Chapter 22 (El Santillian Manor)

2.1K 67 6
                                    

MALAMLAM ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang siyudad. Tahimik na binabaybay ng kanilang mamahaling sasakyan ang isang daan paakyat ng bundok. Sa taas ng lugar ay natatanaw niya mula sa klarong salamin ang kagandahan nito.

Kay sarap pagmasdan ang mga nagkikislapang ilaw ng Hermanos kung sana'y ganun din siya tulad ng nining ng mga ilaw nuon. Namumugto man ang mga mata ay hindi na inalintana pa ng dalaga ang isipin ang mga nangyaring yon. Alam niyang higit pa s'ya sa mga maling paratang ng may-ari o kahit na sa mga matang nanghuhusga sa kanyang pagkatao. Humugot ng malalim na hininga si Kassandra, alam n'yang magiging maayos din ang kanyang pakiramdam.

Nilingon niya ang katabing tahimik lang na pinagmamasdan siya. Hindi na siya iniwan ng taong ito mula ng magpaalam siya kay Rosie. Hanggang ngayo'y ipinagtataka pa rin niya ang paanyaya ni Grisham.

"Manong Grisham, saan po ba talaga tayo pupunta?" Pagtataka niyang tanong muli sa katabi.

Ngumiti si Grisham upang pawiin ang namumuong agam-agam ng dalaga.

"May isang espesyal na taong naghihintay s'yo. Hindi ko pa maaaring sabihin dahil sa palagay ko'y siya lang ang may karapatang sabihin ang lahat. Huwag kang mag-alala nasa mabuting kamay ka. Hinihiling ko lang na magtiwala ka sa akin." Saad nito, halata ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Kipot ngusong binaling niyang muli yung tingin sa siyudad. Naguguluhan pa rin s'ya ngunit gusto niyang magtiwala kay Grisham, nararamdaman niyang mabuting tao ito.

-----

"MAGHANDA ka may ipagagawa ako s'yo." Sambit ni Attorney Jefferson sa cell phone. Nasa sasakyan siya at kasalukuyang binabagtas ang hi-way.

"Naiintindihan ko po, ano po ang ipag-uutos ninyo?" Wika ng misteryosong boses sa kabilang linya.

"Ipagpatuloy mo ang pag-manman kay Chairman may kutob akong natagpuan na nila ang tagapagmana. Kumpirmahin mo agad."

"Opo! Kilala na po ba ninyo ang sinasabing tagapagmana?"

"Salamat kay Grisham. Nagpaiwan na ako ng tauhan upang mag-imbestiga sa aking hinala. I have a strong feeling about this young girl. Report to me once you have those informations."

"I'll handle it, Sir."

Pinutol agad ni Jefferson ang usapan, hinubad niya ang eyeglasses at hinimas ang nanakit na sintido.

"Rigor!" Tawag niya sa driver.

Kita niya ang pagsulyap ng driver sa rear view mirror.

"Sir!"

"U-turn mo, hindi na 'ko makikipagkita kay Papa, idiretso mo na sa bahay."

"Opo!"

Makailang ulit niyang hinilot ang nuo. Kutob niyang may sinisikreto ang matanda at nararamdaman niyang isa na namang hadlang ang mangyayari. Kailangan maging handa siya sa panibagong balakid na paparating. Hindi makapapayag si Jefferson na sirain nito ang lahat ng mga plano niya. Possible kayang nahanap na nila ang heredera? Ngayon palang ay gumuguhit na sa isipan niya ang mga masamang balakin. Nakakapagtaka ang mga ginawa ni Grisham kanina. Bakit gayun nalang ang pagtrato nito sa dalagang serbedora.

-----

NATURAL na yata sa kanya ang mamangha dahil ganito naman ulit ang reaksiyon niya nang makita ang mataas na steal gate sa harapan ng kanilang sasakyan. Naalala tuloy niya ang sinabi sa kanya ng kababatang si Joyce na kapag malaki raw ang gate ay siguradong malaki ang bahay nito sa loob. Mukhang tama na naman s'ya sa pagkakataong ito.

Nilakbay nila ang napakalawak na konkretong daan na napaliligiran ng naglalakihang mga puno. Sa bawat bugso ng hangin ay mistulang dilaw na ulan ang mga maliliit na bulaklak na nahuhulog mula sa mga punong ito. Halos kulayan na nito ang gilid ng daan. Hindi na mabilang ang hili-hilerang lamp post na nagpapaliwanag sa gabing iyon.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon