Status: Single But Married [U...

By OfficiallyYours143

1.8M 23.5K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... More

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter FiftyNine

25.3K 355 13
By OfficiallyYours143

Here's chapter 59 guyz please d0nt f0rget t0 v0te ^_____^

Chapter FiftyNine

 

 

Lorraine’s POV

Idinilat ko ang mga mata ko at minasahe ang ulo ko ng mga kamay ko dahil sa sakit nito. Bahagya akong bumangon para silipin ang asawa ko dito sa tabi ko pero wala siya. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto kahit na parang nahihilo ako.

                                                                                                                                            

“Oh Hija gising ka na pala.”

“Magandang umaga ho manang. Si Kyle?” Si manang Remy yun yung kasambahay namin. Kinuha siya ni Kyle tatlong buwan na ang nakakaraan, ayaw na daw niya akong naglilinis at gumagawa ng mga gawaing bahay kaya kumuha na siya ng kasambahay. Mejo may edad na si manang Remy kaya ako nag po-po sakanya, halos kasing edad niya na kasi yung namayapa kong ina kaya parang nanay na rin yung turing ko sakanya.

“Knina pa siya umalis.”

“Huh?” Nagtatakang tanong ko. “Maaga ho siyang umalis?”

“Naku mam hindi. Late na nga siyang naka alis kanina dahil hinihintay ka sigurong magising.”

Hinihintay niya akong magising?

Tumingin ako sa digital clock sa may sala. “Quarter to one?!” Halos mapasigaw ako nang makita ko yung oras. Ibig sabihin tinanghali ako ng gising. Nanlaki pa yung mga mata ko nang makita yung date na nakalagay doon. Teka, anniversary namin ngayon ah.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto sa taas habang hawak hawak ko ang tiyan ko. Oo malaki na yung tiyan ko kahit na mag se-seven months palang.

Pumunta ako sa may closet at pumili na ng damit na isusuot. Bakit kasi sa dinami rami pa ng araw na pwede akong ma late magising sa araw pa na to. Pumunta ako sa bathroom at naligo na, pagkatapos kong maligo nag ayos lang ako sandali at bumaba na ako.

Pagbaba ko nakita ko na si manang na nakabihis na, alam niya na siguro na aalis kami kasi sinabihan ko na siya kahapon na mag go-grocery kami. Kaya lang ako naman itong na late na nagising.

“Ang ganda niyo naman mam, mamamalengke lang tayo.”

Naku si manang nambola pa. “Salamat ho.”

“Tatawag na ba ako ng taxi?”

“Huwag na ho. Mag da-drive na lang ako, baka abutin tayo ng gabi sa kakahintay ng taxi eh.” Kinuha ko yung susi ng kotse sa bag ko at lumabas na ako ng bahay.

“Hija ang sabi ng asawa mo bawal ka raw mag drive. Gusto mo tawagan ko yung pinsan mo?”

“Huwag na, kaya ko naman ho at isa  pa nasa school yun busing busy kaya hayaan nyo na.” Humarap ako sakanya. “Huwag nyong sasabihin kay Kyle to manang ha. Secret lang natin.” Nilagay ko sa labi ko yung isa kong daliri at nag ‘shhh’ sign ako sakanya.

“Naku itong batang ito talaga. Kapag nanganak ka ng wala sa oras huwag mo akong sisihin ha.”

“Salamat manang.” Lumapit pa ako sakanya at yumakap bago tuluyang sumakay ng kotse.

Habang nagmamaneho kinuha ko yung selepono sa bag ko at iniabot ko kay manang. “Pwede po bang paki tignan kung nagtext sakin si Kyle?” Ayoko kasing tanggalin sa daan yung mga mata ko baka mamaya maaksidente pa kami ni manang.

“Oo nag text nga siya ang sabi niya happy anniversary honey. I love you.”

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti dahil sa narinig ko kay manang.

Hininto ko yung sasakyan dahil naka red yung traffic light. Kinuha ko yung phone ko at tatawagan ko na sana siya nang biglang mag ring yung selepono ko. Kinuha ko naman yung earpiece at kinonekta ko yun sa selepono ko.

[Hi hon!]

“Hi happy anniversary.”

[Happy anniversary. Kakagising mo lang no.] Tanong niya.

Paano niya nalaman? Tumingin ako kay manang at nag iwas siya ng tingin. Si manang talaga, sinabi ko nang huwag na siyang mag rereport sa asawa ko pero ang kulit parin.

“Ahm.. Hindi naman, kanina pa ako gising.”

[So, anong ginagawa mo ngayon?]

“Nasa ba--”

*Beeeeeeeep*

Hindi pa ako tapos magsalita nang biglang bumusina yung kotse sa likod namin. Tinignan ko yung traffic light at nakita kong naka green na pala yun. “Oo eto na nga oh.” Agad agad kong pinaandar yung kotse dahil galit na galit na yung nasa likuran name.,

[Honey nasan ka?]

