Elysian Tale: Flare of Frost

By goluckycharm

3.1M 156K 47K

Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She... More

Elysian Tale: Flare of Frost
Mensahe
Elysian Tale (TRAILER)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Epilogue
FAQS
Special Chapter
Special Chapter
STORY PROMOTION
ANNOUNCEMENT
Flare Fyche Henessy

Kabanata 8

46.1K 2.5K 449
By goluckycharm

These are the few words you might encounter in this chapter that might be quite new for some of you.

Decree -Highest order
Brothels- A house full of prostitutes (Whore house)
Memorial- Note/ Report

______

Kabanata 8.

Flame

I knocked on the door, yet nobody answered so I entered the great hall of the Head Mistress.  Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng silid at nalula lang ako sa nagtataasang shelf ng mga aklat. Dumako ang tingin ko sa mesa at nakita ko roon ang panibagong nagpatong-patong na mga aklat, pendulum, hour glass, pluma, papyrus na papel, at mga envelope na sa tingin ko’y may lamang mga sulat.

Pabagsak akong umupo sa mahabang upuan sa tapat ng mesa habang hinihilot-hilot ang sentido ko. Pinapatawag niya ako rito, at ngayon na nakarating na ako saka ko naman siya hindi mahagilap. Nagdaan ang ilang minuto ay bumukas ang pinto, ngunit hindi ang inaasahan kong tao ang iniluwa mula roon.

“Oh Flame, pinatawag ka rin ng matandang dalaga?” Umupo siya sa tabi ko kaya napailing-iling na lang ako.  He really loves calling names.

“Yeah, I don’t know what she’s up to this time,” bugnot kong wika. Tumayo ako’t tumingin-tingin ng mga gamit sa mesa. Saka ko lang napansin may may kulay puting pusa pala na nakaupo sa mismong upuan nito. Nakapikit ang mga mata nito’t mukhang mahimbing na natutulog.

“Dahil narito ka, paniguradong parating na rin si Vex at Frost.” komento ko habang binubuklat-buklat ang aklat. Ibabalik ko na sana ito nang may mahulog na envelope mula roon.

“Oh that woman, she’s bored with her life that’s why she’s playing us within the palm of her hands. Why don’t we find her a man to marry, maybe she’ll stop being a pussy.” sunod-sunond nitong anas. Napahalakhak na lang ako bago pulutin ang envelope na nahulog.

“The Kings of the continents sent her a decree, allowing her to handle the royal bloodlines affair inside the Institute, giving her the authority and consent to control us and train us for our own good. So frankly, we can’t stop her from being a pussy.” Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.

That’s right, the great kings—which happened to be our fathers sent her an order to train us in whatever methods she’d like. Kaya naman kahit gaano pa kahirap o gaano kabaliw ang mga paraan na naiisip niya, wala kaming ibang magawa kun’di ang sundin ang mga ‘yon.

From: Flare Fyche Henessy of Blaze Academy

To: Head Mistress Lha Eva Thereeze Armero of Elysian Institute of Magic

Pagbasa ko kung saan nagmula ang envelope na napulot ko ay kaagad nitong nakuha ang atensyon ko. Paanong nagkaroon siya ng mensahe mula sa enstudyante ng Blaze Academy? Dahil nakabukas na naman ito, kinuha ko na lang ang letter sa loob at binuklat kaagad ito upang basahin.

This is supposed to be a letter of apology, but no, I have nothing to apologize about.

“Savage.” Napalingon kaagad ako’t saka ko lang napansin na nasa tabi ko na pala si Aerus at nakikibasa na rin. Binalik ko ang atensyon ko sa sulat.

First of all, those oh-so-perfect students of yours started it. They bullied an old lady, trampled her dignity and destroyed her way of living—such a pain. If Elysian Institute of Magic is that great and prestige, please teach your students good ethics and morality.

“This sounds like a rant.” komento ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa rito sapagkat naaaliw ako’t nakakaramdam ako ng pagkamangha sa lakas ng loob niya upang ibigay pa rin ito sa kabila ng nilalaman nito.

Second, I am not a person that repays grudges with goodwill. So throwing them eggs and driving them out the city being chased by village dogs is not a big deal of a shit.

Matapos ko itong basahin ay napasinghap ako, samantalang si Aerus naman ay natawa. Pereho kaming may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha, pero higit sa aming dalawa ay siya ang tawa nang tawa.

“I know Fire Tribe’s woman are feisty, but this one is beyond my imagination.” Hindi ko maiwasang matawa na lang din. Sa pagpapadala ng liham ay nararapat itong pormal, ngunit mukhang wala siyang pakialam doon.

They are not well-mannered and well-thought, so just take my actions as their little punishment for what they did. After all, being chased by village dogs is better rather than being chased by a white tiger.

As a result, I ‘m suspended for three days and believe me when I say those days would be fun. If you took my actions not fair and absurd, and ask for further disciplinary action, then go on. I would love to have a one year suspension.

Who doesn’t give a damn,
Flare Fyche Henessy

“Okay, this is the first time I got turned on by a letter.” Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang isang lalaking nakangiti habang nakatingin sa amin.

“What letter?” Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na niya ang papel na hawak ko’t walang sabi-sabi itong binasa. Bumalik ako mula sa kinauupuan ko kanina’t pinanood siya habang binabasa ito.

“Ang laki naman yata ng galit ng babaeng ‘to.” rinig kong bulong niya. Paminsan-minsan ay napapataas ang kilay nito, pero kapansin-pansin din na napapantastikuhan siya sa nababasa niya.

“This woman have guts.” Binalik niya sa akin ang sulat kaya tumayo ako muli upang ibalik ito mula sa pagkakaipit sa aklat.

“What do you say, Vex?” nakangising tanong ni Aerus. Nagkibit-balikat naman ito’t umupo sa mesa kung saan wala masyadong mga gamit na nakalatag.

“Lahat ba talaga ng babae sa Fire Tribe ganiyan katapang, Flame?” tanong niya.

“Siguro. Hindi ako lumalabas ng palasyo kung dumadalaw ako roon kaya hindi ako sigurado kung ganoon ba silang lahat.” Napakunot naman ang noo niya.

“Hindi ka talaga lumalabas?” paninigurado niya.

“Lumabas ako isang beses, at naligaw lang ako. I got chased by a tiger back then, and then I saw a wo—“ Natigilan ako nang may maalala ako. A memory flashed in my mind causing me to stop from talking.

“It’s a long story.” sabi ko na lang. Hindi na naman sila nagtanong pa kaya napahinga na lang ako nang maluwag.

“Seriously, another kiss mark on your uniform, Aerus?” tawag ng pansin ni Vexus dito. Kaagad na tumayo si Aerus at humarap sa human-sized mirror na nakadikit sa pader malapit lang sa pinto ng silid.

“You know the answer to that. I am irresistible, Vex.” Umakto naman itong nasusuka kaya natawa na lang ako.

“Yeah, yeah.” Vex mumbled while shaking his head.

“Ang babaeng hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay malamang natulala na sa aking kaguwapuhan.” Humarap si Aerus sa amin at biglang kumindat kaya nagsitaasan ang balahibo ko.

“Ugh. Get lost, Aerus!” asar kong pagtataboy sa kaniya, pero imbis na tumigil ay kindat pa rin siya nang kindat.

Bullshit, kinikilabutan ako sa ginagawa niya.

“Bakit? Natatakot kayo na baka mahumaling din kayo sa akin?” Nagkatinginan naman kami ni Vexus. Nasobrahan na naman sa hangin ang utak ng isang ‘to.

“Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo, Aerus! Kinikilabutan kami sa’yo!” Nandidiring sikmat ni Vex sa kaniya. Paglaan ng ilang sandali ay halos gumulong na ito kakatawa kaya sinamaan namin siya ng tingin.

“Your face is priceless!” Babatuhin ko na sana siya ng flower vase nang may maramdaman akong presensya na paparating.

Napatigil na lang kami sa ginagawa namin nang bumukas ang pinto’t humaplos sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang paparating ay alam ko na kaagad kung sino ‘yon base pa lang sa lamig ng presensya niya.

“Frost, kapag dumarating  ka may grand entrance talaga.” pansin ni Aerus dito. Imbis sumagot ay nilagpasan niya lang ito’t inaantok na umupo sa isa pang upuan na tatlong metro ang layo sa amin.

“Kompleto na tayo, nasaan na ba ang matandang dalagang ‘yon?” naiinip na wika ni Aerus.

“Kapag marinig ka niya paniguradong malalagot ka. Wala pa namang awa ‘yon.” nakangiwing anas ni Vexus.

“Whatever. She doesn’t scare me.” matapang nitong wika.

“Oh, yes she does. Remember when you called her an old hag, you are banned from every training rooms in the Institute. Even girls stayed away from you like you have a transferable disease or something. No kissing, no touching, no playing and no fucking, and Aerus Zaito Columbus’ life without women is the death of him.” nakangising paalala ko sa kaniya.

“Kailangan mo pa ba talaga ipaalala ‘yon?” Nakangiwi niyang tanong. Tumango-tango na lang ako’t natatawa siyang tinapik-tapik sa balikat.

“That old hag, makakaganti rin ako sa kaniya. Sisiguraduhin kong kukulubot ang balat niya, mauubos ang ngipin niya, puputi ang buhok niya’t uugod-ugod na siya hanggang sa hindi na siya makalakad.” Halos magningning na ang mga mata niya habang sinasabi niya ito kaya napakamot na lang ako ng batok ko.

“You were saying?” Mabilis kaming napalingon doon sa natatanging upuan kung saan may nakahigang pusa kanina.

Nanlaki na lang ang mata ko nang makitang ang pusang ‘yon ay biglang naging tao, at ang taong ‘yon ay walang iba kun’di si Head Mistress Eva. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa amin kaya nagkatinginan kaming apat.

Kung gayon ay kanina pa pala siya nakikinig sa usapan namin dito?

“Ano nga ulit ang sabi mo kanina, Aerus?” Naibaling namin ang atensyon kay Aerus. Tumikhim siya saka umayos ng upo sabay ngiti ng malawak.

“Hmm? I didn’t say anything.” Pa-inosente nitong sabi kaya lihim akong natawa.

“Oh, I thought I heard you calling me an old hag again.” Mapaglaro nitong pansin habang inaayos ang mga aklat na hindi ko gaano naayos ng mabuti kanina.

“Maybe your ears are just clogged. You know, you’re getting old and—“ Napatigil ito sa pagsasalita nang biglang umangat ang tingin ni Head Mistress Eva sa kaniya upang pukulan siya ng masamang tingin, “And beautiful, of course.” Dugtong niya.

Umupo siya sa upuan niya’t inusog ito upang mapalapit ang sarili niya sa mesa. Sinandal niya ang magkabilang braso niya rito’t isa-isa kaming binalingan ng tingin. Lha Eva Thereeze Armero, a forty-eight year old woman and still unmarried.

“Frost,” Lumingon kami rito’t nakita naming siyang nakasandal lang sa upuan habang nakadekwatro ang binti’t nakakrus ang braso. Nakapikit ang mga mata niya’t parang tulog ito.

“I called the four of you here for some important matter and you should not be slee—“

“I’m listening.” Pagpuputol nito sa sinabi niya. Umiling na lang si Head Mistress Eva at bumuga ng malalim na hininga bago ituon ang pansin sa aming tatlo na nakaupo lang malapit sa kaniya.

“You took all the four medallions already?” Sa akin siya nakatingin kaya mas minabuti kong ako na lang sumagot sa katanungan niya.

