Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 59

27.5K 777 437
By jaysanj



Zoe's POV

Nagising ako sa sobrang lakas ng ulan. Medyo madilim sa loob ng kwarto ni Alexa. Nakapatay lahat ang ilaw.

Umupo ako sa higaan. Tumingin ako sa digital clock ni Alexa. Ala singko na ng umaga. Tumingin ako sa labas ng bintana. Sobrang lakas ng ulan. Talagang may bagyo.

Nilingon ko naman si Alexa, kahit naman madilim ay naaa nigan ko pa din sya pero hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng buhok nya. Inalis ko ang buhok nya na natatakpan ng mukha. Medyo naaanigan ko na sya. Natawa pa ako ng bahagya dahil medyo nakabukas ang bibig nya.

Cute.

Hinalikan ko sya sa noo nya tsaka ako tumayo. Nag-unat unat ako pero napayakap din ako sa sarili ko dahil ang lamig. Dahan-dahan akong nagtungo sa walk-in closet ni Alexa. Binuksan ko ang ilaw doon at naghanap ng jacket. Nakita ko naman ang jacket sa Dragon Empire kaya sinuot ko 'yon habang nakahanger pa dahil mahihirapan ako.

Inayos ko ang kanang side para hindi mahulog. Naglakad ako palabas ng kwarto nya. Tumingin ako sa paligid. Nakabukas na ang mga ilaw at may mga naglilinis na din.

"Ah excuse me, gising na po ba sila Tita?" tanong ko sa isang maid na nakasalubong ko.

"Yes po, nasa greenhouse po sila."

Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad pababa sa first floor. Hindi ko alam kung nasaan ang greenhouse pero magtatanong na lang ako kapag may nakita ako kasambahay dito.

"Zoe!" napatingin ako kay Ate Lovely. Ang aga nya ding gising. "Ang aga ah? saan punta mo?"

"Sa greenhouse sana. Nandon daw si Tita." sagot ko.

"Tara, sumabay ka na sakin, doon din punta ko." mabuti naman hindi ako maliligaw. "Kamusta tulog mo?" taas-baba ang kilay nyang tanong habang naglalakad kami papunt sa greenhouse.

"Ayos naman." nakangiting sagot ko dahil napasarap talaga ang tulog ko na katabi ko ulit si Alexa matulog tapos binuhat nya pa ako.

"Mukha nga." natatawang sabi nya. "So magkatabi kayo?"

"Oo pero nung una nasa couch ako tapos nang makatulog ako, binuhat nya ako at dinala sa kama." nakangiting kwento ko.

"Sweet!" sobrang laki ng ngiti ko dahil kahit ako kinikilig kay Alexa eh.

Marami kaming napagkwentuhan tungkol samin ni Alexa habang patungo sa greenhouse. Sabi ni Ate Lovely, tuwing umuulan sa greenhouse sila nag-aalmusal para mafeel nila ang ulan.

"Goodmorning ladies." nakangiting bati ni Kuya Al kasama nya ang mga magulang nya na nag-aalmusal.

"Goodmorning po." nakangiting bati ko sa kanila.

"Goodmorning iha." sabi ni Tita habang si Tito ay nginitian lang kami.

Naupo kami ni Ate Lovely. Maraming nakahandang almusal sa lamesa.

"Tulog pa ba si Alexa?" tanong ni Kuya Al. Tumango naman ako bilang sagot.

"Pinagod mo 'no?" tanong ni Tito. Nakakuha naman sya ng kurot kay Tita. "Normal na 'yon 'no!"

"Magtigil ka!" masungit na sabi ni Tita. Natawa ang magfiance sa inasal na mag-asawa. "Kaya manang mana sayo itong si Al."

"Lah nadamay ako." sabi ni Kuya Al kaya natawa kaming lahat.

"Kain ka na, Zoe." sabi ni Ate Lovely habang nagtitimpla sya ng kape nya.

"Sige po." kumuha ako ng pandesal. Kinain ko na 'yon kahit gusto kong ligyan ng palaman na hotdog kaso hindi ko kayang hatiin sa gitna ang pandesal at nakakahiya kung ipapasuyo ko 'yon sa kanila.

Nagkwentuhan kaming lima. Minsan kapag hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila ay tumitingin tingin ako sa mga halaman at bulaklak na nandito sa greenhouse. Ang ganda lang tapos may butterfly pa sila dito.

Sa tingin ko mas mayaman si Alexa kaysa kanila Astra kahit na agaran binili ni Astra yung gym ng Meteor dati. Mas malaki ang mansyon nila Alexa kaysa kanila Astra tapos ang daming mamahalin na bagay ang meron kanila Alexa.

"Mauuna na ako sa inyo. Magliligo pa ako." sabi ni Tito at tumayo. "Hintayin ninyo ako." sabi nya pa habang nakatingin kanila Kuya Al.

"Sige po Dad." sagot ni Kuya Al. Umalis na si Tito.

"May trabaho pa po si Tito?" tanong ko.

"Umulan o umaraw ang mga employee, mga immortal yan." natatawang sabi ni Kuya Al. "Kahit mga lasing kami kahapon, kailangan pa din namin magtrabaho."

"Kayo naman ang boss doon kaya okay lang na hindi kayo pumasok." sabi ni Tita. Natatawa na lang si Kuya Al sa sinabi ng Mommy nya.

Kalhating oras, nagpaalam na din sila Kuya Al na papasok na sa trabaho nila. CEO si Kuya Al habang secretary nya naman si Ate Lovely. Ang kulit nga nila, ginawang secretary ni Kuya Al si Ate Lovely para lagi silang magkasama. Grabe hindi nanawa sa isa't isa.

Si Tito tumutulong tulong na lang kay Kuya Al sa pag-manage sa mga kompanya nila para sa oras na mag-retire na sya ay maayos nyang maiiwan kay Kuya Al ang kompanya.

Tahimik lang kami ni Tita na naiwan. Nakatingin kami sa mga halaman at bulaklak habang pinapakinggan ang mga patak ng ulan. Medyo lumiliwanag na din ng konti dahil mag-aala siyete na din ng umaga.

"Oh, goodmorning anak." napatingin ako sa likuran ko. "So cold." parang wala lang kay Tita na pagiging cold ni Alexa dahil hindi sya sinagot ni Alexa.

"Goodmorning beautiful." nakangiting bati ko sa kanya. As usual hindi sya namansin, naupo lang sya sa katapat ko.

Tahimik namin pinagmasdan si Alexa na nagtitimpla ng kape nya at nagpalaman ng pandesal nya. Ewan ko kung napapansin nya bang nakatingin kami ni Tita sa kanya o talaga ayaw nya lang kaming tignan.

"So, anak, kamusta tulog mo?" tanong ni Tita.

"Good." tipid na sagot ni Alexa. Napailing ako. Kahit sa Mommy nya ang cold nya pa din.

"Oh." sabi na lang ni Tita. Mahirap talaga kausapin ang tipid sumagot. "Aabangan ko na lang muna si Steph sa sala, maaga daw sya dadating ngayon." tumayo na si Tita.

"Sige po." ako na sumagot dahil hindi naman sasagot ang isa.

Nakangiting iniwan kami ni Tita. Nilingon ko ulit si Alexa na nakamasid sa labas ng greenhouse. Pinapanood nya ang ulan. Ako naman pinapanood sya. Gusto ko sanang humalumbaba kaso masama 'yon sa harap ng pagkain kaya sumandal na lang ako habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Alexa.

Napangiti ako dahil nakakainlove talaga ang mukha ni Alexa kahit wala syang emosyon na pinapakita. Namimiss ko ulit ang amazona na mukha nyang laging galit sakin. Tipong hahabulin nya ako hanggang sa mapagod ako dahil wala syang kapaguran basta mahampas nya lang ako. Tatarayan at susungitan ako. Oww nakakamiss.

Bigla syang napatingin sakin pero hindi ako umiwas ng tingin. Nakipagtitigan ako sa kanya at syempre hindi naman sya nagpatalo. Sobra-sobra naman ang kilig ko habang magkatitig kaming dalawa. Kahit na parang kinukumbulsyon ako dahil may kung ano meron sa tyan ko habang nakatitig kay Alexa hindi ako umiwas ng tingin. Gusto kong makipagtitigan kay Alexa kahit whole day pa yan!

Natawa ako ng bahagya dahil sya na mismo ang umiwas ng tingin saming dalawa. Talo sya! Tuwang tuwa ako kahit walang reaction syang umiwas ng tingin.

"Goodmorning." nagulat ako na may humalik sa pisngi ko. Pagtingin ko si Steph na may nakakaloko ngiti sa mga labi tapos tumabi sya sakin.

"Goodmorning." nakakunot ang noo na bati ko sa kanya. Kasi naman hinalikan nya ako sa pisngi ko!

"Pinabibigay ni Ate Kill." inabot nya ang paper bag na dala nya. Nagtatakang kinuha ko naman 'yon at kinuha ang laman. "Wala ka daw kasing cellphone at hindi nya alam kung paano ka maco-contact kaya ibinili nya yan para sayo. Tanggapin mo daw kung ayaw mong masapak, sabi nya." sabi nya.

"Ano pa nga ba magagawa ko?" sabi ko pero natutuwa din ako na may cellphone na ako. Pwede ko na makatextmate si Alexa kung magrereply sya.

Habang kinakalikot ko ang cellphone nag-uusap naman yung dalawa. Buti pa si Steph kinakausap nya.

Mamaya ka sakin. Sabi ko sa isip ko. Dumating lang kasi si Steph hindi ko na nagawang kulitin pa si Alexa, masyado akong natuwa sa titigan namin kanina.

Palihim kong pinicture-an si Alexa. Hindi nya naman napansin kaya nagdidiwang ako. Ang ganda pa naman ng kuha ko sa kanya.

"Zoe, let's play basketball." napatingin ako kay Steph. "Shooting lang."

Napaisip naman ako. Bakit hindi? baka sa pagkakataon ito matalo ko si Steph.

"Sure. Saan naman tayo maglalaro?" tanong ko.

"May half indoor court sila dito, doon tayo. Game ka na ba ngayon?" tanong nya.

Hanep, may indoor court sila. Sila na talaga mayaman.

"Wala pang prize kung sino manalo?" tanong ko. Mas maganda sana ang laro kung may makukuhang prize.

"Pwede din. Ano ba gusto mo?" tanong nya.

"Si Alexa." nakangiting sagot ko naman. Napatingin si Steph kay Alexa na walang reaction na naman.

"Ayaw nya ata, ako na lang?" nakangising sabi nya. "A kiss perhaps?" 

Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng medyo malakas na pagkababa ng baso kaya kay Alexa agad kami tumingin. Hindi sya nakatingin samin.

"At kapag ako naman ang nanalo..." lumapit sya sakin, lumayo naman ako ng konti. "..bed time."

"Huh?!" pulang pula ang mukha ko sa sinabi nya. Hindi man eksaktong ang sinabi nya pero alam ko na agad ang tinutukoy nya.

"Maglalandian talaga kayo sa harapan ko?" isang malamig na tono ang nagpalayo samin ni Steph.

"Hindi kami naglalandian ah!" agad kong sabi.

"Selos ka?" nakangising tanong ni Steph.

"Bakit naman ako magseselos?" buti pa talaga si Steph kinakausap nya!

"Kasi mahal mo pa din si Zoe?" napanganga ako sa sinabi ni Steph. Napatingin ako kay Alexa na nakatingin kay Steph.

"Hindi ko na sya mahal." ouch! ang sakit puta!

Napayuko ako. Gusto kong umiyak dahil sa sinabi nya. Sobrang sakit pala kapag sa mismo nanggaling ang salitang 'yon. Parang biniyak ang puso ko at dinurog durog.

Pero kahit na ganon hindi pa din ako susuko. Kung hindi nya na ako mahal edi paiibig ko ulit sya sakin. Hangga't hindi nya sinabi sakin na tumigil na ako at wala talagang pag-asa para sa kanya tsaka lang ako susuko dahil sya na mismo nagsabing walang mangyayari sa panliligaw ko.

"Kung yan ang sabi mo, okay. Ano Zoe? tara na? para naman magawa na natin ang bed time." nakangising sabi ni Steph. Tumango na lang ako.

Sabay kaming umalis ni Steph ng greenhouse. Hindi ko nilingon si Alexa dahil baka makita nya ang pamumula ng mukha ko dahil pinipigilan kong wag maluha.

Nang makalayo kami ni Steph tsaka nya ako niyakap. Medyo nabigla ako sa ginawa nya.

"Sinungaling 'yon. Kilala ko si Alexa." sabi nya.

Napakagat ako ng labi tsaka niyakap sya.

"Wag kang susuko kundi aagawin talaga kita sa kanya." sabi nya pa na ikalayo ko para tignan sya kung seryoso ba sya. "Joke lang. Tara na." nakangiting sabi nya tsaka naunang naglakad.

Napailing ako at sumunod sa kanya.

"Wow." agad na sabi ko pagkapasok namin sa indoor court nila Alexa.

Naglakad kami pababa ni Steph sa hagdanan. May binuksan syang pintuan at kumuha ng isang bola.

"Game?" tumango ako. "You go first."

"Nah, ikaw muna." 

"Okay." walang lingon na binato nya ang bola ring.

Natawa ako na hindi iyon pumasok. "Yung totoo?" napapailing ako sa kanya.

"Warm up." sabi nya. "Ikaw na."

Hindi ako makapaniwalang kinuha ko ang bola.  Puwesto agad ako at binato ang bola. Tinaas ko ang kamay ko na may tatlong daliri.

"Hindi talaga ako makapaniwala na binabato mo lang ang bola tapos pasok na." sabi nya habang kinuha ang bola.

"Yun talaga ang pinagpractice-an ko." sabi ko. Nakipaglaro pa ako sa street para lang mamaster ang mga tirang ganon.

"Okay, seryoso na 'to." pumasok ulit sya sa pintuan at kinuha ang isang cart na nilalaman ng madaming bola. "Seryosong three point shootout."

Napangiti ako at tinulungan syang ayusin ang mga bola sa bawat parte ng three point line.

"Dahil ikaw ang nakashoot, ikaw ang mauuna." sabi nya pagkatapos namin ayusin ang mga bola.

Napailing ako. Puwesto ako sa gilid sa left side.

"Timer...start now!" sigaw nya. Agad kong kinuha ang bola at hinagis sa ring. Pagkahagis ko kinuha ko agad ang sunod.

First five ball sa first racks lahat pasok ang tira ko. Agad kong sinunod ang pangalawang racks. Panay lang ako hagis tantsa na tantsa ko na ang distance sa three point line sa ring kaya pagkahagis ko ng bola hindi ko na tinitignan kung pasok ba dahil nakikita ko sa score board ni Steph na pumapasok naman lahat ng tira ko.

Natapos ako sa huling racks na saktong natapos ang oras ko. Tumingin ako sa score board. Perfect score. Ang laki ng ngiti ko nang tumingin ako kay Steph.

"Not bad." ayaw talagang magpatalo.

Tinulungan ko syang magligay ng bola sa racks.

"Bago mo sabihin yan, siguraduhin mong perfect score ka din." sabi ko sa kanya.

"Oo naman. Maglalaro pa tayo sa higaan eh." ngising sabi nya. Medyo namula ang pisngi ko.

"About sa deal, kapag ako ang nanalo..."

"Tutulungan kitang mapasayo si Alexa." pagsabat nya sakin. "Ano deal?"

"Sure!" hindi na masama. Sisiguraduhin ko na lang na mananalo ako.

"Game." kinuha nya ang isang bola.

Nginitian ko sya at sinabing.."Start now!" mabilis nyang nirelease ang bola. Ngumisi sya sakin nang pumasok ang bola sa ring. 

Napailing ako. Pinanood ko lang sya magshoot ng bola sa ring. Wala talagang mintis ang isang 'to.

Nasa huling racks na sya. Lahat ng mga tira nya pasok. Hindi talaga sya magpapatalo.

"Ohmygosh." napatakip ako ng bibig ko dahil sa huling tira nya na hindi pumasok. "Yes!" sigaw ko sa sobrang saya. Napatingin sya sakin at bumuntong hininga.

"Labag sa loob kong tulungan ka ay wala akong magagawa." ngumiti lang ako sa kanya. "Maglaro naman tayo one-on-one, walang deal dahil alam kong matatalo ka." napasimangot ako sa sinabi. Kaya kong talunin sya kung may kanang braso pa ako.

Dalawang oras kaming naglaro ni Steph. Nakakapagod makipaglaro talaga kay Steph. Ang hirap makawala sa kanya. Hinahagis ko na lang bigla ang bola para lang makascore sa kanya, ni lay up nga hindi ko magawa.

Pagkatapos namin maglaro nagtungo kami sa kusina para uminom ng tubig. Pawis na pawis ako dahil pinahirapan talaga ako ni Steph.

Pumunta kami sa sala pagkatapos namin uminom. Nandon daw sila Tita. Nagkwe-kwentuhan ang mag-ina nung madatnan namin pero kasama nila si Linnett.

"Hi Zoe." nakangiting bati nya.

"Hello, Linnett." naupo ako sa harapan nila ni Alexa.

"Kamusta laro?" tanong ni Tita samin ni Steph.

"Okay naman, nanalo sya ng isang beses sakin." mayabang na sabi ni Steph at sumulyap sakin. Inirapan ko sya.

"Hey, Zoe. Pwede din ba kitang makalaban? hangang hanga talaga ako sayo nung last game natin." sabi ni Linnett.

"Sure, pero time freeze muna. Napagod ako eh." sabi ko.

"Pwedeng mamayang hapon para may pahinga ka pa." tumango ako sa kanya. "Sumali na din kayo, Alexa at Steph. 2v2."

"Sige, basta kami ang magkakampi ni Zoe." sabi ni Steph.

"Okay mamayang hapon ah?" masayang sabi ni Linnett.

"Tita okay na po ba ang mga guestroom? may gagawin pa kasi kami ni Zoe." mabilis na napatingin ako kay Steph. Wala naman kaming pinag-usapan na gagawin ah.

"Nililinis pa kakaalis lang ng mga kaibigan nila Al." sagot ni Tita.

"Ano naman gagawin ninyo ni Zoe?" tanong ni Linnett.

"Secret." sagot ni Steph. Napailing na lang ako. Wala akong alam sa pinagsasabi nito.

"Pawisan ka na, Zoe. Mabuti pang magbihis ka na baka magkasakit ka pa." sabi ni Tita. Napatingin naman ako sa suot ko.

"Ako na ba-" napatigil si Steph nang tumayo si Alexa. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

Lumapit sya sakin at hinila ako palayo kanila Steph. Medyo nagulat ako sa ginawa nya.

Pumasok kami sa kwarto nya at dumiretso kami sa walk-in closet nya.

"A-" babanggitin ko palang ang pangalan nya nung hawakan nya ang laylayan ng damit ko at itinaas. Naitaas ko tuloy ang kamay ko. "Te-teka hindi na kailangan pa ang brassiere ko." sabi ko dahil balak nyang tanggalin ang brassiere ko.

"Basa na din yan ng pawis." sabi nya at tinggal ang pagkahook ng brassiere ko kaya wala na akong nagawa pa.

