Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]

By ShuperShimmer

118K 2.9K 502

Killing female subjects as a form of living, Adam is probably one of the ruthless persons ever lived. In orde... More

The Beginning - SEASON 1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
The Ending
SEASON 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 12

2.9K 81 11
By ShuperShimmer

© Shupershimmer

Hindi niya ako pinagsarhan ng pinto, pero sa tingin ko, hindi niya rin ako winelcome pagpasok ko. Ramdam ko na wala na siya sa mood para magpunta sa plano namin—napurnada na.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ko dahil nakita kong may backpack sa ibabaw ng sofa.

Hindi siya sumagot.

“I’m sorry, okay?” sabi ko. “Na-nasobrahan ako sa tulog, at yung alarm clock ko… hindi ko narinig, e.”

“Amoy alak ka,” sabi niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. “Amoy yosi pa.”

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. “I’m sorry kung di ko nasagot ang tawag.”

Umismid lang siya at kinuha ang bag saka ako nilapagpasan. Bago pa man niya buksan ang pinto, hinarang ko ang isang kamay ko sa doorknob, at tinignan niya ako.

“Tumabi ka nga,” utos niya habang nakasalubong ang dalawang kilay.

“San ka pupunta? Ihahatid kita.”

Sumagutsot lang siya tapos pinilit niyang hilain ang kamay ko sa pagkakahawak sa doorknob pero hinigpitan ko lalo ang grip.

“Ten minutes. Maliligo lang ako sa unit ko tapos babalik ako.”

Nagmadali akong bumalik sa unit ko—pinagsamang lakad at takbo—tapos naligo, Pagkasuot ko ng T-shirt, lumabas agad ako ng pinto habang nagkakabit ng sinturon sa bewang. Halos makipag-agawan ako sa elevator at tumatagaktak ang pawis ko para lang maabutan ang natitirang one minute sa oras ko. Pagbalik ko sa unit ni Irish, wala nang tao.

Naihilamos ko lang ang kamay ko sa mukha ko dahil sa inis. How come she left without even saying a word? She could’ve had called me, or sent me a message. How dare her.

Kung nag-e-expect siyang hahanapin at susundan ko siya, manigas siya. Asa.

Bumalik na lang ako sa unit ko para matulog ulit pero bandang tanghali, nagising ako sa isang doorbell. No’ng una, hindi ako tumayo sa kama—si Gio lang naman ang palaging pumupunta rito, at alam niya ang password ko. Magaling mang-hack ng lock. Tumayo lang ako sa kama sa pang-apat na doorbell.

In my surprise, there’s a man standing small in front of me.

“Sino ka?” tanong ko.

Dumukot siya sa bulsa niya para magpakita ng ID. “Sergio Ramos, detective.”

“Ano’ng kailangan mo?”

My forehead creased, and at the same time, I felt nervous for some unknown reasons. Anong ginagawa niya rito?

“According to the investigation, you’re Mr. Adam Silverio, boyfriend ni Ms. Selina Villegas,”—tumingin siya sa hawak niyang notebook, at sakin—“am I right?”

“What does she have to do with me?” sinubukan kong magmukhang arogante at halos walang paki sa presensya ng matanda.

He smirked. “It’s not the kind of reaction I’m expecting from you, Mr. Silverio. Girlfriend mo ang namatay rito, yet, mukhang hindi ka man lang naapektuhan.”

I breathed a sigh of annoyance. “Pwede bang pakisabi kung ano’ng punto ng pagpunta mo rito?”

Inayos niya muna ang suot na jacket niya na parang nag-iisip pa siya ng sasabihin sakin. Maya-maya, tumango pa siya sa loob ng unit ko sabay sabing, “We need to talk privately.”

“Pwede ko bang malaman kung kailan kayo huling nagkita ni Ms. Villegas?” tanong niya habang nakatalikod siya sakin.

Busy sya sa paglibot ng buong unit ko, pero wala pa naman siyang hinahawakan. Tumitingin-tingin lang siya, pero wala naman siyang nakitang kaduda-duda sa loob. Nakatago ang mga baril ko sa vault na nasa kwarto, and fortunately, nasa sala lang kami.

Napaisip pa ako. “A day before she died,” I lied.

“Saan kayo pumunta?”

“Ano bang ginagawa ng mag-boyfriend?” Sarkastikong sagot ko. Tumingin lang siya sakin nang diretso. “Dinner date.”

“And?”

Sumandal ako sa sofa, at kinuha ang pillow saka pinatong sa hita. “Kailangan ko pa bang idetalye sayo ang ginawa namin pagkatapos? C’mon.”

“Nag-away ba kayo…” naningkit ang mata niya nang konti. “O kaya, nagkaroon ng pagtatalo?”

“Hinde,” diretsong sagot ko. “Masaya pa nga siya no’ng gabing ‘yon, e. Ba’t naman kami mag-aaway?”

He sighed, pressed his lips while thinking. “Mr. Silverio, nasaan ka no’ng gabing nangyari yung incident?”

“Ano’ng klaseng tanong ‘yan?” nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya.