“We have the three of them.” Noong nakaraang buwan kasi’y nagbigay sila ng apat na medalyon sa bawat Akademia sa buong Emperio ng Elysiano. Ang mga medalyon na ‘yon ay hawak ng mga estudyanteng nangunguna sa larangan ng lakas at karunungan sa bawat Akademia.

She wanted us to take the medallion back for a price, testing our own skills and the Top Students of each Academy. If we managed to seek and find each Academy’s Top Student, and take away the medallion, she’ll grant us one wish.

Sinadya niya rin na ibigay ito sa pinakamahusay na estudyante upang masukat namin kung karapat-dapat ba itong makapasok rito sa Institute. Kalimitan kasi sa mga Top Student ng bawat Akademia ay binibigyan ng pagkakataon upang makapasok rito. Isa lamang itong aktibidad para sa amin bilang mga prinsipe ngunit isa itong malaking pagsubok sa kanila.

“Sky Academy’s Top Student is one hell of a boastful bastard. Malakas nga siya pero madali siyang magalit kaya nawawalan siya ng kontrol sa abilidad niya.” walang prenong saad ni Aerus.

“Ayos lang naman sa Gravil Academy, pero napapansin kong mahina siya pagdating sa long range combat. Saka hindi siya malinis makipaglaban. He had a lot of dirty tricks under his sleeves.” ani ni Vexus.

“How about in Snowlake Academy, Frost?” napalingon kami sa kaniya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya.

“Just a weak moron.” Akala namin ay may idudugtong pa siya pero wala na pala. Napakamot na lang ako ng noo ko. Ang tipid talaga magsalita ng lalaking ‘to. Kung ano ang ikinadaldal naming tatlo, siya namang ikinatahimik niya.

“Go seek for the Blaze Academy’s Top Student then. I want the medallion in my hands within this day. I already informed the Institute’s gate guards so you can go now.” pagtataboy nito sa amin.

“Sasakay ba kami sa karuwahe?” tanong ni Aerus. Naigulong ko ang mga mata ko. Malamang ay iniisip na naman nitong maipaparada na naman niya ang pagmumukha niya sa harap ng mga mamamayan doon.

Noong nakaraan kasi’y pumunta kami sa Air Continent upang puntahan at hanapin ang Top Student ng Sky Academy. Siya ang nagbigay ng suhestyon na sasakay na lang kami sa karuwahe upang hindi na kami mapagod, hindi naman namin lubos akalain na may ibang balak pala siya. Wala siyang ibang ginawa kun’di ang buksan ang bintana ng karuwahe’t kumaway-kaway sa mga kababaihan doon.

Ang nais sana naming tahimik na pagdalaw roon ay napalitan ng pagdagsa ng mga kababaihan sa daan na nagdulot upang halos hindi makausad ang karuwaheng sinasakyan namin. Mabuti na lang ay may nakasunod sa aming mga kawal kaya naawat ang mga ito.

“I’m not allowing you to ride in a carriage again, Aerus.” She replied, irritation all over her face.

“Fine.” walang ganang anas nito pabalik.

“What do you plan to do with the woman who sent you the letter of apology?” naitanong ko na lang bigla.

“I—what do you think?”

“It’ll be better if she get to experience how things work here. She said we’re not well-mannered and well-thought. Only by experience she’ll learn and understand.” mungkahi ni Vexus. Tumango-tango naman kami bilang pagsang-ayon. He had a point.

“Do you have waters inside your brain? How could we make her enter the Institute if she would rather eat mud than wear jewelleries?” taas kilay na sabat ni Aerus.

“Force her.” Sa bilang pagsalita ni Frost ay napatingin kami sa kaniya. Nakamulat na ang mga mata niya’t taimtim lamang itong nakatitig sa amin.

“How?” sabay naming tanong.

“A decree.” maikli nitong sagot. Napapalakpak naman si Head Mistress Eva habang may malawak na ngisi sa labi.

“How can I not thought of that? A decree coming from the palace of each continent would force her.” Mabilis nitong kinuha ang isang pluma at papyrus na pepel sa isang tabi upang magsulat ng memorial para sa mga hari.

