Split Again

נכתב על ידי JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... עוד

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 33

21.1K 818 131
נכתב על ידי JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 33

"Kumusta ka?" Tanong ni tito Howard nang pumasok kami ni Hail sa dining room.

"Okay na po," sagot ko. Naupo ako sa tabi ni Mama na nasa right side ni tito Howard. Si Alexa ay nakaupo sa kaliwang side ni tito Howard.

Bago pumasok ng dining room ay minabuti ni Hail na gamutin ang mga sugat na natamo ko sa pag atake sa akin ni Katarina.

"That's good," sabi ni tito Howard, "what's bad is that Alexa is recommending that you stay for the remainder of the days until the winter solstice party or at least you get introduced to the Grand Order."

"Pero may pasok ako!" Baling ko sa direksyon ni Alexa sa kaliwa ni tito Howard. "Ayoko mag absent sa trabaho at sa masters class ko!"

"We can take care of that," sagot ni Alexa, "mas importante ang safety mo."

"What makes you think she's safer here?" Tanong naman ni Hail sa tabi ko. "Inatake na nga siya ni Katarina kanina."

"We'll have butlers attending to her and doktora at all times. "

"Ma, payag ka dito?"

"Genesis, hindi ko pa masyado maintindihan ang pulitika ng Familia Olympia pero kung tungkol lang naman sa safety mo, mas gugustuhin ko yung hindi ka masasaktan." Sagot sa akin ni Mama.

Sinamaan ko ng tingin si Alexa na binigyan lang ako ng maliit na ngiti. "It's just a small price for now. Also, it'll help na andito ka to help with the Familia Titanos thing."

"Titanos?" Napatingin si tito Howard kay Alexa. "Anong Familia Titanos?"

"We're planning to resurrect it po."

"Para saan?"

"Well, Genesis doesn't want to be married to Raegan and I know she's not really engaged to Hail. So instead of forcing her or anyone to marry someone they don't love, I think it's about time our generation stands up against that tradition and abolish arranged marriages." Sagot ni Alexa.

Napataas ang kilay ko sa pagsabi niya na alam niyang hindi totoo yung engagement namin ni Hail.

"Can't you do that without Genesis involved?" Tanong ni Hail. "You're going to push her to the center of all your troubles with that plan."

Napakunot naman ang noo ko sa di pagpansin ni Hail dun sa engagement thing na nabanggit ni Alexa at nagfocus sa pagsali ko sa Familia Titanos. Okay, priorities?

"House Chronos used to be the head of Familia Titanos, if Genesis is seen supporting the resurrection of the Titanos, then it'll be more effective."

"Again, you're pushing her to the middle of everything."

"She's not going to lead Titanos, I will." Anunsyo ni Alexa.

Natahimik ang buong grupo.

"I'm the best face for Familia Titanos considering that we'll be campaigning for the abolishment of arranged marriages. I was forcibly married to Percival earlier this year. And if Genesis backs me up, then the movement will be taken more seriously by the Grand Order."

"Kayong dalawa lang?" Tanong ni Mama.

"Hindi po," sagot ni Alexa, "I'll invite our friends from our generation. They will be interested with this considering na ayaw din nila maikasal sa kung sino sino lang."

"Generation niyo lang?" Tanong ni tito Howard.

Malungkot ang ngiti ni Alexa sa head ng House Chronos. "We could campaign for more members but we're quite short of time, uncle."

"I see," tumango si tito Howard, "I'll pull some strings from my end."

"Po?" Gulat na sagot ni Alexa.

Ngumiti si tito Howard. "Sa tingin mo ba if our family approved of that outdated tradition ay single pa rin ako?"

"So, tutulong po kayo?" Tanong ni Hail.

"Of course," tango ni tito Howard, "I'll back you up, Lady Alexa."

"That's great! Thank you, uncle!" Ngiti ni Alexa.

"I'll make arrangements later, after we eat. Okay?" Malapad ang ngiti ni tito Howard sa direksyon ko.

"Okay po," tumango ako sa direksyon niya, nakangiti rin.

May something sa ngiti niya na nakapag pagaan ng loob ko. Naimagine ko si daddy. Ganun rin kaya siya ngumiti?

Sumenyas si tito Howard sa butler sa tabi ng isang pinto at tumango ito. Pumasok ng pinto yung butler at matapos ang ilang segundo ay lumabas siya kasama ang ilang mga katulong para ilapag ang pagkain sa harap namin.

"Sabi sa akin ng Mama mo mahilig ka sa isda at ng gulay kaya pinaluto ko ang mga paborito mo," sabi ni tito Howard.

Napangiti ako nang makita kong naglapag ang butler ng tinapa, itlog na maalat at kamatis sa may tapat ko.

"Mahilig ka sa tinapa?" Gulat na tanong ni Alexa sa akin.

Natawa ako. "Nung high school ako,"

"Hindi na ba?" Tanong ni Hail.

"Hindi na masyado pero gusto ko pa rin siya." Kumuha ako ng tinapa at naglagay ng itlog na maalat at kamatis sa plato ko. 

"Chopseuy?" Alok ni Mama na hawak hawak yung serving spoon ng ulam.

"Yes po,"

Habang kumakain ay iniisip ko si Raegan. Kumusta na kaya siya? Nakakain na kaya siya ng dinner?

Tahimik lang kami ni Alexa at Hail habang nagkukwentuhan naman sila Mama at tito Howard. Siguro ay marami rin iniisip sila Alexa at Hail katulad ko.

"Baby Kamatis?" Tawa ni tito Howard. "Bakit kamatis?"

"Kasi gusto ni Genesis ng kamatis so ginawan ko siya ng kamatis costume," kwento ni Mama.

Napailing na lang ako na ikinukwento niya ulit yung kamatis costume ko nung bata pa ako pero di na ako umangal dahil gustong gusto niya yung  kwentong iyon.

Nang matapos kami kumain ay ipinakilala ako ni tito Howard kay kuya Fernan, ang head butler ng House Chronos na kanina pa nagseserve sa amin. Para sa proteksyon ko daw ay magiging personal butler ko muna siya. Tutol ako sa una pero wala rin akong nagawa dahil pinilit na rin ni Mama na gusto niyang ligtas ako sa lahat ng oras. May butler din kasi na inassign si tito Howard para sa kanya.

After ng introduction ay hinatid na kami ni kuya Fernan sa mga kwarto namin. 

Malaki ang guest room ko, halos kasing laki lang din ng kwarto ni Raegan sa House Zeus. At dahil hindi ako nagkaroon ng chance na tingnan yung kwarto ko kaninang hapon ay tiningnan ko kung anong meron sa mga pinto sa kwarto.

Ang isang pinto ay nagdala sa akin sa isang CR. Yung isang pinto naman ay para lang sa isang cabinet na wala namang laman. 

Naupo ako sa gilid ng kama ko at napatingin sa kabuuan ng kulay asul na kwarto. Wala itong painting or kahit anong picture. Simple lang ito at walang ibang gamit other than sa tokador sa isang side ng kwarto at sa lalagyan ng TV sa tapat ng kama.

Pakiramdam ko mababaliw ako sa katahimikan ng kwarto kaya binuksan ko yung TV at kumuha ng damit sa bag ko. Di ko ineexpect na magtatagal kami dito sa Lucena kaya tatlong pares lang ng damit ang dala ko at isang pares ng pantulog. Kinuha ko yung pantulog ko at dumiretso sa CR.

Kulay puti ang CR at kapansin pansin yung bath tub.

"Minsan lang naman,"

Binuksan ko yung gripo sa bath tub at nagtingin ng mga pwede kong gamitin. May shampoo, shower gel at sabon sa may sink. Pinagiisipan ko nang ihalo na lang yung shampoo at shower gel sa tubig nang may nakita akong isa pang bote na di pamilyar. Bubble bath pala ito kaya yun na lang yung nilagay ko sa bath tub.

Habang napupuno ng tubig yung bath tub ay kinuha ko yung cellphone ko sa kama. Pinatay ko yung TV at dinala yung cellphone ko sa CR. Nagpatugtog ako ng Adele at nagcheck ng mga notifications ko habang di pa ready yung bath tub.

Makalipas ang ilan pang minuto ay chineck ko yung lamig ng tubig. Maligamgam lang ito at halos puno na rin yung tub kaya naghubad na ako ng damit at siniguradong malapit lang ang towel sa bath tub.

Dahan dahan akong lumubog sa bath tub, aware sa onting kirot sa braso ko nang mabasa ito. Tiningnan ko yung mga kalmot sa akin ni Katarina at napangiwi nang di ko sinasadyang mahawakan ang isang sugat ko.

Kung sa kalmot pa lang ay napapangiwi na ako, pano na kaya si Raegan at sa napakarami niyang sugat sa katawan? Siguro parusa ang pagligo para sa kanya---kung naliligo pa siya. Naaalala ko tuloy yung amoy pawis niya kanina. Parang ilang araw na siyang di nakakaligo. Siguro nagpupunas lang siya ng basang towel.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Nakipagbreak na kaya siya kay Katarina? O baka naman nagaaway sila ni Roli right now? Baka nagaaway sila ni Katarina? Alas nueve pa lang naman ng gabi. Marami pang pwedeng mangyari sa Zeus House.

Or baka naman tulog na si Raegan?

Masarap yung pagka-maligamgam ng tubig. Kasabay ng pagkanta ni Adele mula sa cellphone ko ay nakapagrelax ako. Kung pwede lang na dito na lang ako matulog.

Ang daming nangyari ngayong araw.

Ano na kayang itsura ni daddy ngayon kung buhay pa siya? What was he like nung buhay pa siya? Matalino kaya siya? Masayahin? Palabiro?

Sabi nila babaero si daddy before niya nakilala si mama. Pano niya kaya ginagawa yun? Anong inaral niya nung college? 

Dapat pala nagtanong pa ako kay Mama tungkol kay daddy. Tapos pwede rin ako magtanong kay tito Howard kung anong klaseng tao si daddy nung buhay pa siya. Siguro meron siyang mga pictures ni daddy nung kabataan niya.

Napangiti ako sa sarili ko.

Pero si Raegan? Sabi niya lalabanan niya si Roli para sa akin. Sabi niya she'll live for me. Pano kung nagsisinungaling lang siya para mapanatag ang loob namin at magawa na niya yung gusto niyang gawin?

Mukha na siyang buhay na bangkay kanina nung nakita ko siya. Ni minsan hindi ko naisip na kaya niyang gawin yun sa sarili niya. Mukhang ibang level ng sakit yung pinagdaraanan niya, mas malala pa nung nawala sa kanya ang pamilya niya.

Ganun nga ba talaga ang effect sa kanya ng break up namin or effect yun ng confusion niya with Roli and Katarina? Or effect lang overall ng sakit niya? Nung diagnosed naman siya with depression, she seemed normal to me. Although I still remember everyone telling me na malaki ang pinagbago ni Raegan simula nung magkakilala kami.

Pano kung totoo yung theory ni Mam Perez na si Roli ang katauhan ni Raegan noong sila pa ni Katarina?

Pumikit ako at inilubog ang ulo ko sa maligamgam na tubig.

Raegan, kailan ka ba gagaling? Bakit balik na naman tayo sa simula?

Sky...

Umahon ako at huminga ng malalim. Saka ko lang napansin na nagriring yung cellphone ko. Inabot ko ito sa pinagpatungan ko at nakita ang pangalan ni Alexa.

Ano na naman kayang kailangan niya?

Tinanggap ko yung tawag at inilapat ang cellphone sa tenga ko.

"Gene?"

"Yeah?"

"Sorry, natutulog ka na ba? Nagising ba kita?"

"Hindi, nasa CR ako."

"Oh, sige maligo ka na muna."

"Hindi, nasa bath tub lang naman ako. Bakit ka napatawag?"

"Ummm, I needed to warn you."

"About?"

"The news about you being a Rayleigh broke out tonight. Someone leaked the news. Di pa matrace ni Leah kung kanino nagleak."

"Di naman maiiwasan di ba?"

"Ummm kinda, yeah. Pero ingat ka pa rin. The Grand Order might do something about this news."

"Like what?"

"Investigation."

"Wala naman akong dapat ikatakot di ba?"

"For now, just harsh words and criticisms."

"I think I can live through that."

"Okay, good."

"Nakausap mo na yung ibang heirs?"

"Hindi pa yung iba. I suppose the best way to talk to all of them is to hold a private party."

"Oh, okay."

"Pupunta ka ba if I manage to pull out a party in such a short notice?"

"Wala naman ata akong ibang pwedeng gawin dito sa Familia Olympia?"

"Sige, I'll arrange it for tomorrow night. Maliit na salu-salo lang."

"Teka, Alexa."

"Ano yun?"

"Kasama ba si Violet?"

"Oo,"

"Okay na ba siyang makita ako?"

Hindi ako makahinga habang hinihintay ko yung sagot niya. Matapos ang ilang segundo ay narinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya.

"I'll check muna with Dan and then I'll inform you. If ever di pa siya okay with seeing you, I'll just devise a way para di kayo magkita."

Nakahinga ako sa sagot niya pero hindi pa rin nawawala ang kaba ko na makita muli si Violet. Hindi maganda ang huli naming paguusap....kung matatawag mo nga iyong paguusap.

"Salamat, Alexa."

"Sige na, enjoy your bath. Good night, Gene."

"Good night, Alexa."

Tinapos ko na yung call at napatingin sa paa gripo sa tapat ko. Kulay silver ito at kita ang maliit na reflection ko sa kintab nito. Alam na ng lahat na Rayleigh ako. Wala nang atrasan to.

===================

"You look good, Gene!" Bati sa akin ni Venus.

"You too, Venus!" Ngiti ko sa heir ng Aphrodite house.

For practical reasons, binigyan ako ni Alexa ng folder containing basic information ng heirs na imbitado sa maliit na party namin. Of course nakilala ko na yung ibang heirs nung nagkaroon si Raegan ng party sa Zeus House two years ago pero the folder was for easy socialization daw sabi ni Alexa. Para daw alam ko kung anong pwede kong iopen na topic sa ibang heirs na di ko pa nakakausap.

Kasama ni Venus ang napakalaking si Vulcan Van der Waals ng House Hephaestus. Sa pagkakatanda ko sa folder na binigay sa akin ni Alexa ay usap usapan na magkarelasyon ang dalawa pero wala pang official na statement yung dalawa.

"Hello, Lord Vulcan," bati ko sa heir ng Hephaestus house.

"Hello, Dame Geneziz," bati sa akin ni Vulcan. Shinake niya yung kamay ko at nanliit ako tingnan yung kamay ko sa napakalaking kamay niya.

Mas matangkad sa akin si Venus at nakasuot pa ng heels pero sa tabi ni Vulcan nagmumukha siyang normal na height. Pakiramdam ko tuloy ang liit liit ko.

"Yo!" Bati naman ni Leah at saka nakipag-apir sa akin.

"Hey, buti nakarating kayo." Bati ko sa kanila ni Jenny.

"Wouldn't miss it for the world, Lady Gene," kindat sa akin ni Jenny.

Ngumiti lang ako kahit deep inside gusto kong mairita sa pagtawag sa akin ng mga tao dito ng Lady Gene. Pano nasisikmura ng mga tao ang gamitin ang Lady at Lords dito na para bang nasa 1800s Europe kami? Di ba pwedeng Gene na lang?

Sunod na pumasok si Lady Irene ng House Demeter. Binati ko siya pati ang nakababatang kapatid niyang si Lady Therese.

"Gene," may kumalabit sa akin at nang lingunin ko kung sino ito ay nakita ko si Alexa.

"Bakit?"

"Someone uninvited came,"

"Sino?"

"Si Violet,"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagbanggit niya kay Violet at agad akong tumingin sa paligid para makita ang babaeng umatake sa akin ilang buwan na ang nakakaraan nang malaman niyang nakipagbreak ako kay Raegan.

Nakasuot siya ng kulay pula na dress at pulang pula rin ang lipstick na suot niya. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.

"Shet," kabadong bulong ni Alexa.

Di ba dapat ako magsabi nun? Pag inatake ako ni Violet hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang daming tao dito.

"Gene!" Ngiting ngiti na bati sa akin ni Violet.

"Hi," mahina kong sagot, hindi sure kung anong mararamdaman. Sarcastic ba yung greeting niya?

"One quick question," tanong ni Violet sa akin.

"What is it?"

"Are you doing this for Raegan?"

Nagkatinginan kami ni Alexa tapos muli akong tumingin kay Violet para tumango. Well, technically I'm doing this for Alexa pero side cause na rin yung abolishment ng arranged marriages for Raegan.

Huminga ng malalim si Violet at tumango. "Okay then,"

"So you're in on the Familia Titanos?" Tanong ni Alexa sa kanya.

"Yes," sagot ni Violet.

Ngumiti ng malapad si Alexa. "Fantastic!"

"Alexa, I think everyone's here," bulong ni Leah sa amin mula sa likuran.

"Thanks," tango ni Alexa at saka muli kaming hinarap ni Violet, "excuse me for a bit, ladies."

Umalis si Alexa para idirect ang mga heirs at iilang members na nakalap ni tito Howard papunta sa dining room ng House Chronos. Naiwan ako kasama si Violet.

"So, how are you?" Tanong sa akin ni Violet.

Huminga akong malalim, still not sure kung anong dapat maramdaman sa presensya niya. "I'm fine, I guess."

"When did you find out you're a Rayleigh?"

"Some weeks ago," mahina kong sagot, inaalala yung di ko sinasadyang pagbukas ng envelope na naglalaman ng papeles ni daddy.

"I see," tumango si Violet, "Dan says they're getting the results tonight. You'll know the truth in a few hours."

"Really?" Gulat kong tanong.

Sabi ni Dan ilang araw lang ang itatagal ng DNA test pero di nila sinabi kung anong araw exactly lalabas yung results.

"Look up, Lady Gene, everyone's going to go after you when your DNA result comes out."

"Aren't they already?" Balik ko sa kanya.

After lumabas ang balita na may anak pala si Henry Rayleigh ay dumagsa ang mga tawag kay tito Howard na nagtatanong kung totoo ang sabi sabi. Hindi niya pinakita sa akin na naiistress siya sa dami ng tumatawag sa kanya pero napansin ko ang madalas na pag-excuse sa kanya ni kuya Fernan regarding a high Familia member calling him on the house phone.

"From what I heard, the Grand Order is waiting for the DNA results before taking any steps," kwento ni Violet, "of course, the other conservative houses are reserving any reactions until then. But when news come out about the results, everyone's going to want in on the story."

"What do you mean by 'in on the story'?"

"Imagine this, 'unknown heir surfaces and gets engaged to heir of house something'. Any house would want to have a Rayleigh in their ranks considering that the Imperial heir is nearing her official engagement to Katarina."

"Oh,"

Alam ko naman na yung sinabi ni Violet pero di pa rin nagsisink in sa akin na pwede akong habulin ng ibang houses para ikasal sa mga anak nila. May tiwala naman ako kay tito Howard na hindi niya ako ipagkakasundo sa kung sino, but still, the idea na may magpopropose sa akin na di ko naman kilala is scary.

"Why are you abolishing arranged marriages when you think about it, you'll have better chances of getting engaged to Raegan than Katarina if you campaigned for it?" Curious na tanong ni Violet sa akin.

"I want to get married to Raegan without any outsiders forcing us together. Also, I'm mostly doing this for Alexa." Simpleng sagot ko. "It's already the 21st century, people shouldn't be forced to marry people they don't love for the sake of the family business."

"You're not doing this for yourself?"

Umiling ako. "Not really, no."

Tinaasan ako ng kilay ni Violet. "Unexpectedly impressive, Lady Gene."

Napakunot naman ang noo ko in reply.

Tumawa si Violet. "It's not everyday that I get to meet a Familia member that isn't self serving."

"Alexa isn't self serving," kumento ko.

Muling tumaas ang kilay ni Violet para kuwestiyunin yung sinabi ko. "Are you sure about that?"

Inisip ko yung mga motivation ni Alexa at natameme. Tama si Violet, may pagka-selfish nga ang motives niya. But then again, aren't everyone inherently self serving?

"See?" Ngiti ni Violet.

"But that doesn't mean she's a bad person,"

"Of course not," singhap ni Violet, "being selfish doesn't equate to evil. Unless of course it's excessive, then yes, it's bad."

"Good evening, ladies."

Napalingon kami ni Violet at nagulat nang makita si Hail.

Bagong shave ang undercut ni Hail kaya ang linis nito tingnan. Kapansin pansin ang kulay ginto na dragon earring niya na nakapalibot sa kaliwang tenga niya. Ginto rin ang iba pa niyang piercings kaya litaw na litaw ang mga ito. Nakasuot rin siya ng kulay ginto na polo sa ilalim ng itim na tailored suit niya.

"Hail!"

"Like it?" Tanong ni Hail sa akin. "I matched your gold dress."

"Ang ganda mo," mahina kong sabi, nakatitig sa dragon earring niya.

Ngumiti si Hail. "Thanks, you look beautiful too."

"Dr. Hailey Cadwell?" Tanong ni Violet, halatang nagulat din siya sa itsura ng kaibigan ko.

"Yes, that's me." Nagbow si Hail kay Violet at hinalikan ang kamay nito. "Nice to formally meet you, lady Violet."

Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Di magugustuhan ni Dan yun kung andito siya. Pero mukhang nagustuhan ni Violet yung halik sa kamay niya dahil namula ang mga pisngi niya at napangiti ito na tila kinikilig.

"You're as charming as I remember," sabi ni Violet.

"You've met me?" Tanong ni Hail. "I do apologize but I don't remember meeting you before."

Nag-giggle si Violet. "Of course not, it was a long time ago. You were still active in the Familia."

"Oh,"

"I've always been attracted to intelligent people, Dr. Cadwell. And you were quite popular back then."

Napataas ang kilay ni Hail at napatingin na lang sa akin.

"Anyway, that was a long time ago." Ngiti ni Violet. "Shall we?"

Isinukbit ni Violet ang braso niya kay Hail at hinila ito papunta sa dining room. Pina-process ko pa lang ang mga pangyayari nang tawagin ako ni Hail. Bago pa sila makalayo ay sumunod na ako.

Masyado kaming pre-occupied sa may sitting room kaya't halos nakaupo na ang lahat sa dining table nang makapasok kami ng dining room. Nang makita ako ni tito Howard ay agad siyang sumenyas na pumunta ako sa harapan, katabi nila ni Alexa at Mama.

Napalingon ako kay Hail pero busy siya kay Violet kaya dumiretso na ako kay tito Howard.

"Ladies and Gentlemen of the glorious Familia Olympia, before we  begin, I would like to announce something." Malakas na sabi ni tito Howard sa kabuoan ng kwarto.

Nanahimik ang lahat mula sa kani-kanilang usapan at napatingin sa direksyon namin.

Ipinatong ni tito Howard ang kamay niya sa balikat ko at nginitian ako bago muling ibinalik ang seryosong tingin sa mga taong nanunuod sa amin.

Shet, kinakabahan ako. Ang daming mga matang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko nakikita nila lahat ng mali sa akin, bawat gusot sa damit ko, nakatakas na hibla sa pagka-pusod ng buhok ko, bawat blemish sa mukha ko, bawat sugat sa braso ko.

"Just a few minutes ago, we received news from the House Apollo children, Lords Roland and Daniel Miraber about a break in on the Olympian Hospital."

Napasinghap ang ilan, may mga napamura at may ibang tahimik lang pero halata ang gulat sa mukha ng lahat.

"There was an attempt to tamper with the result of the DNA test conducted on me and Genesis here." Pagpatuloy ni tito Howard. "Apollo House member Katarina Rodriguez tried to change the results but was caught redhanded by the security. We have yet to find out her motive but we can easily assume it is so that Genesis would not be claimed as a Rayleigh."

Nagkatinginan ang mga tao at kapansin pansin ang mga galit na ekspresyon ng mga kaibigan namin ni Raegan.

"Nevertheless, the results are out and I would like to introduce to you, ladies and gentlemen, the long lost daughter of my deceased brother, lady Genesis Ramos-Beltran, the heir of House Chronos."

Nagsitayuan ang mga tao at sabay sabay na nag-bow sa akin. Kahit si tito Howard sa tabi ko ay nag-bow rin.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maalala ko yung gabi na muling nagbalik si Raegan sa Familia Olympia at nagbow ang lahat sa kanya. Doon ko nalaman ang tunay na kapangyarihan at kayamanan ng pamilya niya. Never ko naisip sa buong buhay ko na darating ako sa point na magbo-bow rin ang mga tao sa akin katulad ng pag-bow nila sa kanya.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at nginitian niya ako. May mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya. Masaya siya. At masaya rin ako. Napatunayan na naming anak ako ni Henry Rayleigh. Isa na lang and mabubuo na ang pagkatao ko. Si Raegan na lang ang kulang sa buhay ko.

Nginitian ko si Mama, humarap ako sa mga miyembro ng Familia Olympia at nag-bow rin sa kanila.

Miyembro na rin ako ng Familia Olympia. Wala nang atrasan to.

