Averian University: The Bound...

By IricoDale

15.9K 1K 178

Phantom. Mezul Castron grew up always being called by that name. In the Crimson World, it is a term that is b... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Meet The Prince
Chapter 3: A Part Of Mystic Council
Chapter 4: First Day
Chapter 5: The Duel Between The Pro And The Newbie
Chapter 6: Outside The Battle Field
Chapter 7: Trouble Under The Table
Chapter 8: First Assignment
Chapter 9: Forbidden Gate Of Triad Land
Chapter 10: Missing In Action
Chapter 11: Arriving
Chapter 12: Milky Berries
Chapter 13: Quiseras Rose And The Soul Suckers
Chapter 14: Mystic Market
Chapter 15: Potion Making
Chapter 16: Potion Of Destruction By The Phantom Girl
Chapter 17: Guild Mark And His Present
Chapter 18: The Fight
Chapter 19: Sick
Chapter 20: An Angry Hell Keeper
Chapter 21: An Underwater Tour
Chapter 22: Regret
Chapter 23: Metal Vessels
Chapter 24: Successors
Chapter 25: Gone Beserk
Chapter 26: Illusionist Tribe
Chapter 27: Favor
Chapter 28: With Him
Chapter 29: Missing Heart
Chapter 30: Fire Festival
Chapter 31: Fallen
Chapter 32: Chase
Chapter 33: Inside Hell
Chapter 34: Search For The Prince
Chapter 35: The Real Beginning
Chapter 36: Monster Within
Chapter 37: Exchange
Chapter 38: Freed
Chapter 39: The King's Sin
Chapter 40: The Comeback
Chapter 41: Hearing
Chapter 42: Make It Right
Chapter 43: Izea

Chapter 2: Underground School

566 35 1
By IricoDale

Underground School
MEZUL

PAG-GISING KO matapos matulog ay panibagong pares na naman ng mga mata ang sumalubong sa paningin ko. Asul ang kulay at pagmamay-ari ng isang babaeng may kung ano-anong mga palamuti sa ulo.

Maganda siya at matangkad. Mukhang makinis ang kanyang balat na para bang hindi siya nagta-trabaho. She looks like she's on my age---17 or more. Nginitian niya ako saka tumayo mula sa pagkakaupo.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Nasa selda pa rin ako at nakakulong. Pero ang mga kadena sa kamay ko ay nawawala.

Pati rin ang mga nasa paa. I immediately panicked. Kumabog ng malakas ang puso ko ng dahil sa takot at kaba.

Napatingin ako sa babaeng nakangiti pa rin sa aking harapan. She's wearing a sky blue dress which probably cost a fortune.

And her shoes...

They're really pretty. Pero wala akong panahon para pag-aralan pa ang nakakairita niyang mukha. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya.

Nahagip ng mga mata ko ang mga babaeng tagapaglingkod sa likuran ng magandang babae. They have my chains. My freaking chains! Bakit nila inalis? Why did they took it from me?!

"Bakit...B-bakit nasa inyo ang mga yan?" Pigil ang galit na tanong ko. All of my life, nasa katawan ko na ang mga kadenang iyon. It actually became a part of my body eversince then, literally.

I never removed them even once. And it never really crossed in my mind that they will be remove from my body. Those... those chains are my life. Bakit nila iyon tinanggal?

"These metal chains are gross. Hindi mo na sila pwedeng suotin pa---"

"No!" Pigil ko sa kanya bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. Nag-iinit ang dugo ko.

I can feel my blood boiling because of her! Masyado siyang pakialemera. At bakit hindi ko iyon pwedeng suotin? Those chains were mine. And only be mine alone!

"Bring those back to me! Parang awa niyo na!"

"No. No. No. And that's final, dear. You will not going to wear these chains again. Slaves, take her out of here." Utos pa niya at naguluhan naman ako kaagad.

No? What am I? A freaking dog?

Bago pa ako makapagtanong kung bakit niya pinapaalis dito ay tuluyan nang nakalapit ang mga tagapagsilbi.

Hindi na pala naka-kandado ang pintuan ng selda ko kaya mabilis nila iyong nabuksan ng walang kahirap-hirap.