“The punishment for disobeying a decree is her life. Unless she wanted to die, she can disregard it. If she wanted to live, she has no choice but to obey and enter the Institute.” wika ko. Wala naman akong nakitang mali sa sinabi niya, but that was her opinion. Hindi naman kinakailangan na lahatin niya kaming lahat na narito.

Narinig naming bumukas ang pinto kaya napalingon kami. Nakita naming lumabas na si Frost kaya dali-dali na rin kaming lumabas at nilisan ang silid na ‘yon. Sinuot ko ang hood ng cloak bago sumunod sa kaniya, at ‘yon na rin ang ginawa pa ng aking mga kasama. Malayo pa lang ay natatanaw nanamin ang iba pang mga estudyante. Matapos nilang makitang papalapit kami’y automatiko silang pumapagilid habang iniyuyuko ang kanilang mga ulo.

This seems like their routine every time they came across in any of the four of us. Of course, they need to pay respect for a mage with a royal blood in their veins. Isang maling galaw lang nila ay kayang-kaya namin silang parusahan sa kahit ano mang paraan na gusto namin. One wrong move and they could end up dead in a snap. Kaya siguro’y ilag mga ito sa amin at kulang na lang ay tumama sa sahig ang ulo nila kakayuko upang magbigay galang sa amin.

Pagdating namin sa tarangkahan ay kusa itong binuksan ng mga kawal na nakabantay at hinayaan kaming makalabas. Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng tarangkahan ng bayan. Pinagtitinginan din naman kami ng mga mamamayan pero paniguradong hindi nila kami nakilala dahil kahit papano’y natatakpan ng balabal ang aming ulo.

“Dito na tayo dumaan upang mapadali ang pagdating natin doon.” mungkahi ko. Lumihis ako ng daan patungo sa kagubatan, at naramdaman ko namang sumunod silang tatlo sa akin. Nahanap ko ang sekretong daan na ito simula noong araw na naligaw ako sa gubat dahil hinabol ako ng isang puting tigre.

“Mas nakakakilabot ka pala, Flame. Bigla-bigla ka na lang ngumingiti na parang timang.” Naglaho ang ngiti sa labi ko matapos kong marinig ‘yon. Sinamaan ko na lang ng tingin si Aerus samantalang inakbayan naman ako ni Vexus. Napalinga ako sa kaniya’t nakita ko ang nanunudyo niyang mga mata.

“Siguro may bagay siyang naalala sa pagpunta niya rito. Isang pangyayaring maaaring hindi niya makalimutan.” Tinapik ko ang braso niya sa balikat ko kaya kaagad niya itong inalis.

“Maybe he saw a naked woman somewhere around this forest.” Halos mabuwal ako sa kinalalakaran ko, mabuti na lang ay nabalanse ko kaagad ang katawan ko. Pag-angat ko ng tingin ko’y nahuli kong nakangisi si Aerus samantalang nagpipigil naman ng tawa si Vexus.

Tumikhim ako’t hindi na lang sila pinansin. Nagpatuloy na lang sa paglalakad upang sundan si Frost na ilang metro na ang layo sa aming tatlo. Kagat-labi akong napahawak sa noo ko nang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari rito sa gubat na ito.

“So, does that mean it’s true? Don’t deny anything, your reaction proves he’s right.” Hinuha ni Vexus. Hindi ako sumagot kaya mas lalong lumawak ang ngisi sa mga labi nila.

Nagdaan ang ilang minutong paglalakad sa kagubatang ‘yon hanggang sa makapasok na kami sa bayan ay wala silang ibang ginawa kun’di ang kulitin ako kung sino ang babaeng nakita ko at kung ano ang nagyari. Sa mga panahong ‘yon ay tahimik lang din si Frost at hindi man lang nag-abalang magsalita o ano.

“Sigurado bang hindi nila makikilala si Aerus?” nag-aalinlangang tanong ni Vexus habang palihim na pinapanood si Aerus na nakikipag-usap sa mga kababaihan sa isang tabi.

Sinuri ko ang hitsura ng mga ito’t pati ang mga kilos nila. Tiningnan ko rin nang mabuti ang reaksyon ng mga ito habang kaharap si Aerus. Pagbaba ng tingin ko sa mga paa nila’y may napansin akong bagay na nasa kaliwang paa nila. Saka ko nalaman kung anong klaseng buhay ang mayroon sila rito.

“They are women from brothels.” wika ko.

“Oh, right. Those tattoos in their feet proves they’re prostitutes from brothels.” Tatango-tangong atugal nito.

Marahil ay hindi nila kilala si Aerus sapagkat baguhan pa lang ang mga ito, o hindi kaya’y nasa mababang uri ang ranggo nila sa brothel. Si Aerus ang tipo ng lalaki na matunog sa mga kababaihan saan mang sulok ng kontinente. Halos lahat yata’y kilala siya lalo na’t marami ang gustong makuha ang atensyon niya.

“I know who the Top Student is. It’s Grachelle Alih.” Nakangising wika ni Aerus habang maangas na sinuklay-suklay ang buhok niya. Lumingon pa siya upang kindatan ang mga kababaihang halos mahimatay dahil sa tuwa. Hindi man lang nila alam na kaya lang sila kinausap ni Aerus dahil may gusto lang siyang malaman.

“Frost being Frost. Seriously, hindi ba napapanis laway niya sa sobrang tahimik niya? Halos ilang oras na siyang hindi nagsasalita.” Iiling-iling na bulalas ni Aerus habang tinitigan si Frost na naglalakad na palayo papuntang Blaze Academy. Natawa na lang ako, noon pa man ay tipid na talaga magsalita ang lalaking ‘yon.

Sinundan na lang naming siya dahil doon naman talaga kami patungo’t naroon naman talaga an gaming pakay. Nakakapagtaka, at nakakamangha rin malaman na ang Top Student ng Blaze Academy ay isang babae. Kung nagkataon, siya lang ang babaeng Top Student sa apat na Akademia. Malamang ay bukod tangi siya’t higit na naiiba.

“Aerus, ano ang palatandaan na siya ang hinahanap natin?” tanong ko matapos naming makapasok sa loob ng Blaze Academy. Hindi sumagot si Aerus, bagkus ay luminga-linga lang siya sa paligid na animo’y may hinahagilap na tao.

“Sabihin mo kaya para naman matulungan ka namin, ano?” nakangiwing anas ni Vexus. Inayos ko ang hood ng cloak sa ulo ko nang mapansin kong pinagtitinginan na kami ng iba pang estudyante.

I am the Fire Continent’s Prince, this is my homeland and they can probably recognize me.

“I’ll recognize her as long as I set my eyes on her.” bulong nito habang lumilinga-linga pa rin sa paligid. I rolled my eyes. Aerus being Aerus, a man who knows women quite well.

“Braided hair, perfect curves, lotus earrings, and her presence of authority and elegance—found it.” Mabilis pa sa alas-kwatrong binaling namin ang aming pansin sa babaeng kasalukuyang naglalakad sa gitna ng Training Ground. Mag-isa lang siya’t mukhang kakatapos lang nito mag-ensayo dahil mukhang pagod ito.

“Tara na—“ Naputol ang sasabihin ko nang mapansin kong wala na si Frost sa tabi ko. Huli na nang malaman kong kaharap na niya si Grachelle.

Paglapit namin sa kanila’y halata ang pagtataka nito kung bakit nakaharang si Frost sa daraanan niya. Mukha rin namang hindi niya pa nakikilala si Frost dahil natatakpan ng cloak ang ulo nito’t tanging labi niya lang ang nakikita nito.

“Grachelle Alih, A Class A Mage, and Type A Level of Sixth Sense. The Top Student of Blaze Academy. Correct me if I’m wrong.” ani ko.

