She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 5

90.7K 1.9K 182
By Sweetmagnolia

                                         ******

Nakakailang bura na si Miisha sa notebook. Binabatukan ang sarili habang nag-iisip ng malalim at seryosong nagsusulat sa gilid ng hagdanan, hindi alintana kahit dinadaan-daanan siya ng mga  kapwa estudyante.

  

Tumingin siya sa bungkos ng mga pulang rosas sa tabi niya. Napakamot siya sa ulo. Hindi pa nga niya naranasang magkagusto sa lalaki, ang manligaw pa kaya. Hays…paano ba siya magsisimula sa pang-uuto sa Jacob Marcelo na yun?

Ibinaling niya ulit ang atensiyon sa notebook. Kinagat-kagat ang dulo ng hawak na ballpen at saka muling nagsulat.

  

Pointers sa Panliligaw ng Lalaki.

 

Wala na siyang maidugtong... Nablangko na naman ang kanyang utak.

Bura ulit sabay kamot ng ulo.

Bakit ba siya magpopointers eh para namang expert na siya sa panliligaw?

Teka, ang mahinhing lalaki kaya ay gaya rin ang mga weaknesses ng mahinhing babae? Kung ano ang nakapagpapasaya sa babaeng nililigawan ganun din kaya ang nagpapasaya sa lalaking nililigawan?

Sulat ulit.

 

Normal Gestures ng Panliligaw.

 

Give flowers. Check! Nakaready na.

Give regular supply of chocolates. Ano kaya ang gusto? White , Black o Milk?

Treat him to meals. Mahirap pang mangyari yung formal dinner or lunch, usually sa date lang yun pag naging mag-on na kaya pwede kahit ambush meal lang muna. Aabangan niya na lang lagi ang binata sa canteen.

Hatid-Sundo. Pero may sasakyan si Jacob, siya wala. Tapos hindi niya alam kung saan ito nakatira. Ah alam niya na, ihahatid-sundo niya na lang ito sa parking lot.

Gifts, gifts and more gifts. Anong ireregalo niya? Hmm… dahil mukha itong laging mabango siguro ay perfume na lang. Ano kaya ang paborito nitong pabango? Siguradong alam ito nina Claribel at Jesusa.

Meron na lang siyang tatlong araw para mapaamo ang lalaki. Wala siyang dapat sayanging pagkakataon.

Natigilan siya sa seryosong pagsusulat nang biglang may humawak sa magkabilaang siko niya. 

"Bruha andito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap! Di ka man lang marunong sumagot ng text. Bilisan mo't breaktime ngayon ni Jacob!" malakas na wika ni Claribel habang katulong nito si Jesusa sa pagtayo sa kanya.

"Sandali bitawan niyo muna ako! Opps yung bulaklak baka maaapakan niyo!" piglas niya.

Bumitiw sa kanya ang dalawa at napapangangang tumingin sa bulaklak. 

"B-Ba't may bulaklak ka? M-May nagbigay sayo?" bigkas ni Claribel nang may kaunting bakas ng inggit sa mukha.

Ipinasok ni Miisha ang hawak na notebook at ballpen sa bag. Dinampot ang mga bulaklak. Pinaghiwa-hiwalay mula sa pagkakabungkos at hinati ito sa kanilang tatlo.

"Wow! ang sweet mo naman palang maging kaibigan,Miisha. May paflowers-flowers ka pa talaga," nakangiting pahayag ni Jesusa.

"Hindi yan para sa inyo.  Para kay Jacob yan. Bibigyan natin siya ng bulaklak ngayon."

"HA?!" sabay na reaksiyon ng dalawa.

Miisha sighed, folded her arms and made a stiff face. "Tama na yang lihim na pagbubuntot niyo sa kanya. Kaya kayo nalalamangan lagi ng mga karibal dahil masyado kayong torpe. Simula ngayon let's be vocal to our feelings. Palayain mula sa nakabaong baul diyan sa mga dibdib niyo ang paghangang nararamdaman niyo. Umpisahan natin sa pagbibigay ng bulaklak ang panliligaw sa Jacob na yun!" buong tapang na talumpati niya.

