The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #12: Family History

102K 1.9K 150
By kathipuneraaa


"Mahal, doon nakatira ang mga Lusterio!" biglang pasok naman ni mama sa usapan


"Yun ang apelyido ni Derick, ma" sabi ko


"Ano?!" magkasabay ulit na sabi nila


"Ang ibig sabihin ba nito, apo ng Don Manuel si Derick?" nilingon ko si mama na parang gulantang pa din. Seriously madalas samin si Derick pero bakit hindi niya alam ang surname? Tsk kungsabagay baka hindi naman nababanggit nung isa.


"Hindi ko alam ma. Malay mo naman may ibang Lusterio pa na nakatira doon"


"Tsk imposible. Anak, alam mo bang memorable samin ng tatay mo ang bahay ng mga Lusterio? Doon kami nagkakilala eh. Dati akong kasambahay doon sabay driver naman ang papa mo. At doon ka din ipinanganak. Ka birthday mo pa ang apo ni Don Manuel eh. Naaalala ko nun malakas ang ulan. Nanganganak ako doon sa maid headquarters samantalang si Madam Angela doon sa kwarto niya" unti unti kong nare realize ang mga pinagsasasabi ni mama. Si Derick nga yung tinutukoy niya dahil magka birthday kami.


"Mama, si Derick yung tinutukoy mo. Magka birthday kaming dalawa"


"Aba ang liit ng mundo, ano?" comment ni papa. Oo nga, sobrang liit ng mundo.


"Mama anong masasabi mo sa mama ni Derick?" tanong ko. Naaalala ko yung mga kwento sakin ni Derick tungkol sa kanya. She's distant, cold, vain, hypocrite, at kung ano ano pang negative adjectives.


"Naku, may ka malditahan ang babaeng yun pero after niya manganak biglang bumait. Kaya nga kami umalis sa mansyon ng papa mo eh. Binigyan niya kami ng malaking halaga para daw makapagsimula ng negosyo"


"Malaking halaga? Magkano?"


"Wag mo na alamin. Basta sapat na yun para makapagsimula kami ng bagong buhay ng papa mo" dismiss ni mama sa usapan.

May kalahating oras mahigit din kaming bumayahe. Maya maya may natatanaw akong arko na may mga salitang "Welcome to Paradise Subdivision"


"Oh nandito pa pala to" hindi ko alam kung ano yung tinutukoy ni papa. Bumagal kami dahil nakasara yung gate. May lumapit samin na matandang gwardya


"Roberto!" ugh mukhang kilala ni papa


Napakunot yung noo nung gwardya. Nagbukas ng ilaw si papa at binaba yung bintana. "Joselito! Ikaw nga ba?" sagot nung matanda at nagtawanan sila.


"Pupunta kami sa bahay ng mga Lusterio. Kakamustahin nitong anak ko yung apo ni Don Manuel"

Tinignan ako ni Mang Roberto. Ngumiti naman ako at ganun din siya. Hindi ko alam na dati palang kasambahay si mama at driver naman si papa. Nagka utak na kasi ako na polboron ang ikinabubuhay namin.


"Si Derick ba? Aba't kanina nga eh mukhang mainit ang ulo. Halos paliparin ang sasakyan niya papasok dito" tsk ano kaya ngang problema nun? Nakaka guilty tuloy. Di man lang namin napag usapan na baka may problema siya. Instead, na brought up ko pa yung walang kwentang lovelife ko.


"Hmm. Ang batang yun talaga.. Oh ano, usap tayo mamaya ah? Nagmamadali na kasi kami" paalam ni papa. Sumaludo lang si manong at pinatuloy na kami.

Hindi lang pala basta bastang subdivision to. Ang laki ng mga bahay at ang linis ng paligid. Yung iba nga may christmas lights pa yung mga puno. Seriously, october pa lang ah?