Umayos na ng tayo ang mga tao at pinalakpakan ako. Nakita kong humiyaw si Leah mula sa kinauupuan niya.

Nang tumigil ang pagpalakpak nila ay naupo na sila. Sa kabilang side ni tito Howard ay tiningnan ako ni Alexa, tila naghihintay na magsalita ako. Napalunok ako.

Pumikit ako at humingang malalim. Ang susunod na sasabihin ko ay para sa kinabukasan ng Familia Olympia. Para sa kinabukasan ni Alexa, and maybe, para na rin sa kinabukasan namin ni Raegan.

I suppose tama nga yung napagusapan namin ni Violet. People are inherently self serving. Para sa akin din tong gagawin ko, hindi ko lang maamin kanina.

"I never wanted to be a member of the Familia Olympia when I first heard of its existence because of a lot of reasons--one of it is the ongoing tradition of arranged marriages." Tumingin ako kay Alexa to draw some strength into my words. "And when I found out I'm a Rayleigh, I was warned about the possibilities of being married off to someone I don't know."

"Of course everyone knows that House Chronos is actively against this outdated tradition but the fact that it happens around us is something we should not be blind about," dagdag ni tito Howard sa tabi ko.

"My forced marriage to Percival Altamirano of House Poseidon earlier this year is one example of this outrageous practice," dagdag rin ni Alexa. "Despite our protests, we were forced to marry or be stripped of everything we are, everything we own, forsaken and disowned by our families. All in the name of tradition and for the best of our family owned companies."

"This is why, as heir of House Chronos, I would like to propose the resurrection of Familia Titanos, to be headed by Lady Alexandrea Zhukov." Anunsyo ko sa buong kwarto. "Familia Titanos would act as the opposing organization of the Grand Order of the Kings, the ruling organization of the Familia Olympia with the main objective of combating the outdated practices of the Familia and promoting non-discriminating ones."

Katulad ng napagplanuhan ay isa isang bumagsak ang banner ng Familia Titanos sa palibot ng dining room. Tatlong gold lines diagonal sa kulay itim na banner.

"Are you with us?" Tanong ni Alexa sa kwarto.

Tumayo si Leah mula sa pagkakaupo niya. "Count me in!"

Tumayo din si Hail at nginitian ako. "And me!"

Sumunod si Jenny, si Violet, si Vulcan, si Venus, at ang iba pang mga bisita hanggang sa wala nang natirang nakaupo at lahat ay sumisigaw ng "Familia Titanos!"

Lumipat ako sa tabi ni Alexa at hinawakan ang kamay niya. Nginitian niya ako sa unang tagumpay namin sa Familia Titanos.

Of course hindi pa dito nagtatapos ang mga pagdadaanan namin, in fact, simula pa lang ito. Pero progress, no matter how small is still progress.

Itinaas ko ang kamay ni Alexa, earning the cheer of everyone in the room.

"May the gods bless us all!" Sigaw ni Alexa. "For the Familia!"

"For the Familia!"

=====================================

A/N:

Di ko alam bakit kailangan ko pang iexplain bakit di ako nakakapag-update, gets naman na ng lahat na busy din ako sa school.

Special thanks ulit kay Vii dahil sa never ending support niya sa akin. Mahal na mahal kita hehehe

Para rin pala to kay Tiffany na di ako tinawanan last year kahit na nakita niya akong umiyak on the most random stuff dahil sa depression ko. I'm not really an awesome friend to her, but a friend nonetheless. Di ko pa ulit siya nakakausap ng maayos dahil busy ako but hey, Tiff, if you're reading this, smile ka na :) tandaan mo, andito ako para ipadala yung henchman ko sa kung saang lupalop ng Pilipinas para bugbugin yung mga nang-aaway sayo AHAHAHAHAHA or you know, marathon tayo ng Game of Thrones para maka-catch up ka na. Lalabas na lang yung last season di mo pa nakikitang mamatay si Joffrey (oops, spoilers, sorry!) HAHAHAHAHAHA

Anyway, ayun. FOR THE FAMILIA!

המשך קריאה

You'll Also Like

2.1M 92.6K 43
This is a girlxgirl love story so if you are not comfortable with it, much better na huwag mo na lang ituloy ang pagbabasa nito para hindi ka na ma-b...
1.9M 49.2K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.2M 66.9K 52
Book two of Kissing Reese Santillan. Reese ❤ Maddy