Namutla sina Jesusa at Claribel.

"M-Masyado ka namang mabilis, Miisha. Hindi kami prepared. Okay lang kahit malamangan kami ng mga kalaban. Masaya na kaming nagnanakaw lang ng tingin mula sa malayo," kabadong tugon ni Jesusa.

"Hep hep! Huwag ganyan ang mentality. Dapat kung mahal mo, ipaglaban mo!" Nakangiting inakbayan ni Miisha ang dalawa habang hawak ng isang kamay ang ilang tangkay ng mga rosas. Kailangan niya ng  makakatulong sa kanyang mga plano kaya dapat niyang makumbinsi ang mga ito. "Ngayong kasama niyo na ako, ang Secret Angels ay magiging Open Angels na. Huwag kayong mag-alala, akong bahala sa inyo. Pero usapan natin  ha na  walang samaan ng loob kung sakaling may magustuhan sa atin si Jacob."

Nagliwanag ang mga mata ni Claribel. Inalis nito sa balikat ang nakaakbay na kamay ni Miisha at ngumiti nang may namimilog na mga mata. "S-Sa tingin mo may chance na magkagusto sa isa man sa atin si Jacob?"

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Miisha.

Biglang nawala ang mga ngiti ng matabang estudyante at sinimangutan si Miisha. "Hmp. Ikaw lang naman ata ang possibleng magustuhan nun. Sa guwapong iyon ni Jacob, magugustuhan ba nun ang mga di kagandahang gaya namin."

Agad na di sumang-ayon ang mukha ni Miisha sa narinig at paulit-ulit na umiling. "Mas lalong walang chance na magustuhan niya kayo sa pagiging silent stalker niyo. Tsaka ano ngayon kung hindi kayo kagandahan. Sabi nga ng dakilang kasabihan 'Beauty is in the eye of the beholder.' In short huwag niyong pangunahan ang taste niya."

She locked her arms to both girls elbow and pleasantly encouraged them to leave. "Kaya ano pang hinihintay natin, kumilos na tayo. Claribel asan siya ngayon?"

"P-Pag ganitong oras, he usually visit the library," atubiling sagot ni Claribel.

"Jesusa, hanapin mo siya sa loob ng library. Mag-aabang kami sa labas ni Claribel. Pag naconfirm mong nandun siya saka ka na lang lumabas. Okay?"

"O-Okay," napipilitang pagsang-ayon ni Jesusa.

                                              -----

Tinutulak-tulak ni Miisha ang mga kasama na luminya para harangan ang dadaanan ni Jacob nang makitang papalabas na ito ng library. Bagama't kabado, napipilitang sumunod pa rin ang dalawa dahil sa nakakahikayat na katapangan ng bagong kaibigan.

"Ayan na lumalabas na ng library. Ready niyo na yang mga flowers ha," excited na sabi ni Miisha.

Una sa linya si Jesusa, sumunod si Claribel at panghuli si Miisha. Subalit bago makalapit sa kanila ang lalaki ay biglang may lumapit din ditong tatlong mga kababaihan. Sila ang grupo na nakasalubong dati ni Miisha sa labas ng opisina ng dean.

Isa-isang inabutan ng mga babae ng chocolates si Jacob. Nakangiting tinanggap ng lalaki ang mga regalo.

"Naku pano ba yan?! Naunahan na naman tayo ng mga malditang Pinky Fairies," mahinang ika ni Jesusa.

"Don't worry girls, iba naman yung binigay nila sa ibibigay natin. Huwag kayong panghinaan ng loob," paghikayat ni Miisha. "Ayan na ayan...papunta na dito. Jesusa umayos ka. Ngiti," bulong nito. "Yung salamin mo tabingi, ayusin mo," dagdag pa niya.

