17. Daddy Cares?

21.6K 564 33
                                    

Natutuwa ako na may nag-aabang palang talaga sa kwentong ito,. ayiee kinilig naman ako. Marahil marami ang nagtaka kung anu ang nangyari sa ating dalawa,.. I mean sa kanilang dalawa pala ang sagot malalaman niyo sa isang flashback,. bakit sila nag kaganyan sino ang dapat mag kwento si Hitler o si Emerald? vote na,.. ;) 

anyways enjoy reading :) 

************************

“Are you sure you’re okay here Emerald? Bakit kasi naisipan mo pang umuwi dito? Doon ka na lang kaya sa akin. Ako ang kinakabahan sa iyo dito eh.” Nag-aalalang wika ni Ate Chrezzy pagkapasok namin sa penthouse ni Hitler. Inihatid kasi nila kami ni Apollo dito ayon na rin sa kagustuhan ko.

I know we shouldn’t be here, ako at ang anak ko dahil bago ako manganak ay sinabihan na ako ni Hitler to leave but I just can’t. Mahal ko siya at pipilitin kong intindihin siya hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa anak namin.

Garnet needs a father. Ayaw kong lumaki ang anak namin ni Hitler na hindi niya namulatan ang ama niya. Kahit hindi kami dinalaw ni Hitler sa hospital ay umasa ako na ngayong nandito na kami ni Garnet ay maramdaman niya ang tinatawag na lukso ng dugo para sa anak namin.

“Ate Chrezzy kailangan kong paglapitin ang mag-ama ko. Kung—kung hindi man dumating ang panahon na patawarin niya ako sa kasalanan ko at maayos ang relasyon namin gusto ko sana na kahit ang relasyon na lang naman nilang mag-ama ang maging maayos. Kapag natanggap na ni Hitler si Garnet magiging masaya na ako kahit na hindi na kami kailanman mag kakaayos.” I was saying those words na para bang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko. Hindi ko talaga alam kong kakayanin ko nga bang tuluyang kaming maghihiwalay ni Hitler.

Mahal na mahal ko siya at kahit masakit na magkasama man kami ngayon ay parang hindi naman niya ako nakikita o kinakausap maliban na lang kung may masama siyang sasabihin sa akin ay masaya na ako na araw-araw ay nakikita ko siya. Na kahit sa ganitong paraan kasama ko siya.

“Ewan ko sa iyo Emerald. Lately, hindi ko talaga gusto yang mga desisyon mo sa buhay.” Napipikang wika ni Ate Chrezzy.

“Let her be pumpkin, tama naman si Emerald. Isa pa may karapatan ang pamangkin ko na tumira dito. He is a Montelibano kaya dapat lang siyang kilalanin ni kuya.” Pagsuporta naman ni Apollo sa desisyon ko.

I sighed ng maisara ko na ang pinto ng penthouse. Kaaalis lamang ni Ate Chrezzy at Apollo. Halos isang oras din na nanatili ang dalawa sa penthouse bago umalis. Ako at si Garnet na lamang ang naiwan at anumang oras ay darating na si Hitler.

Sa totoo lang ay natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nadatnan niya kami rito ni Garnet. Paano kong ipagtabuyan niya kami ng anak ko? I shake the thought away. Dapat akong maging positibo na tatanggapin niya si Garnet. He is his blood at umaasa ako na maramdaman niya iyon.

I went to my room to check on my son. Balik na ulit ako sa dati kong kwarto dito sa penthouse niya noong katulong pa lang ako ni HItler. Ang ibang vacant room naman ay kinahiyaan ko namang hingiin kay Hitler na gawing baby’s room para kay Garnet kaya dito na lamang siya sa kwarto ko.

I stayed in the room for a while just watching my little angel sleeping. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang nakapikit niyang mata, matangoos na ilong, makipot na labi at maliliit na kamay na binalutan ko ng gloves. Looking at him made me feel an unexplained happiness.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu