WHISPER

By allayxzanFR

3.9K 424 307

"Will you believe me if I tell you that I can hear a soul's whisper? I help soul to find justice for their de... More

WHISPER
Case 1
Case 2
Case 3
Case 4
Case 5
Case 6
Case 7
Case 8
Case 9
Case 10
Case 11
Case 12
Case 13
Case 14
Case 15
Case 17

Case 16

143 13 9
By allayxzanFR

░▒▓█►─═ WHISPER ═─◄█▓▒░

▶C a s e 16

Halos nakatulala ako buong araw sa klase, hindi maalis sa isip ko ang pinag usapan namin ni Kaede noong isang gabi.

Oh gosh, hindi na maganda ito, buong gabi na siya nasa isip ko, hanggang dito ba naman?

Napailing-iling ako at hinampas ang parehong pisngi. Hindi maganda ito, walang pumapasok sa sinasabi ng aking guro

"Yes, miss Andrada? Do you have anything to say?" Huh?

Takang bumalik ang atensyon ko sa taong nasa harapan ko, nakatayo ang prof ko na nakapamewang sa harapan ko.

"U-Uhm pardon, maam?"

"Kababaeng tao, hindi nakikinig! Ilang beses ko na kayo pinagsabihan na kung inaantok kayo sa klase ko, bukas ang pintuan para sa inyo. Get one whole sheet of paper, mag-quiz tayo mukhang wala naman kayo lahat natututunan."

"Walang magbinigay ng papel! Ang mahuli kong magbigay pupunitan ko ng papel. "

"Uhhh! Thryll naman!" At 'yon ang dahilan kung bakit halos patayin na ako sa tingin ng mga kaklase ko.

Rinig na rinig ko ang inis na binabato nila at ang ilan ay nagdadabog pa. Aba bakit ako?

Kasalanan 'to ng Kaede na 'yon!

"Bwiset ka Thryll! Buti nalang nandito si Freya sa tabi ko." Naiinis na sabi ni Gideon at sabay lahad ng kamay sa harapan ko para humingi ng papel.

"Mr. Alonzo! Wala ka nanamang papel!" Anak ng. Paborito talaga kami ng prof namin pagalitan, kung si Freya ang paborito niya sa klase, si Gideon ang kinakaasaran niya, nadamay nalang ako dahil pakiramdam niya ay gumagaya ako sa katamaran nito.

"Kayong dalawa, lumabas kayo at abangan niyo ako sa labas ng office ko!" What the hell!

Binigyan ko ng nakakamatay na tingin si Deo bago pasimpleng nagdabog at inapakan ang paa niya bago magdesisyong tumayo.

"Freya, una na muna kami, exempted ata kami sa quiz ang lakas ko talaga kay ma'am haha." Parang tangang tumawa pa ito, inirapan lang siya ni Freya tapos ay tumingin ito sa'kin ng may pag aalala sa mata.

Nginitian ko lang ito at nag thumbs up sa kanya bago tuluyang lumabas. Lagot talaga sa'kin ang Deodorant na 'yon.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay rinig ko na ang ilang ingay at tilian sa hindi kalayuan, may ilang babae din akong nakasalubong na nagmamadali.

"Shit, miss excuse me nagmamadali kami!" Halos malaglag ang panga ko sa ginawang pagtulak sakin ng isang grupo ng babae kahit hindi naman ako nakaharang sa daan.

"Dali Jing! Baka hindi natin maabutan ang mga Sarmiento!"

"Oh my gosh, bakit kasi walang pasabi, ano daw ba ang ipinunta dito?"

"May hinahanap ata?"

Sarmiento? Sila Night? O baka naman may iba, madami namang Sarmiento sa mundo.

"I've seen Keros in person, sobrang gwapo shet halos malaglag panty ko."

"My gosh, you mean, Eros fucking Sarmiento? Hoy crush ko 'yon!"

Now it's confirmed. It's them. I wonder if Night is here too?

"What's with that face? At bakit ang daming nagkakagulong babae, palabas palang naman ako?" Napailing nalang ako kay Deo. Hindi ko pa din nakakalimutan kung bakit kami nasa labas ngayon.

"The Sarmientos are here." Natahimik siya sa sinabi ko at biglang nagseryoso ang tingin sa'kin.

"Sino-sino?" Nagkibit balikat lang ako at binalewala ang nakitang pangamba sa mukha niya, baka mali lang ako ng basa sa kanya.

Afterall, he's hard to read.

"May hinahanap daw sila, girl! Feeling ko ako yung pinunta nila dito." Hagikhik nung babaeng may maikling buhok.

"Girl! Even the famous untamed drag racer is here! I've seen him in his bike, fuck he's so hot! This will be my first time to see him this close! I can't wait to see Ka-

"Shit. H-Hoy ano ba? Bakit ka nanghihila?" Halos maiwan ang sapatos ko sa laki ng hakbang ni Deo, hindi niya ako pinapansin at diretso lang ang tingin sa harapan.

Hindi ko tuloy narinig yung sinasabi nung maarteng babae na 'yon. Untamed drag racer? I didn't know Night has a drag racer cousin! I wonder, ilan ba silang mag pipinsan at bakit ganito kung magkagulo ang mga babae sa school?

"Anak ng! Hoy Deodorant ka! Kanina ka pa ha! Makakatikim ka sa'kin tignan mo!" Galit na sabi ko dito ng lalo pa niyang binilisan ang paglalakad dahilan para makaladkad niya ako.

Huminto ito at saglit akong pinagmasdan ng seryoso bago tumingin sa paligid, ng makitang wala ng mga studyante sa malapit ay napabuntong hininga ito at hinila ako papasok sa lumang lab na inaagiw at puro alikabok na.

Nakakatakot pakiramdam ko, ano mang oras may lalabas na kung ano sa kwartong ito.

Kunot noo ko siyang tinignan sa inasal niya. Anong problema nito? "Talaga?" Ngayon ay ngiting aso na ang loko.

"What? Ano nanamang kalokohan ang tumatakbo sa isip mo?" Galit ko pa ding sabi. Walang hiyang ito, ang bilis magbago ng mood.

"W-Wala." Pag iwas nito ng tingin, hindi nakatakas sakin ang pag pula ng tenga niya.

"What the fuck!" Malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng biglang sumara ang pintuan, kung hindi ako nagkakamali, narinig ko ang pag ka-lock nito mula sa labas.

"H-Hoy sinong andyan? Hindi magandang trip to!" Sigaw ko sa kung sinong nasa labas, pero wala akong narinig na ingay o kahit ano mula sa labas kaya hinampas ko ng malakas ang pinto.

"Tulong! May tao po dito!" Pag sigaw ko kahit mukhang malabong may makarinig sa'min.

"Hindi mo 'yan mabubuksan kahit anong sigaw mo, walang studyanteng gumagawi dito, ienjoy mo nalang na kasama mo ako." Kalmadong sabi nito pagkatapos ay tahimik na umupo sa sahig.

"Siraulo ka! May kinalaman ka ba dito?" Napaiwas ito ng ibato ko sa kanya ang bag ko.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "As if I want to be trap in one room with you, asa ha. Hindi kita type." Diretsong sabi nito.

"Eh bakit parang wala lang sayo na nakulong tayo dito?" Naghihinalang tanong ko dito.

"Psh." Imbis na sagutin ay sinungitan lang ako nito.

Imbis na makipagtalo ay pinili ko nalang din manahimik at umupo sa isang gilid na medyo malayo sa kanya.

Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ng prof namin pag naabutan niyang wala kami sa labas ng office niya namumutla na ako. Jusko kapag minamalas ka nga naman!

"Ugh!" Halos mag iisang oras na ata kami dito, nilalamok na ako! Napatingin ako sa kanya, seryoso lang itong may tinitignan na kung ano sa cellphone.

The fuck! Phone! Bakit hindi ko naisip na i-text si Freya!?

Kukunin ko na sana ang phone ko sa bag ng magsalita ito.

"He's making a move huh?"

"A-Ano?" Tanong ko dito dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

"How come I didn't see this one coming." Naiiling na sabi nito bago tuluyang tumayo at may inilabas na kung ano sa pantalon niya.

What the fuck? May susi siya ng kwartong ito.

║▌║█║▌│║▌║▌█

Hello guys! Ang tagal kong walang
update(sobrang busy sa thesis)
namiss ko 'to! Two weeks nalang
Sem-break na, hopefully matapos ko to.

Kaway-kaway sa naghintay ng update
(Kung meron man) hahaha after ng exam
ko bukas magpopost ako ng next update!

Comments are highly appreciated, nakakagana
kasi magupdate pag may comments haha
love lots! Godbless! 💖

Continue Reading

You'll Also Like

24.6M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
7.2M 370K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
189K 4.3K 23
#2| WICKED WRITERS SERIES| A COLLABORATION Shein is writer who write about fairytale but ends up writing her own crime. At the age of 7 she face the...
10.2M 458K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...