Chapter 3 (A simple smile)

2.7K 61 3
                                    

        HALOS maghahating gabi na ngunit masaya pa rin ang get together ng Team Bad Blood, isang biker group na kinabibilangan ni Lucas. Kasalukuyang nagkukumpulan sila sa isang malawak na parking area. Talamak ang grupong ito pagdating sa illegal drag racing at isa siya sa mga notorious drag racer ng grupo.

         "Lucas, nandito na siya." Bulong ni Marvin sa kasama na nakasandal sa motorsiklo nito. Napabaling namang si Lucas upang makita ang lalaking lumalapit sa kanila. Halata ang kulay ube nitong pasa sa labi.

      "Heto!" Sabay bato nito ng maliit na sobreng naglalaman ng pera.

     "Kumpleto na ba ‘to, Bernard." Tanong agad ni Lucas. Tahimik naman itong sumagot na tila nangingilag sa kanya. "K-Kulang pa ng limang libo." Halatang kabado ang tono nito.

      Lucas gave him a cold stare. "Hindi ba nangako kang magbabayad ng buo ngayon, natalo ka sa pustahan kaya dapat— magbayad ka."

     Kinapa ni Bernard ang namamaga niyang labi, iniinda pa rin nito ang pangingirot nuon. Dumukot ito sa bulsa at inilabas ang gintong kuwintas. "Mahal ‘to, sapat na siguro yan para sa balanse ko."

     Naniguro si Lucas ng makuha ang kuwintas.

    "Puwede na ‘to. Marvin, ibigay mo ang susi ng motor niya." Sabay ibinato nito ang susi kay Bernard.

    "Siguro naman tatantanan na ko ng grupo ninyo."

      Tipid ngiting sumagot si Lucas. "Sa susunod na maghamon ka ng karera, siguraduhin mo muna na may ipupusta ka."

       Nagawa nalang tumango ni Bernard at umalis. Marahil dahil na rin sa kagipitan kaya nagawa niyang nakawan ang kasintahan at kaibigan nito. Mukhang wala na talaga siyang mukhang maihaharap pa sa kanila.

         Sinuri niya iyong kuwintas. Ipinagtaka rin niya ang simbolong nakamarka sa likuran nito. Pamilyar ngunit hindi na maalala ni Lucas kung saan niya ito nakita. Ikinatuwa rin niya ang letrang S sa unahan dahil nagkataon na Samantha ang pangalan ng kanyang ina.

     "Lucas, dumating na ang kabilang grupo." Imporma naman ni Marvin.

     "Good, tawagin mo na ang mga kasama natin." Sambit niya matapos nuo'y agad na itinabi iyon sa kanyang bulsa.

-----

       MATINDING pag-iisip tuloy ang gumugulo kay Kassandra. Paano na siya ngayon? Pabaling-baling itong pumihit sa higaan. Naghahanap ng paraan kung papaano nito mababayaran ang landlord. Nahihiya naman siyang lumapit kay Rosie dahil nawalan din ito ng pera.

    "Kassandra, gising ka pa?"

    "Pasensiya na Rosie, inaalala ko lang ang gagawin ko ngayon."

    "Sorry talaga. Pati ikaw nadamay pa sa panloloko sa akin ni Bernard. Hayaan mo, hindi talaga ako titigil hangga’t hindi ko nakikita ang hayop na yon."

    "Nangyari na, saka wala na tayong magagawa pa. Nai-report na rin naman natin."

     "Hayaan mo't tutulungan kitang makapag-extra sa restaurant, malakas naman ako kay boss e."

      Natuwa naman si Kassandra wari'y napawi rin kahit papaano ang kanyang pag-aalala.  "Sige, sana nga makapag-extra ako sa inyo. Malaking tulong na yon. Salamat pero ang mas bumabagabag sa akin ay iyong kuwintas ko, bigay kasi ng Mama ko iyon. Tapos naiwala ko pa."

      "Ha! Di ba sabi mo parati mong suot yon?" Pagtatakang usisa ni Rosie.

       Napapikit tuloy ng di oras si Kassandra. Kung bakit ba kasi hinubad niya ang kuwintas na dati rati'y lagi niyang suot. Naisip kasi niyang baka mahablot ito sa kanya lalo't maraming masasamang tao sa siyudad ngunit hindi niya inaasahang na pati sa bahay na tinutuluyan ay mangyayari pa ang nakawan. Nais niyang pigilang huwag maluha dahil sa inis ngunit sadyang napakababaw ng kanyang luha.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now