19. Liar

21K 570 41
                                    

Nakakatuwa naman na may nababasa ako na silent reader sila pero napapa comment sa kwentong ito ,. maraming salamat sa inyo at kahit gusto niyong ibalibag at ipabugbog si Hitler ayos lng basta huwag lang ako,. ^_^  bwhahahha

Dedicate this chap sa walang pinagdadaanan at nadala lang sa eksena na si Mzyoudontknow

enjoy reading every1 

************************

I was feeling a little bit better habang papaakyat ang elevator na gamit namin ni baby Garnet sa penthouse. Maganda kasi ang panahon dahil hindi masyadong mainit kaya naisipan kong ipasyal si baby Garnet sa labas ng makakita naman ng ibang tanawin aside from the four cornered wall of King Cobra’s den.

Pagkabukas ng elevator ay agad na bumungad sa akin ang apat na malalaking lalaki na naka suot ng itim na polo shirt at may logo na ‘Spearhead’ sa kaliwang bahagi ng dibdib. Ang Spearhead ay isang detective and security company na pag-aari ni Hector. Gumagawa din sila at nagbebenta ng mga gadgets na may kinalaman sa security details. Nakakapagtaka man na nandito sila mismo sa labas ng penthouse unit ni Hitler ay ipinagwalang bahala ko na lang. Ang alam ko kasi lahat ng security personnel ni Hitler ay galing sa Spearhead.

Pagkapasok ko sa penthouse ay hindi ko inasahan na nandun na si Hitler at Bryan sa loob. Masyado pang maaga para umuwi siya mula sa trabaho. Napalunok ako  sa kaba dahil sa uri ng tingin ni Hitler sa akin. Para siyang King Cobra na handa ng tumuklaw sa biktima niya.

“Saan ka galing?” tanong niya  sa akin sa tonong nagtitimpi ng galit.

“Sa-sa labas. Ipinasyal ko lang si baby kawawa naman kasi hindi na nakakalabas ng penthouse.” Nauutal kong paliwanag sa kanya.

“Sino ang kasama mo?” tanong niya ulit na ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha.

“Ako lang.” kinakabahan kong sagot.

“Sinungaling.” Sigaw niya sa akin na halos ikinatalon ko sa kaba at takot. Maging si baby Garnet na nasa stroller ay umiyak sa takot. “Kahit kailan napaka sinungaling mo talaga.”

“Hindi ako nagsisinungaling sa— aawww” hiyaw ko ng dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

“Bryan ang bata.” Utos niya. Naawang napatingin sa akin si Bryan bago kinuha si baby sa stroller.

“Saan niyo dadalhin ang anak ko? Please huwag naman ang anak ko. Ibalik mo ang anak ko.” I was shouting and crying hysterically ng makita kong papalabas ng penthouse si Bryan kasama ang umiiyak kong anak. Pinilit kong kunin si baby Garnet pero pinigilan ako ni Hitler. Ano nga lang ba ang lakas ko kumpara sa kanya? Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang nawawala na sa paningin ko si Bryan kasama ang anak ko. “Hit, parang awa mo na ibalik mo na sa akin ang anak ko.” Umiiyak kong pakiusap sa kanya. I felt so drain.

“That is the price you have to pay for being such a stubborn whore.” Walang emosyon niyang wika. “Binalaan na kita Emerald pero hindi talaga napipigilan iyang kakatihan mo. Pati bata ginagamit mo pang rason para makipag kita ka sa Nathan na iyon. Punyeta, ano ba ang meron sa lalaking iyon na hindi mo maiwan-iwan ha?” galit at halos pasigaw niyang tanong.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Where stories live. Discover now