Elysian Tale: Flare of Frost

By goluckycharm

3.1M 156K 47K

Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She... More

Elysian Tale: Flare of Frost
Mensahe
Elysian Tale (TRAILER)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Epilogue
FAQS
Special Chapter
Special Chapter
STORY PROMOTION
ANNOUNCEMENT
Flare Fyche Henessy

Kabanata 14

42K 2.2K 597
By goluckycharm

Kabanata 14.

Aerus

"I thought she's not scared of anything, but looks like we scared the shit out of her earlier." Natatawa-tawa akong bumaba ng karuwahe.

"She looks pissed off, and she could burn the carriage if she wants to." utas ni Flame na siya namang inaayos ang kaniyang kasutan.

"Yeah right. All thanks to Frost, he secretly wrapped the carriage with water." Iiling-iling na wika ni Vexus.

Tahimik na bumaba ng karuwahe si Frost. Napalingon ako sa kaniya, tahimik na naman siya samantalang kani-kanina lang ay salita siya nang salita. Nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos niya nitong nakaraan. He never cares for anyone, but he always reacts when it comes to Flare.

"Why did King Farus called up for us?" tanozng ko kay Flame. Nakasalubong naming ang mga kawal ng palasyo kaya mabilis na pumagilid ang mga ito't nagsiyukuan.

We are inside the Fire Continent's Palace. In some reasons, King Farus and Queen Frinn called up for our attention. That's why we're here for our palace duties. Nakakapagtaka lang na wala man lang pinadalang memorial kung tungkol saan ang pag-uusapan namin ngayon at kung bakit kami rito pinapunta.

"I have no idea." Sagot nito. Nakasalubong namin ang ibang opisyal ng palasyo kaya bumati naman ang mga ito't ang ilan ay nginitian lang kami sabay yuko bilang pagbati't pagrespeto.

"Oh? Akala ko sa Majestic Hall tayo pupunta?" pansin ko. Lumiko kasi si Flame ng daanan at mukhang patungo ito sa Palace Court kung saan kadalasan nagaganap ang mga diskusyon ukol sa mga iportanteng bagay na dapat pag-usapan at legal na aksyon sa mga kaganapan sa bawat kontinente.

"Are we going to discuss court affairs?" takang bulong ni Vexus sa kaniyang sarili. Nagkibit-balikat na lang ako, hindi ko rin alam pero paniguradong malalaman din naman namin pagdating namin doon.

"Your Highnesses." A palace maid greeted. Magalang itong yumuko't iginaya kami papasok ng Palace Court. Pinagbuksan kami ng pinto ng kawal ng palasyo't kaagad bumungad sa amin ang mahal na hari at reyna na prenteng nakaupo sa kanilang trono.

"The princes has arrived!" pag-imporma ng kawal, dahilan upang mapatingin sila sa aming apat na kasalukuyang naglalakad papasok.

"Greetings to the King and Queen of Fire Continent." Sabay naming bati matapos yumuko. Tumango ang mga ito kaya umayos na rin kami ng tayo.

"You are getting more and more radiant, Queen Frinn." Nakangiti itong bumaling ng tingin sa akin. Kasabay ng pagiling-iling niya'y kumawala ang mahinhin nitong tawa.

"I gave birth to two lovely princesses and two cute princes, but I'm still radiant?" Tumikhim si Flame kaya napalingon kami sa kaniya.

"Mother, you gave birth to one princess and two princes." Napatango ako nang maalala ko. Mukhang nagkamali yata ang mahal na reyna. As far as I can remember, she only gave birth to one princess, not two.

"Oh, my bad. I tend to be confused most of the time," Umiling-iling ito habang hinihilot-hilot ang noo niya.

"Thank you for that flattering compliment, Prince Aerus. Such a sweet tongue we have, I wondered how many women fell on your words." Ako naman ang natawa dahil sa sinabi niya.

Well, almost everyone except that brute woman.

"It's not just with words, you need to take an action too." komento ng hari. Napangiti naman ako.

"Of course, actions speak louder than words." sang-ayon ko. Napakamot na lang ako ng batok ko dahil alam ko sa sarili kong madalas ay salita lang ang ginagamit ko. Women fell on my knees with just my words.

"Father," pagtawag ng pansin ni Flame sa ama nito.

"What's the reason why you called our attention?" diretso nitong tanong.

"This prince of mine, where did you took being so straightforward like that?" Ngumuso si Flame, at ang direksyong itinuturo ng nguso niya ay ang ina nitong nakangisi habang nakaupo sa trono nito.

"I am the mother, of course he took it from me." taas noong sagot ng reyna. Napangiti na lang ang hari bago muling humarap sa amin.

"You are not getting any younger, Flame. You need to have your own Princess Consort." Muntik-muntikan na ako humagalpak kakatawa nang makita ang pag-awang ng labi ni Flame. Parang gulat na gulat siya sa narinig mula sa kaniyang ama't para bang isa itong kahibangan sa kaniya.

Princess Consort is the title of a sovereign prince's wife. In other words, the king and queen wanted him to get married.

"W-what?" nauutal nitong ani. Nagkatinginan naman kami ni Vexus at Frost. Mukhang matatali na si Flame.

"I'm too young for that, father." Komento nito matapos mahimasmasmasan mula sa pagkagulat.

"Same goes with the three princes, your father kings agreed to choose your Princess Consort too." Napaubo ako nang wala sa oras. Nasamid yata ako sa sarili kong laway dahil sa bigla.

No. That can't be! I can't have a Princess Consort!

"Father didn't tell me about this." Kagat labi kong bulong. Tumikhim ang hari kaya napatingin ako sa kaniya.

"That's why I'm telling it to you right now, Prince Aerus." Ang naglalagablab na apoy ng pagiging mapusok kong lalaki ay parang nabuhusan ng malamig na tubig. Ito na yata ang kawakasan ng buhay ko.

"Paano kung wala kaming mapusuan, mahal na hari at reyna?" Nabuhayan ako ng loob dahil sa naging tanong ni Vexus.

"Oh, I'm sure you'll have. That's why a Palace Ball will be held in the Institute." Naipilig ko ang ulo ko sa sinabi ng reyna. May gaganaping Palace Ball sa Institute? They are finally opening the gates for everyone? That's new.

"A Palace Ball where every maiden of four continents are invited. Isn't that lovely?" Nagkatinginan kaming apat. Hindi namin lubos akalain na pumayag ang aming mga ama't ina sa bagay na ito nang hindi man lang kami kinukunsulta kung papayag ba kami o hindi.

"When?" maikling tanong ni Frost.

"It's three days from now, Prince Frost. It's an Imperial Decree that's why it must be held as quickly as possible, but since we need to prepare it meticulously-more time is needed." paliwanag ng reyna.

"You need to choose your Princess Consort at exactly 12 midnight and announce it to everyone." pahabol ng hari.

"Princess Feleri has arrived!" Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig ang sigaw ng kawal mula sa labasan ng Palace Court.

Pagdaan ng ilang segundo, iniluwa ang isang babaeng malawak na nakangiti sa aming lahat. Nakasuot ito ng tipikal na kasuotan ng prinsesa sa loob ng palasyo. She's wearing a red silky gown reaching the ground, paired with a dazzling red cape with golden glitters and beads. Her reddish-black hair perfectly landed on her shoulders as she twirl each ends into a curl.

Feleri Azari Fiery, Flame's twin sister, and the only princess of Fire Continent.

"Leri, what are you doing here?" kaagad na tanong ng ama nito. Ngumiti lang ito't maarteng pinaglaruan ang dulo ng buhok niya habang naglalakad palapit sa gawi namin.

