Triple Danger: Treacherous Co...

By sayonara_chinji

147K 3.6K 841

BOOK 3 of DANGER SERIES 'Mamahalin mo pa rin kaya ako, kung malaman mo ang lahat ng katotohanan na inilihim k... More

AUTHOR'S NOTE ( KAILANGANG BASAHIN!)
CHAPTER 2: I'M HIS WIFE
CHAPTER 3: I DON'T LIKE HER
CHAPTER 4: THINKING ABOUT THE PAST
CHAPTER 5: UNINVITED
CHAPTER 6: THE SHOW
CHAPTER 7: A SONG FOR YOU
CHAPTER 8: UNEXPECTED REUNION
CHAPTER 9: I'M LUCKY TO HAVE YOU
CHAPTER 10: THE LOST CHILD
CHAPTER 11: FRUSTRATIONS
CHAPTER 12: ALL HE KNOWS
CHAPTER 13: ALL SHE KNOWS
CHAPTER 14: VERGARA'S SECRET
CHAPTER 15: I'LL BE YOUR HERO
CHAPTER 16: FAMILY DAY
CHAPTER 17: MY SUBSTITUTE HUBBY
CHAPTER 18: THE LAST THING I WANNA DO
CHAPTER 19: GIRL FROM THE PAST
CHAPTER 20: PERMANENT OR TEMPORARY
CHAPTER 21: SECOND CHANCE
CHAPTER 22: TADHANA
CHAPTER 23: UNINTENDED VOICES
CHAPTER 24: I WISH THAT IT COULD BE LIKE THAT
CHAPTER 25: VERGARA'S SECRET (PART 2)
CHAPTER 26: VERGARA'S SECRET (PART 3)
CHAPTER 27: LOVE THAT LIES
CHAPTER 28: END OF THE ROAD
CHAPTER 29: MALAYA KA NA
CHAPTER 30: COWARDICE
CHAPTER 31: TELL ME
CHAPTER 32: BEHIND CLOSED DOORS
CHAPTER 33: FACING REALITY
CHAPTER 34: HEART OVER MIND
CHAPTER 35: WHEN EVERYTHING'S MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 36: TOMORROW'S JUST A DREAM
CHAPTER 37: CAN SOMEONE TELL ME
CHAPTER 38: BLOOD
CHAPTER 39: WHAT WAS HIDDEN
CHAPTER 40: BECOME EACH OTHER'S TEARS
LAST CHAPTER
Special Chapter
Substitute Ending

CHAPTER 1: THE MOST IMPORTANT MEETING OF HIS LIFE

9.6K 134 16
By sayonara_chinji

TRIPLE DANGER: Treacherous Couple!

CHAPTER 1: THE MOST IMPORTANT MEETING OF HIS LIFE

GLAZY's POV:

9:29 pm

Isang minuto na lang talaga at makakalbo ko na ang lalaking yun!

Kanina pa ako pasilip silip sa bintana para makita kung padating na sya, pero mukhang wala na talagang pag-asa.

9:30 pm

Time is up!

"Gun umakyat ka na sa 'taas. Gabing gabi na, matulog ka na. Yaya patulugin nyo na si Gun!" I said at aktong liligpitin ko na ang mga libro na nasa lamesita.

Hindi ko na napansin na nasa tabi ko na pala si Gun.

"Mommy.." Hinihila nya ang laylayan ng damit ko at mukhang anytime babagsak na ang mga luha mula sa mga mata nya.

I kneel down para magkasing height na kami. Then I hold his little hands.

"Baby don't cry. I promise, tomorrow uuwi ng maaga si Daddy. Is that okay?" Patay ka talaga sa aking lalaki ka! I'll make sure na bawat luhang pumatak mula sa mga mata ng anak ko, pagsisisihan mo!

Tumango sya ng sunod sunod. Pero isang kisapmata lang nya ay dumaloy na ang mga luha sa pisngi nya.

Pinunasan ko ang mga luha nya gamit ang palad ko.

Gabi gabi na lang bang iiyak ang anak ko?!

Nakakainis ka na talaga Kelvin!

"Gun?" Pareho kaming napatingin ni Gun sa biglang nagsalita.

It's him.

Alam naman nya sigurong 3 hours syang late!

"Daddy!" Tumakbo si Gun palapit sa drawing nyang tatay.

Ibinato ni Kelvin sa sofa ang briefcase nya atsaka lumuhod para salubungin ng yakap ang anak nya.

"Why are you still up? Hinintay mo ba si Daddy?" Lokong to! At nagawa pa talaga nyang magtanong huh!

"Yaya, iakyat nyo na si Gun sa kwarto nya." I said dahil alam kong nasa likuran ko na ang yaya ng anak ko.

Automatic na napatingin sa akin si Kelvin.

Tumayo sya at binuhat si Gun.

"Ako na ang magpapatulog sa kanya." Mukha mo!

"Hindi yaya! Kunin mo na si Gun! Ikaw ang magpapatulog sa anak ko." Madiin kong sabi.

"Wifey--"

"Pagod ka di ba?" I asked cutting him off.

Nagform ng small arc ang mga labi nya at alam ko kung anong kalokohan ang iniisip nya ngayon.

Hmp! Feelingerong palaka!

Tinanguan ko si Yaya Cel atsaka nya kinuha kay Kelvin si Gun.

Well hindi na naman umangal si Gun dahil ang pungay pungay na ng mga mata nya. Halatang antok na antok na.

Nang umakyat na sila sa taas, agad na lumapit sa akin si Kelvin.

Hindi ko na nagawang makaiwas sa mahigpit na yakap nya mula sa likuran.

Baluga! Akala mo madadaan mo ko sa paganyan ganyan mo na naman?!

"Kelvin tumigil ka." warning ko sa kanya. Ba naman, pupugin ba ako ng halik sa leeg?! Nakakahiya kapag may nakakita sa amin na maid dito!

"What if I don't want, huh my angry wifey?" He said and he's still kissing me on my neck down to my naked shoulders!

"Sa guest room ka matutulog." I declared.

That made him stop.

Then I got the chance na humarap sa kanya.

Sino bang hindi madadala dito sa lalaking to kapag nakapout na sya?! Aisht! Kamukhang kamukha ni Gun!

"Anong oras na sa relo mo?" Actually hindi sya tanong, isa syang hamon.

"Wifey--"

"Kelvin, matino ang naging usapan natin. Bago mag-7 pm, nakauwi ka na dapat. 3 hours na naghintay sayo ang anak mo. At hindi ito ang una o pangalawa! Ano na naman bang alibi ang sasabihin mo?!" hindi ko na naiwasang magpameywang.

Huminga sya ng malalim bago sumagot.

"Galing ako sa isang importanteng meeting." Ugh! Pagkakatanda ko iyan din ang sagot nya sa akin last night! Ano, gabi gabi may important meeting?!

Napailing ako thinking na sumosobra na tong lalaking kaharap ko ngayon.

"Mas importante pa sa meeting mo sa anak mo?! Sana hindi ka na lang nagpromise sa kanya na babasahan mo sya ng kwento every night! Tutal ako rin naman ang gumagawa ng pangako mo. Hindi mo alam kung gaano sya kaexcited mamili ng libro. Inaasahan nya na uuwi ka lagi ng maaga." Napalunok ako knowing na may natitipon ng mga luha sa mata ko.

Pag tungkol talaga kay Gun sobrang iyakin ko! Nakakainis!

"Wifey look, totoo lahat ng reason na sinasabi ko sayo every time na nalelate akong umuwe. Hindi ako gumagawa ng kwento."

"Fine! Bawiin mo na lang ang promise mo sa kanya." And I left him with those words.

Bakit ba kase sya nagpapromise tapos hindi naman kayang tuparin! Nakakainis yung mga ganung tao!

Apat na taon..

Apat na taon na ang nakalipas nang maging isang buong pamilya kami.

Si Jasbeer Gun ang bunga ng pagmamahalan namin ni Kelvin. Ang korni ng name nya pero wag kang magkakamaling tumawa dahil si Grandpa ang nagpangalan sa kanya! Jasbeer means hero, while yung Gun naman ay hindi ko alam kung saan hinugot ni Sir Vergara. Gusto nya yatang maging pulis ang anak namin ni Kelvin eh! Well mahabang kwento yan.

Masayang magkaroon ng pamilya na matatawag mong iyo talaga.

Naramdaman ko yun.

Pero bakit pakiramdam ko..

unti unting nagbabago ang lahat?

Ayokong isipin na ganoon nga ang nangyayare, dahil kapag inisip ko yun talagang magiging ganoon na ang sitwasyon.

At hindi ko yun matatanggap.

Anyway may tiwala ako kay Kelvin. Hindi ko dapat papasukin sa buhay namin ang mga negative thoughts.

Bago ako dumeretso sa kwarto namin ni Kelvin, dumaan muna ako sa kwarto ni Gun.

I gave him a goodnight kiss bago umalis.

Actually kung ako ang masusunod, ako na lang ang mag-aalaga sa anak ko. Maids and babysitter? Hindi na kailangan! Sa kasamaang palad, hindi lang ako ang magdedesisyon.

May trabaho din ako kaya medyo imposible din ang gusto kong mangyare.

Pero hindi katulad ni Kelvin, talagang may nakaset akong oras para lang kay Gun.

Nagtalukbong ako ng kumot pagkahiga ko sa kama.

Hanggat maaari gusto kong maramdaman ng super busy kong asawa na nagtatampo ako sa kanya. Tingnan lang natin kung gaano sya kamanhid hmp!

A couple of minutes passed nang maramdaman kong may tumabi na sa akin.

Tuloy ang plano. Hindi ako gagalaw kahit anong mangyare.

And then naramdaman ko na lang na unti unting bumababa ang kumot ko.

Sorry ka nalang dahil na-iinis talaga ako sayo ngayon! Grrr!

Hinila ko pabalik ang kumot.

"Wifey?" Wow yung boses nya mukhang nagsisisi na huh.

But still hindi ako nagbabago ng pwesto. Nakatalikod sa kanya at nakatalukbong haha.

"Ni hindi mo man lang ako inalok kumain." Naramdaman kong nahiga na sya sa tabi ko.

Baluga talaga! At bakit ko naman sya aalukin?!

Hindi na ako nakapagpigil, kumawala na ako sa kumot at tiningnan ng masama ang balugang lalaki na katabi ko ngayon.

Napansin nya siguro na nakatingin na ako sa kanya kaya tumingin sya sa akin.

"Hoy lalaki! Kailan ka huling kumain ng dinner dito?!" Well kahit ako nga hindi ko na maalala.

Instead na sumagot, humarap sya sa akin tsaka itinuon ang ulo sa palad nya habang nakaalalay ang braso nya. Yun bang pose na pangpictorial. Baluga talaga!

Nginitian nya ako ng nakakalokong ngiti. At alam ko kung anong ibig sabihin nun.

Inirapan ko sya at tatalikod na sana nang hinawakan nya ang kamay ko.

"Kelvin?!"

"I'm hungry. I want to eat."

Loko talaga tong lalaking to!

"Hindi ko dala ang kaldero. Bumaba ka." Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya pero ayaw nyang bitiwan.

"I don't want to go there." parang bata na sabi nya.

"Baliw ka ba? Eh paano ka kakain? Ugh! Sige na nga ikukuha na kita." Aktong babangon na ako but..

Nagulat ako sa biglaang pagkulong sa akin ni Kelvin sa mga bisig nya.

Now nasa ibabaw ko na sya.

And mukhang nagegets ko na kung anong gusto nya.

"No need. I can eat what's already in here." Without any warning, he kissed me.

What he did next?

Gusto nyo bang ikwento ko?

Nah wag na! Nakakahiya haha!

***

Kinabukasan

"Mommy.. please don't go! Mommy!"

Bumalik ako sa reyalidad nang punasan ni Kelvin ng panyo ang mga basa kong pisngi.

Kahit na ilang oras na kami sa biyahe, naririnig ko pa rin ang boses ng anak ko.

Ayoko talagang umalis eh! Kaya lang utos to ni Grandpa. Bawal tuloy mabali.

Papunta kami ngayon ni Kelvin sa Singapore. May ime-meet syang potential investor and isang malaking kalokohan na gusto pang makilala ng investor na yun ang maganda at swerteng asawa ni Kelvin Josh Vergara! And of course that's me.

"Namimiss ko na si Gun." Kinuha ko kay Kelvin yung panyo at ako na ang nagpunas ng mga luha sa mga mata ko.

"Ikaw lang ba?" I heard him said.

Napatingin tuloy ako sa kanya.

Sa porma nya ngayon parang hindi naman  nya namimiss ang anak namin! Feelingero ever!

Nakasandal ang ulo, nakapikit, may earphone sa tenga at mukhang relax na relax, yan lang naman ang porma nya. Hanep no?

Napailing nalang tuloy ako.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana.

Naulan pa man din ngayon. Naaalala ko lalo si Gun. Gustong gusto kase nun na maligo sa ulan pero syempre hindi ko pinapayagan.

Baby ko..

Nagulat na lang ako nang may biglang gumalaw sa tenga ko.

Akala ko kung ano na, inilagay lang pala ni Kelvin yung isang earphone sa akin. Bale share na kami ngayon sa music.

Fast car ni Tracy Chapman ang kanta.

"Wag ka nang malungkot. Remember that we share the same feelings. Kung anong nararamdaman mo, nararamdaman ko din. Smile now wifey. We'll be back soon."

Well what he said really made me smile.

Minsan lang maging sweet tong lalaking to kaya lubuslubusin na.

Hindi din nagtagal narating na namin ang airport.

At ito ang problema ko..

"Wifey? Di ba sinabi ko ng wag ka ng malungkot?" Napansin nya siguro na bumalik sa pagkakadistort ang mukha ko.

Ito talagang balugang to! Hindi naman ako malungkot eh!

"Hubby.." Ang hina ng boses ko I swear. Nahihiya kase ako. Sasabihin ko ba talaga sa kanya?

"Let's go." Aktong hihigitin na nya ako but I immediately pulled back. Bagay na ipinagtaka nya.

Shit! Hindi ko na yata kayang pigilin!

"Wifey--"

"Kailangan kong mag-cr! Now na!" I finally said.

Bago ako kumaripas ng takbo, kitang kita ko ang pagkabilog ng mga mata niya and his slightly open mouth.

Ang totoo nyan dalawang araw nang hindi maayos ang timpla ng tiyan ko at hindi yun alam ni Kelvin. Kapag kase nalaman nya malamang ipapaconfine nya ako agad. Agad agad talaga!

Pero okay lang naman ako e. Kailangan ko lang talagang ilabas to ngayon. Pasintabi po sa mga kumakain haha.

Pumasok agad ako sa cubicle at ginawa ang kailangang gawin.

Grabe hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong nakain kong masama.

Badtrip talaga.

Then out of the blue ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa suot kong small white body bag at sinagot nang hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?!" imbyerna sino ba tong mokong na to? Panira ng concentration!

[ What the hell are you doing?! Malelate na tayo sa flight natin! ] boses ni Kelvin?

Baluga talaga!

"Hoy Kelvin Josh Vergara! Kung gusto mo ng lumipad, mauna ka na! Lalabas ako dito sa cr in 5 minutes! Bye!"

Nakakainis! Palibhasa hindi nya alam kung anong pinagdadaanan ko ngayon. Ang hirap kaya!

Mabuti na lang hindi na sya tumawag pa ulit pagkatapos nun. Kung hindi kakalbuhin ko sya ng todo!

Lumabas lang ako ng cubicle nang maayos na ang tiyan ko.

Napasulyap ako sa relo ko at nakita kong maaga pa. Kelvin talaga lolokohin pa ako!

Naghugas ako ng kamay and then my eyes roam.

Dalawa lang pala kami dito.

Woah! Nakakatomboy pa ang ganda nya. Artista kaya sya?

Full bangs, matangkad, katawang pang model at kutis artista, yan ang hitsura ng katabi ko ngayon.

Busy sya sa pagreretouch.

Kung ganyan lang siguro ako kaganda, haay!

Then our eyes met.

Ewan ko kung ako lang ba o talagang inirapan nya ako?

Bahala na nga! Ano namang pakialam ko?

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa kasalukuyan kong ginagawa.

Hindi ko na sya nilingon nang umalis na sya sa cr.

I guess hindi ako dapat mangarap ng ganung mukha at katawan. Ano namang use nun kung panget ang ugali? Chaka doll din ang kalalabasan.

Nahagip ng mata ko ang isang bagay na nakapatong sa di kalayuan sa akin.

Cellphone?

Kanino yun?

Kukuhanin ko na sana nang biglang humilab na naman ang tiyan ko.

Sheeete! Naman ooh!

Kulang na lang gumapang na ako para makapasok sa cubicle.

Sheteng buhay to!

Teka! Yung cellphone! Baka may makakuhang iba!

Hmm.. siguro dun yun sa babaeng mataray na nagreretouch kanina. Pwes bahala sya kung may ibang makakuha! Shushunga shunga kase!

Pagkalabas ko ng cubicle, natarget pa rin ng mga mata ko yung cellpone. Nandun pa din sya.

Anong gagawin ko?

Aisht! Kung hindi lang talaga ako ipinanganak na mabait!

Pasalamat sya!

Kinuha ko yung cellphone at dali daling lumabas ng cr.

Saan ko naman makikita yung mataray na babaeng yun?! Ang laki laki nitong airport!

I looked around para hanapin sya.

And what a relief! Nakatigil sya sa gitna ng daan at may kausap syang dalawang guard.

Hinahanap na nya siguro to. Ang baluga kase!

Dahil sa mabait ako nilapitan ko sila.

Napatingin silang lahat sa akin with a question mark sa mga mukha.

And she bursted.

"My phone! You stole it!" sabay hablot ng cellphone sa akin.

Ano daw?!

"Excuse me Miss, hindi ko ninakaw yan! At hindi ako magnanakaw! Iniwan mo ang cellphone mo sa cr! Mabuti nga ibinalik ko eh!" syempre kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

"No! I know you stole it! Ang sama ng tingin mo sa akin kanina!"

Ugh! At ako pa talaga?! Sya nga tong nang-irap eh!

"Thank you lang okay na sa akin. Ang dami mo pang sinabi. Ugh! Ibang klase!" Magbobonggang exit na sana ako kaya lang hinarangan ako ng dalawang balugang guard.

Ano namang problema nitong mga to?!

"Kapag nahuli ako sa flight, babayaran nyo ang ticket ko!" I declared that made them moved out of the way.

Madali naman pala silang kausap eh!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, hinanap ko na agad si Kelvin.

Umuusok na sya sa pagkainip nang dumating ako.

"Five minutes?!" sarcastic nyang tanong.

"Hubby may nangyare kase." Pumulupot ako sa braso nya para mabawasan ang init ng ulo nya.

Lambing lang to okay na haha.

Ikinwento ko sa kanya ang nangyare sa cr at yung heroic act na ginawa ko pero inakusahan pa akong magnanakaw.

Guess what kung anong reaction ni Kelvin. Tumawa lang sya ng bongga! Nakakaasar nga eh! Next time daw wag na akong magfifeeling mabait. Hindi daw bagay.

Hindi kami naiwan ng eroplano at if ever na mangyare yun ipapasara na ni Kelvin itong airport.

Pagkalabas namin sa airport ng Singapore, pumikit ako ng mariin tsaka nagwish.

That caught Kelvin's attention.

"What are you doing?" I heard him asked pero tuloy pa din ako sa pagwiwish sa isip.

And then I opened my eyes.

Nginitian ko sya and said..

"Nagwish ako. First time ko kase dito."

"You're crazy." pailing iling pa sya.

"Whatever! Kapag natupad lang tong wish ko, magtethank you ka pa saken." sabay dila.

He looked away.

"Where the heck is that freakin' car?!" Hinubad nya yung shades nya. Kitang kita tuloy ang magkasalubong nyang mga kilay.

Ah! May dala nga pala akong camera!

Nagpromise ako kay Gun na pipicture-an ko ang lahat ng makikita ko dito sa Singapore.

Mas mabuti siguro kung magstart na ako ngayon.

I kneel down para buksan ang traveling bag ko BUT!

But my eyes fell.

This is NOT MINE!

I mean kulay pink nga sya pero walang name plate ko! Yun sa akin kase para syang customized, may nakadikit na name ko which is nakaukit sa parang steel plate.

Oh no.. Nasaan na ang traveling bag ko?!

I stood up at hinila ko ng bahagya ang sleeve ng suit ni Kelvin.

He automatically looked at me.

"Hubby.. nagmagic ang traveling bag ko."

"Wifey ano bang sinasabi mo?"

Tinuro ko yung traveling bag ko.

"Hindi yun sa akin." bulong ko sa kanya.

He examined it at nang maconfirm nya na iba nga yun..

"Shit! Are you really crazy?! Bakit ibang maleta ang kinuha mo?!" kung makabulyaw wagas. Pinagtitinginan na tuloy kami.

"Hindi ako! May nagpalit! Kelvin hindi ako ganun ka tanga para magkamali sa pagkuha ng maleta!"

"And whose that freaking idiot na kumuha ng hindi kanya?!"

"Ayun! Yun ang maleta ko! Kelvin sundan natin!" I yelled pointing to the taxi driver na naglagay ng maleta ko sa compartment ng taxi.

Hindi ako pwedeng magkamali. May black ribbon kase yun sa hawakan.

Hihilahin ko na sana si Kelvin kaya lang may biglang humarang sa daan namin.

"Mr. Kelvin Josh Vergara?" Isang lalaki na nakaformal attire.

"Kelvin nakaalis na yung taxi!" I said. Actually nagpapanic na talaga ako. Maraming importanteng bagay sa loob nun. Kasama na ang toy car ni Gun. Dinala ko pa man din yun para mabawasan ang pagkamiss ko sa kanya.

Then hinigit na lang ako bigla ni Kelvin papasok sa kotse.

"Follow that cab." Sabay turo ni Kelvin sa kakaalis lang na taxi.

Para kaming lumipad na ewan sa sobrang bilis.

Tumigil ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang malaking hotel.

"What a coincidence. This is also the place we'll be staying at."

Eh?

Sinundan ko na lang si Kelvin papasok sa hotel.

Hinanap ko yung may dala ng maleta ko but I can't see him! Hindi ko nga alam kung babae o lalaki sya eh. Pero malamang babae kase kulay pink yung maleta.

Kinausap muna ni Kelvin ang front desk officer tsaka kami sumakay ng elevator papunta sa room namin.

"Hubby! Paano natin malalaman kung saang kwarto nag-iistay yung kumuha ng maleta ko?!" I desperately asked. Imposible na yata.

Itinabi ni Kelvin ang maleta nya sa gilid ng kama. And yung maleta ko na hindi naman akin? Ayun iniwan nya lang sa bukana ng pinto.

"Connections. As a Vergara, dapat alam mo yun. It's a necessity para makuha mo ang gusto mo."

"Ganun ba? So alam mo na agad kung nakanino yung maleta ko?" Pangungulit ko sa kanya.

Instead na sumagot pinaupo nya ako sa kama.

"Stay here. Ako na lang ang kukuha." He said.

"Pero Kelvin gusto kong sumama!" Pilit akong tumatayo pero nakatuon ang mga kamay nya sa balikat ko.

"Wifey please makinig ka naman sa akin."

Tss! Pero gusto ko talagang sumama eh.

Gusto kong tadyakan at sabunutan yung bulag na kumuha ng gamit ko!

Nakalabas na ng kwarto si Kelvin nang mabuo ang isip ko na sumama talaga.

I headed to the door pero bago ko tuluyang mabuksan ang pinto may narinig ako that made me stop.

"Thea?"

"It's good to see you again, Josh."

Josh?

Binuksan ko ang pinto at nagulat sa nakita ko.

Sya yung mataray na babae na nakaiwan ng cellphone!

Magkakilala sila ni Kelvin?

xoxo
Finally nakapagpost na din ako ng chapter 1! Sorry po sa mga nainip. Salamat sa mga nakapaghintay. lablab ♥ Rated SPG yata tong book 3 hahaha! Kawaii Theadeguzman! Sabi ko sayo bongga role mo dito eh. Anyway.. sino kaya si Thea sa buhay ni Kelvin?
Salamat ulit readers ♥
sayonara_chinji

Continue Reading

You'll Also Like

30.5K 362 36
Who can see the REAL ME behind my cool and strong facade?
1.2M 17.5K 78
❗❗UNDER EDITING ❗❗ Ito ay storya tungkol sa babaeng nag ngangalang ANGELA. Before, she's a good girl more likely an angel. But all of that had change...
146K 3.1K 50
Ano nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting...
41.2K 8.8K 52
"Fixing Aitana" is a delightful rom-com that revolves around Aitana, a renowned actress who recently went through a breakup. While navigating the ups...