Lumuhod sya kaya sa iba na naman ako napatingin. Namumula ang mukha ko habang ibinababa nya ang short at underwear ko. 

"Maligo ka na." sabi nya at namili ng susuotin ko.

Sinunod ko naman sya kahit na nagtataka ako sa kinikilos nya. Sarap sa pakiramdam ng tubig pagkatapos ng laro kaya medyo natagalan ako sa banyo kung hindi lang pumasok si Alexa hindi pa ako titigil.

Nahihiya ako sa kanya dahil nakahubad ako. Nilapitan nya ako at pinunasan ang katawan ko tsaka nya ako hinila papunta sa walk-in closet nya. Kumuha sya ng damit at isinuot 'yon sakin. Hindi ako makatingin sa kanya pagkatapos nya akong bihisan.

Akala ko aalis na sya pagkatapos nya akong bihisan dahil 'yon ang ginagawa nya pero nasa harapan ko lang sya. Tumingin tuloy ako sa kanya.

"Ba-bakit?" tanong ko dahil ang sama ng tingin nya sakin. Wala naman akong ginagawang masama bakit nya ako tinitignan ng masama?

"Akala ko ba nagbago ka na?" madiin at malamig na tanong nya. Kinalibutan naman ako sa boses nya. Bakit ganon? nung kay Japan naman hindi ako naapektuhan sa malamig na pakikitungo sakin ni Japan pero kay Alexa.

"Na-nagbago na nga ako-"

"Bakit ka pumayag sa deal ninyo?!" nagulat ako na bigla syang napasigaw.

"Na-nanalo naman ako ah!" kahit na depensahan ko sarili ko natatakot pa din ako sa kanya.

"Nanalo ka kaya naghalikan kayo."

"Hindi ah! iniba ko ang deal ko."

"Pero isang beses ka lang nanalo sa kanya." madiin na sabi nya.

"Oo pero-"

"Kaya may mangyayari sa inyo mamaya!"

"Huh?!" una, gulat na gulat ako dahil parang galit sya, pangalaw, bakit ba sya nagagalit? hindi naman nya na ako mahal 'di ba? pangatlo, anong pinagsasabi nya?

Napasuklay sya ng buhok nya gamit ang mga daliri nya at huminga ng malalim.

"Alexa hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Yung pangalawang laro namin wala ng deal 'yon kaya yung sinasabi mong may mangyayari samin mamaya, nagkakamali ka. Walang mangyayari dahil hindi ako papayag na may mangyari samin." mahinahon na sabi ko. "Iniisip mo siguro na may gagawin nga kami ni Steph dahil sa sinabi nya pero maniwala ka, wala akong alam sa pinagsasabi nya."

Tinignan nya ako ng seryoso. Hindi naman ako umiwas ng tingin dahil baka isipin nya na nagsisinungaling ako.

Tsaka ko lang napantanto kung bakit ganito ang inaasal ni Alexa kaya napangiti ako na ipinagtaka nya.

"Nagseselos ka ba?" tanong ko na ikabigla nya pero bumalik din sa pagiging walang emosyon ang mukha nya.

"Bakit ako magseselos?"

Nakitbitbalikat ako. "Ewan ko pero kung umasta ka dyan para kang nagseselos eh." nakangising sabi ko.

"Dream on." sabi nya at lumabas ng walk-in closet nya. Sinundan ko naman sya.

"Kung hindi bakit hinila mo ako dito? si Steph dapat ang magbibihis─" bigla syang humarap sakin na may masamang tingin. "...sakin."

Napaatras ako nung bigla syang naglakad palapit sakin.

"So hahayaan mong makita ni Steph ang katawan mo?" may diin na sabi nya.

"Hi-hindi..." sabi ko na lang dahil wala akong laban sa isang ito.

Lumayo sya sakin. Sinamaan nya muna ako ng tingin bago naglakad papunta sa higaan nya.

"Pero nagseselos ka?" tanong ko na nakangiti. Mukha talaga kasi syang nagseselos eh.

