Chapter 19 (Unravel)

2.3K 59 1
                                    

       AND then the sudden gasp of strong wind slowly subsided. Lumiwanag ang kalangitan at dahan-dahang suminag muli ang araw.

      Naging kulay rosas ang kanyang pisngi. Hindi na siya mapakali matapos kumalas sa mainit nitong yakap.

    "I think we should go now. They're all waiting for us." Seryosong bigkas nito. Halatang hindi na ito makatingin sa kanya.

    Tumango si Kassandra at iwas na humakbang papunta sa maliit na pinto.

     Nathaniel gazed upon the sky. Suddenly, it was all clear. Ipinagtaka nito ang kakaibang pangyayaring iyon. 

-----

  "OH GOOD! Nandito na kayo! My gosh! Kanina pa namin kayo hinahanap?" Paunang bati naman ni Margaux ng magkasalubong sila sa grand stairs.

   Napatingin si Nathaniel sa kanyang harapan at si Kassandra ang nakita nito. Kapansin-pansin na wala pa rin siyang imik mula pa kanina.

  "Naglakad-lakad lang kami. Nagugutom na ba kayo?" Tanong nito sa dalawang nasa itaas ng hagdan. Tumigil siya upang hayaan silang bumaba.

  "Kanina pa... We're waiting for you guys. Para sabay-sabay na tayong mag-breakfast." Sagot naman ni Margaux.

    Napansin ni Lucas na patuloy lang ang paghakbang paitaas ni Kassandra may seryosong pagmumukha at parang naiilang. "Kassandra may problema ba? Kakain na tayo ng breakfast. Halika na." anito. He has this curious face.

       Natigilan siya sa paglalakad upang harapin si Lucas. Nginitian niya agad ito. "Sige... Pupunta lang ako sa rest room. Susunod nalang ako sa inyo." Aniya, matapos sulyapan si Lucas ay pahagip siyang tumingin kay Nathaniel at nalaman niyang nakatingin din ito sa kanya.

      Tahimik niyang iniwasan ito.

     "Hihintayin ka nalang namin sa dining area." Nakaramdam ng pagkabahala si Lucas. Idinaan niya sa pagtango at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.

      Ilang sandali pa'y natigilan ito at balisang napatingin sa direksiyon ni Kassandra.

-----

    MATAPOS buksan ang gripo ay naghilamos siya sa sink. Makailang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa matauhan siya. Sa harapan niya may salamin, nakatitig lang siya doon. Tinatanong niya ang sarili kung ano ba ang pangyayaring iyon kanina.

      Ano ba 'tong nararamdaman niya?

      Teka, may gusto ba siya kay Nathaniel?

      "Pero hindi! Imposible... Bakit pa sa antipatikong yon? AAHHH!” Pikit mata niyang tinapik-tapik ang kanyang pisngi.

------

   “MASAMA ba ang pakiramdam mo?” Unang tanong ni Lucas nang makasalubong si Kassandra sa hallway. Sinundan ito ng binata ng hindi na makatiis sa pag-iisip sa kanya.

    Tumango at ngumiti na lamang ang dalaga upang hindi na ito mag-alala. Hindi siya magpapakita ng pagkabahala lalo’t nakikita niyang nagkakaganito si Lucas.

     “Tara! Kumain na tayo.” Sagot niya.

       Napahimas ito ng batok ng makitang okay na siya. Makailang sandali pa'y sabay na silang bumaba sa dining area. Matapos mag-agahan ay nagpatuloy na sila sa pag-swimming. Pilit kinalimutan nalang ni Kassandra ang lahat ng mga nangyari noong umagang iyon at para namang walang epekto ito kay Nathaniel lalo na't halata ang pag-akto nito ng normal.

       “Ready?” Ngiting tanong sa kanya ni Lucas. Nasa baybayin sila at naghahanda na sa pag-sungab sa mga alon. Tikas ang kakisigan nito sa board shorts na suot at bruskong hubad na katawan.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now