Naglakad papalapit sa direksiyon nila si Jacob.

"H-H-Hi Jacob," nauutal na wika ni Jesusa sabay abot nito sa tatlong tangkay ng rosas nang may nanginginig na kamay.

Ngumiti ang lalaki at malugod na tinanggap ang mga bulaklak. "Thank you," sagot nito.

"Eto rin Jacob oh. Flowers for you," masiglang sabi ni Claribel na noon ay biglang nawala ang kaba nang hindi sinupladuhan ng binata ang kaibigan.

"Salamat," sabay tanggap ulit ng lalaki sa mga rosas.

Humakbang ng isa si Miisha nang nasa tapat niya na si Jacob and she smiled from ear to ear.

"Hi!" she greeted lively. "Roses for you too!"

Nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki sabay tingin nito sa magkabilaang kamay. "My hands are full already," komento nito at saka itinuloy ang paglalakad.

Napanganga si Miisha habang nanatiling iniaabot sa hangin ang hawak na mga bulaklak. Di makapagsalitang hinabol niya ng tingin ang papalayong lalaki.

"Eeeeeeeeei!!!" Tili ng dalawang kasama nang tuluyang makalayo si Jacob.

"Oh my God! I can't believe it! Tinanggap ni Jacob ang flowers ko! Eeeeeei!" naglulundag sa tuwa na tili ni Claribel.

"Totoo bang nginitian niya ako?" napapapaypay sa sariling ika naman ni Jesusa.

Nanatiling tulala pa rin si Miisha habang dahan-dahang ibinababa ang kamay na may hawak na bulaklak.

"Ay hindi tinanggap yung sayo," biglang lungkot na sabi ni Claribel. "Ikaw pa mandin ang nagplano nito."

"Ano ka ba?" tapik ni Jesusa sa braso ng kaibigan. "Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Jacob na puno na ang mga kamay niya. Tiyak na gusto niya ring tanggapin yung roses ni Miisha, kaso di niya na nga siguro ito kayang hawakan. Yun kasing mga Pinky Fairies na yun sumabay-sabay pa sa pagbibigay ng regalo," pampalubag loob na wika nito. "Di bale Miisha mamaya sa lunchtime, ikaw naman ang maunang mag-alok sa kanya ng pagkain."

Nakabawi si Miisha sa pagkakapahiya.  Ngumiti siya at mabilis na nagkunwaring hindi apektado.

"Anong paboritong dessert ni Jacob?" kunway nakangiting tanong niya.

"Mango pudding," mabilis na sagot ni Claribel.

            

                                    -------

Wala pang lunchbreak ay nakaabang na si Miisha sa canteen. Bumili na siya ng apat na mango puddings. Iyon na lamang ang natitirang tindang puddings at pinakyaw niya na bago pa man may makabiling iba at makakompetensiya niya na naman sa pagbibigay ng pagkain sa lalaki.

Naupo siya sa isang bakanteng mesa. Napabuntong-hininga siya habang tinitiis ang sariling gutom. Ipinagpaliban niya muna ang pagbili ng sariling lunch dahil baka malingat siya'y hindi niya mamalayan ang pagdating ni Jacob.

Pinandilatan niya ang mga puddings.

Sa dinami-dami ng susuyuin bakit napatapat pa siya sa taong kakompetisyon niya yata kalahati ng populasyon sa campus.

Naglabas siya ng tablet at naglaro muna habang nagpapalipas ng oras. She stopped playing when she heard murmurs from girls in other tables. Napalingon agad siya sa pintuan. Nakita niyang pumapasok na si Jacob kasama ang lalaking kaibigan at ang babaeng mukhang santa. 

Dumiretso ang tatlo sa pila ng pagkain. Hindi pa man nakakarating ang mga ito sa counter, maya't maya ng may lumalapit kay Jacob na mga babae at nilalagyan ng pagkain ang hawak nitong tray hanggang sa mapuno  ito. Pati tray ng mga kasama nito ay napuno na rin ng pagkain. Nang makarating sila sa unahan ng pila, kinailangan pa ng mga itong kumuha ng bagong tray.