Hindi nya ako pinansin. Nagbukas lang sya ng cellphone nya. Naalala ko yung cellphone na binigay ni Ate Kill. Naiwan ko pala 'yon kay Steph.

Naglakad ako patungo sa pintuan na magsalita sya.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Steph?" patanong na sagot ko.

Sinamaan nya na naman ako ng tinign. Yan ba ang hindi nagseselos? banggitin ko lang pangalan ni Steph, nagagalit na sya sakin.

Bigla akong kinabahan nang tumayo sya at lumapit sakin. Bubuksan ko na sana ang pintuan na sinara nya ang pinto. Ramdam ko ang katawan nya sa gilid ko pero hindi ko sya nilingon dahil natatakot ako sa kanya.

"Sinasagad mo talaga ako." mahina pero madiin na sabi nya.

"Hi-hindi ah...bakit kasi ayaw aminin na nagseselos." bulong ko lang sa huling sinabi ko dahil mamaya lapain ako nito, nasa amazon mode na sya. Kahit na namimiss ko ang pagiging amazona nya, nakakatakot naman ang pagiging amazona nya ngayon.

"Hindi. Ako. Nagseselos." talagang ayaw magpatalo.

"Kung hindi, edi hindi. Alis. Pupuntahan ko pa si Steph." medyo tinulak ko sya para malayo sya sakin.

Naiinis na ako sa kanya dahil ayaw nyang aminin na nagseselos talaga sya, daming sinasabi eh. Pero syempre kinikilig pa din ako dahil alam ko sa sarili ko na nagseselos talaga sya.

"Alexa ano ba!" sabi ko dahil kada binubuksan ko ang pinto sinasara nya.

Humarap na ako sa kanya dahil mukhang hindi nya ako papalabasin ng kwartong 'to. Yan ba huh? yan ba ang hindi nagseselos, ayaw akong palabasin ng kwarto?

Napangiwi ako dahil nakakatakot ang tingin nya. Walangya, mukhang under pa ako nito sa kanya.

"A-alis sabi eh." sabi ko at tinulak sya pero hindi sya nagpatinag. "Alexa!" no reaction. Edi wow! kung kaya ko lang talaga magalit sa kanya kanina ko pa ginawa.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi na ako gumalaw. Bahala sya sa buhay nya kung gusto nya ang ganitong pwesto namin. Okay lang. At least magkalapit kami.

Narinig kong bumuntong hininga sya at lumayo. Naglakad sya pabalik sa higaan nya.

Sayang! ineenjoy pa yung ganitong pwesto namin eh.

Binuksan ko na ang pintuan at lumabas. Naglakad ako patungo kanila Steph na nagkwe-kwentuhan pero naririnig ko ang pangalan namin ni Alexa.

"Anong nangyari?" mabilis na tanong ni Tita habang nakangiti. Halatang inaabangan nya kung ano ang nangyari samin ni Alexa.

Kinuwento ko naman sa kanila ang nangyari sa kwarto ni Alexa. Tawang tawa si Linnett habang nakangiti naman yung dalawa.

"Hindi talaga aamin 'yon. Kilala ko ang taong 'yon eh." sabi ni Linnett.

"Konting push pa." nakathumb ups na sabi ni Tita. Ngumiti naman ako sa kanya. Very supportive talaga sakin si Tita.

"Nga pala, Steph. Yung cellphone ko?" tanong ko kay Steph. Inabot nya naman ang cellphone ko kasama ang paperbag. "Sige balik na ako don." nagpaalam ako sa kanila at pumanik sa itaas.

Binuksan ko ang kwarto ni Alexa. Napatingin sya sakin kaya ngitian ko sya.

"Anong ginawa mo dito?" nagpapasalamat talaga ako sa pagiging selosa nya dahil kinakausap nya na ako kahit galit sya sakin.

"Kasi nandito ka?" patanong na sagot ko at naupo sa tabi nya. "Kinuha ko lang naman kay Steph ang cellphone ko." sabi ko. Binuksan ko ang cellphone ko.

