Kassandra's Chant (COMPLETED)

By SkyFlake_Morales

88.2K 2.1K 119

NAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya... More

Prologue
Chapter 1 (A new beginning)
Chapter 2 (The Vergara brothers)
Chapter 3 (A simple smile)
Chapter 4 (Lucas)
Chapter 5 (Sta. Louise Bay)
Chapter 6 (True intentions)
Chapter 7 (Vergara mansions)
Chapter 8 (Isla El Mare)
Chapter 9 (Invitations)
Chapter 10 (The Banquet)
Chapter 11 (The rebel knight)
Chapter 12 (Answered Prayers)
Chapter 13 (Fate reveals itself)
Chapter 14 (The gift)
Chapter 15 (Discreet)
Chapter 16 (Voyage of El Mirasol)
Chapter 17 (Isla del Juego)
Chapter 18 (The white tower)
Chapter 19 (Unravel)
Chapter 20 (The fall)
Chapter 21 (The heiress)
Chapter 22 (El Santillian Manor)
Chapter 24 (Escape)
Chapter 25 (A friendly date)
Chapter 26 (Chivalrous knight)
Chapter 27 (The last chance)
Chapter 28 (Betrayal of trust)
Chapter 29 (Valiant and brave)
Chapter 30 (Tangled hearts)
Chapter 31 (Masquerade)
Epilogue (Lost in translation- Finale)

Chapter 23 (The red room)

2.1K 58 0
By SkyFlake_Morales

           SINIGURO ni Grisham na maaalalayan yung matanda sa pag-akyat ng hagdaan, nasa pinaka mataas na palapag sila ng mansyon at kasama nitong tumutulong si Kassandra. Isang maliwanag na hall ang bumungad sa kanila at sa dulo nito ay natatanaw nila ang isang pulang pinto. Marahan silang naglakad sa pasilyong nalalatagan ng abuhing carpet.

         Hindi niya mawari ang nararamdamang kaba lalo't alam niyang sa ilang hakbang pa'y makakadaupang palad na nito ang kanyang ama. Subalit may mga katanungan na namumuo sa kanyang isipan. Bakit gayun na lang ang nababanaag niyang pagkabahala ng kanyang lolo? Simula ng ungkatin niya ang katauhan ng kanyang ama ay tila ba iwas itong ikuwento ang lahat. Muli niyang sinulyapan si don Arseo habang humahakbang sila papalapit sa pulang pinto. Bakas ang hindi maipintang kalungkutan sa pagmumukha nito.

         Nang makalapit sa pintuan ay napansin niya ang puting markang simbolo sa harapan. Nalaman n'yang yari sa pilak ang bawat linyang bumubuo sa simbolong iyon. Ilang malalalim na hininga ang inilabas ng chairman, matapos ay nagpahiwatig na ito kay Grisham na kaya na nitong maglakad.

       “Kaya ko na, hija, salamat.” Sabi nito sa dalagang tila ayaw pang bumitiw sa braso.

        Pinagmasdan naman nito ang kanyang apo. Nakikita ng matanda na sabik na ito sa mga posibleng maganap sa loob ng kuwarto.

         Makailang beses niyang inayos ang kanyang buhok. Sana man lang ay nakapagsuot s'ya ng maayos-ayos na damit bago harapin ang kanyang ama. Natutulog ba 'to? May ginagawa bang trabaho sa opisina kung kaya’t hindi nito namalayan yung pagdating niya o baka naman may balak lang itong sopresahin siya? Ganun na lang ang kanyang kasabikan sa mga maaaring mangyayari sa loob. Walang kaalam- alam si Kassandra sa masalimuot na katotohanang malalaman niya.

        “Sa likod ng pintong ito, naroon ang iyong ama ngunit huwag kang mabibigla sa makikita mo,” panandaliang natigilan ang matanda, isang malalim na buntong-hininga ang lumabas sa kanyang bibig. “Huwag mo sanang isiping pinabayaan ka niya. Kung nalaman lang niya ng mas maaga, disin sana’y kapiling mo siya ngayon ngunit apo, kasalanan ko--- kasalanan ko kung bakit siya nagkaganyan.” Tuluyan itong natahimik ng makaramdam ng tensyon sa kanyang pananalita.

       Nabigla si Kassandra sa sinabi ng kanyang lolo ngunit sadyang hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig nito. Tila mas lalo s'yang kinabahan sa mga mangyayari sa loob. Muli niyang hinarap yung pinto, dahan-dahang hinawakan ang doorknob at pinihit ito upang buksan.

        Ilang maliliit na hakbang ang kanyang ginawa upang makapasok sa kuwartong may kadiliman. Buong pananabik niyang hinintay ang pagkakataong ito dahil sa wakas ay makikita na rin niya ang amang ni minsan ma'y hindi niya nakilala. Patuloy ang mabagal niyang hakbang hanggang sa masilayan nito ang mga aparatong lumilikha ng kakaibang tunog. May nakikita s'yang tila pasyenteng nakahiga sa isang kamang pang-ospital. Nakayapos ang makapal na kumot sa katawan nito. Maayos itong nakaratay at mahimbing na natutulog. May kung ano pang mga nakakabit sa kanya. Isang breathing apparatus, ilang malilit na kableng nakadikit sa kanyang dibdib. Maririnig ang bawat pitik ng makina sa bawat pintig ng kanyang pulso. Kapuna-puna ang kapayatan nito ngunit nababanaag pa rin ang guwapo nitong pagmumukha.

        Hindi ito ang inasahan niya.

       Ilang mga maliliit na hakbang pa ang kanyang ginawa upang lapitan ang pasyente. Nanginginig siyang tumigil sa tabi ng kama nito. Ni hindi n'ya man lang magawang makapagsalita sa labis na pighati sa nasasaksihang kalagayan ng kanyang ama.

       Anong nangyari sa kanyang ama?

       Naluluha siyang lumingon sa matandang pumasok din sa loob. Nakita naman ng matanda ang nanlulumong imahe ni Kassandra. Maging ito’y pinanghihinaan din ng loob. Bakit gayun na lang ang pagkakataong ipinagkait ng tadhana sa mag- ama.

       "A-ano po ang nangyari sa k-kanya?" Mautal-utal niyang hikbi ng hindi na makayanan ang kalunos- lunos nitong kalagayan. Dumanak ang mga luhang pumatak muli sa kanyang mata.

       "Comatose ang iyong ama, matindi ang head trauma na natamo niya mula sa aksidente. Magta- tatlong taon na rin mula ng ma-car accident siya, hija. Nais sana niyang makipagkita sa iyong ina nuong mga panahong iyon ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran. Kasalanan ko apo dahil kung hindi ko sana siya pinasundan noon baka… Argh!” Nanginginig nitong sambit sa tumatangis na apo, sandaling nakadama ito ng biglaang paninikip ng dibdib. Madali nitong hinimas ang dibdib upang pakalmahin ang sarili.

      “Chairman!” Umalalay agad si Grisham.

      “Lolo tama na po,” tarantang pagmamadali naman ni Kassandra upang lapitan ito.

       “Hayaan mo kong sabihin sa kanya ang lahat,” agad na putol naman ng chairman, hinawi nito si Grisham.

        Gusto na ng chairman na ipagtapat na sa kanya ang lahat.

       “Dahil sa kasakiman ko kung bakit siya naghihirap ng ganito, Kassandra. Nang dahil sa akin, muntikan ka ng mawalan ng ama. Patawarin mo ako apo, Patawarin mo ako!” Nanghihinang lumuhod ito sa kanyang harapan ngunit bago pa man tuluyang sumayad ang kanyang tuhod ay agad itong naagapan ng dalaga.

       "Tama na po... Hindi n'yo po kailangang lumuhod. Wala naman pong may gusto nito... Lolo." Naiiyak na sambit ni Kassandra.

       Titig sa kanya ang luhaang mata ng matanda. Kahit papaano pala'y mapapatawad siya ng apo. Hindi nagkulang si Sandra sa pagpapalaki sa kanya dahil nakikita nitong mabuti ang puso niya.

       Suminghot si Kassandra.

       "Ang importante po magkakasama na tayo. Gawin nalang po natin ang lahat upang maalagaan si papa." Pinilit n'yang magpakatatag ngunit ilang pahid na rin ang ginawa niya upang pawiin ang luhaang mata.

       Huminga siya ng malalim upang lapitan muli ang ama. Punasan man niya ng makailang ulit ang pisngi ay sadyang lumuluha pa rin ito. Kahabag-habag ang sitwasyon ng kanyang ama. Mula sa tubong nakakabit sa bibig at ilang apparatus na bukod tanging bumubuhay na lang sa kanya. Hinawi niya ng palad ang buhok ni Ruphert. Dama niya ang init ng nuo nito.

      "Tama po si Mama, guwapo ka raw po kayo!" Nakangiting suminghot siya. Lumuhod si Kassandra sa tabi nito at hinigpitan ang pagkapit sa palad ni Ruphert. Inilapit ito sa kanyang labi upang bigyan ng isang halik. "Nandito na ako papa, aalagaan na kita. H-hindi na tayo maghihiwalay pa." Napapikit ito ng muling tumulo ang laksa laksang luha niya sa mata.

       "Sa ngayon, your father is stable. Matagal nang gumaling ang mga sugat niya. Hindi nga lang maipaliwanag ng mga doktor kung bakit hindi pa siya gumigising pero hindi kami nawawalan ng pag-asa, lady Kassandra. Lalo't nandito ka na alam kong magigising na s'ya." Paliwanag naman ni Grisham, nais nitong bawasan man lang ang hinagpis ng dalaga.

       Muling gumuhit ang ngiti ni Kassandra, malamlam man ang kanyang mga mata ngunit may namumuong pag-asa sa kanya. Bubuti rin ang lagay ng kanyang papa lalo na't kapiling na n'ya ito ngayon.

-----

       LUTANG ang isipan ni Nathaniel, sumagi kasi sa isip nito ang mga nangyari sa isla. Nakasandal lang s'ya sa isang soft cushion sofa sa lounge area, kasama yung dalawa sa matatalik niyang kaibigan. 

      "Hey bro! Are you with us?" Tanong ni Clifford sa tulalang kaibigan.

       "May problema ba Nathaniel? Mukhang malalim yata yung iniisip mo." Dagdag pa ni Margaux.

       Pinagmasdan siya nito na parang may napapansin na gumugulo sa binata. Saglit nitong ibinaba yung tonic drink sa glass centertable at itinuon na yung atensyon sa binata. Kaagad na lumingon naman si Clifford kay Margaux nang mapansing dumaan lang sa kaibigan yung tanong nito kanina.

       Nainis si Margaux kaya sinipa nito sa ilalim yung binti ni Nathaniel.

       "AHH! Narinig ko okay! Do you really have to hit me?" Gulat na reaksiyon niya, sabay pa sa paghimas sa kanyang binti.

      "Your mind is flying else where? Is there something bothering you?" Diktang tanong na nito at nagsimula namang maintriga si Clifford sa biglaang pananahimik ng kaibigan.

       Nathaniel gazed on her, just barely to imply that he's with them. Napainom ito ng beer at pumait ang mukha dahil hindi na ito malamig. Matagal na s'yang kilala ni Margaux, ganito talaga ito kapag may iniisip na problema. Lalo na sa mga bagay na hindi sunod sa mga plano n'ya. Eventually, he would think twice or thrice of a better plan just to make things work.

       "He'll be fine!" Titig nitong sabi sa katapat, kung tama ang kutob ni Margaux, malamang ay kapatid nito ang iniisip niya.

       Bigla kasing parang nag-bago si Lucas nitong mga nakaraang araw matapos ang bakasyon nila sa Isla marahil dahil sa mga nangyari kay Kassandra kung kaya't ganun na lamang ang pagkainis nito sa sitwasyon. Parang may namumuong tensyon tuloy sa dalawa, kung di dahil sa mga ginawa ni Nathaniel ay sa malamang na inabot pa ng siyam-siyam si Lucas sa pagsagip sa dalaga.

       "I know... I know... She'll be fine." He stretched his legs. Sumandal yung ulo sa headboard.

       She? Tama ba ang pagkakarinig ni Margaux? Is he refering to someone else? Biglang kumunot ang nuo nito. Nagkamali ba ito ng dinig sa sinabi niya kanina? My gosh! Si Kassandra ba yung tinutukoy nito?

       "I don’t get it!" Umiling-iling nalang si Clifford, matapos marinig ang small talk ng dalawa, ganyan naman sila parati may mga bagay na napag-uusapan na silang dalawa lang ang nakakaintindi.

       Agad ibinaling nito yung atensyon kay Margaux. Kanina pa hinihiritan ito ni Clifford, nagbabakasakali kasi itong susuwertehin s'ya ngayong gabi.

-----

        He just can’t stop thinking about her; Nathaniel's thought is going in circles. Parang unti-unting dinadalaw s'ya ng mga alaala nila sa lighthouse. Napaka-weird para sa kanya na maya't maya ay sumasagi sa isipan ang dalaga. Sa lahat naman kasi ng babaeng nakilala niya bakit sa kanya pa siya nagkainteres? Tumigil ito upang mag-isip ng pangalang ibabansag sa kanya. Something unique yet typical! Ganun naman yung tipo ni Kassandra. Then suddenly it hit him. Nang maalala ang negosyo ng pamilya nito.

       Isa kang maliit na galunggong!  At bungisngis pa ito.

      "Oh 'no! He's laughing. Kinakabahan na talaga ako, Margaux." Puna naman ni Clifford nang marinig nito yung pagtawa niya. Naputol tuloy ang pambobola nito kay Margaux. Napatanong uli ito sa katabi.

      "Are you sure, he's okay?"

      Bumuntong-hininga nalang si Margaux habang tinitigan nito si Nathaniel. Inangat nito yung baso ng tonic drink upang saidin yung alak.

-----

       DINIG ang umaalingawngaw na ugong sa bawat pader ng mga gusali. Dalawang motorbike ang nagigitgitan sa race track. While shifting his gears, Lucas was in full concentration just to get off his opponents back. Kailangan niyang maunahan ito bago pa man maubusan siya ng corner turns. Matiyaga siyang nag-abang ng bukana at kung lalakasan lang niya ang kanyang loob ay malulusutan din niya yung kalaban. Dinig ang hiyawan ng madla kabilang ang kanilang grupo na sabik na sa magiging resulta.

        Gusto niya yung ganitong sensasyong. Yung matinding thrill na hatid ng karera, parang lahat ay kaya niya ibuhos dito, ang galit, muhi, selos at inggit. Pakiramdam ni Lucas ay kaya niyang iwan at takasan ang lahat ng kanyang kinatatakutan.

       Hanggang sa umabot sila sa pinakahuling likuan. Ito na ang pinakahihintay niya, ang pagkakataon na mapasok yung maliit na puwang, na maaari niyang singitan. Lakas loob siyang umarangkada upang suongin ito.

       Pumasok ka... Konti na lang pumasok ka! Piping dasal niya.

       Matapang siyang sumingit. Ilang pulgada na lang ang distansiya niya sa gutter at kung magpapabaya ay siguradong disgrasya ang aabutin n'ya. Naging alerto agad yung kalaban, pilit na ginigitgit nito si Lucas upang dumikit sa gutter. Wala na itong pakialam kung makadisgrasya siya, basta manalo lang.

       Isusugal ko ba? Konti na lang makakalusot din ako.

       Ilang arangkada pa at mauunahan na niya ito ngunit mayroon siyang hindi inasahan. May kung anong takot ang biglang pumasok sa isipan niya. Isang imahe ni Kassandra habang dahan-dahang naglalaho sa kanyang paningin. Higit pa ito sa lahat ng uri ng takot na naramdaman niya noon. And that kind of fear made him so vulnerable. Ni wala man lang siyang nagawa upang sagipin ito. Nawawala na siya sa focus hanggang sa napa-atras siya. Lumuwag yung kapit niya sa silinyador. Bumagal ang kanyang takbo at nakamit ng kalaban yung panalo.

      Nagbunyi ang kabilang kampo dahil sa pagkapanalo at sa bibihirang pagkakataon ay natalo yung grupo ni Lucas. Nakuha ng kalaban ang pot money. Maya-maya pa'y hinubad na ni Lucas ang kanyang helmet. Sandaling nag-ayos ito ng buhok. Hindi tuloy maipinta ang panlulumo sa kanyang mukha. Agad naman siyang nilapitan ng ilan sa kasamahan n'ya upang tapikin ang kanyang balikat.

       Ngunit naging mas malakas yung tapik nung isa.

      "Something is bothering you, Lucas! I know, because I've known you for years." Saad ni Clay, isa sa mga senior member ng Team Bad Blood.

      "No it's okay, Clay. Hindi ko lang talaga araw ngayon." Sagot naman ni Lucas.

       Sinuntok nito ng mahina yung balikat niya upang gisingin ito sa kinalulugmukang problema.

      "It's a good race!" Ngumiti pa ito.