Hay ang sarap namang maging guwapo at magandang nilalang sa school na ito.

Hinintay niyang makaupo ng table sina Jacob bago siya lumapit sa mga ito.

"Hi Jacob!" bati niya habang nakatayo sa tabi ng table ng lalaki bitbit ang tray na may lamang mango puddings.

Nag-angat ng mukha si Jacob at napatingin sa tray niya. Nginitian siya nito. Nakahinga siya ng maluwag pagkakita sa maaliwalas nitong mukha. Siguro nga ay hindi nito intensiyong magsuplado kanina sa library.

"Dessert for you guys," masayang wika niya at sabay inilapag isa-isa ang mga puddings sa mesa.

Jacob held her wrist when she's about to put the last pudding on the table. Kinuha nito ang nasabing pagkain sa kamay niya at ibinalik sa kanyang tray. Pagkatapos isa-isa nitong ibinalik ang pudding sa tray.

"Miss, don't bother yourself. We're okay here. Marami ng pagkain dito sa mesa namin kaya kainin mo na lang yan. Huwag mo kaming alalahanin," sabi nito ng nakangiti.

"Ah hindi okay lang ako. Para sayo talaga to, don't worry about me. I'm not hungry at all!" pilit niya.

Sinubukan niyang ilapag ulit sa mesa ang pagkain ngunit pinigilan ulit ni Jacob ang kamay niya.

"Miss, kainin mo na lang yan."

"Hindi nga ako gutom."

Biglang kumalam ang sikmura niya. May kalakasan ito at halatang narinig ito ng lalaki.

"See, you're hungry. Sige na miss bumalik ka na sa table mo at kumain ka na rin, thank you na lang," sabi nito.

She left their table frustrated. Pagkabalik niya sa kanyang mesa, agad na nilantakan niya ang pagkain sa sama ng loob.

"Hmp! Dapat pala kanina pa lang sa pila, ipinatong ko na rin ito sa tray niya." wika niya sa sarili habang sumusubo. "Baka naman hindi talaga ito gusto ni Jacob, nagsinungaling lang yata sa akin ang Claribel na yun! Teka nga nasan na ba ang dalawang yun?"

Sumubo ulit siya at nakaingus na tumingin sa mesa nina Jacob.

"Miss ka ng miss. Akala ko ba sharp yang memory mo?! Natatandaan mo yung kalasingan ko sa karaoke bar tapos ang pangalan ko nakalimutan mo agad!" maktol niya habang binibigyan ng matatalim na mga titig ang lalaking abala sa pagkain at pakikipag-usap sa mga kasama.

"Look who got rejected again?"

Napaangat siya ng ulo at tumingin sa tatlong babaeng nakatayo sa tabi ng mesa niya. Ang mga Pinky Fairies kuno. Binigyan niya ang mga ito ng kaswal na tingin at kalmadong bumalik sa pagkain.

"Masyado naman atang malakas ang loob ng transferre na ito to chase our campus prince. But sorry girl, as you notice he has high standards," sabay tawanan ng mga ito habang nakatunghay sa kanya ng nakahalukipkip.

Itinuloy niya lang ang pagkain na tila walang naririnig. Pati ba naman bullies uso pa rin sa college na to! 

"Nasaan na ang mga newly found friends mo? Tingnan mo nga naman, bagay na bagay talaga magsama-sama ang mga outcasts."

Nanatiling wala siyang reaksiyon sa mga naririnig at kunway sarap na sarap sa kinakain. Hindi siya pwedeng magpaapekto sa pang-aasar sa kanya baka maligaw na naman siya sa Dean's office.

"Let's go girls. Ganito yata talaga ang mga unpretty people, mga manhid kausap!"