"I heard the princes are here for a visit, I just wanted to see them." Anito nang nakangiti pa rin. Pagdating niya sa harap naman ay isa-isa niya kaming ginawaran ng halik sa pisngi bilang pagbati, ngunit hindi niya nagawang halikan si Frost dahil bahagya nitong hinarang ang palad sa pisngi niya kaya 'yon ang nahalikan ni Leri.

"Ooh, Frost never really changed." wika niya bago tumawa.

You never changed too Leri, still the same flirtatious and self-conceited princess I know of.

"Mother, can I go back to the Institute now?" pakiusap nito. Bigla kong naalala kung bakit ito pansamantalang hindi nakapasok sa Institute. Her mother and father got her grounded for weeks because she broke one rule.

Palihim siyang lumalabas ng Institute tuwing gabi upang makapamasyal sa bayan, at upang makasalamuha ng iba't-ibang kalalakihan na pinapaasa niya at pinagloloko niya lang. Hilig niyang manira ng relasyon ng ibang tao dahil naniniwala siyang walang makakatanggi sa kaniya.

"Have you forgotten what you've done, Feleri Azari? No princess in the right mind would visit a brothel and mingle with men!" Walang pakialam itong nagkibit-balikat sa sinabi ng hari, samantalang si Flame naman ay napahilot na lang ng sentido.

"Fine. I still have two days before I can finally free myself." She said rolling her eyes. Ang iritado niyang mukha ay biglang naglaho nang humarap siya sa amin. She changed her expression quickly, she's really something.

"I'll be sure to meet your Princess Consort," Iginilid niya ang ulo niya't isa-isa kaming tiningnan, at nang dumako ang tingin niya kay Frost ay muli siyang nagsalita.

"Or maybe, I might be one of them." Kinindatan niya ito't wala man lang naging reaksyon si Frost. Napailing na lang si Vexus at ako nama'y taimtim lang na nakatitig sa palayong pigura ni Leri.

"Iisa nga lang ang prinsesa natin mukhang hindi pa ito matino." Natawa na lang kami sa naging bulong ng hari.

"Paensya na kayo sa kapatid ko, hindi na talaga nagbago 'yon." Kamot batok na paghingi ng pasensya ni Flame.

"So..." naibalik namin ang aming pansin sa reyna.

"You don't have any violent reactions right? The matter we discussed was also an Imperial Decree from your fathers." Napabuga na lang ako ng hangin bago tumango.

Wala rin naman talaga kaming magagawa. We can't disobey their orders even if we're their son. Kapag sinuway ko naman 'yon, kailangan kong maghanda ng sandamakmak na rason kung bakit ayaw ko, na sa katunayan ay isa lang namang rason ang maibibigay ko.

I don't want ties to choke me and cage me from being free as a man.

"You are all dismissed." Muli kaming yumuko sa harapan nila bilang paggalang.

"Farewell, your majesties." Tumayo na ang mga ito sa kanilang trono't hinintay muna naming silang makababa bago sumunod sa kanila.

Sumakay na rin kami sa karuwahe upang makabalik na ng Institute. Buong magdamag ay wala akong marinig bukod sa mga tunog ng kuliglig at ibang insekto sa paligid. Tahimik lang kaming apat at mukhang pareho naming iniisip at pinoproblema ang nalaman namin kanina. Iniisip ko pa lang na magkakaroon ako ng panghabang-buhay na kasintahan ay kinikilabutan na ako.

"Do you have any idea how we can escape this?" bulalas ko. Nakasandal lang ang ulo ko malapit sa bintana't kahit sino ay masasabing ang laki-laki ng problema ko sa hitsura ko.

"Don't even dream, it's an Imperial Decree." sagot ni Vexus.

"Sa ating apat naman, paniguradong ikaw ang pinakaproblemado, Aer." pang-aasar ni Flame. Nilinga ko ang katabi kong nakapikit lang ang mata't parang walang kinakaharap na problema.

"Hoy Frost, hindi ka man lang ba makikiramay sa problema naming tatlo dito? Itatali ka na rin. Huwag mo sabihing ayos lang sa'yo 'yon?" Pinagkrus niya ang braso niya't iginilid ang katawan niya upang tumalikod sa akin.

"Whatever." Hindi makapaniwala kong tiningnan ang likod niya. Hindi puweding ako lang-kami lang ang namomroblema sa bagay na 'to.

"Frost naman! Bakit parang wala kang pakialam? Tapos na ang maliligayang araw mo sa loob ng tatlong araw! Huwag mo sabihing-" Natigilan ako nang may rumehistro sa utak ko. It's the Water Tribe's trait to be calm even if the situation is bad, but I know him better than anyone else. Kung kalmado lang siya sitwasyon kung saan aligaga na kaming tatlo, isa lang ang ibig sabihin no'n.

"Huwag mo sabihing may babae ka ng naisip na gawing Princess Consort mo?" Napatingin sa akin si Flame at Vexus, samantalang siya naman ay tahimik pa rin at walang imik.

Isinandal ko muli ang ulo ko malapit sa bintana habang kagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi ko. Sa susunod na tatlong araw matatapos na ang maliligayang araw ko bilang lalaki. Tutal ay malapit na rin, sasagarin ko na ang pagkakataon. Ibabaon ko na't huhugutin ko ang lahat bago matapos ang lahat.

I can't be satisfied by one woman, damn it!

Flare

"Pinagloloko niyo ba ako?" Pinaningkitan ko sila ng mata. Kinakabahan man sa ano'ng maaari nilang gawin ay hindi ko ito pinahalata.

Ginalaw ko ang paa ko't inatras ito upang mapalayo sa kanila. Nakaupo lang ako sa sahig ng karuwahe samantalang sila'y nakaupo sa magagarang unan na kanilang kinauupuan. May kakaiba sa tingin nila't hindi ko mawari kung ano 'yon.

"You got to be kidding me." I whispered in the thin air. Lumakas lalo ang tambol ng puso ko nang tumayo sila sa kinauupuan nila't dahan-dahang lumapit sa akin. Nandoon na naman ang tingin sa mga mata nila, para bang lalapain nila ako't sasakmalin.

Babae lang din ako, marupok.

Inangat ko ang kamay ko't sinapak ito sa ulo ko. Napadaing ako dahil medyo malakas 'yon.

Ano ba'ng pinagsasabi mo Flare ha!?

"I'm warning you-aww!" Sa kakaatras ko'y hindi ko man lang namalayan na wala na pala akong aatrasan. Nahulog ako sa karuwahe't pag-angat ko ng tingin ko, saka ko lang nalaman na nakabukas pala ang pinto ng karuwahe.

Sinadya nilang gawin 'yon upang mabaling sa kanila ang atensyon ko't hindi ko mapansin na mahuhulog na pala ako. Anak naman talaga ng balasubas, oo. Inis akong tumayo't akmang manininghal na nang may telang tumalakbong sa ulo ko. Humarang ito sa paningin ko kaya inis koi tong kinuha.

A white cloak...

"Ya!" Tumunog ang latigo kaya mabilis na gumalaw ang kabayo't umusad na rin ang karuwahe ng apat na impaktong prinsipe na 'yon. Pinadyak ko ang paa ko sa inis. Hindi ako papayag na aalis sila nang hindi ako nakakaganti.

Tinitgan ko nang mabuti ang palayong karuwahe. Iniisip ko itong maglalagablab sa apoy, ngunit nagdaan ang ilang segundo ay wala man lang ni bahid ng apoy ang karuwahe. Saka ko lang napansin na napapalibutan pala ito ng manipis na panangga na gawa sa tubig. Nagtagis ang bagang ko nang malaman ko kung sino ang may gawa no'n.

