Chapter 6 (True intentions)

2.9K 58 1
                                    

       "U-UHM... Hindi, k-kumain lang." Mapautal-utal niyang sabi.

       Nakakapanibago ang nararamdaman niyang kaba sa tuwing magkikita sila ng binatang ito.

     "Okay well, I just want to say---." 

      Napataas ang kilay niya sa ginawang pangbibitin nito sa salita.

     "Thank you--- but I just hope that we could keep it among ourselves. Regular kasi ako sa resto na yon dahil kaibigan ko ang may-ari."

     "A-ah, oo naman walang problema," pinigilan niyang huwag ngumiti kahit pa naiisip niya ang kahiya-hiyang nangyari sa rest room. Obviously, she was thinking differently about what really happened.

     Nahagip nito ng tingin ang mga empty plates sa lamesa. Mukhang kuha naman ni Nathaniel na may kasama siya sa table.

       "Yun lang, uhm... Go on, please enjoy your date."

      "D-date? H-hindi ako nakikipag-date." Depensa niya agad.

      Napasinghap sabay mahinang tawa si Nathaniel.

     "Okay, so malakas ka lang kumain kung ganun. Halata kasi sa dami ng plato. Anyways, that would be it." Humakbang siya pabalik sa kanyang table. Pagkaupo'y naging abala na ito sa kanyang cell phone.

      Kumipot naman sa inis ang nguso niya, lalo pa't narinig ni Kassandra iyong mga babae sa likuran na umuusyoso sa kanilang usapan. Bakit biglang nawala ang kabang nararamdaman niya kanina? Biglang tumaas ang kanyang presyon. Kani-kanina lang, nagpapasalamat pa ito at ang pagka-antipatikong imahe ni Nathaniel noong una ay unti-unti nang nabubura sa isipan niya.

       Nag-ayos siya at nag-ipon ng lakas ng loob. Kinuha niya ang coin purse, tumayo at humakbang papunta sa table ng binata.

      Padabog nitong inilapag ang isang barya sa lamesa.

     "Oh! Piso mo."

     "What the..." Nagulat si Nathaniel. "Para saan yan?"

     "Utang ko!" Inis na buska niya.

       Suminghap ang binata ng muling maalala ang insidente sa LRT.

      "My God, mukhang na misinterpret mo yata ang good deeds ko s'yo."

      Nanlaki ang mata niya.

     "G-good deeds?"

     "I was just trying to be nice okay, saka h'wag na natin palakihin pa ang issue na yan." Hindi ito nasindak sa kanya.

      "N-nice?" Parang hindi naman yata ganun ang pagkakaalala niya.

       Humigpit ang kapit niya sa strap ng kanyang bag wari'y gustong ituon duon ang namumuong inis na unti-unting pumupuno na sa kanya. Natahimik siya habang gigil na tinitingnan ito.

       Kita niyang muli na namang napasinghap ito tapos umiling. Bumaling ang tingin ng binata sa newspaper na hawak nito.

     "Baka naman sinusundan mo lang ako." Di nakatingin na sabi sa kanya ni Nathaniel.

     "A-ANO?" Ngunit halatang narinig iyon ni Kassandra. Nanggagalaiting sumagot siya. "Ang kapal din ng mukha mo 'no!"

      Nathaniel instantly, turned his eyes on her after flipping a page. Gustong matawa nito sa nakikitang reaksiyon ng dalaga.

     "O baka naman gusto mo lang---  yumakap ulit sa akin." Ngumiti ito. Halatang gusto lang siyang inisin.

      Hindi naman makapaniwala si Kassandra sa inaasal ng kausap. Karaniwan ay mapagpigil siya ngunit sadyang nakakainis na talaga ang taong kaharap niya ngayon. Pilit talagang pinapatid nito ang pasensiya niya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat