15. Naaalala mo ba?

25.1K 563 19
                                    

Hindi po ako agad nakapag UD kasi nag drive ako ng motorbike isang maulan na araw. Nakalimutan kong madali pala akong dapuan ng colds and flu at iyon nga ang napala ko... hindi ako nakapag sulat kay wala akong concentration dahil sa hindi magandang pakiramdam. But now I'm better again ^_^  Happy Reading 

**********************************************

Hindi mapuknat ang ngiti ko sa araw na iyon habang naglalakad palabas ng building. Last night, Hitler told me he loved me at kahit lasing siya at tinulugan ako pagkatapos ay naniniwala ako na mahal nga niya ako. Sabi nga nila ‘in vino veritas’ at paniniwalaan ko iyon.

This morning he woke me with butterfly kisses na nauwi sa morning lovemaking. Then he brought me breakfast in bed before he drove me to work. Hindi ko nga inasahan na ihahatid pa niya ako sa work kaya nga sobrang napakaganda ng simula ng araw ko.

I am so happy and I knew it reflected in my aura dahil sabi nga ng mga katrabaho ko mas blooming at mas maganda daw ako ngayon. They also teased me with Hitler at and iba nga ay lantaran sinabi na nakakaingit daw ako. Ngayon naman ay excited akong muli dahil sa susunduin niya ako. Dati pinapangarap ko lang na ihatid ako o sunduin ako ni Hitler sa work pero ngayon ito at nagkaka-totoo na iyon.

 

“Emerald, Your going home?” tanong sa akin ni Sir Nathan na nakasalubong ko sa labas ng building.

“Yes Sir.” Tipid kong sagot sa kanya.

“Wala ka bang sundo? Ihahatid na kita.” Presenta niya agad.

“Huwag na po Sir, thank you pero may sundo ako ngayon.”  

 

“Your boyfriend?” he asked at napatango na lang ako.

“So seryoso na talaga iyang sa inyong dalawa?”

“O-oo naman.” Alanganin kong sagot. Kung ako lang ang tatanungin ay seryoso ako pero siyempre hindi lang ako ang bumubuo sa kung anong meron kami ni Hitler dahil siya ay parte noon. Sa mga pinapakita naman niya ay mukhang seryoso naman din siya.

“Kung ganun bakit hindi ka pa rin niya niyayayang magpakasal?  You and him are living together for a year now wala ba siyang planong pakasalan ka? Baka naman sa huli ay ikaw ang talo dito Emerald. Ikaw ang babae and you deserve more than what high and mighty Hitler Montelibano is offering you right now.” Napatanga naman ako sa sinabi niya. I never thought that Sir Nathan can ever spoke like that.

At oo isang taon na kami ni Hitler pero hindi naman lahat iyon ay kami na. Iyong iba noon ay nagtatrabaho lang ako sa kanya. Isa pa hindi ko naman naiisip na talo ako sa relasyong meron kami ni Hitler dahil mahal ko siya. Wala naman yatang talo sa nagmamahal. Yes, I wanted him to marry me pero kung hindi pa siya handang mag propose ano naman ang magagawa ko di ba? Alangan naman pangunahan ko siya. Isa pa ay bata pa naman ako at handa naman akong maghintay.

“Emerald, let’s go.” Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko. Agad napawi ang ngiti ko ng makita ko ang madilim na mukha ni Hitler.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Where stories live. Discover now