Saka lamang siya muling nag-angat ng mukha. Napapabuntong-hiningang hinabol niya ng tingin ang grupo at palihim na nginusuan ang mga ito.

"Hintayin niyong matanggap ako sa White Lambs. Isasaksak ko sa mga baga niyo ang prinsipe niyong yan! Ang daming gwapo sa labas, nag-aagawan kayo sa isa dito!"

Namumukol ang mga pisngi na iginala niya ang mga mata sa paligid upang hanapin sina Claribel at Jesusa. 

"Nasaan na ba ang dalawang yun? Sabi mabilis lang daw sila."

Nahagip ng mga mata niya si Jacob at nahuli niyang nakatingin din ito sa kanya. Mabilis na nilunok niya ng buong-buo ang nakatambak na pagkain sa bibig at mahinhing pinahiran ng tissue ang mga labi. She graciously smiled at him with twinkling eyes. Walang naging reaksiyon ang lalaki. Binawi nito ang mga paningin at muling kinausap ang mga kasamahan sa mesa. Agad siyang napasimangot.

"Oh my Miisha! What have you done to the puddings?" bulalas ni Claribel na noon ay bigla na lamang sumulpot sa tabi ng mesa niya kasama si Jesusa.

Magkatabing naupo sa harapan niya ang bagong dating na magkaibigan habang titig na titig sa pinagkainan niya.

"Para kay Jacob yan di ba? Bakit mo kinain?" takang tanong ni Jesusa.

Napalunok si Miisha. To save her pride, hindi niya masabing tinanggihan na naman ito ng lalaki.

"Nagutom ako. Ang tagal niyo kasi!" palusot niya.

Claribel made a wide smile. " Di bale. Tamang-tama ito na lang ang ibigay natin." Inilabas nito ang supot ng chocolates sa bag.

Napakunot ng noo si Miisha. "Kaya ba kayo lumabas dahil diyan?"

"Yap," excited na sagot ni Claribel. "Ikaw na ang bumili ng flowers kaya kami naman dito sa chocolates," sabay abot nito sa mga chocolates. "Toblerone for me. M&M's for you Jesusa and Cudbary for you Miisha."

Tumayo agad ang magkaibigan na parehong excited lumapit sa mesa ni Jacob. Pipigilan niya pa sana ang dalawa subalit nakalapit agad ang mga ito sa binata. Masyado atang nabuhayan ng loob dahil sa insidente ng bulaklak.

Tahimik na pinanood na lamang niya ang mga kasama mula sa mesang kinauupuan. She's quite sure they'll be rejected just like her. Wala na sa mood tumanggap ng pagkain ang lalaki. 

"Jacob... chocolates for you," sabay abot ng dalawa sa tsokolate.

"Thank you," he responded with smile at tinanggap nito ang mga chocolates.

Huh? Tinanggap? Siguro mas feel nito ang chocolates ngayong araw nato.

She quickly grabbed the Cudbary bar at walang pagdadalawang-isip na muling lumapit sa mesa ni Jacob.

"I have chocolates for you too," she told him panting.

He smiled and looked at the chocolate bar she's holding.

"I don't eat Cudbary's product," malumanay ngunit diretsong sabi nito.

Muntik nang mamula ang kanyang mga pisngi especially when he turned his back and continued eating while she's still extending her hand with chocolate. Napapahiyang iniliko niya ang katawan tungo sa direksiyon ng babaeng mala-santa.

"G-Gusto mo? Sayo na lang."

"Really?" sagot nito ng may abot tengang ngiti.

Paulit-ulit siyang tumango habang nilalabanan ang pagkakapahiya.

"Thank you!" sabay tanggap ng babae sa chocolate.

"Y-You're welcome..." napapalunok na sambit niya. Kunswelo na rin. At least may tumanggap sa regalo niya na taga- White Lambs....

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 70.6K 98
Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION
183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)
4.5M 67.4K 60
When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved
81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...