4. Monologue

20.4K 543 8
                                    

Ninanamnam ko ang nakakarelax at masarap na pakiramdam ng tubig sa bathtub. Katatapos ko lang kasi maglinis ng buong penthouse kaya dapat lang na itreat ko ang sarili ko ng isang nakaka relax na bath.

Sabado kasi at dahil walang pasok kaya itinodo ko na ang paglilinis. Pinalitan ko din ang mga kurtina at nilabhan ang lahat ng malalabhan maliban sa ibang matresses na kailangan talagang ipa laundry dahil hindi hindi ito kayang gawin dito lang.

Wala rin ang amo ko dito kaya solo ko ang buong penthouse mula pa noong Huwebes dahil nasa Cebu siya. Ayon sa kanya ay sa Lunes pa ito babalik. Agad ko din naman tinext si Joni na pupunta doon ang kuya niya para tingnan daw nito ang expansion project ng mga ito. Bukod pa doon may sarili pa itong business deal na aayusin sa Cebu.

Nang matapos maligo ay nagpalit ako ng damit. Dahil wala naman si Hitler ay nagpasiya akong magsuot ng short shorts at pinarisan ko ng isang putting white sleeveless top. Kung nandito ang lalaking iyon ay madalas na nagpapajama ako o kaya ay nakapantalon. Napangiti ako sa sarili ng makita ang ayos sa salamin feeling ko ang sexy ko sa ayos ko.

Dala ang libro ko sa accounting ay nagtungo ako sa sala at doon nagbasa. Pag wala akong ginagawa ay nag-aaral talaga ako. Importante sa akin iyon dahil sa isa akong iskolar at hindi dapat ako magpabaya sa pag aaral. Iyon na lang ang makakapagbigay sa akin ng magandang kinabukasan lalo at wala naman talaga akong pamilya.

Sabay na namatay ang mga magulang ko at dalawang kapatid sa isang aksidente. I sighed. Hindi ko na talaga iyon dapat pang alalahanin dahil nagdudulot lamang iyon ng sakit at lungkot sa aking dibdib. Habang tumatagal ako sa pagbabasa ay unti-unti namang pumipikit sa antok ang aking mga mata.

“What the hell are you doing Emerald?” dumadagundong na boses ni Hitler ang nakapagpagising sa akin.

Dahil sa gulat ay nahulog ako sa sofa ng agad akong bumangon. Nauntog ang ulo ko sa paanan ng upuan. Napangiwi ako sa sakit. Dapat kong paalalahanan ang sarili ko na hindi ako dapat na matulog sa sofa mahirap na magulat ulit at mahulog.

“Aray naman ehh.” Reklamo ko ng makabawi sa pagkabigla habang sapo ang nasaktan kong ulo. Agad namang may lumapit sa akin at dinaluhan ako at tinulungang tumayo.

“Are you okay miss?” tanong niya sa akin. Pilit kong minulat ang mata at tiningnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses.

 “Are you okay miss?” ulit niyang tanong ng hindi ako makasagot.

Nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko ito. Kilala ko siya dahil lagi siyang laman ng mga magazine at telebisyon. Kahit yata saan ito magpunta ay naghahasik ito lagi ng lagim sa mga kababaihan.

“Okay lang po ako Sir Apollo.” Mahina kong sabi at umiwas sa kanya habang hawak pa din ang nasaktang ulo.

“Wow it’s an honor na makilala mo ako. Pero hindi talaga kita matandaan have we met? Sa ganda mong iyan imposibleng makalimutan kita.” Proud niyang sabi na nakatingin sa akin. Kung hindi ko pa kilala ang ugok na ito baka kiligin pa ako sa uri ng tingin na iginawad niya sa akin.  “Are you one of the girls I have taken a trip into hea...”

Hitler's Precious Emerald (SPG)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu