The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #14: Confused & Oblivious

121K 1.7K 202
By kathipuneraaa

Sweats dripping all over my face. Sa totoo lang pagod na ko dahil hindi ako nilalabas ni coach pero di naman ako makapagreklamo. Isa daw kasi ako sa inaasahan niya. Bukod sa advantage yung height, marunong din talaga akong magvolleyball.


"Dela Serna, pag pumalo payungan mo agad!" nag nod na lang ako kahit wala naman ako sa front line. Kanina pa niya yan sinisigaw. Nakakairita na pero di ko din naman siya masisi. Dikit ang laban. Third year highschool lang ang mga kalaban namin pero matatangkad at marurunong din kahit paano. At pressured kami syempre. Nakakahiya kapag natalo ang seniors. Halos lahat ng physical sports naipanalo namin. Last game na tong volleyball.

Hindi pa kami ang magse serve kaya mas lalong nakakakaba. Tapos ako pa ang nasa center. More or less sakin sigurado ang first ball. Nang paluin na nung player yung bola, like what I said sakin nga pumunta. Ini steady ko lang ang kamay ko para diretso yung receive. At para mai set pa ni Pauline. Which she successfully did. Maganda sana yung ere nung isa pa naming kakampi na si Merwin pero na anticipate yun ng mga kalaban namin. She was blocked at lumanding yung bola sa mukha niya.

At sanhi yun para matawa ang buong gym. Kinilabutan nga ako. Ang sasama ng ugali nakakairita. Pero balewala lang naman yun kay Merwin. She just smirked doon sa naka block sa kanya and concentrated. And that's enough para ma motivate ako. Kaya ko to. Kung siya nga natamaan na ng bola sa mukha hindi sumuko, ako pa kaya na pagod lang?


"Go my princess!" may sumigaw at automatic na napatingin ako sa bleachers kung nasaan si Robie. May dala siyang malaking placard na may nakasulat na "Go Erica, my princess" kasama din niya ang buong soccer team para mag cheer. Pati ang bestfriend ko na nasa gitna nila na natatawa lang.

Kinikilig ako. I've never felt this way gaya nang nararamdaman ko kay Robie. Masaya. I feel love. Katunayan kanina binigyan niya ako anklet. Good luck charm. And we're even closer. Maybe because wala si Derick ngayon. May space kami.

Anyway, two days na siya nasa Hong Kong. Tumawag siya sakin kagabi para sabihing gusto niya na umuwi. He seems so troubled. Gusto ko sana sabihin yung nangyari samin ni Robie. About the poem and date pero may pumigil sa utak ko kaya hindi ko na lang ginawa.

Pumasok na yung palo ni Merwin. So the score is 24-23. Lamang kami ng isa pero kapag naka puntos sila, the scoring will be raised to 26. Kailangan two points ahead para manalo. At ayoko na mangyari yun. Hindi ako sigurado kung kakayanin pa ng mga kakampi ko ang isa pang set.

Nag rotate na kami. Si Pauline ang magseserve. Ako nasa backline pa din. Napailing yung coach namin. Hindi ako pwedeng pumalo. At hindi pa katangkaran yung mga nasa harap kaya medyo delikado din sa blocking. Bahala na. Volleyball is not just about strength and height. Kailangan din dito ng talino. And since wala kami masyado nung dalawa, we're going to use our wit.

This time naging makulit na ako sa court. Naibalik samin nung kabila yung bola. Dahil na din siguro sa sigawan tumindi yung adrenaline nung mga kakampi ko. Lahat naghahabol. Nag pancake pa ako para makuha yung second ball. Thank you at malapit sakin si Merwin at naitawid niya yung bola.

Please, Lord ibigay niyo na samin to. Isang puntos na lang..


"Erica" tinawag ako ni Pauline pero hindi siya nakatingin sakin.

"Bakit?" tanong ko as I passed the ball sa kakampi ko at i over niya yun. We're having a long rally right now. Siguro takot din na magkamali yung kabilang team kaya hindi pumapalo. Masungit kasi yung coach nila. Mga teachers lang din naman dito sa Phylisse ang mga coaches pero hindi namin kilala dahil taga elementary department.


"Pagka receive ng bola ni Merwin, kukunin ko tapos ikaw pumalo" sabi niya at sandali akong tinignan. But I cant.


"Imposible yung sinasabi mo, Pau. Back liner ako. Hindi ako pwede pumalo"


"Anong hindi? Pwede naman huwag ka lang tatapak sa line" she contradicted. Pwede naman yun kaso hindi ko alam kung mao over. Sanay ako sa quick at down the line pero hindi ko pa nasusubukan ang back row attack. Baka kumapos dahil medyo malayo sa net


"Pero kasi.."


"I trust you. Sa kanilang lahat kayo lang ni Merwin ang pumapalo. Hindi ko maaasahan si Merwin dahil galit siya doon sa blocker. Baka masira yung laro niya. Kaya ikaw na lang talaga" part of me of course gusto pero ang ayoko eh baka di ko magawa. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkatalo. And I do not want that. Hanggang pag graduate hindi nila makakalimutan yun sigurado.


"Here is it" Pauline muttered. At gaya nang sinabi niya, ni receive nga ni Merwin ang bola papunta sa kanya. She set it high enough para makabwelo ako ng talon. Bahala na.


"Please Lord" I prayed. With all my strength bumwelo ako ng talon and spiked the ball. Tatlong blocker ang tumalon at inaasahan ko na na babalik yung bola but it didnt happened. Maliit yung nasa gitna at sa kanya lumusot yung bola.

Then the buzzer blared. Signal na tapos na ang laro at panalo na kami. Four long sets. Napaupo agad ako sa sahig and muttered my thanks to Lord. Masaya ako pero pagod talaga ako. Pauline dragged me at niyakap ako ng mahigpit. Sumunod ang buong team hanggang sa madaganan na nila ako.


"Erica! Erica! Erica!" I can hear the whole gym na sinisigaw ang pangalan ko. May mga confetti pa na color blue. Parang alam na ng mga batchmates namin na mananalo kami dahil prepared na sila.


When we all settled. Ibinigay samin yung trophy and had some picture taking. Hindi muna kami pinaalis dahil daw may mga special awards pa. Si coach tuwang tuwa samin. Sinabi niya pa na sabay sabay daw kaming magla lunch at treat niya. Syempre pumayag kami. Sayang yun ah.


"And for our most valuable player.. Erica Dela Serna" nagulat pa ako nang tawagin nung emcee pangalan ko. Kung di pa ako kakalabitin hindi ako tatayo. Naglakad ako papunta sa harapan at sinuotan ako ng medal.

Then napalingon ang lahat sa pintuan ng gym nang may dumating na lalaki. In all black get up at naka shades. Kahit malayo kilalang kilala ko siya. Derick. He got back this soon?

At mukhang papunta siya sa direksyon namin. May hawak siyang bouquet ng roses. Dalawang metro na lang ang layo niya sakin when he smiled and handed me the bouquet. Everyone near me gasped pati yung emcee. Parang hindi makapaniwala


"For the most valuable player" he said huskily. Nahiya ako bigla. I wished maayos ang itsura ko dahil pakiramdam ko sobrang haggard ako. Naka jersey pa ako at shorts na kalahati ng hita ko ang iksi. Yung muscle tape sa tuhod at siko ko hindi ko pa nga natatanggal.


"Thank you" I replied smiling. Nang maalala ko si Robie I searched for him on the crowd pero hindi ko na siya makita at ang team. Pero nandun pa si Annabeth at Stephen. And they seemed to be disgusted.


"Sino pa ba hinahanap mo? Nandito na ako ah" hindi ako nakasagot. Nag picture taking. Hinapit ako ni Derick sa bewang and smiled to the camera.

Ngayon na nandito na si siya paano na kami ni Robie? Matatakot na naman kaya siya na lumapit sakin? I dont know pero nakaramdam ako ng disappointment.

Mukhang close friends si Coach Flores at Derick. Dahil ngayon na magla lunch kami kasama din siya. Nagkukwentuhan ang mga team mates ko about sa game and sometimes pinupuri nila ako.

Huminto sa paglalakad si Derick. Hinintay niya na magkatabi na kami saka siya naglakad ulit. Sukbit niya yung backpack ko. Hawak ko yung roses sa kanang kamay ko. A shock came to me nang hawakan niya yung kaliwang kamay ko and guided me through out the walk. Thank you at crowded ang lobby kaya walang nakakapansin. Kung meron man ilan lang. Hindi ko naman maiwaksi ang kamay niya. Bukod sa ayoko siyang mapahiya, pagod din talaga ako. At siya ang nagsisilbing alalay ko ngayon sakaling bigla akong makatulog habang naglalakad.


"Pagod ka ata. Bakit hindi ka na lang umuwi at magpahinga? Then I'll take out a lunch for you para pag gising mo may makain ka?" he suggested pero umiling ako. I looked at him. May kakaiba sa kanya ngayon. He's not cold. He seems to be happy. Lately naman palatawa na siya pero mas better pa ngayon.


"Hi, Derick" sabi nung nakasalubong namin na babae and winked at him


"Hi, Chona" he greeted back smiling


"Hi, Derick" may isa na naman. I recognize her dahil madalas ko siyang makasalubong sa lobby


"Hi, Kathreen. You're pretty as always" sagot na naman ni Derick. Tama. Kakaiba nga siya ngayon. Nag improve na naman ang attitude niya. I suppose may magandang nangyari sa pag alis nila ng family niya. I do hope so.


"Gods, what happened to you?" tanong ko sa kanya. Natatawa lang siya na tinignan ako. As if Im a weid person. Hinigpitan niya lang ang hawak sakin and together we catched up to our group na medyo malayo na samin.

If I were to decide hindi dito sa pizza chain na to gugustuhin ko kumain. Dito ako dinala ni Robie kahapon. We had wonderful time here. And for me this place is special dahil sa tuwing pupunta ako dito maaalala ko siya. I want to preserve to my memory na siya lang ang nagdala sakin dito.


"Erica bakit hindi mo galawin ang pagkain mo? Huwag ka mahiya" naputol ang pag iisip ko nang magsalita si coach. Nasa kin ang attention nilang lahat. Labing dalawa kaming lahat na babae plus coach and Derick. Imagine fourteen pairs of eyes na nakatingin sakin ngayon.


"Don't you like it? Gusto mo umorder ng iba?" nag aalalang tanong ni Derick pero umiling ako. I forced a smile at nagsimula na kumain. Through my peripheral vision nakikita kong mataman na nakatingin sakin si Derick. Maybe he's suspecting that something is wrong with me.

Di ko din alam kung bakit ako ganito. But it came to my senses na kung nasaan ba si Robie. At bakit ganun makatingin sakin si Annabeth at Stephen? Hindi kaya nakita niya yung binigyan ako ng roses ni Derick kaya umalis siya?

Sinubukan kong alisin muna si Robie sa isip ko. Masaya lahat sa table at syempre ayokong ma out of place. Madaming nakakatawang kwento si Coach Flores. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang table dahil napaka ingay namin pero wala naman silang magawa.


"Kung nakita niyo lang ang mukha nung coach ng kabilang team kanina. Hahaha" at nagtawanan na naman kami. May katabaan din kasi yung coach na babae ng juniors kanina. At base sa kwento ni coach, nag tantrums daw.

Akala ko laro laro lang to yun pala may extra pay sila kapag nanalo yung team na hinandle nila. Kaya siguro si coach tuwang tuwa to the extent na nilibre kami ng lunch.


"Coach maglaro na lang tayo" suggest ni Angeleen. Hindi naman siya kasama sa team pero sumabit siya. Hindi niya ata kakayanin na mahiwalay lang ng onti kay Pauline


"Oo nga. Pero anong laro?" pag sang ayon nung team mate namin


"Spin the bottle!" sabay sabay nilang sabi at nagtawanan. Napailing na lang ako. Bakit ba kapag ganito palaging uso ang spin the bottle? Naaalala ko sa dati kong school madalas din kami maglaro nun.


"Hindi ako sasali. Pero ako ang magtatanong kapag truth at mag uutos pag dare" sabi ni coach. Hindi naman kami tumutol. Lugi din naman kami sa kanya eh. Tsaka di magandang tignan na naglalaro ang teacher ng truth or dare in public place.


"Ikaw, Derick sasali ka ba?" tanong ni Pauleen habang nilalagay na sa gitna yung bote ng softdrinks na wala ng laman


"Sure" Derick answered with a smile. Napataas ang kilay nung iba at pinaglipat sa aming dalawa ang tingin. Hindi na lang ako nagreact. Kunwari hindi ko na lang napansin yung ginawa nila.


"Okay, game" then the game began. Doon lang ako sa bote nakatingin. Hanggang sa huminto yun


"Whoa! Merwin truth or dare?"


"Truth"


"Okay, this is on me" singit agad ni coach na as if nakalimutan namin yung sinabi niya kanina


"Sa mga nakalaban natin kanina, kanino ka na challenge?"


"Coah naman eh! Something personal naman itanong mo!" reklamo nung iba pero mukhang ready na sumagot si Merwin


"Eh yun ang gusto ko eh!"

Hanggang sa nagtalo na silang lahat. Kami lang ni Derick ang tahimik at natatawa. Siguro may gusto silang malaman na secret ng bawat isa kaya gusto nila something personal ang itanong.