Agad nila akong pinaligiran at pwersahang itinayo. I want to stuggle and breakfree from their grip but I'm too tired and weak to do that. Ilang oras na simula ng huli akong kumain.

I'm so hungry to fight them.

Ayoko namang gumamit ng kapangyarihan. It will ruin everything kapag nagkataon. Kaya hayun, wala akong nagawa.

Nahagip ng paningin ko ang katabi kong selda. The nymph is not there anymore. Tinangay na rin ba siya ng mga nilalang na ito na may hawak sa akin?

Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Maraming pasikot-sikot ang dinaanan namin ng mga tagapagsilbi bago ko makita ang tunay na itsura ng lugar na kinalalagyan ko.

Everything's all white, black and red. Iyon ang theme ng palasyong kinalalagyan ko. Nakacarpet pa ang lahat ng pasilyo.

Nakakahiya mang sabihin ay naniniwala akong hindi dapat ipinatapak ang mga maruruming sapatos ko sa carpented floor. I just realized how poor I am.

May mga paintings sa bawat parte ng pader. Mataas ang ceiling nila na kinasasabitanan ng mga maliliit na crystal chandeliers.

Pero ng makalabas na kami ng tuluyan sa corridor ay isang napakalaking bulwagan ang sumalubong sa aking paningin.

Doon na talaga nahabag ang aking pakiramdam. Nagulat talaga ako at napanganga sa sobrang dami ng mga unipormadong mga iba't ibang uri ng nilalang na naglalakad sa loob ng bulwagan. They look like students.

May mga bag silang dala-dala na pare-pareho ang disenyo pati na ang mga libro.

There are Vampires, Werewolves, Shinigamies, Merpeople and finaly---of course the Witch and Wizard Bloods. Nakakapagtaka lang na wala akong nakita ni isang Crimson.

Nasaan kaya sila?

Parang ngayon palang kasi ay nang-hihina takot ng hindi ko pa sila nakikita. Napansin kong napapatigil din ang mga estudyante sa kanilang ginagawa ng dahil sa akin. At hindi ko iyon nagustuhan.

"Her face, she's a Phantom."

"Yeah, a dirty Phantom. What is she doing here anyway?"

"I heard that she's the one who entered the Emperor Palace. But still, I can't understand why the Merpeople Princess let her walked in on our precious carpented floor!"

"That's unfair!"

"I think, they're going to punished her already for tresspassing the palace."

Ilan lang iyan sa mga nakakatakot na bulong na narinig ko mula sa mga unipormadong nilalang sa paligid. Pero tinitigan ko lang sila at hinayaan sa kanilang panghuhusga.

They felt disgusted on me lalo na't napakadungis ko. My red cloak is really a mess sa sobrang dami ng alikabok at putik nito na galing sa seldang kinalalagyan ko kanina.

Marumi na rin ang simpleng bestidang suot ko mula pa kahapon. Hindi ko na rin gusto ang masangsang kong amoy.

Pero naisip ko...

Bakit ako pinapahiya ng babaeng nasa harapan ko na siyang nag-utos na dalhin ako sa kung saan? Why she have to let me be seen by these students around us? Pwede naman siguro niya akong idaan nalang sa ibang lagusan, hindi ba?

I felt discriminated here.

Kung nasaan man si Marisa, sana gumagawa na siya ng paraan para maialis ako dito. I miss my life outside this palace!

I want to play with our elfs again kasama ng mga fairies. Gusto ko nang bumalik sa kapatagan!

Aish!

Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan kaming makalagpas sa malaking bulwagan. Dumaan uli kami sa isa pang pasilyo bago kami umakyat sa isang grand spiral staircase na gawa sa ginto.

Matapos noon ay pasilyo na naman ang nasa point of view ko ngunit hindi na mga larawan ang nakadisplay sa pader. Mga pintuan na ang nabungaran ko na pare-pareho lang ang desenyo.

But, we didn't even enter one of those doors. Isa-isa lang namin iyong nilagpasan. Sa dulo ng pasilyo ay may malaking larawan o painting na nakasabit sa pader.

Sobrang laki nito at isang portrait ng maladiwatang babae ang nakalarawan. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita kong pumikit-pikit pa ang mata noon.

