My Teacher's Daughter

By ImACrazyGirl24

178K 4.3K 457

MHMP Serie II: She is Vanessa, the beautiful daughter of Jennifer and Frederrick Demesa. And he is Drexel Jon... More

My Teacher's Daughter
MTD 1
MTD 3
MTD 4
MTD 5
MTD 6 Part 1
MTD 6 PART 2
MTD 7
MTD 8
MTD 9
MTD 10
MTD 11
MTD 12
MTD 13
MTD 14
MTD 15
MTD 16
MTD 17
MTD 18
MTD 19
MTD 20
MTD 21
MTD 22
MTD 23
MTD 24
MTD 25
MTD 26
MTD 27

MTD 2

9.7K 201 13
By ImACrazyGirl24

Hindi maisip ni Drexel kung nasaan ba ang mga kaibigan nya, tinext na nya ito pero hindi naman ito mga nagrereply. Tinawagan na nya isa-isa pero hindi naman mga sumasagot ang mga ito. Kanina pa sya naiinis, kulang nalang ang libutin na nya ang buong school nila na sobrang laki kaya hindi nalnag nya ginawa dahil ayaw nyang mapagod.

Dahil sa inis nya ay tumigil sya sa paglalakad sa crowded hallway, wala syang pake sa mga taong dumadaan. Tumingin-tingin sya sa paligid at nagbabakasakaling makasalisi nya ang mga kaibigan. Pero he felt something is watching him, lumingon sya sa kanan pero wala naman, sa kaliwa, wala din, sa likod, wala din, sa harap wala din, sa taas, wala din, sa baba, wala din. Nagkibit balikat nalang sya at naglakad nalang ulit para hanapin ang mga kaibigan. Napaisip tuloy sya kung kailangan nya ba si dora para mahanap ang mga kaibigan nya.

"Hey Drex! Looking for Karson and friends?" Napatingin si Drexel sa nagsalita at nakita ang isa sa mga close friend nilang magbabarkada, si Matthew.

"Oo ee, nakita mo ba ang mga unggoy?" Tanong ni Drexel na ikinatawa ni Matthew.

"Oo, nandun sila sa hallway ng building nyo. Kakakita ko lang sa kanila." Sabi nito, napakamot naman sa ulo si Drexel dahil hindi nya naisip na pumunta duon. Shunga kasi sya.

"Ganun ba? Sige, salamat pare." Sabi ni Drexel at tinapik sa balikat si Matthew, tumango nalang naman ito. Naglakad na sya ng makasalubong nya ang isang babae na sa tingin nya ay bago pa lang sa school nila. Sinundan nya ng tingin ito at nakitang kay Matthew lumapit at humalik sa pisnge nito. "May bagong GF si Matt?" Takang tanong nya sa sarili. Dinedma nalang nya yun at pumunta na sa building nila.

"Hoy!" Sigaw ni Drexel ng makita na nya ang mga kaibigan. Nilingin naman sya ng mga ito at kumaway sa kanya. Linapitan na nya ang mga ito at sunod-sunod na binatukan. ''Kanina pa ako text ng text at tawag ng tawag, bakit hindi nyo ko sinasagot?'' Sigaw ni Drexel sa mga kaibigan.

''Ha?'' Patangang sagot ng apat at kinuha ang mga phones nila, dun nila nakita ang madaming texts at missed calls ni Drexel sa kanya.

''Sorry Pare, naka-silen mga phones namin ee.'' Paghingi ng sorry ni Skyler sa kaibigan, inismiran nalang sila ni Drexel.

''Nga pala, alam mo bang mga bagong students?'' Tanong ni Jonas, tinignan naman sya ni Drexel at tumango.

''Ang ganda pare!'' Sabi ni Karson at napasipol pa.

''Oo, nakita ko kanina. GF ata ni Matt ee.'' Sabi ni Drexel sa mga ito kaya napakunot ang noo ng apat sa kanya. ''Bakit?'' Tanong nito.

''Anong GF ni Matt? Protective nga ang kapatid at Tatay ee.'' Sabi ni Luigi.

''Ee nakita ko syang humalik kay Matt kanina ee.'' Sabi pa ni Drexel.

''Dude! Baka iba yun, ang sinasabi namin ay ang kakambal na babae ni Jerrick.'' Sabi ni Skyler at nanlaki ang mga mata ni Drexel na kulang nalang ay lumuwa ang mga ito.