Sinave ko naman ang number ni Astra at tinext sya na may cellphone na ako na binigay ni Ate Kill at hindi ko pa sure kung makakauwi ngayon dahil sa sobrang lakas ng ulan. Mabilis naman nagtext si Astra na baha pa din daw sa kanila kaya hindi din daw ako pwedeng umuwi at kinamusta ako. Sinabi ko sa kanya lahat na nangyari dito. 

Habang wala pa syang reply. Tinignan ko ang mga number na naka-save. May number si Ate Kill dito at Ate Avey. Nagtaka ako na may number si Alexa dito. Hindi ko tuloy alam kung number ba talaga ni Alexa 'to pero may number din si Steph dito kaya agad kong tinext si Steph kung number nga ba ni Alexa ang nandito.

Nagreply si Steph, sinave nya daw ang number ni Alexa. So kay Alexa nga talaga 'to? matext nga.

Nag-compose ako ng message sa kanya at habang nagco-compose ay hindi ko mapigilan ng ngiti ko.

To: Alexa
Hi baby amazon! ang ganda mo po.

Sent.

Inaabangan ko ang magiging reaction ni Alexa. Nang marinig kong nagnotif ang cellphone nya, nagbusy-busyhan ako sa cellphone ko. Napansin ko naman na napatingin sya sakin.

Mga ilang minuto ang nagdaan hindi sya nagreply sakin. Ba yan! kahit who you man lang sana magreply sya.

To: Alexa
Grabe walang reply ang magandang dyosa.

Wala na naman akong natanggap na reply sa kanya kahit na nabasa nya yung text ko pero hindi ako tumigil sa kakatext sa kanya.

To: Alexa
I adore you, you crazy, gorgeous, wonderful, beautiful but also sometimes amazon BUT! still very lovely person.

To: Alexa
You're my definition of basketball because ball is life.

To: Alexa
Come here. I need to kiss you.

Pigil ang ngiti ko sa pinagse-send ko sa kanya pero syempre wala syang reply sa mga 'yon. Hindi ko sya tinantanan kahit na may mga text sakin si Astra at Steph hindi 'yon binasa basta maitext ko lang sya.

To: Alexa
I like girls who are a lot taller than me, smell good and give great hugs. You!

To: Alexa
Kung ang tagalog ng plate ay plato, ano naman ang platelets? edi platito.

To: Alexa
Ano tawag sa grupo ng mga pusa? edi pangKAT!

To: Alexa
Eh ano naman ang tawag satin dalawa? edi perfect match!

Kinikilig ako sa huling sinend ko. Dami kong alam.

To: Alexa
Reply ka naman wag puro basa.

Pasimpleng tumingin ako kay Alexa, nabasa nya yung text ko pero hindi sya nagreply.

To: Alexa
I love you.

Pagkasend ko non ay tumingin na ako sa kanya. Hinihintay ang magiging reaction nya sa huling text ko. Napangiti ako na matagal nyang tinitigan ang message kong 'yon. Ang laki ng ngiti ko na nilingon nya ako.

Saglit lang sya tumingin sakin at binalik ang tingin sa cellphone nya. Nahiga na ako at tumagilid para tignan sya. Alam ko alam nyang nakatingin ako sa kanya pero hindi nya ako nilingon o pinagsabihan man lang.

Ilang minuto din akong nakatingin sa kanya at minememorize ang maganda nyang mukha nang makaramdam ako ng pagkaantok. Dahan-dahang pumipikit ang mga mata ko pero pilit ko pa din nilalabanan hanggang sa hindi ko na nga kinaya pa ang antok ko.



--------------------------

A/N: Lol.

Astra nga pala.


Continue Reading

You'll Also Like

384K 14.4K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
2.6M 68.5K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...
93.9K 4.7K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
68.9K 3.5K 24
Elliott is an introvert-not a shy person, but a quiet one. She prefers to be alone and finds peace in solitude. Her stern demeanor and chilly gaze ar...