Noong una ay medyo naguguluhan pa ako kung bakit parang tuloy-tuloy kami sa paglalakad kahit na dead end na.

Pero nawala iyon ng lumampas sa painting ang babaeng nagpakuha ng mga pinakamamahal na kadena ko na sinundan din namin.

Ibig sabihin ay isang lagusan ang nilusutan namin kung saan isang napakalaking banyo ang nasa loob. I was really amazed.

May malaking pool sa gitna ng kwarto habang sa taas noon ay may mga gintong gripo. Meron iyong mga iba't ibang kulay ng ribbon na hindi ko alam ang sinisimbulo.

Sa paligid ng bilog na pool ay may roong mga matataas at malalaki na kabinet. May dalawang makukulay at malalaking binata sa west at east part ng kwarto.

Yung east side ay babaeng sirena ang nakalarawan sa salamin habang lalaking sirena ang west part.

Nagulat ako ng magsimulang magtanggal ng kung ano-anong palamuti sa katawan ang babaeng nasa harapan ko sa tulong ng mga tagapagsilbi.

Doon din ako binitawan ng mga babaeng nakahawak sa braso ko para hindi ako makawala kanina.

"Prepare our things, please." The girl asked to her slaves na agad namang tumalima. Naguluhan naman ako dahil 'our' ang ginamit ng babae sa sinabi niya. Ako ba at ang sarili niya ang tinutukoy niya?

"Why are we here?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo na-insulto ako sa ginawa niya pero pinalagpas ko na iyon.

"To clean our selves."

The 'our' word is there again. Talagang hindi ko siya ma-gets. Bakit ba kailangan naming linisin ang mga sarili namin?

Paghahanda ba ito para mukha akong malinis sa pagbibitayan sa akin? Ha! That's absurd. Pero kailangan bang magsabay kami sa paglilinis ng aming katawan?

Kasi, hindi siya mukang tresspasser kagaya ko. Hindi ba?

"Undress her." I heard the girl commanded instead. Nanlaki ang mga mata ko ng aking mapagtanto na ako pala ang pinahuhubaran niya.

Doon ko rin na-realized na nakahubad na rin pala siya. Natatakpan ng kanyang  mahabang buhok ang maseselahang bahagi ng katawan niya.

Balak ko pa sanang takpan ang mata ko pero mabilis siyang naglublob sa tubig sa pool.

"Don't touch me!" May diing sabi ko ng hawakan na naman ako ng mga tagapagsilbi. Mabait ako kapag mabait ka sa akin. May sarili akong utak kaya hindi niya ako kailangan utusan.

Pero sana, sabihin na muna niya ang dahilan kung bakit kailangan kong maligo! Duh? I'm clueless here?!

"Why I have to be here and bathe with you? Why don't you answer my question instead of ordering these stupid slaves around?!" Inis kong sigaw. Tinitigan naman ako ng babae saka ngumiti.

"Okay fine. Leave us alone." She finally said. Mabilis namang tumango ang mga babaeng alipin o tagapag silbi saka lumabas sa portrait na nilusutan namin kani-kanina lang. "Undress yourself, lady and join me here so we can talk properly."

"I'm perfectly fine here. Sabihin mo na kung bakit ko kailangang maligo at nang matapos na ang lahat ng ito." Pangungontra ko sa kanya. Binigyan lang niya ako ng isang malamig na titig bago sumagot.

"Haharap ka sa mga pinaka-importanteng nilalang ng mundong ito kaya kailangan mong magmukhang presentable. I know you don't like me and I don't like you either--- so please just cooperate para matapos na tayo rito. Napag-utusan lang akong gabayan ka ng labag sa kalooban ko at napipilitan lang dahil ayoko siyang suwayin. Kung may ire-reklamo ka, just please save it later when we are done. May itatanong ka pa ba?" Mahabang paliwanag niya. Umiling nalang ako saka nag-umpisa sa pag-huhubad ng mga damit ko.

If she said that sooner, hindi sana ako naging nagger.

Nakita ko naman siyang tumalikod ng malapit na akong matapos. I immediately dropped myself in the pool so she won't see my body.

Doon palang siya muling humarap sa akin ngunit walang sinabi. Basta, ikinumpas lang niya ang kanyang kamay sa ere at biglang bumukas ang mga gripong nasa ibabaw namin.

Iba't ibang mga kulay ng liquid ang lumabas doon. Siguro ay sabon, mga oils na pampalambot ng balat at pabango pero hindi iyon ang gusto kong pag-usapan.

I want to know why I have to meet these so-called-important-person of our world. Di ba kung may mali akong ginawa ay sila nalang dapat ang magparusa sa akin?

Bakit kailangan ko pang maging presentable sa harap ng mga nilalang na iyon?

"What's your name?" The girl asked after she swayed her right hand again to stop the faucets. Mabula na kasi ang tubig sa pool na may katamtamang init.

"I'm Mezul."

"Mezul, what?"

Why these damn folks keeps asking my last name?

"Mezul Castron."

"How old are you and are you studying?"

Bakit kailangan pa niyang itanong kung nag-aaral ako?

"I'm turning 18, four months from now and no. I am not studying right now. I already stopped a year ago." I heard her 'humed' while nodding.

"By the way you talk, parang hindi ka isang mahirap na nilalang sa mundong ito. Nakakaintindi at nakakapag salita ka ng ingles. Taga-saan ka ba?"

"Sa kapatagan ng Triad Land. I know how to speak the language because my guardian taught me how to speak it. At hindi talaga kami kabilang sa mga mahihirap na tinutukoy mo. Nabibilang kami sa mga malayang nilalang." Paliwanag ko sa kanya na siyang totoo.

Ang diwaning si Marisa na guardian ko kasama ng mga elfs at fairies sa kapatagan ay mga malalayang nilalang.

Hindi kami sakop ng hari ng Crimson world pero sinusunod namin ang ilan sa mga batas niya para sa aming kaligtasan gaya ng nasa loob na dapat kami ng aming tahanan bago mag-alasais.

"Ah, pero hindi ko alam na marunong palang magsalita ng ingles ang mga malayang nilalang ng kapatagan. Ako nga pala si Arliah. Prinsesa ng mga mga nilalang dagat o merpeople at ako rin ang nakatakdang mapapangasawa ni prinsipe Ulrio. Siya ang kaisa-isang anak ng hari at reyna ng Crimson world o Crimsons..." pahina ng pahina ng sabi niya. Hanggang Crimson's lang ang narinig ko pero may mga kataga pa siyang ibinulong sa hangin na hindi na inabot ng pandinig ko. Pero tinanguan ko pa rin siya.

Nakatadang mapapangasawa ni prinsipe Ulirio? Iyon ba yung lalaking nagtanong ng pangalan ko sa selda bago ako biglang nakatulog?

Saka ano?

Hindi ko alam na mababa pala ang tingin ng prinsesang ito sa mga malayang nilalang ng kapatagan. Hindi porket kami ang pinaka mahihina ay meron na kaming kinakatakutan.

Malalakas ang loob ng mga malayang nilalang na kagaya ko at hindi kami nagpapadaig. Kaya nga walang sino mang hari ang nangingi-alam at sumasakop sa grupo namin sa mahabang panahon ay iyon ay dahil sa kadahilanang hindi namin sila kailangan.

Sa Crimson world, ayon sa paliwanag ni Marisa...

Ang mga Vampires at Werewolves ang sunod ngunit magkasabay na nilalang na ginawa ng aming mga diyos pagkatapos ng mga Crimson's.

Inihalintulad ang ilang katangian nila sa huli tulad ng maroon na mga mata ng bampira at humahabang kuko ng mga Werewolves.

Pati na rin siguro ang pagkakaroon ng pangil. Mayroon ding tinatawag na Bloodtied ang mga bampira habang Mates naman para mga hybrid na para bang soulmates para sa iba.

Nagiging pula ang mga mata ng bampira. Ang Werewolves naman may kakambal na asong lobo na lumalabas sa tuwing sila ay nagshi-shift.

Iba-iba din ang kulay nila pero parehong mabangis ang Werewolves at Vampires. Hindi rin magkaaway ang dalawang uri ng nilalang na iyon di tulad ng iniisip ng iba.

Though, they only have Special Abilities but no powers at all.

Ang mga Vampires ay nahahati sa iba't ibang houses habang ang mga Werewolves ay may mga tribo na pinamumunuan ng isang Alpha.

Nagiging mga lobo rin sila pero hindi nangangalangan ng dugo para mabuhay gaya nalang ng bampira. Mas sensitibo din sa pagmamahal ang mga Werewolves sa mga Vampires dahil may pagka-possesive sila.

Takaw laman kasi ang lahat ng bampira bago nila mahanap ang kanilang ka Bloodtied or ka-red string.

Ang mga Shinigamies naman ay mababagsik. Wala rin silang kapangyarihan ngunit magaling sila pagdating sa kahit na anong sandata---lalong-lalo na sa mga patalim.

Itim ang laging suot nila gayundin ang kanilang mata at labi. Pero mga meztizo at meztiza sila. At mukha talaga silang nakakatakot kahit na hindi sila kaaway.

Nabubuhay sila sa kahit saang parte ng Crimson World at sila ang pinakamalapit sa pagiging tao. Wala rin silang romatic chena-chena gaya noong mga nauna. Advance Agility ang tanging abilidad na meron sila.

Merpeople o nilalang dagat. Yan ang tawag sa mga buhay na nakatira sa kahit na anong dagat dito sa mundo namin.

Iisa lang ang hari at reyna nila hindi gaya nang Werewolves at Vampires. Iba-iba nga lang ang itsura nila kahit kaya nilang mamuhay sa lupa.

Merong may hasang, may kaliskis, may buntot at kung ano-ano pang katangian ng isda para mabuhay sila sa dagat. Syempre nakakahinga sila doon. Ang pinakamataas na uri nila ay ang mga sirena.

Ganoon din siguro si Arliah dahil kaya niyang kontrolin ang pagkakaroon ng katawang tao niya. Tanging mga dugong bughaw lang kasi ang may katangian noon.

Iba rin ang taglay nilang kagandahan lalo na't walang pangit sa uri nila. Iisa lang ang size ng katawan ng mga babae at lalaki sa kanila. And gah, they're are also perfect.

Witch and Wizard bloods. Konti lang ang alam ni Marisa sa kanila kaya konti lang din ang alam ko. Purple or violet ang mga mata nila at meron silang magic na nakokontrol sa pamamagitan ng magic wand.

They have flying brooms. Ang pinaka malalakas sa kanila ay ang mga element witch at wizard na elemento ang kinokontrol. Maliban doon wala na akong alam tungkol sa kanila.

And finally, ang mga Ilutionist. Delikado ang mga kapangyarihan nila. Marami silang ablities na pwedeng gumawa ng panaginip, bangungot at magmanipula ng isip.

Sila talaga ang pinaka kalaban ng Crimson World ayon kay Marisa. Iilan lang ang mga iyon sa mga napag-aral ko sa kanya at sa pinapasukan kong school bago ako tumigil.

Why did I stop? Ibang topic na iyon na saka ko nalang ikukwento. Sa ngayon, ang gusto ko lang malaman ay kung bakit may eskwelahan dito mismo sa loob ng Emperor Palace. Walang eskwelahan na nabanggit si Marisa sa akin.

May isa pa pala akong naalala. Bakit uniporme ang susuotin namin ni Arliah? Sure hindi siya magiging trabahador dito dahil prinsesa nga siya. Pero anong uniporme naman kaya ang pinahanda niya sa mga alipin o tagapagsilbi kanina?

IRICODALE | JXDXXTX

Continue Reading

You'll Also Like

54K 1.7K 41
Maenya Targaryen. Born in 96 AC, The first child of Aemma and Viserys Targaryen, All seemed well, Maenya was "The gem of the Kingdoms" her younger si...
32.8K 2K 21
𝐁𝐨𝐨𝐤 # 𝟏 𝐨𝐟 𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐚𝐚𝐳 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...
52.9K 1.3K 187
Disclaimer : This is not my story. No plagiarism intended. The credit goes to original author. ◆◇◆◇◆◇◆◇ The entire Yunzhou knew that the Ye Family h...
32.3K 2.9K 18
A Royal family renowned for their illustrious name and fame, A family full of pride and rage, A Family for which everyone bows their head - The Agnih...