“Yes, I am Grachelle Alih.” Inangat ko ang tingin ko kaya nagtama ang mata naming dalawa. Nakita ko ang pagguhit ng gulat sa mukha niya matapos niya akong makita at makilala.

“Then you should know what we’re doing here.” simpleng saad ni Aerus.

“I’m sorry but I have no idea why the great and honourable princes are here.” Sa nakikita ko sa mukha niya’y mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Parang wala talaga siyang alam kung bakit kami narito ngayon.

“Nice, but you can’t fool us. Only the Top Student of each Academy holds it, and we must bring it back for a price.” matigas na pahayag ni Vexus dito.

“Whatever you’re looking for, it’s definitely not me. Yes, I am Grachelle Alih, but I am not the Top Student of Blaze Academy.” Natahimik kami saglit. Tiningnan ko si Aerus at kahit siya’y nagtataka.

“So you don’t have the Fire Medallion?” Umiling naman siya nang walang pag-aalinlangan.

“Kung hindi ikaw, sino?” tanong ni Aerus.

Hindi pa man siya nakakasagot ay naagaw ng isang babae ang atensyon naming lahat. Nakatalikod siya sa amin at mukhang pinagtutulak siya ng mga estudyanteng pilit na nakikiiusisa sa pinag-uusapan namin dito. Inangat ni Grachelle ang kamay niya’t nakangiting tinuro ang babaeng ‘yon.

“She is.” Dahil sa sinabi niya sabay kaming napalingon doon sa babaeng tila ba nanigas at natigilan sa pagtatapat ni Grachelle.

“Don’t even think of escaping.” sikmat pa nito. Umiling-iling ang babae’t dahan-dahan itong lumingon sa gawi namin. Sa pagsilay ko sa kabuoan ng mukha niya’y napakurap na lang ako.

“I-ikaw?” bulong ko.

“Grapes.”

“Grilled fish.”

“Sexy.”

“Criminal.”

Nagkatinginan kaming apat. Hindi man ako magsalita ay iisang katanungan lang ang nabubuo sa aking isipan. Iyon ay kung bakit mukhang kilala rin nila kung sino ito. Kahit si Frost ay kilala rin siya, at dahil sa kaniya’y sa wakas ay nagsalita na rin ito.

“Wait, why are you here? I thought you’re from the Water Tribe?” pagbasag ko sa katahimikan. Kunot noo naman akong hinarap ni Vexus, nagtataka ang mga mata niya.

“No. She’s from our tribe. I saw her in the Gravil Continent.” Pagtutol ni Vexus sa sinabi ko.

“Both of you are wrong, she’s from my tribe. I met her under the starry night in the Sky City.” Naguguluhan akong napatingin sa kanilang dalawa. Kahit sila’y mukhang nagugulumihan na rin.

Bakit nila sinasabing mula sa kanilang tribu ang babaeng ‘to?

“Flare Fyche Henessy,” Nag-angat ng tingin ang babae matapos marinig ang sinabi ni Frost.

“Who gave you the permission to call me in my full name, asshole?” Umawang ang bibig ko, pero kaagad ko rin itong tinikom bago pa nila makita ang naging reaksyon ko.

“Shut up if you still want your tongue.” May diin na banta ni Frost sa kaniya.

“I’m sorry but your words won’t tame me.” Narinig ko ang pagsipol ni Aerus sa tabi ko. Halatang namamangha siya sa kawalan ng preno magsalita ng babaeng ‘to.

Wait a sec, did he just say she’s Flare Fyche Henessy?

Inangat ko muli ang tingin ko. Ibig sabihin, ang sulat na binasa ko kanina ay nagmula sa kaniya? Siya ang maangas na babaeng ‘yon? Tiningnan ko ang ayos niya’t lihim na lang akong napangiti.

Her hair is tied into messy bun. Two buttons of her blouse are open, and the tie on her neck is slightly loose. The sleeves of her blouse are folded up to her elbow, and she has this powerful and savage aura all around her.

“Hand over the medallion.” malamig na wika ni Frost. Imbis ibigay ito, tinaasan niya lang ito ng kilay at ginulungan ng mata.

“Who says I have the medallion?” Pinagkrus niya ang mga braso niya’t tinaasan kami ng kilay.

“I should’ve known you are princes.” Humakbang papalapit si Aerus sa kaniya nang may mapanlokong ngisi sa labi. Natatandaan kong kahit ako’y hindi niya nakilala na isang prinsipe.

“Why? Do you remember what you did to me that night? Are you regretting it now? Are you scared I would order someone to get your head detached from your body?” Imbis matakot ito sa pambabanta ni Aerus nanatili lang walang reaksyon ang mukha nito’t ni wala man lang itong bahid ng pagkasindak.

“I remembered it clearly, and I am not regretting it. I just rejected an air head prince, it’s an honour actually,” She took one step forward and smirk.

“You want my head detached from my body? So be it, no one can kill me aside from myself, and you are not even scaring me.” I bit the skin inside my left cheek. Ang tapang talaga ng babaeng ‘to. Walang kahit na sinong mapangahas ang nagtangkang kumausap sa amin ng ganito.

“Hey, cool off. We can talk it out, yes?” Naibaling namin ang aming atensyon kay Vexus. Napatingin sa kaniya si Flare kaya nginitian niya ito.

“Remember me? Ako ang lalaking inasinta mo ng sibat at pinagdamutan mo ng nahuli mong isda.” Kitang-kita ko ang paggulong ng mata ni Flare sa sinabi ni Vexus sa kaniya.

“Hindi niyo rin ba tatanungin kung naaalala ko kayong dalawa?” bugnot niyang tanong sa aming dalawa ni Frost na kanina pa tahimik.

“You are that disrespectful jerk who almost saw me naked in the lake,” Aniya sa akin bago humarap kay Frost habang naniningkit ang mata.

“And you, you are that ungrateful bastard who didn’t even said thank you after I saved your brother. Need do I say more?” Napakurap-kurap ako, kapagkuwan ay tumawa rin ako—dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin.

This is the first time someone cursed me by my name, and heck it is but it felt so good and funny. I’ve never been grateful for someone who cursed me.

“Watch your words.” matalim na wika ni Frost. Hindi niya pinansin ang sinabi nito’t tumitig sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa.

“Lunatic.” Rinig kong bulong niya. Sa pagkakataong ito’y ako naman ang humakbang papalapit sa kaniya habang may ngiti sa labi.

“The Top Student of Blaze Academy is a savage, untamed, and wilful woman of Fire Tribe.” Taas noo siyang tumingin sa aming apat. Walang bakas ng kahit ano mang panlalaki o panliliit sa mga mata niya.

“We don’t want a beautiful woman like you having bruises on your flawless skin, so might as well hand over the medallion for your own good.” suhestyon ni Aerus. Imbis pumayag ay umiling lang ito.

“Are you underestimating us women? Men, you all think you’re that good and powerful,” Bumuga ito ng marahas na hangin bago suminghal.

“Sabihin na natin na nasa akin nga ang hinahanap niyo. Ano naman ngayon? Tingin niyo hahayaan ko kayong makuha ito?” Nagkatinginan muli kaming apat.

That’s a trick question to provoke us.

“Last chance, hand it over.” matigas na wika ni Frost. Ngumisi lang ito’t mapanlokong tumingin sa aming apat.

“Try me.” Nagtagisan kami ng tingin, at ni kurap ay hindi niya ginawa para lang mapatunayan na seryoso siya sa sinasabi niya.

Damn, what a stubborn woman.

Itutuloy

Continue Reading

You'll Also Like

29.1K 1.2K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
485K 34.7K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
80.5K 4.2K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
9.4K 127 33
Introvert / Angsty Poems by me. Ps. Some chapters is in Filipino but most of them will be in English. But don't worry I will try to translate it.