That cold-blooded man...

"MAKAKAGANTI RIN AKO!" Pumulot ako ng malaking bato't tinapon ito sa gitna ng lawa. Inaalala ko pa lang ang nangyari kanina ay kumukulo na ang dugo ko't kulang na lang ay may lumabas na usok sa bawat butas ng katawan ko.

"Wei-wei! Nasaan ka bang hayop ka ha!?" Mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko dahil sa tigreng 'yon. Ilang beses na akong umiikot-ikot saan mang sulok ng gubat pero hindi ko siya mahanap.

Ngayon ay nagpapahinga muna ako saglit dito sa Green Lake para magpalamig ng isip, pero dahil wala akong maisip bukod sa mga nangyari sa akin ngayong araw, imbis magpalamig ay nagpainit lang ito lalo ng ulo ko.

Pumulot ako ng bato. Wala na akong makitang malaki kaya maliit na lang ang pinulot ko. Inatras ko ang kaliwang paa ko't inangat ko na ang kanang braso ko upang ihagis ito. Inis kong pinikit ang mata ko habang iniisip na sana isa sa apat na prinsipeng 'yon ang matamaan ng batong ihahagis ko. Buong lakas ko itong tinapon sa lawa.

"Aray!" Mabilis kong minulat ang mata ko't hinanap ang pinagmulan ng daing na 'yon. Sa gitna ng lawa ay may nakita akong lalaki na nakatayo't nakapikit ang mata habang hinihimas-himas ang ulo niyang natamaan ng bato. Hanggang bewang niya lang ang parte ng tubig na kinatatayuan niya kaya kitang-kita ko ang matipuno at matikas nitong pangangatawan.

Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Itim na itim ang buhok nito't napaka-perpekto ng hugis ng mukha niya. Matangos ang ilong at maalon ang pilik mata, bukod doon ay hindi maitatangging maganda ang hugis ng pangangatawan niya't masasabing isa talaga siyang magandang lalaki. Aakalain mong isa siyang prinsipe sa hitsura niya.

Dumilat ang mata niya kaya nabalik ako sa realidad. Nagtama ang paningin namin at nagtagal ang titigan namin ng ilang minuto. Pakiramdam ko'y maiiyak na ako sa tagal ng titigan namin kaya tumikhim na ako upang agawin ang pansin niya.

"Can you turn around?" he asked softly. Tulad ng utos niya'y tumalikod ako.

Pinagkrus ko ang braso ko habang nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Sa pagkakatanda ko, walang kahit sino man ang nagtatangkang maparito dahil maraming nagkalat na sabi-sabing maraming mababangis na hayop dito. Ang tanging napapagawi lang naman dito ay ang matatapang na bandido na nanghuhuli ng hayop upang maibenta.

Sa hitsura niyang 'yon malabo siyang maging bandido. Isa pa, ang Green Lake ay hindi basta-basta isang lugar na mapupuntahan mo kung kailan mo gusto. Marami itong pasikot-sikot kaya madalas ay maraming naliligaw sa tuwing tangkain nilang mapagawi rito. Ginawan ko pa nga ng detalyadong mapa si Head Master Dan para lang makarating dito.

Habang nasa malalim na pag-iisip ay wala sa sarili kong kinagat-kagat ang kuko ko. Sa paglingon ko'y napakunot ang noo ko nang makitang may pares ng paa akong nakita. Pag-angat ko ng tingin ko'y napaatras ako nang makita ang lalaking 'yon sa harap ko. May suot na siyang damit at taimtim lang siyang nakatitig sa akin.

Kanina niya pa ba ako tinitingnan?

"Why are you wearing that? Are you a prostitute?" Inginuso niya ang suot ko kaya napangiwi kaagad ako. Nakabalot man ang puting balabal sa likod ko, kitang-kita pa rin ang pulang kasuotan ko kaya naman nasabi niya kaagad 'yon.

