Ang Manyak kong Ex-boyfriend...

By LadyKazumi

227K 5.5K 765

"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siy... More

Author's note (IMPORTANT!!!)
Simula
1 - He's back
2 - "Angel ko"
3 - Classmate?
5 - Rienn
6 - Mall
7 - Deborah
8 - Blackmail
9 - Rooftop
10 - Invitation Card
11 - Don't mess with Silver
12 - Rienn's birthday
13 - Library
14 - Lala Montefalcon
15 - Surprise
16
17
18 - Princess
19 - Jealous
20 - Cafeteria
21 - Trust me
22 - 4Variety
23
24 - Lala's debut
25 - Repentance
26

4 - Lunch time

10.5K 275 16
By LadyKazumi

I'll edit this pag may time. Okay? Sa ngayon, pagtyagaan niyo muna.

---------------------------------------------------

4 - Lunch time

Asar! Katatapos lang ng dalawang subject namin at break time na namin. Nakita niya na ako kanina kasi isa-isa na kaming pinapunta sa unahan para ipakilala ang aming sarili.

Pero iniiwasan ko siyang tingnan!!!

At eto nga, kandaripas na ako ng labas sa room namin (para hindi ako mapansin ni Silver) at naghahanap ako ng lugar na pwedeng pagkainan. Nakakahiya kasi, ako lang yata ang may baon dito.

"Bahala na nga. Pwede naman siguro dito." Pumwesto ako doon sa bench pero maya-maya'y nilapitan ako ng isang guard nung naglabas ako ng pagkain. Sabi niya hindi daw ito ang tamang lugar para kumain. Tsk. Arte.

"Mukha kang problemado."

Silver... Jusko!!! Pinapainit mo lalo ang ulo ko!

"Tara, kain tayo sa labas. Treat kita."

"Wala akong paki kahit treat mo pa. Hindi ako sasama sayo." Nilagpasan ko siya at mabilis na naglakad.

"Edi ako ang sasama sayo kung ayaw mo sa'kin."

...kalma, Angel. Kalma.

"Wag mo akong sundan."

"Wala kang magagawa, gusto ko eh." Hay! Naku po!

"Lubayan mo nga ako!"

"Lulubayan lang kita kapag sumama ka sa'kin ngayon."

"Tsk. OKAY FINE!" Para matapos na agad 'to!!!

So ayun, nauna na akong maglakad sa kanya papalabas ng university na 'to. Bawat pagdaan ko nga eh tinitingnan ako ng mga babae--ay mali, si Silver pala. Alam mo 'yun? Parang kumikislap 'yung mata nila tapos automatic silang ngingiti at magpapa-cute. Madami yatang malanding babae dito.

"Hi! What's your name? Gusto mong sumabay sa amin ng friends ko?" Okay, narinig ko 'yun. May babaeng lumapit kay Silver at kinausap siya.

Kung sasabay siya, doon siya sa babaeng 'yun. Wag sa akin.

"Sa parking lot tayo, Angel. Nandoon 'yung sasakyan ko."

"T-teka, nasaan 'yung babae?"

"Sinong babae?"

"Y-yung..." Nilibot ko ang tingin ko at napansin ko ang grupo ng mga babae na matalas ang tingin sa akin. Oh great. Just great. Mukhang hindi sila pinansin ni Silver at naiinis sila sa akin. Baka napagkamalang girlfriend.

Yuck! Ex lang ako! Hindi ko na siya boyfriend at hinding-hindi ko na siya magiging boyfriend!

"Sino ba 'yung babaeng tinutukoy mo?"

"Wala, never mind. Tara na doon sa parking lot at nang matapos na agad 'to."

Nang makarating kami sa parking lot ay nilapitan niya agad 'yung kotse niya. Bagong kotse na, hindi 'yan 'yung kotseng sinasakyan ko dati.

Pati rin pala ang kotse, nagbago na GAYA NIYA.

"Sige na, pasok ka na." Gentleman talaga! Ni hindi ako pinagbuksan ng pinto! Sabagay, ano bang aasahan ko? Bastos naman 'tong lalaking 'to eh.

Pumasok na rin siya sa loob at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at...

...hinalikan ako sa pisngi ko!!!

"Bastos ka! Bakit mo ginawa 'yun!" Sinuntok-suntok ko siya pero hinayaan niya lang ako.

"Ang alin? Sinuot ko lang naman ang seatbelt mo sayo ah?" naka-ngisi pa ang walangya.

"Painosente ka pa!"

"Aray! Oo na, tama na--aray! Tama na. Baka masira na 'yung mukha ko, sayang."

"Kapal mo! Hindi ka na gwapo!"

A-anong sabi ko?

"Edi ibig sabihin, naging gwapo ako sa paningin mo?"

"Heh! M-manahimik ka na at mag-drive ka na lang." Sabi na nga ba at lalaki na naman ang ulo nitong panget na 'to.

♥-♥-♥

Mga after 15 minutes, nakarating kami sa isang fast food chain. Pagpasok namin sa loob, pinagtitinginan pa rin siya. 'Yung isa ngang employee nakabunggo ng tao eh. Napagalitan pa tuloy siya.

"Grabe, gan'on na ba kalakas ang appeal ko?"

"Gusto kitang sabunutan ngayon pero public kasi ito kaya hindi ko magawa."

"Ang sadista mo pa rin talaga, Angel ko."

"T-tigilan mo ako! Bahala ka na ring um-order dyan!" Naghanap na lang ako ng mauupuan at inilabas ko ang cellphone ko para masabing may pinagtutuunan ako ng atensyon. Kaso, wala eh. Mukhang tanga lang ako. Bakit ba kasi tinawag na naman niya ako ng gan'on? Ano bang nasa isip niya? Feeling niya sa kanya ulit ako? Hell no! Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung ginawa niya sa'kin dati!

"Here's your food." Inilagay niya sa harap ko 'yung pagkain ko at pumunta na rin siya sa kabilang upuan.

Okay, kakain na ako. Wala ng hiya hiya.

"You know what? Walang nagbago sa mukha mo. Ikaw pa rin 'yung Angel na nakilala ko. You're still cute."

"Inaasar mo ba ako?"

"That's a compliment."

K.fine.

Hindi dapat ako maniwala sa bawat sasabihin niya. Binobola niya lang ako.

Kukuha sana ako ng fries kaso bigla namang sumingit 'yung kamay niya. Means...nakalagay 'yung kamay niya sa kamay ko.

"'Yung kamay mo,"

"What?"

"Puputulin ko 'yan o aalisin mo?" Kung saan-saan humahawak eh. Dapat nga pinuputol na 'yan. Masyadong makasalanan.

"Okay, okay." sabi niya habang natatawa. Pansin ko lang lately, parang mas naging cool siya kumapara dati at mas tumangkad siya ng kaunti. Dati kasi tenga niya lang ako pero balikat niya na yata ako. Tapos ang kengkoy kengkoy din niya pero ngayon, parang pa-cool na siya lagi. Nag-matured na siguro(?). Ah ewan.

I was about to drink nang mapansin kong nakahalumbaba siya at titig na titig sa'kin. Isama mo pa 'yung ngisi niyang nakakairita.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Durugin ko eyeballs mo eh."

"Wala lang, nagagandahan kasi ako sa'yo. Saulong-saulo ko pa rin ang features mo. Hindi kita nakalimutan, lagi ka ngang nasa isip ko noong nasa Korea pa ako eh."

Ewan. 'Yan ang mga lines na nakakainis.

"M-may tanong nga pala ako."

"Go ahead."

Matagal na 'tong nasa isip ko kaya maiging ilabas na. "Akala ko ba sa Maynila kayo lilipat? Bakit sa Korea? At kung sa Korea kayo lumipat, bakit isang taon lang? Bakit bumalik ka pa dito?" Napatigil ako nang ma-realize ko na ang dami ko na palang tanong. But then, bakit ako mahihiya? Kating-kati na naman talaga akong itanong sa kanya 'yun atsaka baka ito na ang huli naming pag-uusap kasi nga ayoko na siyang kausapin pa sa susunod na mga araw.

"Parang ayaw mo yata na nagbalik ako dito ah?"

"Buti alam mo." Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Alam ko sa una pa lang na sa Korea na kami lilipat." So, nagsinungaling nga siya sa akin noon? "Pero hindi ko alam na isang taon lang pala ang itatagal namin doon. Things get complicated kaya nagdesisyon si dad na bumalik ulit dito. And also, I came back for you."

I admit na nagulat ako sa huli niyang sinabi. Napaka-seryoso ng mukha niya pero hindi ako nagpatinag. Ayokong bumigay sa mga sinasabi niya. Niloloko na naman niya ako.

"Kung nagbalik ka nang dahil sa akin, I'm very sorry. Wala ka nang babalikan."

"You're wrong. Alam kong hindi nawala 'yung Angel ko dati. You can't fool me."

I laugh sarcastically, "Ikaw ang mali at ako ang hindi mo maloloko."

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain ko kahit na unti-unti na akong nawawalan ng gana. Ayoko lang magsayang ng pagkain, maraming nagugutom.

"Okay then, do you think we should forget about the past and start a new?"

Shit. Muntik ko nang ibuga 'yung kinakain ko. Hindi pa natuloy para mandiri naman siya at layuan na ako.

"Stop talking nonsense. Naiirita na talaga ako sayo, Silver."

"I'm serious."

"Bakit? Sa tingin mo hindi din ako seryoso?" I rolled my eyes at him.

Forget about the past and start a new? Tsk. Baka gusto niyang sikmuraan ko siya?! Bigla-bigla siyang nago-open ng gan'ong topic.

"Do you hate me THAT MUCH?"

"Sabihin nating over pa sa MUCH." Nag-iba 'yung reaksyon niya nang sabihin ko 'yun.

Pero wala akong paki kahit mainis siya sa'kin. Mas mabuti pa nga 'yun eh.

"Why?"

"Why? Tinatanong mo kung bakit? Tanga ka ba para hindi malaman kung ano ang dahilan kung bakit galit na galit ako sayo?!"

"Alam ko pero...paano pala kung may dahilan ang lahat kung bakit ko ginawa 'yun? Magagalit ka pa rin ba?"

...dahilan? Anong dahilan Silver?

"Hindi ko alam at wala na akong pakialam. Nakaraan na 'yun."

"Kinalimutan mo na lang?"

Kinalampag ko 'yung mesa. Buti na lang at walang masyadong tao malapit sa amin. "Ano bang problema mo Silver ha?! Nakaraan na 'yun. Ibig sabihin,  tapos na. Binaon ko na sa limot ang lahat. Hindi ko na inaalala ang tungkol sa ating dalawa dati. Nakipaghiwalay ka sa'kin, minaliit mo ang feelings ko noon, nagpunta ka sa Korea at kinalimutan kita! Tapos! Hanggang doon na lang 'yun! Wag ka nang mag-expect sa'kin na ako 'yung Angel na girlfriend mo noon!"

Napayuko siya, hindi ko makita kung ano ang reaksyon niya. Isa na naman bang acting 'tong ginagawa niya?!

"Excuse me, pupunta ako sa CR."

Hindi ko na hinintay 'yung sagot niya. Umalis agad ako at hinanap ko 'yung CR. I washed my hands pati na rin ang mukha ko.

Napansin ko lang, teary-eyed ako.

Bakit? Naapektuhan ba ako sa sinabi niya at nainis nang husto to the point na naiiyak na ako sa sobrang inis ko sa kanya? 'Yun ba? Or nagkaganito ang mata ko dahil sa way ng pagsasalita niya? 'Yun bang naga-act siya na parang wala lang nangyari at akala mo kung sino siyang lalaki na makikipag-usap ulit sa'kin?! Ni wala man lang sorry?!

Tsk. Hindi ko alam. Mas mabuting wag ko na lang isipin kung ano man 'yung mga sinabi niya kanina.

"Kung bumalik na lang kaya ako sa BRU?" Hahayaan ko na lang siya dyan na mag-isa.

Papalabas na ako ng CR nang mapansin ko siyang nakasandal sa may labas.

Anong ginagawa niya dito? Mukha bang tambayan ang CR? Duh.

"Where are you going?"

"Aalis na ako." Kung makapagsalita, parang wala lang 'yung sinabi ko. Hindi siya naapektuhan. Wala talagang pakialam.

"You can't leave me."

Ano na naman ba?!

"At bakit?"

"Kasi...nasa akin ang wallet mo." Nanlaki ang mga mata ko nang ipakita niya sa'kin 'yung wallet kong bulok. The heck! Paano napapunta sa kanya 'yun?!

"Ibalik mo sa'kin 'yan!"

"Ibabalik ko lang 'to kapag pumayag ka na sabay tayong mag-lunch araw-araw."

Ugh!!!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.5M 34.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...