11. Sana (SPG)

30K 553 10
                                    

Dahil malamig ang panahon kasi maulan ito konting pampainit,. 

Dedicate this chap kay  Pasionglaiza na nag msg sa akin at tinawag na shunga ang sarili niya,. LOL 

Happy Reading,. Pero wala pa tayo sa Ending,. ****

***********************************************************

Kanina pa ako nakatayo at naiinis sa kahihintay ng masasakyan pauwi. Excited pa naman akong umuwi sa penthouse pagkatapos ng ilang oras na trabaho pero ito lang pala ang mapapala ko. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho dahil kaya naman ako buhayin ni Hitler at ibigay lahat ng kailangan ko pero ayaw ko.

Ayaw kong masayang ang pinag-aralan ko kaya kahit ayaw niya ay pinilit ko pa rin ang gusto ko. He suggested na sa kompanya na nila ako magtrabaho pero umayaw din ako. Ayaw kong makapasok doon dahil lang sa kanya kaya nag apply pa rin ako sa iba ang luckily ay natanggap nga ako dito sa advertising company na ito.

I knew he was not happy with my decision pero nanahimik na lamang siya and even supported me on some of my work related things. Pag may kailangan akong i-present na ads or reports minsan ay kinukonsulta ko siya at hindi ako nabibigong makatanggap ng mga payo mula sa kanya. He is very opinionated, intelligent and mastered in his craft kaya hindi nakakapagtakang isa siyang successful businessman at his young age. At sa bawat araw na magkasama kami ay mas lalo ko siyang nakilala at minahal.

“Need a ride?” nakangiting tanong sa akin ni Sir Nathan ng ihinto niya ang magara niyang sasakyan sa tapat ko. Siya ang anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko at kasalukuyang VP ng kompanya.

Nakita ko naman ang kakaibang tinginan ng ibang kasamahan ko sa trabaho na tulad ko ay nandun din at nag-aabang ng masasakyan.

“Naku sir huwag na po nakakahiya. Mag tataxi na lang po ako. Baka out of the way po ako mapalayo pa kayo.” magalang kong tanggi.

Kung single lang siguro ako at hindi head over heels inlove sa King Cobra ko ay kikiligin na ako ngayon. Aba naman ang gwapo din nitong si Sir Nathan at madami ang may crush sa kanya. Halos lahat yata ng babae sa kompanya ay may gusto sa kanya.

“I don’t take no for an answer Emerald. Isa huwag mo naman akong ipahiya sa lahat. I am harmless.” Nakangiti niyang wika.

“sige na nga mapilit po kayo eh.” Naiiling kong wika.

 

“How do you like working in our company Emerald?” tanong niya habang nagda –drive.

“Masaya po kasi napaka challenging ng trabaho.”

“Good. Mabuti naman at nagustuhan mo ang pagtatrabaho doon and we see a very good potential in you. Puring-puri nga ni dad yung latest advertising project mo.” Nakangiti niyang imporma sa akin na hindi ko naman maiwasang maging masaya.

 

“talaga po. Mabuti naman pero hindi ko naman iyon ginawang mag-isa. Kasama ko ang buong team.” Matapat kong sagot.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Where stories live. Discover now