...." sagot ko agad.


"Huwag ng makulit mahal...." paglalambing niyang ulit.


"Sige umalis na nga kayo...may magagawa ba ako?...." agad na sumaya ang kaniyang mukha na lulungkot lungkot na...


"Maraming salamat mahal..." agad ko din naman siyang nilapitan ay niyakap....humalik sa kaniyang malambot at mapula niyang labi..


Maya maya pa ay lumayo na siya at nagaya ng umalis...marahil nagmamadali na sila.



May plano din naman ako.......


To be continue....


-NeytNateNath









Continue Reading

You'll Also Like

2M 69.5K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
8.5M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
4.8M 139K 66
"Another school year starts in Sinclaire Academy, do you dare to enter again?" - I suggest you read Sinclaire Academy before reading this. Just so yo...
14.3M 623K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...