Chapter 29 (Valiant and brave)

1.9K 56 12
                                    

        "THINK, Lucas... Think! Damn it."

         Nagmamadali si Lucas. Kapag lumapit pa siya ng husto baka lalo lang mapahamak si Kassandra. Anong gagawin n'ya upang mapigilan ang mga kriminal na yon? Madiin ang pagpihit n'ya paibaba sa throttle. There’s this anger building up inside of him. Walang pag-aalinlangan itong nakipagpatintero sa mga sasakyan, mahabol lang ang itim na Van. Dinig ang pag-iyak ng kanyang motorsiklo sa bawat kalsadang dinadaanan. Handa s'yang ibuwis ang lahat upang mailigtas lang ang kanyang minamahal.

           Kasalukuyan namang pasakay na ng kanyang sasakyan si Nathaniel ng makita nitong dumaan yung motorsiklo ni Lucas.

          "Lucas! What are you up to now?" Hindi na s'ya nagulat sa bilis nitong magpatakbo. Dali-dali s'yang sumakay ng kotse upang habulin ang kanyang kapatid. He needs to confront him before he gets himself killed. Naalala niya pa noong huling nakipagkarera ito, halos minapula na ng papa nila ang awtoridad, para lang hindi makulong si Lucas at ngayon, mukhang uulitin na naman niya ang dating pagkakamali.

          Darn, he's just too fast!

          Sinisipat nito yung motorsiklo ngunit sa bawat pagliko'y naglalaho ito sa kanyang paningin.

-----

           "WHAT do you want?" Tikas na tanong ni chairman Arseo. Buong tapang niyang hinarap si Baxton. Ayaw niyang magpadaig pa sa pananakot nito. Sinulyapan n'ya si Grisham na nakahandusay pa rin sa sahig.

           "Hindi ako ang makikipag-usap sa inyo chairman." Saad nito.

           Humakbang ito upang lumapit sa kanyang kinalalagyan. Sa paglapit nito biglang tumunog yung telepono. Sinagot niya ito, pinindot niya yung speaker phone upang marinig sa buong silid yung sasabihin ng tumawag. Mula sa kabilang linya, nagsalita ang isang pamilyar na boses na s’yang utak ng lahat.

          "Good day to you... Father!"

          "Jefferson, how could you? Why… Why do you have to do this?" Panghihinayang nitong tanong sa anak. Sumikip ang dibdib niya ng malamang si Jefferson ang may pakana ng lahat.

          "I'm only taking what is rightfully mine. Hindi ako makakapayag na isang bastarda lang ang siyang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko. Why? Kundi dahil sa lahat ng pagsusumikap ko hindi lalago ng ganito ang kumpanya." May bahid ng inis ang tono ni Jefferson. Nagngingit-ngit sa sama ng loob sa ama.

          "I treated you like a son, like my own flesh and blood! Stop this non-sense, Jefferson!" Nanggagalaiting sigaw ni Chairman Arseo.

           Itinukod niya ang isang braso sa ibabaw ng desk at napakapit ito sa dibdib sa tindi ng pananakit.

          "But you never treated me like one. You never trusted me. Tinatrato mo kong isang hamak na utusan mo lang— pero hindi na ngayon. Oras na para kunin ko ang lahat ng pinagpaguran ko, lahat ng pag-aari mo na dapat lang na mapasakamay ko."

        "Matagal ko ng nakita yang bulok na ugali mo. That rotten sin called greed that’s eating you from inside. Hindi mo makukuha ang kayamanan ng mga Santillian kahit pa kunin mo ang buhay ko."

        "Oh yes… I can, Father. Ibigay mo sa kanya ang mga dokumento Baxton!" Utos nito.

        "Yes sir!" Sumagot si Baxton.

        Inilabas nito ang mga nakatuping papeles mula sa kanyang suit. Isang kasulatan na lihitimong maglilipat sa pangalan ni Jefferson ang lahat ng kayaman ng pamilya. Ang dokumentong pagpapakilala sa kanya bilang legal na tagapagmana.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now