Hitler's Precious Emerald (SP...

By jsusies

902K 19.4K 1K

Just when Hitler and Emerald thought they are perfect for each other things started to fall into the wrong pl... More

Hitler's Precious Emerald
Hitler's Precious Emerald
1. The Feeling is Mutual
2. Disaster
3. Cold Hearted Hitler
4. Monologue
5. Kapote ng Cobra
6. Fresh na Fresh
7. Lock Your Damn Door
Next UD
8. Hindi Pwedeng Pagsamahin
10. Stay
11. Sana (SPG)
12. Mahal din Kita
13. Hello Girlfriend
15. Naaalala mo ba?
16. Bitter Change
17. Daddy Cares?
18. Hitler's Wrath
19. Liar
20. In The Name of Love
21. Prisoner
22. Needed
23. Guilty
24. Nightmare Coming True
25. What He Feels
26. Investment and Interest
27. Meet & Greet
28. Spinning World
29. Starting Over Again
30. Dark Past & Revelation
31. Date & More (Ending)

14. Too Precious to me

21.7K 550 14
By jsusies

Hello readers na nag hintay sa UD na ito. Nawalan kami ng kuryente dahil sa bagyo hindi ako nakapag type then nag ka ilaw at nawala ulit kaya ngayon lang naka UD,. 

Happy Reading ***************************

Pagkatapos akong bigyan ni Hitler ng bracelet ay agad kaming tumuloy sa garden ng mansion. Ang sabi ni Manang Belen ay nandun si Joni at bisita ang artistang si Aliyah na asawa ng isang pulitiko. Agad kaming tumuloy doon pero kapwa kami nagtaka ni Hitler ng bigla nalang lumuhod si Aliyah at umiiyak sa harap ni Joni.

Napasinghap ako ng malakas sa sumunod na rebelasyon. Parang hindi kapani-paniwala that Joni is having an affair to Aliyah’s husband at pinapaki-usap ni Aliyah na layuan ni Joni ang asawa nito para sa magiging anak ng mga ito. Nakita ko naman na mukhang natakot si Joni ng makita kami lalo na ang kuya niya na galit na galit.

Hindi ko alam kong paano nakaalis sa tabi ko si Hitler. The next thing I knew ay malakas na sampal ang dumapo sa pisgi ni Joni mula sa kuya niya. Agad naman akong lumapit at hinawakan si Hitler para pigilan ng muli itong nagtaas ng kamay at akmang sasaktan muli ang kapatid.

“Kuya.” Mahinang tawag niya kay Hitler habang tumutulo ang mga luha. “Kuya I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” Umiiyak nitong wika. Bakas din sa mukha ng dalaga ang lungkot at pagsisisi.

“Hindi mo sinasadya? Hindi mo sinasadyang maging kabit?” nanggagalaiting sigaw niya sa kapatid. “Anong klaseng rason iyan Joni? Naubusan ka ba ng lalaki at sa isang may asawa ka pa pumatol?”

“Nagmahal lang ako kuya.”

“What an excuse? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa iyo? Gusto mo bang madumihan ang pangalan natin dahil sa sinasabi mong lintek na pagmamahal? Mamili ka naman ng lalaki Joni yung pwede mong iharap sa lahat at ipagmalaki. Hindi puro puso lang ang gagamitin pati utak. Ano na lang ang silbi niyan sa iyo kung hindi mo naman pala gagamitin?” galit na galit niyang wika habang dinuduro-duro ng malakas ang sentido ng kapatid. Base sa reaksiyon ni Joni ay tiyak na nasasaktan ito sa bigat ng kamay ni Hitler.

“MAHAL KO SIYA.” Pasagot na sigaw niya kay Hitler. “Alin ba sa salitang mahal ko siya ang hindi mo maintindihan?” mahinang wika niya habang umiiyak. “Kuya pag nagmahal ka mahal lang. At pag-nagmahal ka puso ang ginagamit hindi utak. Nagmamahalan kami at kahit na tawagin niyo akong stupid, walang utak ay ipaglalaban ko siya kahit na ikagalit niyong lahat. Kahit na itakwil niyo pa ako kasi mahal ko siya at mahal niya ako.”

“Say goodbye to your stupidity Jon Inanna because I will not fucking tolerate it.” Galit na galit niyang wika.

Bago pa kami makahuma ay sapilitang hinila ni Hitler si Joni papasok sa mansion. Nagpapalag man ay wala naman itong magawa sa lakas ng kuya nito. Umalis na rin naman si Aliyah kaya pumasok na ako sa mansion para sundan ang magkapatid.

Sa nakikita kong hitsura ni Hitler ay mukhang papatay ito sa galit. Naiintindihan ko naman na magalit siya kay Joni pero ayaw kong umabot na saktan niya ito. I knew him at alam kong hindi niya gugustuhin na masaktan si Joni pero sa galit niya ngayon baka hindi niya makontrol ang sarili niya.

Pagkapasok ko sa loob ay parang tuliro naman na nakatingin lang si Manang Belen kung paano hilain ni Hitler ang kawawang si Joni paakyat sa hagdan ng manison. Nakita ko na awang-awa siya sa hitsura ni Joni lalo at ito na halos ang nagpalaki sa dalaga. Wala namang magawa ang mga kasambahay kundi tumingin lang. Walang may naglakas loob na pagilan si Hitler.

Maging ako ay hindi alam ang gagawin. Sa tingin ko sa hitsura ni Hitler ay tiyak na ako ang mapapasama sa oras na pinigilan ko siya.

“Aray ko kuya nasasaktan ako.” pagpupumiglas ni Joni sa kapatid.

“talagang masasaktan ka sa akin dahil sa kahibangan mo.”

 

Lalapit sana si Manang Belen kay Hitler para awatin ito pero tinapunan agad ito ng masamang tingin ni Haring Cobra. Wala namang nagawa ang pobreng matanda kundi ang umiyak sa awa  para sa alaga nito.

“walang mangingialam.” Sigaw niya habang masama ang tingin sa aming lahat.

Nangunyapit si Joni sa may hamba ng hagdan para hindi mahila ng kapatid. Kaso sa ginawa niya ay mas lalo yatang nagalit si Hitler. Binitawan nito ang braso ni Joni na kanina ay hawak niya tapos ay hinila ito sa buhok paakyat sa hagdan. Humiyaw naman sa sakit si Joni sa ginawa ng kuya niya.

Naawa na ako at kahit na natatakot ako sa kanya ay hindi ko naman kayang makita kong paano niya saktan ang kapatid niya. Lakas loob akong lumapit at inawat siya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso pero hindi ko in-expect na tatabigin niya ako ng malakas. Nawalan ako ng balance at nauntog ako sa hamba ng hagdan bago pasalampak na maupo sa sahig.

“Fuck it ang tigas ng ulo. Ang tanga lang sinabi nang huwag mangialam. How stupid.” Galit na galit niyang wika. Iyong iba niyang sinabi ay hindi ko na maintindihan dahil sa medyo nahilo ako sa pagtama ng ulo ko pero alam ko nagmumura siya sa galit.

Tinulungan naman ako ni Perla at Manang Belen na tumayo. Kahit na medyo nahihilo ay kita ko naman na paakyat na si Hitler sa hagdan at pasan ang kapatid na parang isang sakong bigas. Napabuntonghininga na lang ako sadyang mahirap mahalin ang isang tulad niya pero ano nga ba ang magagawa ko kung mahal siya ng puso ko.

Kunot- na kunot ang noo ni Hitler ng bumaba siya ng hagdan. Mas nagdilim pa ang mukha niya ng maabutan kami ni Manang Belen habang ginagamot niya ang natamong sugat ko malapit sa noo dahil sa nangyari kanina.

“Hit.” Tawag ko sa kanya.

“Don’t fucking come near me Emerald.” Mariin niyang wika nang nag tangka akong tumayo para sana’y lapitan siya. Nanlumo na lang ako na muling naupo.

“Sir, nasa labas na po lahat ng bodyguard ni Miss Joni at natipon ko na.” putol ni Bryan sa amin

“Fucking good for nothing sons of bitches they are. I’ll be the one to kick their God damn ass. Walang mga silbi.”

Palayo man ng palayo si Hitler ay dinig ko pa din kung paano niya murahin ang mga security guard ni Joni. Hindi pa man ay nakikita ko na ang gagawin ni Hitler sa kanila.

Ala una na nang gabi pero wala pang Hitler na dumating. Kahit na ang tawag sa phone niya ay hindi niya nasasagot. Hindi ko naman maiwasang mag-alala. Nandito pa din ako sa mansion ng mga Montelibano dahil pagkatapos niyang sabunin ang mga dating security personnel ni Joni at sibakin sa trabaho ay umalis siya kasama si Bryan nang hindi man lang ako kinausap.

Nagulat na nga lang kami kanina ng biglang bumalik si Bryan pero hindi nito kasama si Hitler ngunit ilang mga kalalakihang naka putting polo shirt at may tatak na “Spearhead.” Ito ang pangalan ng security and detective agency na pag-mamay-ari ni Hector. Sinabi sa amin ni Bryan na sila na ang mga bagong security personnel ni Joni. Bukod doon ay binilinan niya rin kong huwag umalis ng mansion dahil dito daw muna kami ni Hitler para personal nitong mamonitor ang kapatid.

Agad akong bumaba mula sa terasa ng makita ko ang pagdating ng sasakyan ni Hitler. Hindi pa man ako tuluyang nakababa sa hagdan ay nakita ko na ang pasuray-suray na paglalakad niya. Kung hindi pa siguro sa tulong ni Bryan ay tiyak na natumba na siya sa kalasingan.

“Hit, Okay ka lang ba?.” Nag-alala kong tanong.

“Don’t come near me?” Galit niyang pigil sa akin ng akmang lalapitan ko siya.

Napakagat na lang ako ng labi para magpigil ng iyak. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin. Ito ang ayaw ko pag nagagalit siya sa akin dahil madali akong masaktan. Pagdating sa kanya ay sobrang mababaw talaga ang mga luha ko.

“Bry, pakitulungan mo na lang ako na dalhin ang sir mo sa kwarto.” Paki-usap ko kay Bryan.

Kahit naman kasi gustuhin kong ako ang mag-akyat sa kanya sa taas ay hindi ko rin magagawa dahil tiyak kong mahihirapan ako at mabibigatan sa kanya. Ano na lang ba ang katawan ko ikumpara sa laki ni Hitler?

Nakasunod lang ako sa kanila ni Bryan sa pag-akyat ng hagdan. Hindi rin naman ako pwedeng tumulong at masikip sa aming tatlo kung sabay kaming aakyat lalo at ang lalaki ng katawan ng dalawa.

Pagdating sa kwarto ay agad kong pinaalis si Bryan ng maihiga na niya sa kama si Hitler. Agad akong naghanap ng bimpo at binasa ito para siya mapunasan. Hinubad ko ang long sleeve niya at maayos siyang pinunasan. Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng mapansin kong nakatitig siya sa akin particular sa noo kong may sugat.

“Ahm tatapusin ko lang ito para makapagpahinga ka ng maayos. Mukhang nasobrahan ka sa pag-inom eh.”

“Nagkayayaan lang sa dollhouse. Bigla kasing dumating si Yael kaya napasubo sa inuman.” Titig na titig niyang sagot sa akin.

 

Tipid na lang akong ngumiti bilang sagot. Hindi ko naman kilala si Yael. Infact wala akong masyadong kilala sa mga kaibigan niya o business associates dahil hindi pa naman niya ako ipinakilala sa kanila maliban na lang kay Argon siyempre dahil din yun kay Asiana. Kung may kilala man ako ay kaunti lang talaga.

“Pasensiya ka na kanina kong nakialam ako. Ayaw ko lang kasi na pagsisihan mo ang ginawa mo kay Joni kanina kaya ko ginawa iyon. Alam ko naman na kahit na gaano pa kalaki ang galit mo ay mahal na mahal mo siya at hindi mo gugustuhing saktan siya.” Pag uumpisa ko ng usapan. Ganito naman kami palagi ni Hit, magtampuhan man ay nadadala pa rin sa usapan at nagtitiwala ako na isa lamang ito sa kailangan naming pagdaanan para mas lalo kaming tumibay.

“Come here.” Agad naman akong humiga at isinandal ang ulo sa dibdib niya.Iniyakap naman niya ang isang kamay niya sa akin habang bahagyang hinahaplos ang braso ko. “You are right precious. Kahit na gaano pa ako kagalit kay Joni ay hindi ko gusto ang ginawa ko sa kanya. I was sorry and guilty after. Mahal na mahal ko si Joni. She is our princess kaya ganun na lang ako nagalit at nasaktan na kung sino na lang ang nanggago sa kanya. She deserves better.”

 

Malungkot akong napangiti para sa kanila. I understand where Hitler is coming. Wala namang kuya na gugustuhin na maging kabit ang prinsesa niya.

“Nagkausap kami ni Joni kanina at naiintindihan naman niya kung bakit mo siya nasaktan. Nadala ka lang ng galit mo.” Pang-aalo ko sa kanya.

“Hindi lang siya ang nasaktan ko kundi pati ikaw.” Sabi niya at tinaas ang kamay niya at bahagyang hinaplos ang gilid ng sugat sa noo ko.

“Ayos lang naman ako eh.”

Umiling siya “Kasalanan ko pa din. Nadala ako ng galit ko sa sitwasyon tapos lalo akong nagalit ng hindi ko mapigilang saktan si Joni. Nagalit ako hindi lang sa kapatid ko kundi pati sa sarili ko. Tapos ikaw.” Hegroaned in pain matapos niyang sabihin iyon. “Sinabi ko na huwag kayong mangialam but you as hardheaded and stubborn as always pumagitna ka pa rin kahit na alam mong galit na galit ako.” may halong paninisi niyang wika. “Nasaktan kita. Hindi mo lang alam kung gaano ko gustong sapakin ang sarili ko ng masaktan kita. I’m so stupid for hurting the two most especially women in life. Kaya nga natakot ako kanina na lumapit ka sa akin kasi Emerald, baka masaktan na  naman kita. I never wanted to hurt you. You are too precious to me.”

 

Napatakip ako sa bibig upang pigilin ang paghikbi ko.  Hearing him saying all those things was just totally heart melting. Akala ko sa akin siya galit kaya ayaw niya akong lumapit iyon pala ay natakot lang siya para sa akin. Gusto lang niya akong ilayo para hindi niya ako masaktan. Hindi man direkta na sabihing mahal pero sapat na ang mga salitang iyon, ang mga ginagawa niya para sabihing mahal niya ako.

 

“Akala ko kasi galit ka sa akin kaya ayaw mong lapitan kita. Hindi pala ganun iyon.” Wika ko sa pigil na paghikbi. Nagtaas ako ng ulo I looked at him and kissed him with full of gentleness giving him sweet, assuring feeling. “Mahal na mahal kita Hitler Montelibano at alam ko naman na hindi mo ako gustong saktan”

 

“Hurting you is the last thing I would do. I love you so much my precious.”

 

And with those last words he drifted into sleep. Napakamot na lang ako sa ulo. Pambihira naman. Lasing na nga kung mag I love you tinulugan pa ako. 

Continue Reading

You'll Also Like

644K 15.8K 26
"Gusto kong maging Madre..."salitang pangarap lamang dahil sa isang gabing pagkakamali,at ang pagkakamaling ito ang huhubog at magpapatunay na nakata...
92.9K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
3.6M 78.5K 52
He brought me to his world. He made me do things I can't even imagine. He took my innocence and left me hanging.