"Nandun pa kaya sila Dehlia?" tanong ni mama


"Hmm malalaman natin mamaya" sagot ni papa. Sila lang ang nagkakaintindihan


"Talagang sumama pa kayo sakin ah? Mas nag aalala pa kayo kay Derick kaysa sakin" pang aasar ko nang maalala ko yung reaksyon nila kanina. As if kapatid ko na nawawala si Derick


"Eh syempre anak kaibigan mo yun eh. At napalapit na din siya samin ng mama mo dahil madalas siyang nagpupunta sa bahay. Parang si Annabeth nun di ba? Naalala mo nung nawawala siya sinundo ko doon sa may playground" oo nga. Noong mga bata pa kami nagtampo si Annabeth at naglayas. Sobrang nag alala din sila mama nun. Katunayan sila pa ang nakikita sa bestfriend ko. Nakakatuwa na pati mga kaibigan ko kaibigan din nila.


"Tsaka syempre anak future husband mo yun" dagdag pa ni mama. Marahas akong napalingon sa kanya. Magrereact sana ako pero inunahan nila ng pagtawa ni papa. Ugh nakakainis! Para nila akong binebenta sa lalaking yun.


"Mahal, gustong gusto mo talaga si Derick noh?" tanong ni papa kay mama


"Aba oo. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa batang yun. Pakiramdam ko anak ko na din siya" sagot naman ni mama.

Huminto kami sa bahay este castle, or whatever is this kasi ang laki. Dito ba nakatira si Derick?! Ilan kaya sila sa loob at bakit parang napakalaki naman nito?! Halos kasing laki na din ng Phylisse Academy ah.


"Ano Erica tatanga ka na lang? Halika na" pagputol ni mama sa pagmumuni muni ko. Napakamot pa ako sa ulo. Tsk, nakatanga agad kasi.

Si papa ang pumindot ng doorbell. Duda ako kung maririnig sa loob. Sa laki ba naman kasi eh. Ang taas pa ng gate.


"Maririnig kaya tayo sa loob?" unsure na tanong ko. Dinukot ko yung cellphone ko at sinubukan ulit na tawagan si Derick pero nakapatay pa din.

May narinig akong parang naglalakad at papalapit sa gate. Nang mabuksan yun, isang babae ang bumati samin.


"Ate Gale?" nanlalaki ang matang sabi nung babaeng sumalubong samin. Gulat din ang reaksyon ni mama and they ended up hugging each other


"Kamusta na? Ang Don Manuel nandyan pa ba? Si Dehlia?" sunod sunod na tanong ni mama. Pinanood ko lang sila. Si papa naman tumatawa lang sa gilid. Paano kung dito pa din sila nagtatrabaho? Posible kaya na maging kababata ko si Derick?

Kung ie estimate ko ang lupang natatanaw ko ngayon, pwede pa magtayo nang siguro mga benteng bahay. Maraming punong nagtataasan sa paligid. Pine tree, makopa, manga, buko, at infairness lahat may bunga. Para na din pala tong farm.

Sa likuran kami dumiretso. Nadaanan namin yung olympic size swimming pool na nag iiba iba yung kulay. Nagtataka pa ako kung paano nangyari yun pero sabi ni papa ilaw lang daw na nasa ilalim at mga gilid nung pool. Amazing.


"Nandito ba si Derick? Siya talaga ang pinunta namin dito eh" sabi ni mama doon sa babae nang makapasok na kami sa mansyon. Sa kusina ang tagos nung pintuan na pinasukan namin. For a while hindi ako makagalaw. May pagka state of the art ata ang mga gamit dito. Nakakatakot na baka makabasag ako.


"Ang young master ba? Ayun nasa kwarto niya. Di nga namin alam nangyari eh. Bigla na lang kasing nagwala"


"Nagwala?" I know its not proper na sumali sa usapan ng matatanda pero di ko napigilan. Si Derick nagwala? Eh kausap ko lang siya kanina ah?


"Oo. Ang dami nga niyang nabasag doon sa kwarto niya sabi nung butler niya. Eh ayaw naman magpapasok ng maid para malinis"

Naguguluhan na ako. Ibig sabihin nung nagwala siya magkausap pa kami. Eh bakit naman niya gagawin yun? Wala naman akong matandaan na may nasabi akong masama sa kanya para magkaganon siya


"Pwede ko po ba siyang puntahan?" tanong ko


"Naku, hija. Baka masaktan ka nun. Kapag ganun na mainit ang ulo nun walang nagtatangkang lumapit"

No. I know hindi niya ako sasaktan. I've seen how Derick got mad. Pumapatol siya sa babae pero alam kong hindi niya magagawa sakin yun. And that confuses me too.

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Naglakad ako tuloy tuloy habang abala sila sa pag uusap. Hindi pa man ako nakakalayo nalulula na ako sa laki ng bahay na to. High ceiling at ang laki ng mga chandelier na parang anytime babagsak.

Maya maya may natanaw akong hagdanan na pa spiral. May mga tao na nakasuot ng damit gaya nung babaeng nagbukas samin pero mukhang hindi naman nila ako napapansin. Dahan dahan akong umakyat. Mamaya ko na poproblemahin kung saan ang kwarto ni Derick kapag nandun na ako.

May thirty steps ata yung inakyat ko. Hingal na hingal ako nang makarating dito sa taas. Receiving are ata to dahil may mga sofa at may malaking tv. May mga painting din na nakadikit sa dingding. It got my attention kaya nilapitan ko ang mga yun.

Iba't ibang mukha kada frame. Pero nakilala ko agad si Derick. Nasa gitna siya ng isang babae at isang lalaki. I suppose his parents.


"Whoa!" may lalaking nagtakip sa bibig ko at binuhat ako. I struggle to my feet dahil hindi ako makahinga. Ng hindi pa din ako makawala kingat ko yung kamay niya


"Aray!" daing niya at nabitawan ako. Malaking tao siya na nakasuot ng parang sa mga bodyguards sa movie. May earpiece din siya na nakasabit sa tenga niya.


"Bakit mo kasi ako ginanon?! Pwede mo naman ako kausapin ng maayos!" singhal ko sa kanya


"Intruder! Paano ka nakapasok dito?"


"May nagpapasok samin! May hinahanap akong tao" sabi ko at nag cross arms. Mukhang nasaktan siya doon sa kagat ko dahil hinihimas niya pa din yung kamay niya


"You should not be here. Kapag nakita ka ng amo ko patay ka. At sino ang mga kasama mo?! Mga magnanakaw ba kayo?"


"Wow ha kuya napaka judgemental mong tao! May hinahanap ako kaya nagpunta ako dito. Si Derick! Nag aalala kasi ako sa kanya dahil baka may nangyari sa kanya!" di ko matanggap na pinagkamalan kaming magnanakaw. Oo ah di kami mayaman pero hindi naman kami ganun klaseng tao!


"Ikaw si Manilla Erica Dela Serna?" napataas ang kilay ko. Kilala niya ako? Well obviously cause he just called me in my whole name


"Bakit mo ako kilala?! Stalker ba kita?!"


"Hindi ah!"


"Eh bakit--"


"Anong kaguluhan yan?" namutla bigla yung lalaki at tumabi sakin nang may magsalita na buong buo ang boses. Hinanap ko kung saan galing then may tatlong tao na papalapit samin. Yung isa matanda at may baston, yung isa babae.. Magandang babae. Nakasuot siya ng pang business attire at maayos na naka ensaymada ang buhok. Yung isa naman lalaki ulit na makisig..

Sila yung katabi ni Derick sa painting. So probably their the devils that Derick talks about

"Don Manuel?" napalingon ako sa hagdanan. Si mama at papa.


"Joselito? Ikaw nga ba?" sagot nung matanda at pumormang yayakap kay papa. And they did.


"Don Manuel pagpasensyahan niyo na po tong anak namin. Mabait naman po to" tinapunan ako ng masamang tingin ni mama


"Anak mo siya, Gale?" tanong nung babae na kasama ni Don Manuel na baka nanay ni Derick


"Opo, ma'am. Siya yung pinagbuntis ko noon. Ka birthday po ng anak niyo" sagot ni mama. Tumingin sakin yung babae. Kinakabahan ako na baka tarayan ako o ano pero nakatingin lang siya sakin. At hindi ko alam kung ano ang iniisip niya


"Why have you come? May kailangan ba kayo?" yung lalaki naman ang nagsalita at nagpapalit palit ang tingin samin nila mama. Kung eto ang magulang ni Derick bakit hindi niya kamukha?


"We just came to see Derick. Gusto ko po malaman kung okay lang siya" ako ang sumagot. Tumaas yung kilay nung babae but not in a rude way. Parang na amuse siya sa sinabi ko


"Ugh ang apo kong yun.. Yep sige puntahan mo doon sa kwarto niya. Diretsuhin mo to then right. Yung room sa dulo sa kanya" instruct ni Don Manuel. Nagpasalamat ako at naglakad na doon sa sinabi niya. Nang lumingon ako nakatingin silang lahat sakin. Mukha naman silang mabait pero bakit ganon ang mga kwento sakin ni Derick? And his mom. She seems to be a wondeful woman.

May naabutan akong lalaki na nasa tapat ng kwarto niya. Nakadikit yung tenga sa pintuan na parang may pinapakinggan.


"Excuse me?" kuha ko sa atensyon niya. Napatalon pa siya sa gulat

"Oh"


"Sorry" sabi ko

Mataman niya akong tinignan na parang gulat na gulat. "Ikaw yung classmate ni Derick di ba? Anong ginagawa mo dito?"


"Ah eh.. Kasi po kanina magkausap kami tapos bigla ko na lang narinig na may mga nagbagsakan. Eh nag aalala po ako sa kanya" pag explain ko. Nag nod lang siya at lumayo sa pinto


"Hoping you can talk to him. Hindi ko din alam kung bakit siya ganyan pero kung ikaw ang huli niyang kausap, maybe you have something to do with it.." i dont like the way he said it na parang may kasalanan ako. Pero may point siya. Ako yung huling kausap ni Derick before he shut out everything.

Pinihit ko yung doorknob at pumasok sa kwarto. Madilim.


"Eustace. I fucking said I dont want any disturbance" may nagsalita na hindi ko alam kung nasaan dahil nga madilim


"Derick?" I asked aloud. Kinapa ko sa dinding yung switch ng ilaw at pinindot yun. Instantly lumiwanag. What the hell, parang dinaanan ng bagyong Glenda ang kwartong to. Napakagulo!

And there he is nakadapa sa kama and slowly inangat ang ulo niya


"Manilla?" bulong niya pero narinig ko. He even scratched his eyes "You're here?"


"Kaluluwa lang to.." pamimilosopo ko. Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama. Napapitlag ako nang makita ko na may mga dugo sa bedsheet


"Shit ano to?" tanong ko. Dont tell me may menstruation siya


"That's nothing" doon ko nakita yung kamay niya. Itatago niya sana sa kumot pero nakita ko na


"Dumudugo yung kamay mo! Gamutin natin yan!"


"Wag na hindi naman masakit eh" tanggi niya. Hinatak ko siya paaalis sa kama pero nagpabigat siya kaya nahirapan ako


"Kapag naubos ang dugo mo mamamatay ka! Someone help!" sigaw ko ng malakas. Bigla naman pumasok yung lalaki kanina at nagulat nang makita yung kamay niya


"May first aid kit po ba kayo?" tanong ko. Siguro naman meron noh. Sa laki ng bahay na to.

Tumalikod na yung lalaki at nagtatatakbo palabas. Bigla naman akong hinatak ni Derick. Na out of balance ako at tutumba na sana pero nasalo niya ako. Instead, sa kama ako bumagsak at nakapatong siya sakin.


"Im glas you care about me" he whispered

His face inches away from mine. And I know this is crazy. But my heart is beating so fast that it throbs.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 44.8K 58
[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed...
2.7K 623 157
Amare Monter and Eashana Esler have been friends since they were children. Always get along, have the same passion, and are always willing to assist...
38K 359 155
She values love and Family, While he values the business. She was fixed to marry him for the sake of the Business legacy. He doesn't want to get marr...
2.1M 41.8K 52
[Book 3 of 3] She thought it's the happily ever after. She thought everything she believed was true until life happened to her. After her mom's death...