But in the end, si coach pa din ang nasunod. Though minsan may nagsasabi ng dare. Kagaya ni Pauline. Pinainom siya ng coke na may halong ketchup. Yung mukha niya nakakatawa pagtapos.


"Sa wakas!" uh oh sa akin na natapat yung bote


"Akala ko ginagamitan mo ng powers yung bote kaya hindi natututok sayo eh" kanina pa nila ako inaasar dahil hindi pa ako natataya. Si Derick din naman eh kaso ako lang ang trip nila dahil siguro natatakot sila dun sa isa


"Dela Serna, truth or dare?" tanong sakin ni coach. At sa itsura niya pa lang mukhang pahihirapan niya ako. Porket ngayon lang ako nataya eh!


"Dapat mahirap yung sa kanya. Ngayon lang siya nataya eh"


"Kaya nga.."


"Truth!" I said with confidence. Kaysa mautusan. Natatakot ako na baka ikahiya ko ang ipagagawa nila. Tutal simple lang naman ang mga tanong ni coach kaya truth na lang.


"Sino yung tumatawag sayong 'my princess' kanina doon sa bleachers?" he asked na parang nang aasar. Everyone smiled wickedly na parang kinasabwat nila si coach na yun ang itanong sakin

Derick is looking at me quizzically. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya.


"Answer please" coach said with urgency. Medyo matagal din pala na hindi ako sumasagot


"Robie" I answered straight forward. Nakatingin lang sila sakin. Parang bumigat yung atmosphere. Parang hindi na to laro.

Si Pauline ang unang nakabawi. Tumawa siya para mawala na yung tensyon. I looked at her in a way na nagpapasalamat. I was saved by the bell.


"Why is he calling you like that?" natahimik na naman nang magsalita si Derick. Magkaharap kami and there is no way na iba ang kinakausap niya dahil matalas ang tingin niya sakin


"It's just--"


"Kayo na ba?" he growled.


"Hindi"


"Is he courting you?"

Tumingin muna ako sa mga kasama namin. Their jaw dropped. Habang si coach naman relax lang at gaya nila nag aabang ng isasagot ko. Hindi ko alam pero natatakot ako kay Derick. And there's sudden.. Guilt. Gusto kong sumagot ng oo. Pero mukhang hindi maganda ang magiging reaksyon niya. Im certain of it. Ngayon nga para siyang iiyak eh.


"Nope" I barely whispered and smiled. Wala na akong pakiilam kung convinced sila o hindi

So naglaro na naman kami. Unti unting bumabalik yung energy level pero mas naging tahimik si Derick. Iniiwasan ko ang mga tingin niya. Im afraid he'll find out na nagsisinungaling ako.

Tangina ano ba problema? Shit, bakit ba ganito? Wala naman siyang pakiilam dapat di ba? Pero bakit parang natatakot ako na masaktan siya.


"Derick" sa kanya naman tumutok yung bote. Tumingin siya kay coach. Ako naman ang matagal na tumingin sa kanya


"Truth or dare?"


"Dare" nagpalakpakan sila. At the same time parang excited pa. Coach smiled naughtily habang nakatingin kay Derick. More or less mukhang mahirap ang ipagagawa sa kanya.


"See these girls? Halikan mo kung sino para sayo yung pinaka maganda" nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What was that?!


"Yun lang ba?" tanong ni Derick na parang bored at tumayo sa kinauupuan niya. Lahat ng nandito sa lamesa magaganda. So I know mahihirapan siyang pumili.

He walked toward our direction. I held my breathe. Mabilis na tumitibok ang puso ko. Yung iba nakatingin sakin. Na parang ina anticipate nila na ako yung hahalikan ni Derick.

But nope. It's Angeleen. At hindi lang smack. Matagal. Their lips are not moving pero matagal na magkapatong ang mga labi nila.

I dont know but before I knew it, tumayo ako dala yung nga gamit ko at dire diretsong lumabas. Oblivious, to the tears.

***

Author's Note:

Hi guys sorry sa late update at kung medyo bitin. Medyo busy kasi sa schoolworks (kuno) kaya ayun di masyado makapag brainstorm. Anyway, ita try ko mag update twice a week. Please dont demand too much. Mahahaba naman ang every update ko eh. Just be patient.

Anyway, I created a group in Facebook for my readers. Feel free to join https://www.facebook.com/groups/kathipuneraaaWPstories/ or search niyo na lang Kathipuneraaa Wattpad Stories. Check my profile!

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.1M 31.6K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
33.1K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
7.7M 201K 39
She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mother's friend together with her two daughte...