"It's a long story, and for your information, I'm not a prostitute." Nilampasan ko siya't pumulot ng panibagong bato sa lupa. Dinamihan ko na ito upang sunod-sunod ko itong maibato sa lawa mamaya.

"What are you doing in a place like this?" Tumigil ako sa pagpulot ng bato't nagsimula ng ihagis ang mga batong kinuha ko. Nilinga ko siya upang sagutin ang katanungan niya.

"I should be the one asking that, what are you doing here?" balik tanong ko.

"Ako ang unang nagtanong." kalmado nitong sagot. Nagkibit-balikat na lang ako.

"I'm looking for my tiger." sagot ko na lang. Wala rin naman kasi akong gana makipagpilosopohan sa kaniya ngayon. Sirang-sira na nga ang araw ko, sisirain ko pa lalo.

"Your tiger?" mahina niyang bulong. Nilampasan niya ako kaya sinundan ko siya ng tingin habang naghahagis pa rin ng bato sa lawa. Nagtungo siya sa isang puno't may kinuha mula roon. Nangunot na lang ang noo ko nang makita kong fishing rod ang kinuha niya.

"Where did you get that?" tanong ko. Kung hindi ako nagkakamali, akin ang fishing rod na hawak niya. Ako mismo ang may gawa niyan at pinatago ko ito kay Wei-wei sa kuweba kung saan siya namamalagi tuwing malamig ang panahon.

"In a cave just a few meters away." parang wala lang niyang sagot. Naihulog ko ang mga batong hawak ko kaya napatingin siya sa akin.

The fact that he managed to get the fishing rod means Wei-wei is not there. Napaupo na lang ako sa ilalim ng puno habang isa-isang pinagbubunot ang mga damo na nakikita ko. Nakakainis, saan na ba napunta 'yon? Nagtatampo ba siya dahil umalis ako't hindi ko siya nadadalaw?

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko. Lumingon siya sa akin habang hawak-hawak ang fishing rod na nakasalang na sa lawa.

"I came here to fish for food." Wala sa sarili akong napangiti nang maalala ko si Wei-wei.

"Grilled or roasted?" naitanong ko.

"I love both of them." Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya natawa na lang ako.

"My tiger loves to eat grilled and roasted fish. He always ask me to fish for his own food. Ang arte pa ng tigreng 'yon, gusto niya lahat ng pagkain niya luto. Kung hindi lang talaga siya hayop aakalain kong tao siya." Habang inaalala 'yon ay napangiti na naman ako. Nawala lang ang ngiti ko nang may mapansin ako.

Bakit ang daldal ko sa isang taong hindi ko kilala? Hindi naman ito ang pag-uugali ko. Kung makapagsalita ako'y parang komportable na ako sa kaniya't matagal na kaming magkasama't magkakilala. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya na kasalukuyang nakatingin lang din sa akin.

"Ano ang pangalan mo?" Natigilan siya sa naging tanong ko. Matagal din bago siya nakasagot sa simpleng tanong na 'yon.

"I-I'm Yael..." Tumango-tango ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo't naglakad papalapit sa kaniya.

"Do you perhaps, know me?" There's something wrong. My body is not supposed to be like this towards a stranger, and I know it. Tuwing may kasama akong hindi ko kilala, sinusungitan ko sila't halos hindi ko na pansinin. Sa nangyayari ngayon, parang may mali.

I'm comfortable around him, and my body is not acting the way it used to.

"H-huh?"

There are no coincidence, because concidence are also man made.

Tumayo siya't hinarap ako. May bahid ng kaba ang mukha niya kaya mas lalo akong naghinala sa mga ikinikilos niya, at kung sino nga ba talaga siya.

"Ngayon lang kita nakita at nakilala." aniya.