“Answer my question, sir.”

“Nasa bahay ko,” my jaws were clenching.

Tumingin na naman siya sa hawak niyang notebook na mas kinairita ko. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang madilim na kwarto na may iisang ilaw sa taas, at iniimbestigahan ako.

This was the second time na may nagtanong saking authority matapos mamatay ang subject ko. Yung una—fortunately—natakasan ko dahil napangatwiranan ko nang maayos ang side ko. This one, I didn’t know.

“Well, to make it clear, Mr. Silverio, according sa CCTV footage ng parking lot ng condominium na ‘to, umalis ka exactly 8:32 p.m., gamit ang sasakyan mo. And, you’re saying you were in this unit. Isn’t that questionable?”

I smiled, relaxing myself. “Yes, nag-stay ako rito, at pagdating ng oras na ‘yon, bumaba ako para kumain ng dinner sa labas.”

Hindi siya nag-react—nagkatinginan lang kami na parang sinasala niya lahat ng sinasabi ko. Kung alin ang totoo, sa hinde.

“Ako lang ba, o talagang pinipilit mong maging suspect ako sa nangyari sa kanya?” I leaned forward, my elbows rested on my knees. “Isa pa, alam ko lang, gabi nangyari ang insidente, hindi ko alam ang exact time. Kaya sinagot kong nasa bahay lang ako. C’mon, sir. Paano ko malalamang patay na pala ang girlfriend ko sa isang definite time?”

“Have you even come to her funeral?” tanong niya.

“Sa pagkakaalam ko, suicide ang nangyari kay Selina,” sagot ko nang hindi pinapakinggan ang tanong niya. “So what’s the point of asking me?”

“Suicide.”—he nodded slightly—“Yes, evidences say it’s suicide.”

“Then?”

“And I’m wondering what’s her reason to do it.”

Tumayo na ako para buksan ang pinto kahit alam kong ang dami niyang gustong ibatong tanong sakin.

“Hindi ko na masasagot yan, dahil kahit ako, walang ideya kung ba’t niya ‘yon ginawa sa sarili niya. Kung di mo mamasamain, pwede bang iwan mo na ako dahil nagpapahinga ako. Isa pa, hindi pa tapos ang 40 days, so please leave.”

Humakbang lang siya palapit sa pinto pero hindi lumabas. May bigla kasi siyang tinanong na halatang kaiisip niya pa lang.

“Boyfriend ka niya, pero hindi mo alam ang dahilan? Hindi mo alam ang nangyayari sa kanya?”

I sighed. “Sorry, pero di ako ang tipo ng boyfriend na tatanungin ang babae kung ano’ng pinagdadaanan niya sa buhay. At sa tingin ko, wala sa listahan ng investigation mo na one month pa lang kami.”—I nodded toward the door. “Move on, sir. Leave.”

Pag-alis niya, ni-lock ko agad ang pinto bago naging kalmado ang breathing ko. Ilang segundo rin akong nakatayo sa may pinto habang nakatitig lang sa doorknob. Muntik na naman.  

Naisuklay ko na lang ang dalawang kamay ko sa buhok at bumagsak ako e sa ibabaw ng kama ko. Umalingawngaw sa kwarto ko ang ingay ng vibration ng cellphone ko.

Unknown number.

“Sino ‘to?” tanong ko habang nakahiga.

“Good afternoon, this is the Manila Police District, and—“ kumunot ang noo ko habang nagpapakilala ang caller.

“Ano na namang kailangan niyo?!”

Natahimik ang nasa kabilang linya, at ako naman, hinihintay ko siyang sumagot.

“Nasa station po si Ms. Irish Marcelo, and we’ll be needing you to come and get her.” Napaupo agad ako sa kama pagkarinig ko sa sinabi niya. “Number ninyo ang binigay as her guardian.”

Napatayo ako sa kama, at dinampot ang car key sa ibabaw ng kitchen table. Pagkatapos kong mag-thank you sa caller, binaba ko ang tawag at nagmadaling bumaba sa parking lot.

Ano bang ginawa niya? Ba’t nasa police station ‘yon?

Pagdating ko do’n—malas lang dahil malakas ang buhos ng ulan—medyo basa pa ang balikat ko dahil wala namang bubong ang maliit na parking lot ng station. Wala rin akong dalang hoodie, badtrip.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad si Irish na nakaupo sa isang upuan sa gilid at magkadikit ang dalawang palad niya. Halatang malalim ang iniisip niya.

“Irish,” I called and she looked upon me, giving me a weary smile.

Pagkahakbang ko ng mga ilang beses papunta sa kanya, medyo nabigla pa ako sa ginawa niya: Tumayo siya sa pagkakaupo, lumapit sakin sabay yakap nang sobrang higpit.

“Adam…,” bulong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 53.7K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
273K 17.2K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
20M 699K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
1.8M 56.9K 72
Her name is Akira Jade Alford. Hindi siya Gangster, hindi siya kabilang sa kahit na anong Mafia o Yakuza at mas lalo namang hindi siya Assassin. She'...