       Pinilit nalang gantihan ni Lucas ang mga ngiti ni Clay. Umangat yung ulo niya upang damhin ang kanyang dibdib dahil hanggang ngayo'y naroroon pa rin yung matinding kaba. Mukhang may panibagong takot na siyang maidadagdag sa kanyang listahan; ang takot na mawala sa kanya si Kassandra.

  

       "Kailangan na kitang makita Kassandra." He hissed. "Konti nalang at masisiraan na talaga ako ng ulo dahil sayo." Umiling siya at pinagtawanan ang sarili.

-----

       "SANA po magustuhan ninyo ang kuwartong ito." Galak na bigkas ni madam Saima habang binubuksan ang pinakamagandang guest room sa mansyon. Kasama nito si Don Arsemio at si Grisham.

       "Pansamantala muna ito apo habang ipinapaayos ko pa ang iyong kuwarto. Alam kong pagod ka na, hahayaan na muna kitang magpahinga ngayon. Grisham tayo na at may pag-uusapan pa tayo."

       "Opo," tumango ito sa chairman at bumaling din kay Kassandra.

       "Good night po, lady Kassandra hanggang bukas po uli." Paalam naman ni Grisham.

       Bago pa man tuluyang makalabas yung matanda ay dali-daling lumapit si Kassandra. Agad niyang niyapos ito . "Good night po, lolo!" Ngiting sambit ng dalaga.

       Hindi naman maikubli ni madam Saima ang kasiyahan sa eksenang natunghayan. Para tuloy gustong tumulo muli ng kanyang mga luha.

      "Good night din sayo, apo." Hinimas nito ang kanyang ulo. "Oh siya, magpahinga ka na."

      Humakbang na paalis yung dalawa at bago pa man tuluyang isara ni madam Saima yung pinto ay naghabilin ito.

     "Lady Kassandra, ipatawag mo lang ako kung may kakailanganin ka, ha!"

     "Salamat po, madam Saima." Sagot naman niya.

      Lumibot agad ang kanyang paningin matapos niyang isara yung pinto. Sobrang ganda ng kuwarto, may ilang kristal na plorerang babasagin, may mga modernong kasangkapan mula sa wide screen TV, automatic window blind at laptop. Napapanganga siya sa pagkamangha. Yung kama, sobrang lambot. Nakailang pag-upo rin siya upang subukan kung gaano kalambot ito. Tumayo siya upang silipin yung banyo.

     "Wow! Ang laking bathtub!" Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang loob ng banyo'ng tila tinubog sa pilak.

      Nakakatuwa lang dahil hindi niya alam ang pinagkaiba ng bathtub sa jacuzzi.

     Maya-maya'y tumuloy ito sa kama at bumagsak sa malambot na kutson. Napabuntong-hininga siya habang tulalang tinititigan ang mythological painting sa kisame. Sa loob ng isang araw biglang nagbago ang buhay niya at hanggang sa ngayo'y hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

      "Totoo ba 'to?" Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi.

        Ang totoo masaya s'ya at may lugar na siyang masasabing tahanan niya ngunit parang unti-unting dinudurog ang puso n'ya nang makita ang kalagayan ng kanyang ama. Pumihit s'ya sa kanan at isinandal ang ulo sa kanyang braso. Papa, gagaling ka. Alam kong gigising ka. Gusto kong makita mo ko. Bulong ng isipan niya. May isang patak na luhang gumuhit muli sa gilid ng kanyang mata. Pagod na talaga ito sa walang humpay na pag-iyak mula pa kanina.

      Gusto na muna niyang magpahinga at palipasin ang gabi. Sana lang bukas paggising niya'y totoo pa rin ang lahat ng yon. Pumikit siya upang hayaan yung sarili na magpahinga ngunit may biglang pumasok sa kanyang isipan hanggang sa mapadilat ito ng may maalala.

     "Si Rosie! Naku patay baka nag-aalala na yon!"

-Sky Flake

Continue Reading

You'll Also Like

272K 4.4K 76
Samantha Louise Martinez-Salazar suffered a total mess of a married life. At wala siyang balak na sukuan ang pagmamahalan nila ng kanyang napangasawa...
73.7K 1.3K 56
"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinin...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
585K 7.6K 49
Would you enjoy the pleasure you felt from someone you've just met? "He did it before, I'm sure this time he'll take me forever" -Andrea Ann Villaluz...