"Yael, right?" Tumango siya. Inihakbang ko papalapit ang paa ko't hinawakan ang belt ng kasuotan niya. Hinigit ko 'yon papalapit sa akin kaya nagpatianod din ang katawan niya. Hinawakan ko ang ulo niya't iniyuko ito upang makita ko ang batok niya. Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang inaasahan ko.

A burn mark on his nape...

Binitawan ko ang ulo niya't tumunghay upang makita ang balisa niyang mukha. Napakurap-kurap ako't bakas sa mukha ko ang pagkalito't pagkagulat.

I caused that burn when I was training with him...

"Wei? Y-you're a man?" Tumango siya kaya napasinghap ako. Hindi man lang tumanggi ang gago!

"Aww! What the fu-" Hindi na niya naituloy pa ang mura niya nang pingutin ko na ang kaliwang tainga niya.

"You little scumbag! You didn't tell me you are a mythical creature!" Inis kong atugal. If he's an animal and he can turn himself into a man, then that means he's indeed a mythical creature.

Ang tarantadong 'to, hindi man lang nagsabi.

"You didn't ask! Aww! Stop it! It hurts!" Parang bata niyang ingos.

"You-you even saw me bathing! You-you freakin' animal! You saw me naked!" Binitawan ko ang tainga niya't hinampas siya sa braso. Inangat ko ang paa ko upang sipain siya pero tumakbo na siya palayo sa akin.

"I didn't! I closed my eyes! I swear! " tanggi niya. Kahit malayo siya sa akin ay tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming at hinabol siya.

"Kaya pala ang arte mo sa pagkain! Kaya pala gusto mo lahat niluluto!" sikmat ko. Pumulot ako ng bato't inihagis ito sa kaniya. Umiwas siya kaya hindi siya natamaan. Ngayon ay para kaming tangang naghahabulan paikot sa lawa.

"You have all the chances to tell me who you are, but you didn't!" Tumigil siya sa pagtakbo't hinayaan akong maabutan siya.

"I'm sorry, I didn't mean to. You are always happy whenever you play with my animal form, that's why I didn't tell you." Tinapik ko siya sa balikat kaya napatunghay siya sa akin.

"You are with me since I was young. You became my only family and best friend. I always wanted someone to talk to, but since you're an animal I can only share my problems and expect no reply from you." Niyakap niya ako kaya napangiti na lang ako dahil komportable ako sa yakap niya.

"I'm sorry, I would always want to tell you, but I'm afraid you'll freak out and leave me." Kumalas ako sa yakap at sinamaan siya ng tingin.

"I will never leave you. You're my pet, remember?" Sumimangot naman siya kaya natawa na lang ako.

"So, you're real name was Yael?" Tumango-tango siya't umupo na naman upang mangisda.

"Nice name, but Wei-wei is cuter." Hinarang niya sa mukha ko ang fishing rod kaya napataas ang kilay ko.

"Fish me for food. Ilang oras na ako rito pero wala pa rin akong nahuhuli ni isa, Sinisid ko na ang lawa para makahuli ng isda pero wala pa rin." Hindi makapaniwala ko siyang binalingan ng tingin.

"Sira na ba ulo mo? Sinisid mo pa talaga ang lawa para makahuli ng isda? Anong akala m, kaya mo makipaghabulan sa mga isda?" Ngumiwi naman siya't parang rumehistro din sa utak niya ang katangahang ginawa niya.

"Just please, feed me. I'm hungry. You owe me a lot of days." Hindi na lang ako nagreklamo pa't matyaga siyang hinulihan ng makakain.

"Tell me what happened and why the heck are you wearing those clothes." Napasapo ako sa nook o dahil pinaalala niya naman.

Ugh, give me a break.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

36.8K 1.5K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
1.7K 137 28
Christmas Series Special # 2.19 Disyembre. Ang huling buwan ng taon. Ang huling buwan ng pagsasakripisyo. Ang huling buwan ng kaligayahan. Ang huling...
15.5K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...