''Kakambal?!'' Sigaw nito.

''Oo! Hindi kapani-paniwala diba? Wala namang nasabi ni Jerrick na may kakambal pala syang sobrang ganda.'' Sabi ni Karson, napailing nalang ang mga kaibigan nya sa kanya.

''Pero totoo?'' Tanong ulit ni Drexel na parang hindi pa makapaniwala.

''Oo, galing daw sa all girls school ee.' Sabi ni Jonas.

''Baka tomboy?'' Napailing ang apat sa sinabi ni Drexel.

''Maganda Pare!''

''Baka indenial?''

''Babaeng-babaeng mag damit! May dating!''

''Hindi pa nga narerealized.''

''Hindi nga sabi sya tomboy ee!'' Sabi ni Luigi na naiinis na kay Drexel dahil pinag-pipilitang omboy si Vanessa.

''Ano bang pangalan?''

''Vanessa.'' Sabay-sabay na sabi ng apat pero ang way ng pagkakasabi ni Luigi at Karson ay parang nainlove sila sa pangalan ni Vanessa.

''Tomboy yun!'' Pamimilit nya pa kaya nabatukan na sya ni Skyler.

''Pagnakita mo Pare, mapapanganga ka! As in nga-nga!'' Sabi ni Jonas at ngumanga pa talaga.

''Psh.'' Sabi nalang ni Drexel.

********************

''Matt!'' Napatingin si Matthew sa tumawag sa kanya. at nakita nyang si Clara pala ito. Humalik ito sa pisnge nya at tumango naman ito. Sanay na sila, walang malisya, sadyang ganun lang sila ka-close. Silang magkakaibigan.

''Tara na? Buti hindi ka naligaw.'' Sabi ni Matthew kay Clara.

''Hindi, pinuntahan ko muna kasi si Tito Rick at Tita Madi bago maglibot dito sa school.'' Sabi ni Clara at tumango nalang si Matthew tsaka sila nag-umpisang maglakad para pumunta sa laging tinatambayan ng boys sa school.

Ilang sandali lang ay nakarating na din sila sa tambayan nila, sa ilalim ng isang malaking puno at may katabi itong isang fountain na sila lang din nag-lilinis para magandang tignan ang tambayan nila. Tahimik kasi duon at malayo sila sa mga taong wala ng ibang ginawa kungdi ang magpayabangan ng mga suot, mga gadgets at kung ano-ano pa. Nakita nila na nandun na sila Vanessa, Jerrick, Mark at Enzo.

''Claraaaa!'' Sigaw ni Vanessa ng makita ang bestfriend nya.

''Vanessaaaa!'' Sigaw din pabalik ni Clara at tumakbo sila sa isa't-isa na parang ilang taong hindi nag-kita. Habang ang apat na lalaki naman ay pinapanuod lang sila.

''Parang hindi nagkita kahapon.''

''OA talaga nila kahit kailan.''

''Magsasawa din yang mga yan sa mukha ng isa't-isa.''

''Malapit na yun mga pare.''

Tinignan sila ng dalwa at inirapan tsaka nagpatuloy sa pagkwekwento. Napailing nalang ang apat na lalaki dahil laging ganun ang dalwang babae.

''Buti napilit mo sila Tito Jack na papasukin ka dito kahit hindi ka pa tapos ng HS?'' Sabi ni Enzo kay Clara. Yes! HS palang sya, well si Vanessa at Jerrick lang ang nasa 1st year college dahil matanda nga ang dalwa ng isang taong sa apat.

''Naku! Kulang nalang talaga lumuhod ako at umiyak nun kay Dad, kasi naman ee. Nakakasawa na dun, ang aarte ng mga babae. Lahat sila.'' Sabi ni Clara at napairap pa habang nag-sasalita.

''Haha! Wait till you met the girls here.'' Natatawang sabi ni Mark kaya binatukan sya ni Jerrick.

''HIndi naman lahat Mark. Yung iba lang.'' Sabi ni Jerrick. Napatingin sya sa kakambal na kanina pa tulala. ''Hoy! Bakit tulala ka?'' Tanong nito sa kakambal kaya tinignan sya nito at umiling.

''Wala, may iniisip lang ako. Wag nyo akong pansinin.'' Sabi ni Vanessa sa mga ito.

''Hello guys!'' Napatingin sila sa bagong dating at napatili na naman ang dalwang babae, naririndi na ang apat na lalaki sa kakasigaw ng dalwa.

''Charmaine!!!'' Sigaw ng dalwa at tumakbo papunta kay Charmaine para yakapin ito. ''WAAAH! WE MISSED YOU!''

''Namiss ko din kayo! Grabe, nandito na kayong dalwa. Mas magsasawa na ako sa mukha nyo.'' Biro ni Charmaine at tumawa ng tumawa habang ang dalwang dalaga ay sinamaan sya ng tingin. ''Joke lang, alam nyo naman loves ko kayo ee.'' Bawi ni Charmaine.

''Sila lang ba love mo?'' Biglang singit ng BF nya na si Jerrick. Yes naman! May lovelife si Jerrick, mga isang taon at mahigit na din silang mag-on. Legal naman sila sa both side kaya walang problema, ang problema lang ay masyadong madaming nagkakagusto sa dalwang mag-on kaya madaming hadlang sa kanila sa school.

''Syempre mas love kits. Ikaw talaga!'' Sabi ni Charmaine at niyakap ang kasintahan.

''Eeww~~'' Sabay-sabay na reaction ng lima kaya napatawa nalang si Charmaine at Jerrick.

''Inggit lang kayo!'' Sabi ni Jerrick na nakabelat sa mga kaibigan.

''Charryy! Itour mo naman kami oh.'' Pacute na sabi ni Vanessa sa kasintahan ng kakambal.

''Hoy! Hindi pwede! Delikado kayong tatlo pag nagsama-sama.'' Sabi ni Enzo at sinamaan ng tingin ang tatlong dalaga. Naalala kasi nito yung time na tumakas ang tatlo para pumunta sa mall ng hindi nagpapaalam sa kanila at wala itong mga kasamang lalaki, kaya ayun! May mga lalaking gustong bumastos sa tatlo, buti nalnag talaga at naagapan nila. Napolice pa sila dahil duon, alalang alala ang mga magulang nila dahil dun. Kaya hindi na nila hinahayaang lumabas ang tatlo na walang kasama kahit isa sa kanila.

''Oo na! Sinong sasama samin?'' Tanong ni Clara at nagkatinginan naman ang apat na binata.

''Ikaw na Jerrick! GF mo at kakambal mo, ikaw ang pinaka protective!'' Sabi ni Matthew kaya napailing si Jerrick dahil alam nyang tamad lang ang mga ito na magllakad.

''Tara na kuyaa!'' At hinila na nila si Jerrick para makapag-tour sa school.

Habang naglalakad sila ay nasa likodan lang ng tatlong dalaga si Jerrick na nakikinig ng music. Hindi din kasi sya makarelate sa mga pinag-uusapan ng tatlo kaya nag-soundtrip nalamang siya.

''Charry..'' Tawag ni Vanessa dito, tinignan naman sya ng dalwang dalaga.

''Bakit?''

''May nakita kasi ako kanina.. ewan but I felt something weird. And I can't forget him.'' Sabi ni Vanessa sa dalwa.

''Wag mo sabihing in-love ka na?'' Tanong ni Clara sa kaibigan.

''Ewan. Baka. Pwede. Siguro.'' Dahil sa sagot ay nabatukan sya ni Clara.

''Baliw! Hindi pwede. Bawal pa nga diba?'' Paalala nito. Strict nga kasi ang mga Daddy nila sa kanila, kaya, bawal, hindi pwede.

''Ano ka ba Clara.. hindi mo naman masisis si Van kung natamaan sya nung lalaking yun. Hindi mo din naman mapipigil ang love pag dumating na ito sayo. You just have to accept it kasi kung hindi, mahihirapan ka.'' Makinig kay sa may love life.

''Edi ikaw na ang expert.'' Natatawang sabi ng dalwa na inilingan nalang ni Charmaine.

''Pero seryoso, kung maramdaman mo na. Edi sabihin mo sa Dad mo, pero wag mong pipigilan kasi mahirap yun. Masasaktan si heart mo.'' Sabi pa ni Charmaine, tumango nalnag si Vanessa bilang sagot.

''Basta, samin mo muna sabihin ha? Para mas malinawan ka sa nararamdaman mo.'' Sabi ni Clara at natawa na dun si Vanessa.

''Guys, look. I can't be in love with that guy. Ano 'to? Cinderella? Snow white? Sleeping beauty? Beauty and the Beast? Hindi 'to fairytale, wala tayo sa wondeland. We're reality, so I can't be in love.. maybe-- maybe I was just mesmerized by his looks diba? So no big deal, wag na nating pag-usapan yun. Gusto ko lang may mapaglabasan.'' Wala ng nagawa ang dalwa dahil yun ang gusto ni Vanessa. Oo nga naman diba? Love at first sight? Agad-agad? And besides, she's not ready, she can't even imagine herself being in love. She's just too realistic to believe in those fairytales..

*****

''WAIT! VANESSA, WAG MO AKONG IWAN!'' Sigaw ni Charmaine dahil agad na tumakbo palabas ng classroom si Vanessa, since magkaklase sila. Break time na at excited masyado si Vanessa, o gutom lang sya?

''Haha. Oo na po!'' Sabi ni Vanessa at tumigil ito sa pagtakbo.

''Ang hyper mo talaga kahit kailan.'' Sabi ni Charmaine na hanggang ngayon ay hinahabol ang hininga nya, she's not that sporty like Vanessa.

''Ee hindi ko na kasalanan yun. Pinanganak akong ganto, may magagawa ba ako?'' Sabi ni Vanessa at tumakbo pababa ng hagdan. Napabuntong hininga nalang si Charmaine dahil parang kiti-kiti ang kasama nya ngayon.

''Please stop running? Naka heels mo ako, baka nakakalimutan mo.'' Sabi ni Charmaine ng makababa na sya sa hagdan. Naka heels sya habang si Vanessa ay naka-flats lang, kaya malaya itong nakakatakbo.

''Haha bilisan mo na kasi, nagugutom na din ako ee.'' Sabi ni Vanessa at hinimas pa ang tyan nya, tumango nalang si Charmaine at nagmadali na silang pumunta sa canteen ng school kung saan naghinhintay sila Jerrick.

Nang makarating naman sila dun ay agad na kumaway sila Matthew para makita sila ni Vanessa at Charmaine kung saan sila naka-upo. At dahil hyper si Vanessa agad syang tumakbo papunta dun pero..

''AAHHHHH!'' Sigaw nya ng hindi nya makita ang natapon na juice sa sahig kaya in the end nadulas sya.

But right when she's about to fall, someone cathes her. Napulupot naman agad nya ang kamay nya sa leeg ng sumagip sa kanya, nakapikit sya ng mariin dahil sa sobrang pagka gulat.

''Vanesaa! Are you okay?'' Napamulat na sya ng marinig nya ang boses ng kuya nya. Pero pagkamulat nya ay nakita nya ang mukha ng lalaking nagpatibok ng mabilis sa puso nya kaninag umaga.

''You okay Miss?'' Tanong nito, nakatulalang napatango naman si Vanessa dito. Tinulungan sya nitong tumayo pero dahil sa basang floor gawa ng juice ay nadulas na naman sya, sumubsob ang mukha nya sa dibdib ng binata.

''Sorry..'' Nahihiyang sabi ni Vanessa.

''Drex.. baka naman gusto mo ng tanggalin yang kamay mo sa kakambal ko?'' Singit ni Jerrick. Hindi namanlayan ng dalwa ang posisyon nila, para silang mag-jowa na na naglalambingan lang.

''Ay sorry!'' Sabay naman silang napahiwalay, habang ang mukha ni Vanessa ay namumula.

''Sabi ko naman sayo wag ka ng tumakbo Vanessa ee.'' Sermon ni Charmaine dito. Napatingin naman si Drexel kay Vanessa ng marinig nya ang pangalan nito.

''Ikaw yung bagong student?'' Biglang tanong ni Drexel dito. Tumango naman agad si Vanessa. ''Galing ka sa all girls school?'' Tumango ulit si Vanessa bilang sagot. ''Tomboy ka?'' At tumango ul---

''WHAT DID YOU JUST SAY?'' Sigaw ni Vanessa dito.

''Kung tomboy ka?'' Patanong na sagot ni Drexel.

''Excuse me? Mukha ba akong tomboy sa paningin mo? Kailangan mo na ata ng eye glasses.'' Masungit na sabi ni Vanessa dito.

''Indenial nga.'' Sabi pa nito na nagpainit ng ulo ni Vanessa lalo.

''HINDI NGA AKO TOMBOY!!!'' Sigaw ni Vanessa. Galit na galit na 'to habang ang kuya nya ay nanunuod lang sa kanila at nagpipigil ng tawa.

''Tomboy ka.. pwede mo naman ng aminin ee.'' Sabi ni Drexel at ngumiti dito.

''Tomboy pala ha?'' And with that, the unexpected thing happened. Vanessa's fist kissed Drexel's face. How romantic right?

''HINDI AKO TOMBOY!''

''You just proved that you're a tomboy. Lakas mong sumuntok ee.'' Pang-aasar pa ni Drexel. Sa sobrang inis ni Vanessa ay napasigaw sya at umalis na duon.

''Dude, wag mong ginagalit kakambal ko. Mas malalang magalit yun sakin. Hahaha. Sakit no?'' Sabi ni Jerrick na natatawa. Tinapik nya sa balikat si Drexel tsaka sinundan ang kakambal nya.

''Hindi nga kasi tomboy ee. Tsk.tsk.'' Naiiling na sabi ni Matthew kay Drexel.

''I just assemed, masama ba yun?''

''Oo, lalo na yung sinapak ka nya. We confirmed na nakakamatay ang mag-assume.'' Sabi pa ni Enzo na naiiling kay Drexel.

''Tomboy yun, haha. Indenial lang.'' Pamimilit pa nito.

''Van.. calm down.'' Sabi ni Jerrick sa kakambal.

''Calm donw? How could he? Me? Tomboy? HA-HA-HA.'' Sabi ni Vanessa at tumawa pa ng sarcastic.

''Bayaan mo na yung si Drex, baliw lang yun.'' Sabi ni Jerrick pero wala, ayaw pa ding kumalma ng kapatid nya.

''I hate him so much! Nakakinis sya!!'' Sigaw nito at nagpapadyak pa, at alam ni Jerrick na inis na inis na ang kakambal nya.

''Okay-okay. You wan't ice cream?'' Malambing nitong tanong sa kapatid. Kahit naka-simangot ay tumango ito. ''I'll be back, calm yourself na ha?'' At umalis na din ito leaving Vanessa alone.

''Grabe! Hindi talaga ako maiinlove sa lalaking yun! Yung naramdaman ko kanina? Wala lang yun, baka may nakain lang ako kanina kaya ako nagkaganun. Bwisit sya! Ipalamon ko kaya sa buhaya? Gosh! THAT GUY!'' Hindi sya matigil sa pag-kausap sa sarili. Naiinis sya kay Drexel dahil sa tinawag sya nitong tomboy, no one ever called her that.

''Baka gusto mong kumalma Vanny?'' Tanong ni Clara na kadadating lang. Kanina Charry ngayon naman Vanny haha. Yun kasi ang tawagan nilang tatlo. Charry, Vanny at Clarry. Cute right?

''Nakakainis sya! Kulang pa yung sapak na ginawa ko sa kanya ee. I'll show him!'' Sabi nito.

''Kumalma ka na Girl! Move on na!'' Sabi ni Clara at inalog-alog pa si Vanessa.

''Okay, ayos na. Nahihilo na ako.'' Sabi nito kaya tumigil na si Clara sa pag-alog sa kanya. Umupo silang dalwa sa may bench..

''Naalala mo yung sinabi ko kaninang umaga sa inyo ni Charry?'' Tanong ni Vanessa kay Clara.

''Uh-hmm. What about that?''

''Siya yun sinasabi ko. Psh. Tama nga talaga sila, Looks can be deceiving.'' Sabi nya at napabuntong hinga.

''Ang sama mo Dude!'' Sabay-sabay na sabi ng apat kay Drexel.

''What? Sinapak na nga ako, ako pa yung masama?'' Inis nitong tanong habang nilalagyan ng yelo ang pasa nya sa mukha.

''Hindi ka naman kasi masasakpak kung hindi mo tinawag na tomboy ee.'' Sabi ni Skyler.

''At least ngayon napatunayan kong tombo sya. Ang lakas nyang sumuntok ee.'' Sabi nito napailing nalang ang apat dahil sa pagpupumilit nito na tomboy si Vanessa. ''Pero sayang sya, maganda sya pero tomboy nga lang.''

''HINDI NGA TOMBOY!''

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
383K 25.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
30.6K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
49.5K 780 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: