Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day

Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

3.7K 59 10
By Lee__Miyaki

Kahit nasaan ata ako pumunta, laging nakasunod si Railey. Papa'no naman kasi, pumayag ako sa one-week na tawad niyang liligawan niya raw ako. Nakakainis kasi 'yung tanong na "Do you still have feelings for me?" Ayoko nang ganoong klaseng tanong, nahihirapan ako magsinungaling.

Natapos na ako mamili ng gamit sa supermarket. Dumiretso naman ako sa bahay para magpahinga. Nakasunod pa rin siya. Hindi ko maisara ang pinto dahil tahimik lang siyang nakatayo roon. Nakatayo siya habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya.

Nag-iba ba ang mukha ni Rye, o nag-iba dahil mas matagal ko siyang natitigan ngayon? Sobrang na-miss ko 'yung mukhang 'to. Na-miss ko lalo ang may-ari ng katawang nasa harap ng pinto.

"Papapasukin mo ba ako o hindi?" tanong niya na gumising naman sa akin.

"Pumasok ka kung gusto mo," matabang kong sagot.

Papapasara na ang pinto, pero pinigil niya ito at hinawakan ang door knob. Hinawakan niya ito kahit habang hawak ko pa yung door knob. Nakakawindang 'di ba? Parang nakuryente ako, Rye. Parang bumabalik na naman 'yung alaala ng una nating pagkikita.

Hinawakan niya nang mahigpit ang dalawa kong kamay.

"Bec, I miss you."

I miss him, pero hindi ko kayang sabihing "I miss you, too." Parang may kumakabog sa dibdib ko sa tuwing sasabihin ko 'yung I love you, at I miss you.

Parang laging may masamang mangyayari.

Hawak niya pa rin ang kamay ko, hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap.

"Bec, I want you to be mine again. If you'll only give me chance, I won't let you go."

Nangilid ang luha ko. Napahigpit rin ang yakap ko sa kanya.

"Railey, I can't answer you right now because I know something must heal first."

Niyakap niya lang ako nang mahigpit at sumagot, "It's okay, Bec, I am hoping for the best."

***

Sa totoo lang, hindi ko rin talaga maaasikaso masyado 'yung feelings ko ngayon. Parang pagkauwi ko galing sa Singapore, nabuksan 'yung mga mata ko sa reality. Reality na ang tanga-tanga ko pala ever since. Na simula pa lang ng ibinigasak ko 'yung mga subjects ko before, sinasayang ko ang buhay, oras, at resources ko.

Sobrang lutang ko lately. Napatingin na lang ako sa mga magulang na naghahatid ng mga anak nila. Papasok sila ng room at ako, tulala lang.

"Teacher, iwan ko na po si Dylan ha?" sabi ng isang Tita na palabas na sa room. Siya 'yung Tita na halos araw-araw atang nakasuot ng may color pink sa damit.

Mayamaya, dumating si Railey. Hatid niya 'yung pamangkin ni Chloe. Patakbong pumasok ang bata. Nakasunod naman si Railey.

"Hello, Teacher Rebecca," sabi ng bata.

"Hello, Teacher Love, este, Rebecca," baliw na singit ni Railey. "I mean, Teacher Rebecca. It's nice to see you again," sabi niya sabay kindat.

Nako. Napaka-book 1 ng ganyang gesture. Hindi na ako madadaan sa ganyan this time.

I said "Hi!" lang and goodbye, after. Dumating na halos lahat ng bata sa klase. Lumabas na ang mga guardian nang maihatid na nila ang kanya-kanyang bata. Lumabas si Railey. Pero dahil mababa lang ang bintana ng classroom namin, natatanaw ko pa rin na naghihintay siya sa labas.

Nakasuot siya ng pulang polo, at brown na pants. Ang lakas lang maka-JS prom. Well, nadadala niya naman.

Nasa harap ako nang lapitan ako ng pamangkin ni Chloe.

"Teacher, I have something to tell you."

Mabagal siyang lumapit sa akin. Sinenyasan akong may ibubulong siya.

Inilapit ko naman ang tenga ko sa kanya. "What is it?"

"Teacher, I like you and Tito Railey. You too look together! You should date!" sabay tawa nang patago.

Paanong naiisip ng ganitong bata ang mga bagay.

Mabilis lang lumipas ang isang oras sa klase ng mga bata. Mayamaya, recess time na. May inabot sa akin na paper bag ang pamangkin ni Chloe.

"Teacher, I have something for you."

Inabot niya 'yung brown paper bag na doughnut. Halata dahil bumakat na 'yung mantika sa labas. Favorite ko 'yon, syempre, one of my favs.

Nagulat naman ako nang pagbukas ko, may nakasticky note sa upper part ng paper bag.

Heart 'yung sticky note, at ang nakalagay, "Teacher, you're hot!"

Gag* talaga si Railey. Kung anu-anong binibigay sa bata.

"Do you know what's inside?" tanong ko sa bata.

"Uhm..." tumigil siya. "No. Tito Railey told me to give it lang e."

Buti naman. Nakahinga ako nang maluwag.

***

Natapos ang klase nang mapayapa. Walang umiyak, mabuti na lang at dalawang oras lang ang klase. Hinihintay ko na lang masundo lahat ng bata. As usual, huling-huli sumundo si Railey.

Nasa labas lang naman siya kanina, nahuli pa siya. Lagi na lang siyang nahuhuli in all aspects of life.

"Good morning ulit, teacher," bati niya.

"Good morning," bati ko rin.

"Coffee?"tanong niya.

"Why?" tanong ko.

"I think you deserve it? Tara. Let's go," hawak niya 'yung kamay ng bata. Akala ko naman ako hihilahin niya.

Kinuha niya lang 'yung bag ko sa mesa.

I know bawal umalis agad. Hello, duty ko pa sa klase. But, half day schedule naman ang teachers for this day. So pwede.

Sumakay kami sa sasakyan ni Railey na kanina pa naghihintay sa labas. Sunod-sunod naman ang tingin ng mga fetchers sa labas. Papaano, bitbit ni Railey 'yung bag ko. Napakunot-noo 'yung matandang gwardya na nginitian ko na lang.

Sa tabi ako ni Railey napaupo. Sa likod naman yung bata.

Bumulong siya. "Iiwan lang natin siya sa yaya niya, then we'll go."

Hindi ako sumasagot. Kunwari labag sa kalooban ko.

"Ano ba 'yan? No reaction?" sabi nito.

"I'm not in the mood for coffee," sagot ko naman.

Ilang minuto lang nakarating rin kami sa bahay ng bata. Expected ng yaya ang oras ng dating ah. Kaya dali-dali itong pumunta sa sasakyan at kinarga 'yung student ko palabas ng sasakyan. Nagpaalam naman siya kay Railey.

Hindi lang pala manibela ang hahawakan ni Railey, kundi pati kamay ko.

"I miss you," sabi nito habang paulit-ulit niyang hinahalikan ang kamay ko. "I miss everything about us. I miss your smile. Am I too clingy?" tanong nito.

Hindi pa rin ako sumagot.

"I seldom do this, Bec, but let me confess," bumwelo siya. "I totally went crazy when you left. Parang pangalawang beses na naman ako naiwan. First, Anna, then You. That makes me disappointed about life," seryosong sabi nito.

Sobrang nagiguilty ako. Wala man lang akong binilin. Bigla na lang akong umalis. Ewan. Naguguluhan rin ako sa pag-alis ko. Akala ko makukuha sa pag-alis ang lahat.

"I tried seeking comfort from friends, but no one is available. And when the time comes for a short fun, I took it."

"Sabi na, you cheated," bulong ko.

Hindi siya agad sumagot. Ipinark niya 'yung sasakyan sa isang gasoline station. Hindi kami nagpa-gas, mukhang bubuwelo lang siya sa mga sasabihin niya.

"Yes, I am guilty. Pero, the more I think about it, the more I realize that everything seemed nothing without you. Wala ang lahat. Wala lang lahat dahil wala ka, Bec. I became sure of myself, that I love you. Period."

Hindi ko alam kung creative ba talaga si Railey o sadyang nagiging poetic siya dahil sa mga quotes na nasasabi niya sa mga oras na ito. Akala ko naman ako lang 'yung lost.

"Rebecca, the term 'You complete me' is never enough. I want to be complete first before I open myself for any relationship. All I want to offer you is my whole self, not my broken heartedness."

I stopped responding. He wanted to say more.

"I know, we've gotten along together because we're two lost people waiting to be found. We've enjoyed the feeling of being in love again. But, we forgot that something needs to heal, before we fully move on and be in a new relationship."

"Railey, tama na. Stop," I said. "Alam ko, hindi rin naman ako perfect. We're both stuck in a situation na broken tayo nung nagkita tayo. Pareho tayong hindi masaya, at nang nahanap natin 'yung sudden happiness na kailangan natin, doon tayo nagtagpo. Nagtagpo tayo sa tamang lugar, Rye, pero hindi tayo handa sa pagtatagpong iyon."

Napapansin kong nangingilid ang luha ni Railey. Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Tuloy naman ako sa pagtingin sa malayo. Ipinikit ko ang mga mata ko.

***

Nakatulog pala ako sa biyahe. Nang magising ako, nasa isang madilim na parking lot. Nakatingin si Railey sa akin nang magising ako.

"So, how's your sleep? Inantok ka ata sa sinabi ko e," pabiro nitong sabi.

"No. Sobrang puyat lang talaga ako mag-prepare ng lesson plans."

"Wow, teacher na teacher. Congrats, Bec," at sabay idinampi niya ang labi niya sa labi ko. "Oopps. Sorry, I just miss us."

I responded. I held his face, and leaned towards him. I kissed him passionately enough to express how much I missed him. Hinawakan niya ako sa bewang at lumapit rin siya sa akin. I can feel his breath, and I can smell his fragrance. I want to stay in this position forever.

Suddenly, biglang may bumusina nang malakas. Isang kotse ang tumabi sasakyan namin.

"Please get a room!" sigaw nung matandang katabi ng sasakyan ni Rye sa parking.

Naghiwalay kami. Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Dumiretso kami pataas ng building. We took the elevator. We were the only ones inside.

Hinawakan niya ako papalapit sa kanya. Malapit, to the point na halos hindi na niya binitawan yung beywang ko papalapit sa kanya.

He slowly leaned towards me. His eyes are still dazzling. His lips are still acting on its own.

"You're mine," sabi niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
97.3K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
776K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...