Chapter 25 (A friendly date)

2.3K 100 5
                                    

      "GOOD presentation Nathaniel!"

      Unang binati nito agad ang binatang Vergara ng lumabas sila mula sa meeting area. Pinaunlakan agad ng chairman ang pakikipagkamay ni Nathaniel.

       "It's an honor to finally meet you, sir!" Galak din na bati niya. Hindi na mapatid ang pagtitig nito sa matanda, gusto niyang ipakita na confident s'ya.

        "Inaasahan ko na ito dahil Vergara ka. If your grandfather is still alive, he would have been so proud of you," bumitaw ito sa handshake at kampanteng hinawakan nito ang kanyang cane.

        "I just hope that these will open doors to new business ventures for our companies, sir!"

        "I'll look forward to that, Mr. Vergara." Isang tipid na ngiti ang gumihit sa pisngi nito kasabay ng pag-abot ni Grisham ng abuhing sumbrero kay chairman. "I'll be going, you'll hear from us once the board decides for the approval."

       "Thank you so much for this opportunity chairman." 

        Matapos tumalikod ng matanda ay agad din itong umalis. Nakahinga nalang siya ng maluwag ng sumara na ang pinto ng elevator. Dito kasama niya si Clifford na pinindot naman ang button para sa basement.

       "That went well, pare! Care for a drink?"

      "Masyado pa'ng maaga. How about lunch?"

     "Yeah! After all those explaining. Boy! It sure made me hungry." He sighed then Clifford stretched his neck and a cracking sound was heard.

       Napangiti nalang si Nathaniel dahil mukhang mas kinabahan pa yata si Clifford sa kasagsagan ng presentation nila.

      "You really do need to exercise, that doesn't sound right." Said by him.

       Tinapik ni Clifford ang kanyang tiyan.

       "You think so? I've always wanted to have own six packs."

       "These are hard earned lumps. Mangarap ka nalang," ngiting sumandal si Nathaniel.

        Nakahinga siya ng maluwag, maganda ang ibabalita niya sa kanyang ama sa oras na magkita sila. Parati naman s’yang confident na magagawa ng maayos ang lahat ng bilin nito. Plus factor, nalang siguro ang connection ng lolo niya at ni chairman Arseo. Kahit na sa isang punto sa buhay nila noon ay naging magkakumpetensiya ang dalawa ngunit nandoon pa rin ang respetong iginagawad nila sa bawat isa. Sayang nga lang at wala na ang kanyang lolo upang makita ang tuluyang paglago ng kanilang kumpanya.

-----

       NAKATANGGAP siya ng tawag mula kay Lucas nang makarating siya sa bahay.

       "Hinatid ka ba nila ng maayos?"

       "Oo, nasa bahay na rin ako. Si Rosie parating na siguro." Kipot ngusong sagot ni Kassandra sa linya.

        "I'm still a little bit shocked! I mean—" Lucas sighed.

         Dinig naman ito ni Kassandra, kahit mahina ang dating nito sa cell phone n'ya.

        "Lucas, ipangako mo sa'kin na walang magbabago ha. Ako pa rin naman 'to. Ako pa rin iyong dating Kassandra na nakilala mo noon. So please— sana isikreto muna natin 'to. Ayokong isipin nilang nagbago na ko." Sumandal ito sa maliit na terrace sa tapat ng kanilang bahay. Sarado pa kasi ang pinto at hindi pa siya nakakapasok sa loob.

        "I can keep a promise! Alam kong hindi ka ganun. Gusto ko ang Kassandra na nakilala ko. Ang totoo n'yan, masaya talaga ako na finally you did find your own— place," medyo humina bigla ang dinig niya sa mga huling kataga ni Lucas, inisip nalang niyang mahina ang signal. But, it was Lucas who intentionally did it.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now