Ang Manyak kong Ex-boyfriend...

LadyKazumi tarafından

227K 5.5K 765

"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siy... Daha Fazla

Author's note (IMPORTANT!!!)
1 - He's back
2 - "Angel ko"
3 - Classmate?
4 - Lunch time
5 - Rienn
6 - Mall
7 - Deborah
8 - Blackmail
9 - Rooftop
10 - Invitation Card
11 - Don't mess with Silver
12 - Rienn's birthday
13 - Library
14 - Lala Montefalcon
15 - Surprise
16
17
18 - Princess
19 - Jealous
20 - Cafeteria
21 - Trust me
22 - 4Variety
23
24 - Lala's debut
25 - Repentance
26

Simula

17.6K 323 17
LadyKazumi tarafından

Simula

"Let's break up."

'Yun na yata 'yung pinaka masakit na salita na narinig ko sa kanya. Nasanay akong araw-araw niyang binabanggit sa'kin ang salitang 'I love you' at kasunod niyon ay 'Angel ko' pero nagulat ako nang bigla niyang sabihin sa akin 'yun.

5:33 ng hapon, umuulan. Nasa ice cream parlor shop ako ngayon na madalas naming pagtambayan. Tinext niya ako kanina. Sabi niya, may importante siyang sasabihin sa akin. Ang weird nga eh. Bakit kailangan niya pa akong i-text kung magkikita naman kami sa bahay nila? Pauwi na rin nga sana ako sa kanila kasi kailangan ko pang gawin 'yung trabaho ko bilang katulong tapos bigla niya akong itinext. Ano kaya 'yung importante kuno na sasabihin niya?

"Lilipat na kami ng bahay," 'Yun ang una niyang sinabi sa'kin makalipas ang ilang minuto. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaseryoso kaya medyo kinabahan ako.

"Saan naman?"

"S-sa Maynila,"

"Seryoso ka? Wag mo nga akong lokohin,  Silver. Sipain kita dyan."

"I'm serious,"

Ayun, doon ko lang napagtanto na hindi niya talaga ako niloloko. Ang seryoso ng tingin niya sa'kin tapos ako hindi ko alam kung saan ako titingin.

"E-eh ano naman kung lilipat kayo ng maynila? Edi sasama ako. Nagtatrabaho kaya ako sa inyo."

"Hindi ka papayagan ng nanay mo. Masyadong malayo ang Maynila dito. Hindi namin alam kung makakabalik pa kami dito."

"H-hindi na kayo babalik?"

"I'm not really sure pero malaki ang possibility na hindi na kami makabisita dito."

Natulala ako. Parang ayaw pumasok sa utak ko nung sinabi niya.

"Kelan?"

"N-next month?" sabi niya habang hindi nakatingin.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko akalain na magkakalayo pala kami ni Silver. Masyadong malayo ang Maynila dito sa lugar namin kaya imposibleng makabisita siya lagi sa akin araw-araw. For sure, mahihirapan siya sa pagbyahe.

"Ang bilis naman. B-bakit biglang nag-decide si tita Lory?"

"Ewan. Siguro kasi magtatayo si dad ng business doon."

"G-gan'on ba?"

"I'm sorry,"

"H-hindi, okay lang. Naiintindihan ko. College pa lang naman tayo, magkikita din tayo kapag nakapagtapos na tayo pareho."

Nginitian niya lang ako pero alam kong pilit iyon.

'Yung mga sumunod na araw, medyo okay naman 'yung pagsasama namin. Napansin ko lang na parang nawawala na 'yung pagiging pilyo niya at minsan, hindi na siya gaanong tumatawa. Hindi ako sanay na ganito ang pagsasama namin kaya one day, kinausap ko siya.

"May problema ba? Bakit pansin ko lately, lagi kang matamlay?"

"Ah wala. Ge, alis muna ako. Dota muna kami ng tropa ko."

Isa pang nakakapagtaka 'yun. Hindi naman siya marunong maglaro ng dota at wala din siyang masyadong tropa kasi palaaway siya eh. May sarili din naman siyang computer kaya bakit kailangan niya pang lumabas? Silver, bakit ganyan ka?

1 week bago sila lumipat, iba na talaga ang pakikitungo niya sa'kin. Napansin din iyon nina tita Lory at tito Grey pero hindi nila kami inistorbo. Kapag sinusubukan kong lambingin si Silver, biglang parang nag-iiba 'yung mood niya. Ginagawa ko ang lahat pero wala pa rin. Nami-miss ko na 'yung dating Silver na makulit at childish. Hindi bale ng may pagka-manyak uli siya, wag lang ganito.

"Silver! Saan ka nanggaling?"

"Sa labas,"

"Ah. Happy birthday nga pala! Binili kita ng t-shirt!" Tumakbo ako sa kwarto at kinuha ko 'yung t-shirt na kulay blue. May happy face pa ito sa gitna. Natuwa kasi ako kaya binili ko. Ito na siguro ang huling maibibigay ko sa kanya ngayong taon. Malapit na sila umalis eh. "Ang kyut kyut 'no?"

"Itapon mo na,"

"H-ha?"

"Itapon mo na sabi,"

"A-ano?"

"Akin na nga!" Hinablot niya ito at biglang itinapon sa basurahan. Nagulat ako sa inasta niya.

"Ano bang problema mo?! Bakit mo tinapon?! Baliw ka ba?!"

"Wala akong problema."

"Eh bakit ganyan ka?! Ano bang nagawa kong mali?!"

"Wala naman pero ayoko na ng ganito. Let's break up."

Pak. Parang isang malaking sampal sa'kin 'yung sinabi niya. Mabuti na lang at wala sila tita dito kundi narinig nila ang mga sinabi ni Silver.

"Baliw ka na talaga 'no?!"

"Nagsasabi ako ng totoo!"

Napanganga ako ng ilang segundo. Mukhang tanga ako sa harap niya.

"Ayoko na. Maghiwalay na tayo! Wala na eh. Wala na 'yung feelings ko para sa'yo. Actually, noong isang buwan pa nawala. I can't really explain pero...parang bula, biglang naglaho. Biglang ayoko na sa'yo. Hindi na kita gusto. And then...I realized, I fall out of love. Hindi ko alam kung matatawag ko bang love o infatuation lang 'yung naramdaman ko. Kaya mas mabuti pa kung maghiwalay na lang tayo tutal magkakalayo na rin naman tayo ng mahabang panaho--"

"Gago ka! Wag mo akong lokohin! Kung may suprise ka sa'kin, wag mong idaan sa ganito!" But seriously, nagsisimula nang umipon ang luha sa mata ko. Pinipigilan ko lang itong tumulo. Tanga kasi ni Silver, biglang magsasabi ng gan'on tapos itinapon niya pa 'yung binili kong shirt para sa kanya.

"Surprise? Hindi ako naghanda ng kahit anong bagay para sa'yo. Wala na rin akong pake kahit na monthsary o anniversary pa natin. Wala ng 'tayo' Angel, hindi na ako 'yung Silver mo. Nakalipas na 'yun."

"Agad-agad?! Gan'on na ba kababaw 'yung feelings mo na sinasabi mong infatuation lang?! Oo, parehas pa lang tayong tutungtong sa college pero hindi ko naman masasabing nagka-crush lang ako sa'yo! Alam ko kung ano 'yung feelings ko kaya nga sinagot ki--"

"Stop. I'm tired. Tapusin na natin 'to. I'm pretty sure na makakahanap ka ng papalit sa'kin balang araw. And I'm sorry kung nasaktan kit--"

"Hayop!"

Sinampal ko siya nang malakas. 'Yung tipong mamumula lang 'yung pisngi niya.

Pero hindi sapat eh. Walang nabawas sa galit ko kaya lahat ng bagay na mahawakan ko, ipinapaltok ko sa kanya.

"Hayop ka! Anong karapatan mong gawin sa'kin 'to?! Anong karapatan mong balewalain 'yung nararamdaman ko?! Hindi ikaw 'yung Silver na nakilala ko! Bwisit ka! Mabuti pa ngang lumipat ka sa Maynila para hindi ko makita 'yang mukha mo!"

"W-wait, tama na! Ouch!"

"Ang sama-sama ng ugali mo!"

At 'yun na ang huli naming pag-uusap. Kinabukasan, pinuntahan ako nila tita sa bahay namin. Binigay na nila ang huli kong sweldo at nalaman nilang break na kami ni Silver. Kinausap nila ako, humingi sila ng pasensya pero sinabi ko na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Sino ba namang magiging maayos agad-agad? Kakahiwalay lang namin kahapon tapos kinabukasan, okay na ako? Hindi gan'on kadali 'yun.

*

Ilang araw na ang nakalipas mula nang lumipat sila Silver. Malungkot? Sobra. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari iyon. Imbis na magpaalam kami nang maayos sa isat-isat, nauwi pa sa sigawan.

"Bunso, anong problema?" Lumapit sa'kin si kuya Cloud. Nakaupo kasi ako malapit sa buntana ng bahay namin. Wala, nakatanaw lang ako sa labas.

"Wag mo nga akong tawaging bunso, kuya."

"Edi baby na lang,"

"Kuya naman eh!"

"Naku, bakit ka ba badtrip dyan? Eto oh, may binili akong donut sa 7-eleven."

"Ayoko, kainin mo na lang."

"Wala kang gana? Siguro kaya ka nagkaganyan dahil nami-miss mo siy--"

"Tigilan mo nga sabi ako!"

"Haha. Oo na nga, Angel ko..."

"Isa pa!"

"Oo na!" At ayun, nilayasan na niya ako habang tumatawa. Nakakainis! Naalala ko tuloy 'yung tawag sa'kin ni Silver.

'Angel ko'. Kahit na napaka-cheessy, nami-miss ko rin 'yung pagtawag niya sa'kin ng gan'on.

"Bakit ba lagi na lang si Silver?! Kalimutan mo na nga siya!" Haay, nakakabaliw. Ganito pala ang pakiramdam. Bakit ba kasi nahulog pa ako doon sa manyakis na 'yon?!

Pero kahit manyak 'yun, iniiyakan ko 'yun tuwing gabi.

Wala eh, mahal ko kasi.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

389K 20.4K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
64.2K 4.3K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING