13. Hello Girlfriend

21.9K 516 9
                                    

Agad kong inayos ang mga gamit ko nang oras na ng uwian. Nagtext kasi si Hitler sa akin kanina na ipasusundo niya ako kay Bryan dahil mayroon kaming dinner kasama si Joni na kakauwi lang mula Korea. Hindi na nga ako kumain ng tanghalian para lang matapos ko lahat ng trabaho na ibinigay sa akin para makasama ko si Haring Cobra.

“Aba nagmamadali. May lakad lang?” biro ni Precy na kasamahan ko. Ako kasi ang madalas maiwan sa amin dahil palaging nagpapatulong si Sir Nathan kaya napapa OT ako.

“may date yata sila ni Sir Nathan eh.” Panunukso naman ni Elvie na sinabayan pa ng kindat.

“Mga sira kayo. Nakakahiya kay Sir Nathan mabait lang iyong tao. Isa pa may boyfriend na ako na super mahal ko ano.” Natatawa kong saway sa panunukso nila.

“Nasan ang sinasabi mong boyfriend mo at di pa namin nakikita. Baka naman sinesekreto niyo lang ang relasyon niyo ni Sir. Okay lang naman pag nalaman namin. Diyos mio ang swerte mo kay Sir Nathan ang gwapo na mayaman pa.” napapalatak na sabi ni Kristine.

“Mas gwapo boyfriend ko sa kanya.” birong-totoo kung wika.

Gusto ko nang tantanan nila ang panunukso sa akin kay Sir Nathan dahil nakakahiya naman sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit iniisip ng mga kasama ko na may relasyon na kami. Oo madalas kaming magkasama dahil sa trabaho at talagang mabait siya sa akin at maasikaso pero wala naman sigurong ibig-sabihin iyon.

“Nasaan ba iyang boyfriend mo?” Tanong ni Mark ang babaero sa department namin. “Kung ako boyfriend mo hindi ko hahayaang mawala ka sa paningin ko.” Dagdag niya sabay kindat.

“Naku Mark Tigilan mo si Emerald dahil hindi iyan pumapatol sa Kapre.” Naka ismid na sabi ni Kristine. Maitim at matangkad kasi si Mark pero malakas ang sex appeal nito pero wala pa rin siyang panama sa Hitler ko.

“Sus inggit ka lang gusto mo kasi ikaw pansinin ko. Sori ka na lang hindi ako pumapatol sa tuod.” Balik asar niya kay Kristine.

“Aba’t lokong ito” inis na wika ni Kristine at akmang hahambalusin na nito ng shoulder bag si Mark nang pumagitna si Elvie.

“Tama na nga kayong dalawa. Mamaya niyan kayo pa ang magkatuluyan.” Natatawang tukso nito sabay naman na napasimangot ang dalawa. Hmm mukhang may future ang dalawa.

“Hindi mo ba talaga boyfriend si Sir Nathan?.” Pangungulit ni Precy.

“Hindi nga ang kulit.” Medyo napipikon kong tanggi. Paulit-ulit na lang kasi ang tanong.

 

“Totoo ba talagang hindi? Kawawa naman pala si Sir Nathan mahal na mahal ka pa naman noon.” Sabat ni Mark sa usapan.

Saglit akong natigilan pagkatapos ay marahang tumawa. “Nagpapatawa ba kayo? Bakit naman niya ako mamahalin? Saan niyo ba pinagkukuha iyang mga pinagsasabi niyo?” natatawa kong tanong. Nakatanga naman silang lahat sa akin.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Where stories live. Discover now