“Nasa bahay nga—“ Natigilan ako nang maalala ko.

[Nasan?]

“N..nasa.. labas ng bahay?”

[Talaga? Eh bakit parang ang dami kong naririnig na sasakyan jan?]

Huh? Paano niya narinig?

Tinignan ko si manang at binuksan pala niya yung bintana. Kinalabit ko siya at sinenyasan na isarado yung bintana, ginawa naman niya pero huli na dahil mukhang alam na ni Kyle na umalis ako ng bahay. Haaay naku eto talagang si manang kahit kailan.

[Kasama mo si manang Remy?]

“Oo, mamamasyal lang naman kami sandali. Magpapahangin lang.”

[Oh sige, pero huwag kang magpapagod ha.]

“Opo.”

[Kapag napagod ka na umuwi na kayo. Mag taxi kayo pag-uwi ha.]

“Opo.”

[Okay sige. Mag-iingat ka, I love you.]

“I love you too. Ay hon, maaga ka palang umuwi mamaya ha.”

[Bakit?]

“Wala lang.” Ayoko ngang sabihin sakanya na may surprise ako.

[Hindi pwede. Mag o-overtime ako.]

“Anniversary natin mag o-OT ka? Oh sige na nga, bahala ka na. Binabawi ko na yung I love you ko bye.”

Ibinaba ko na yung tawag at nag focus na lang ako sa pagmamaneho ko. Maya-maya pa nag ring yung selepono ko. Hindi ko yun pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag da-drive.

“Mam nagri-ring yung phone mo bakit hindi mo sagutin?.

“Manang obvious ba? nagmamaneho kasi ako at ayokong mabangga.”

“Sus kani-kanina lang sinagot eh.. Pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan..”

“Manang bumulong ka pa narinig ko naman. Hayaan nyo nga yan kung ayaw nyang umuwi ng maaga. Busy daw siya sa trabaho niya kaya hayaan niyo na siya. Baka nasasayang pa yung oras niya sa pagtawag niya sakin.”

“Hay naku ikaw talaga buntis, hindi ka na mabiro ng asawa mo. Sagutin mo na.”

“Ayoko, hayaan niyo na lang yan jan.”

Lumingon ako kay manang Remy. “Oo nga pala manang!” Singhal ko sakanya. Natawa pa ako nang magulat siya ahaha hindi ko naman sinasadya na magulat siya. Mejo natawa pa ako pero pinigilan ko dahil kunware galit ako.

“A..a..ano yun?” Dahan dahan pa syang tumingin sakin. Yung paglingon niya yung parang sa horror movie na dahan dahan na lumilingon.

“Nag report na naman kayo noh?” Hindi siya sumasagot. Alam ko na siya yung nagsabi sa asawa ko na aalis kami. “Hindi niyo naman siguro sinabi na nag drive ako diba?”

“Naku mam hindi.” Mabilis pa sa alas kwatro yung pag-iling niya. Hahaha nakakatawa tlaga tong si manang kung minsan.

“Talaga? Promise?”

“Promise mam. Sinabi ko lang kung anong oras kayo nagising dahil sabi niya i-text ko raw siya kapag nagising na kayo.” Paliwanag niya. “Si ser talaga oh, ipapahamak pa ako.” Bulong niya sa huli pero narinig ko naman.

“Okay lang hindi naman ako galit eh. Joke lang yung galit galitan ko manang.”

“Ah ganun ba. Oh edi sagutin mo na yung tawag niya.”

Kinuha ko yung selepono ko at pinatay ko na muna yun. Mamaya ko na siya tatawagan dahil malapit kami sa supermarket eh. Magpapamiss na muna ako sakanya.

Ipinarada ko na yung sasakyan at bumaba na kami ng kotse. “Manang dala niyo ho ba yung listahan?”

“Anong listahan?”

“Listahan ng mga bibilhin natin.”

“Wala ka namang binigay sakin.”

“Wala?” Eh saan ko nilagay yung listahan na isinulat ko kagabi? “Sigurado ka manang? Hindi ko ho ba iniabot sainyo kagabi?”

“Sigurado akong wala kang binigay sakin mam.”

Kung ganun nasan na yun? “Teka lang manang ha.” Ipinatong ko muna yung bag ko sa may kotse at hinalungkat ko yung bag ko, tinignan ko kung nandun yun pero wala eh. Saan ko ba nilagay yun? Isip.. isip.. Sumasakit lang yung ulo ko kapag iniisip ko.

“Huwag na lang kaya tayong mag lishatan mam. Pagdating doon sa loob hanapin na lang natin yung mga sangkap.”

“Mabuti pa nga ho.” Ayoko ng mag-isip isip muna dahil feeling ko mas lalo ko lang makakalimutan kapag pinilit ko pa. Naglakad na kami papasok at kumuha na si manang ng push cart.

Nakakainis talaga, bakit ba kasi hindi ko matandaan kung saan ko nilagay yung listahan na yun. Napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw lagi na lang akong nagiging makakalimutin kahit mahaba naman yung tulog ko. Oo mahaba nga yung tulog ko, palagi nga akong tinatanghali ng gising kahit na maaga akong matulog, kagaya na lang ngayon. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati. Dala lang siguro ng pagbubuntis ko.

“Hija mga ilang tomato sauce ba ang bgagamitin mo?”

Hindi ko napansin na kinakausap pala ako ni manang. “Mga apat ho siguro. Yung malaki na.”

“Ang dami naman nyan mam. Darating ba yung mga biyenan niyo?”

“Inimbitahan ko sila pero hindi ko alam kung darating sila.” Alam ko galit parin sakin yung lola ni Kyle at hindi ko alam kung makakapunta nga sila mamayang gabi. Naalala ko na naman yung nangyari tatlong buwan na yung nakakalipas.

 

 

*Flashback..*

 

Kakalabas ko lang ospital ngayon at umuwi na ako sa bahay. Hinatid lang ako dito ni Jacob tapos umalis na siya dahil may report daw siya sa school. Ang sabi ng doctor ko kailangan daw doon muna ako pero ayoko na kasi doon at isa pa uuwi na bukas si Kyle kaya dapat nandito lang ako sa bahay. Isusurprise ko nga kasi siya diba.

Magpapahinga muna ako dahil napagod ako sa biyahe kahit na sandali lang yun. Ganito siguro talaga kapag buntis ka ang dali mong mapagod. Hindi pa man ako nakakatagal dito sa kinauupuan ko nang may marinig akong makina ng kotse na tumigil. Sumilip ako sa bintana at nakita kong iniluwa ng kotse nay un ang biyenan ko kasama si mamita.

Agad silang pumasok sa bahay kaya naman agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Hindi pa ako nakakalapit sakanila nang bigla niyang ibato sa mukha ko ang isang malaking brown envelope.

 

“Now I’m giving you my time to explain all of this!” Galit na galit na sabi niya.

 

“Mom please calm down.” Pag-aawat naman ni mama sakanya.

 

“A..an..ano po ito?” Nagtatakang tanong ko. Nakakatakot yung mukha niya at parang kahit anong oras pwede niya akong lkainin ng buhay.

 

“Nagmamaang-maangan ka pa? Why don’t you open it?!”

 

Hindi na ako sumagot pa at binuksan ko na lang yung envelope. Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko yung nakasulat doon. Nakalagay sa papel na yun ang kasunduan na magpapanggap akong asawa niya sa loob ng isang taon at babayaran niya ako, pagkatapos ay mag-hihiwalay kami.

 

“You’re not going to say anything? ARE YOU NOT GOING TO DEFEND YOUSELF?!”

 

“Mama please. Baka makasama sainyo to.” Pinipigilan siya ni mama ngayon.

 

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanila. Kinakabahan ako sa sobrang takot. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko at alam kong ano mang oras ay babagsak ang mga ito. Sobra akong nasaktan sa nalaman ko at sobrang sakit nun, parang sinaksak ng isang daang beses ang puso ko.

 

“Bakit nyo nagawa samin to? Paano nyo kami nagawang lokohin? Kaya pala hindi nyo kami mabigyan ng apo ay dahil fake lang ang kasal nyo!”

 

Napatingin ako kay mamita dahil sa sinabi niya at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Hindi po totoo yan, buntis ako po at dinadala ko ang anak namin ni Kyle. Gusto kong sabihin yun sakanila pero nilalamon ako ng takot at kahit ata ang sarili kong boses ay tinraydor ako ngayon. Napahawak na lang ako bandang tiyan ko.

 

“Kung wala ka rin lang sasabihin. Magsimula ka ng mag-empake. Ayokong madatnan ka pa dito ng apo ko.”

 

Napatingin ako kay mamita nang sabihin niya yun sakin. Aalis na sana sila pero pinigilan ko silang maka-alis. “Mamita hindi nyo ho pwedeng gawin sakin to.” Sabat ko sakanila habang palabas sila ng pinto. “Please hintayin ho natin ang asawa ko.”

 

“How dare you to call him your husband, when you know everything is lie!”

 

“M-mamita please..” Pagmamaka-awa ko sakaniya pero parang buo na talaga ang pasya niya. Hindi niya ako pinansin at dumiretso siyang lumabas ng bahay. Naiwan si mama na nakatingin lang sakin ngayon. “M-mama.. Please kausapin nyo naman ho si mamita oh. Please po parang awa niyo na…”

 

Nakita ko pa siyang bumuntong hininga bago siya tuluyang magsalita. “Kilala mo si mamita, kung anong sinabi niya kailangan masunod.” Hinawakan niya yung pisngi ko na puno ng luha. “Gusto kita para sa anak ko Lorraine pero bakit kailangan niyo pa kaming lokohin? I’m sorry pero hindi kita matutulungan sa bagay na to.”

 

Lumabas na rin siya ng bahay pero sinundan ko parin sila hanggang sa may kotse dahil hindi pa siya nakakasakay. “Mama please patawarin niyo ho ako, wala ho talaga akong alam dito please maniwala po kayo sakin. Mahal po ako ni Kyle. Mahal po ako ng asawa ko at hindi niya to magagawa sakin.”

 

Tumingin sakin si mamita at galit nag alit parin ang mukha niya. “Huwag mo na syang hintaying makabalik pa. I want you to leave this house as soon as possible, ayokong datnan ka pa dito ng apo ko.”

 

“Please.. Huwag niyo hong gawin sakin to.” Hinawakan ko yung kamay ni mamita pero tinanggal niya lang yun.

 

“Ano pa bang kailangan mo sakanya? Hinihintay mo ba na bayaran ka nya? Fine!” Binuksan niya yung bag niya at may kinuha syang kung ano doon. “Sampung milyon yan. I want you to get out of this house NOW!! And I want you to get out of my grandsons life!”

 

Nagulat ako sa sinabi niya at hinagis niya pa sa mukha ko yung cheke. “H-hindi ko ho to matatanggap.” Nnginginig pa yung boses ko nang sabihin ko iyon.

 

“Of course hindi mo tatanggapin yan dahil alam mo na mas malaki ang makukuha mo kapag hindi mo hiniwalayan ang apo ko, hindi ba?”

 

“N-nagkakamali ho kayo.. Hindi ho yun dahil dun. Mahal ko ho ang apo nyo at..” Hinawakan ko yung tiyan ko. “Dinadala ko ho ang anak nya.”

 

Nanlaki ang mga mata niya at gulat na gulat na tumingin sakin nakita ko rin na napatingin si mama.

 

“Buntis ka?” Tanong sakin ni mama.

 

“Opo.. B-buntis ho ako..”

 

“Edi ipalaglag mo ang bata. Gamitin mo yang pera na ibinigay namin sayo.”

 

Nagulat ako sa sinabi niya sakin. Ipapalaglag ko yung bata?

 

“Mama!” Narinig kong kumontra si mama pero wala rin siyang nagawa.

 

“Sakay na sa kotse. Malay pa natin kung anak talaga yan ni Kyle.”

 

At tuluyan na nga silang naka alis. Nanlambot yung mga tuhod ko dahil sa mga narinig ko at napaupo na lang ako sa sahig. Hindi sila naniniwala na anak to ni Kyle? At gusto pa nilang ipalaglag ko yung bata? Hindi, hindi ko gagawin yun.

“Hija magbayad ka na, wala akong pang abono.”

Bumalik lang ako sa sarili ko nang marinig kong magsalita si manang. Tumingin ako dun sa kahera at naka ngiti lang ito sakin. Sa dami ng iniisip ko hindi ko alam kung nakumpleto na ba namin yung mga binili namin.

Nagbayad na ako at tinulungan naman kami nung bagger na dalhin sa kotse yung mga pinamili namin.

“Mam hindi ba kayo nagtataka na kumpleto yung mga pinamili natin?” Tanong sakin ni manang habang nagmamaneho ako pauwi.

“Huh? kumpleto?”

“Oo. Eh kasi sinend sakin ni ser yung listahan niyo. Eto oh.” At itinapat pa niya sa mukha ko yung listahan.

“Paano napunta sakanya yan?”

“Ewan ko.”

Nagkibit balikat lang siya at binaling ang tingin sa bintana. Huh? Paano napunta sakanya yun? Eh surprise ko yun sakanya eh. Nakakainis siya, nalaman niya tuloy, hindi na yun surprise.

PAGDATING sa bahay nilapag na ni manang yung mga pinamili namin dun sa kusina at ako naman umupo muna ako dito sa couch dahil sa sobrang pagod.

“Mam umpisahan ko nang hiwain yung mga sangkap ha.”

“Oo sige ho manang. Magpapahinga lang ako sandali tapos tutulungan ko na kayo jan.”

Habang naka upo ako dito sa couch kinuha ko yung selepono sa bag ko at binuksan yun. Natawa ako nang makita ko yung inbox ko halos kay Kyle lahat yun at may text din si Kat pati si Jacob binabati lang nila kami at sinabing makakapunta daw sila mamayang gabi. Babasahin ko na sana yung text ni Kyle pero bigla syang tumawag.

Ano ba? sasagutin ko o hindi?

Sige na nga sasagutin ko na. Baka mamaya umuwi pa to ng wala sa oras eh.

“Hello? Sino to?” Kunwari hindi ko alam kung sino yung tumatawag.

[Honey naman. Bakit mo binaba yung tawag ko kanina? Tapos pinatayan mo pa ako ng cellphone.]

“Huh? Sino ka ba? baka wrong number ka lang. Bye.”

[Honey naman!]

“Oo na biro lang. Bakit ka ba tumatawag? Eh diba ang sabi mo busy ka at kailangan mong mag OT?”

[Anniversary natin ngayon kaya uuwi ako ng maaga. Tatapusin ko agad yung trabaho ko para sayo.]

“Talaga?”

[Oo. Huwag ka ng magtampo ah?]

“Sige. Pero dapat dalhan mo ako ng ice cream pagdating mo ah. Gusto ko carrot flavor ha.”

[ANO??Carrot flavor?]

“Oo nga. Carrot. Sinisigawan mo ba ako?”

[Ah hindi honey. Pero saan naman ako hahanap nun?]

“Ewan ko sayo. Nung isang araw nakahanap ka naman ng ampalaya flavor ah. Mas madaling hanapin yung carrot kesa sa ampalaya honey.”

Narinig ko siyang bumuntong hininga hahaha. Eh bakit ba? eh sa gusto kong kumain ng ganun. Mapili talaga si baby, gusto niya ng healthy food. [Oo sige hahanapan na kita.]

“Thank you honey. I love you.”

[Ahh.. Honey may tanong ako?]

“Ano yun?” Masayang tanong ko sakanya.

[Paano pag hindi ako nakahanap ng ganun?]

“Huwag kang umuwi ng bahay!” Pagkasabi ko nun binabaan ko siya ng tawag. Bahala siya, basta dapat pag-uwi niya may dala siyang ganun.

Tumayo na ako at tinulungan ko na si manag sa kusina. Ang sabi ko kasi sakanya siya na yung maghiwa at mag prepare sa mga ingredients tapos ako na yung magluluto. Gusto ko kasi ako yung magluluto sa mga kakainin namin mamayang gabi.

“Alam mo mam? ang cute nyong tignan ni ser.” Napatingin ako kay manang na busing busing naghihiwa ng mga gulay sa may mesa. “Para kayong mga teenager na nagliligawan.”

“Talaga ho?” Matawa tawang sabi ko.

“Oo, para kayong yung sa pinapanood ko sa telebisyon. Nagkakakilala sila, nagligawan, naging mag nobyo tapos ikinasal. Oh diba happy ending? Ganun na ganun kayo ni ser.”

“Si manang talaga. Ayan yung napapala niyo sa kakanood niyo ng mga love story. Binabase niyo na yung mga nakikita niyo sa mga teleserye.”

“Hindi ah. Hindi naman lahat ng istoryang napapanood ko ay happy ending. Meron din namang sad ending gaya ng Romeo and Juliet, A Walk to Remember, Endless Love at Starting Over Again.”

Napaisip ako sa sinabi sakin ni manang. “Manang bakit kaya ganun?” Tanong ko sakanya. “Kung hindi naman pala kayo nakatakda para sa isa’t isa, bakit kailangan niyo pang magkakilala?”

“Ganun talaga hija.” Sagot niya naman habang binabanlawan yung mga gulay na nahiwa niya. “May mga taong nakatakdang magmahalan pero hindi nakatakdang magkasama habang buhay. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay natin. Hindi man natin alam kung ano yun pero balang araw magigising ka na lang at sasabihin mo sa sarili mo na ganito pala ang dahilan kaya iyon nangyari na ito pala ang dahilan kung bakit ko siya nakilala. Hindi naman natin agad na makukuha yung sagot, dahil lahat ng bagay ay dumarating sa tamang panahon.”

“Pero nakakalungkot naman yung ganun. Parang mas gugustuhin ko pang hindi ko na lang siya nakilala kesa sa nakilala ko nga siya pero iiwan ko rin siya at malulungkot siya.” Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa narinig ko kay manang. Kapag ganito na yung usapan lagi na lang akong nalulungkot.

“Naku hija hayaan mo na nga iyon. Bakit ba tayo napunta sa topic na yun? Eh yung love story nyo ni ser yung pinag-uusapan natin.”

“Kalimutan na lang natin yun manang. Tapusin na natin to dahil baka dumating na yung dalawang estudyante namin.”

“Mabuti pa nga.”

Tinuon ko na lang yung pansin ko sa pagluluto ko at hindi ko na lang pinansin yung pinag-usapan namin ni manang. Dapat matapos to ng mga 6:30 para pagdating nila kakain na lang kami.

“Manang tikman niyo nga kung masarap.” Kumuha ako ng kutsara at sinalinan ko yun ng sarsa ng caldereta.

“Okay na siya. Ang sarap mo talagang magluto.”

“Talaga? Tingin niyo magugustuhan na to ng asawa ko?”

“Oo naman. Kung ako yung asawa mo? Ay naku malamang araw-araw maaga akong uuwi.”

“Naku kayo talaga manang napaka bolero niyo. Oh sige papatayin ko na to, paki lagay na lang ho dun sa pyrex.”

“Okay ako nang bahala.”

“Salamat ho.” Pupunta na sana ako sa may mesa nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Kumapit ako sa upuan at hinila ko yun para maka-upo ako dahil pakiramdam ko mawawalan na ako ng balanse, napahawak ako sa may bandang ulo ko. Sumusumpong na naman yung sakit.

“Hija okay ka lang?” Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si manang.

“Okay lang ho. Napagod lang siguro ako.” Tumayo ako pero hawak ko parin yung ulo ko na sobrang sakit. Pero pagtayo ko may napansin akong dugo na pumatak sa palad ko.

“Naku hija! Dumudugo yung ilong niyo!”

Kyle’s POV

Nasa office ako ngayon at walang ginagawa. Actually, hindi na sana talaga ako papasok ngayon dahil anniversary naming kaya lang yung maganda kong asawa ayun natutulog pa nung umalis ako kaya napag-isipan ko na lang na pumasok kahit wala naman akong gagawin. Binilhan ko siya ng regalo pero maamayang gabi ko pa ibibigay sakaniya.

Kanina pa ako naka tingin sa phone ko at wala akkong narereceive na kahit anong text kay manang Remy. Ang sabi ko sakaniya i-text niya ako pag nagising na yung reyna pero hanggang ngayon wala paring text.

Sigh.. Nababagot na talaga ako dito, hindi ako makapag hintay na maka-uwi ng bahay. Ngayon kasi ako mag po-propose sakaniya. Kinakabahan na nga ako ngayon eh. Mag practice muna kaya ako?

Tumayo ako at inayo ko yung postura ko. “Ehem.. ehem.. Honey.. I wanna tell--” Hindi ko pa nakukumpleto yung speech ko nang bigla kong marinig yung phone ko. Agad akong tumungo sa table at tinignan ko yung text. Tamang tama nag text si manang pagbukas ko ng message niya as usual hindi ko na naman maintindihan.

‘Gud mowniin xir. Guixing na foeh xi mem. Naligoe lng foeh aalx dw foeh kmii. Txtbk.’

Textback lang ata yung naintindihan ko sa text niya. Si manang talaga ang jeje. Tinawag ko yung secretary ko at pinabasa ko sakaniya, ipinaliwanang niya naman kaya ayun na gets ko rin.

Hindi ko na lang siya nireplyan dahil kapag nag text na naman yun siguradong hindi ko na naman maiintindihan. Tinawagan ko na lang mismo si Lorraine para siya na lang yung maka-usap ko.

“Hi hon!”

[Hi happy anniversary.]

Akala ko nakalimutan niya na. “Happy anniversary. Kakagising mo lang no?” Tanong ko sakanya kahi na alam ko naman yung totoo.

Mejo matagal bago siya nakasagot sakin.

[Ahm.. Hindi naman, kanina pa ako gising.]

“So, anong ginagawa mo ngayon?”

[Nasa ba--]

Hindi niya naituloy yung sinasabi niya nang may marinig akong bumusina. Umalis na naman siya ng bahay, ang kulit niya talaga sinabi na ng doctor niya na mag pahinga lang siya at huwag labas ng labas pero ang tigas parin ng ulo.

[Oo eto na nga oh.]

“Honey nasan ka?”

[Nasa bahay nga—]

“Nasan?” Tanong ko uli sakanya. Alam kong nagsisinungaling siya dahil sinabi na sakin ni manang na umalis sila ng bahay. Isa pa ang dami ko ring naririnig na mga sasakyan.

[N..nasa.. labas ng bahay?] Hindi siya sigurado sasagot niya. Ganyan siya kapag nagsisinungaling. Hindi siya diretsong magsalita.

“Talaga? Eh bakit parang ang dami kong naririnig na sasakyan jan?” Hindi siya sumagot. “Kasama mo si manang Remy?”

[Oo, mamamasyal lang naman kami sandali. Magpapahangin lang.]

See? Nsabi na eh. Alam na alam ko to kapag nagsisinungaling. Tsk. Tsk! Pasaway talaga.“Oh sige, pero huwag kang magpapagod ha.”

[Opo.]

“Kapag napagod ka na umuwi na kayo. Mag taxi kayo pag-uwi ha.”

[Opo.]

“Okay sige. Mag-iingat ka, I love you.”

[I love you too.] Ibababa ko n asana pero nagsalita pa siya. [Ay hon, maaga ka palang umuwi mamaya ha.]

Huh? Maaga naman ako lagging umuuwi ah. “Bakit?” curious na tanong ko.

[Wala lang.]

Natawa naman ako sa sagot niya. Asarin ko kaya siya? “Hindi pwede. Mag o-overtime ako.”

[Anniversary natin mag o-OT ka? Oh sige na nga, bahala ka na. Binabawi ko na yung I love you ko bye.]

“Teka lang honey joke lang yun.” Hindi niya na narinig yung sinabi ko dahil pinatay niya na yung phone niya. Ang bilis uminit ng ulo. Tsk tsk! Alam mo naman kasing buntis yung asawa mo aasarin mo pa. Tinawagan ko uli siya ng ilang beses pero hindi niya na yun sinagot. Tinext ko na lang siya at nagpa sorry ako.

Tumayo na ako at ibinulsa ko yung phone ko pero may nahawakan akong papel sa loob ng bulsa ko. “Ano to?” Kinuha ko yun at tinignan kung ano yung nakasulat. “listahan? Paano naman napunta to sa bulsa ko?” Kinuha ko uli yung phone ko at pinicturan ko yung listahan saka ko sinned kay manang. Kaya siguro sila lumabas para mamili, kaya lang ang mali niya nalagay niya sa bulsa ng pants ko yung listahan niya. Makakalimutin talaga.

AGAD kong tinapos yung mga trabaho ko sa araw na to at ipina-cancel ko na rin yung mga meeting ko. Uuwi na lang ako ng maaga kahit na alas tres pa lang. Hindi na kasi ako makapag hintay na maka-uwi ng bahay. Lumabas na ako ng office at sumakay na ng sasakyan ko pero chineck ko muna yung phone ko bago ko pinaandar yung makina. May nag text sakin si manang.

 ‘JGH xir.’

Huh? Ano na naman ba yun? Hindi ko maintindihan yung text ni manang kaya tinawagan ko na lang yung asawa ko, mabuti na lang at nag ri-ring na ngayon. PAgkatapos ng tatlong ring sinagot niya na.

[Hello? Sino to?]

Anong sino to? Pasaway talaga to. “Honey naman. Bakit mo binaba yung tawag ko kanina? Tapos pinatayan mo pa ako ng cellphone.”

[Huh? Sino ka ba? baka wrong number ka lang. Bye.]

Talaga namang nang-aasar pa siya. “Honey naman!”

[Oo na biro lang. Bakit ka ba tumatawag? Eh diba ang sabi mo busy ka at kailangan mong mag OT?] Masungit na sabi niya.

“Anniversary natin ngayon kaya uuwi ako ng maaga. Tatapusin ko agad yung trabaho ko para sayo.”

[Talaga?] This time alam ko na masaya na siya.

“Oo. Huwag ka ng magtampo ah?”

[Sige. Pero dapat dalhan mo ako ng ice cream pagdating mo ah. Gusto ko carrot flavor ha.]

“ANO?? Carrot flavor?”

[Oo nga. Carrot. Sinisigawan mo ba ako?]

“Ah hindi honey. Pero saan naman ako hahanap nun?” Ang hirap kayang himanap ng ice cream na gulay yung flavor. Parang yung ampalaya ice cream lang yan na ni-request niya nung nakaraang araw.

[Ewan ko sayo. Nung isang araw nakahanap ka naman ng ampalaya flavor ah. Mas madaling hanapin yung carrot kesa sa ampalaya honey.]

[Sigh..Oo sige hahanapan na kita.]

[Thank you honey. I love you.]

Tsss. Nangako na naman ako sakanya, kapag hindi ko to natupad siguradong sa labas ako ng kwarto matutulog mamayang gabi. “Ahh.. Honey may tanong ako?”

[Ano yun?] Malambing niyang sabi.

“Paano pag hindi ako nakahanap ng ganun?” Mejo inilayo ko yung phone sa tenga ko.

[Huwag kang umuwi ng bahay!] Pagkatapos niyang sabihin yun binabaan niya na naman ako. Sinasabi ko na nga ba dapat hindi na ako nagtanong.

Hinanap ko sa phonebook ko yung number ni Jacob para tulungan niya ako sa problema ko. Siya lang naman kasi yung makakatulong sakin. HRM ang course niya kaya sakanya ako nagpapatulong  pagdating sa mga pagkain na hinahanap ng ate niya.

Nasabi ko na ba na si Jacob din yung gumawa ng ampalaya ice cream na gusto niya?

Ilang araw din akong natutulog sa guest room nun dahil hindi ko siya mahanapan ng ampalaya ice cream. Mabuti na lang at naka-usap ko si Jacob, sinabi niya na marunong daw syang gumawa ng ice cream. Sa awa naman ng Diyos nagustuhan niya yung ginawa ng pinsan niya. Pero simula nun hindi na siya naghanap ng ganun. Hindi niya siguro natagalan yung lasa.

Pero jusko eto na naman ako sa paghahanap ko ng veggie ice cream. Nag re-request na naman siya. Hindi naman ako pwedeng humindi sakanya dahil buntis siya at isa pa narinig niyo naman yung sabi niya diba? Anniversary pa naman namin ngayon.

ALAS singko na dito sa relo ko pero wala parin si Jacob, ang sabi niya sakin hintayin ko siya dito sa labas ng school. Halos dalawang oras na akong nakaparada dito pero wala parin siya. Labas masok na nga ako sa kotse dahil naiinip na ako sa kakahintay sakanya. Kung hindi ko lang talaga kailangan yung carrot ice cream nay un hindi ako maghihintay ng ganito katagal.

Yung carrot ice cream na hinahanap ko meron na daw siya nun. Kaya pala naghahanap ng ganun yung pinsan niya ay dahil nabanggit niya yun sakanya nung isang araw. Mabuti na lang talaga at nag-exist sa mundo si Jacob.

Habang nakatayo ako dito sa labas ng kotse nakita ko na si Jacob na tumatakbo palapit sakin at kasama niya si Katrina. Hingal na hingal syang huminto sa harapan ko.

“Kuya..” Yun lang yung nasabi niya dahil hindi siya makapag salita sa sobrang pagod.

“Oh nasan na yung ice cream?” Wala kasi siyang dala na kahit ano maliban sa backpack niya.

“Sa ospital..”

“Ano? Nasa ospital yung ice cream?”

“No kuya. Nasa hospital si ate ngayon.” Hinihingal na sabi ni Katrina.

“Ano bang sinasabi niyong--”

“Magmadali na tayo kuya.”

Agad na sumakay si Jacob sa kotse ko at ganun din si Katrina.

“Kuya ano ba!”

Saka lang nag sink-in sa utak ko yung mga sinabi nila. Nagmadali akong sumakay ng kotse. Bakit nasa ospital na naman siya? Anong nangyari sakanya? Kinuha ko yung phone ko na nasa katabing upuan at nakita ko nga yung mga missed call ni manang sakin.

Lorraine’s POV

Pag-gising ko nandito na naman ako sa isang pamilyar na lugar at may kung ano na namang naka tusok sa kamay ko. Nakakainis!! Bakit ngayon pa kasi ako inatake ng sakit ko. Naiiyak na ako kasi anniversaring-anniversary naming nandito ako.

Tatayo na sana ako pero biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun si Katrina. Bakit siya nandito? Ibig sabihin nandito rin si Jacob pati si Kyle?

Sigh.. Napahawak na lang ako sa ulo ko.

“Ate are you okay? Huwag ka munang tumayo. Wait lang ha, tatawagin ko lang yung doctor mo.”

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. “Nasan ang kuya mo? Pati si Jacob?”

“Nasa labas si Jacob kausap yung doctor. Si kuya naman papunta pa lang dahil nasiraan kami ng sasakyan habang papunta dito.”

“Ganun ba.” Mabuti naman at wala pa dito si Kyle. Baka mamaya makausap niya yung doctor ko at kung ano pa yung sabihin niya sakanya.

“Sandali lang ate ha.”

“Kat sandali lang.” Huminto naman siya sa paglakad niya. “Sabihin mo sa kuya mo huwag na lang siyang pumunta dito. Tingin ko kasi kaya ko na, kaya lalabas na ako.” Tatanggalin ko na sana yung karayom na naka tusok sa kamay ko pero pinigilan niya ako.

“Agte hindi ka pa pwedeng lumabas hanggat wala pang sinasabi yung doctor mo.”

“Sinabi ko nang ayoko dito. Lalabas na ako.” Oo gusto ko ng lumabas sa kwartong to’ ayoko ko na dito. Ayokong malaman ni Kyle na may sakit ako kaya lalabas na ako.

“Ate hindi nga pwede.”

“Bitawan mo nga ako! Sabi ng ayoko dito eh!” Pilit akong nagpupumiglas pero ayaw niya akong bitawan. Nakakainis! Kapag nandito ako pakiramdam ko lalo lang lumalala yung sakit ko. Pakiramdam ko kapag nandito ako ano mang oras ppwede akong mamatay. “Palabasin mo na ako dito.” Unti-unti nang tumulo yung mga luha sa mata ko. “Ayoko dito..” Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

“Kapag lumabas ka dito baka kung ano pang mangyari sa baby mo. Kaya kahit ayaw mo ate kailangan mong tiisin, alang alang sa baby. Don’t worry ate everything will be fine.”

Niyakap ako ni Katrina na para bang niyayakap ng ina ang anak niya. Napahawak na lang ako sa sinapupunan ko. Tama siya, kailangan kong manatili dito alang alang sa baby. Pero paano pag nalaman ni Kyle yung tungkol sa sakit ko? Paano kapag nalaman niya yun??

Maya-maya pa biglang bumukas yung pintuan at nakita ko si Kyle na pumasok. Malungkot yung mukha niya at halos hindi mo maipinta, para siyang pagod na ewan.

Hindi kaya.. Alam niya na?? “Honey?” Tinawag ko siya pero parang wala siya sa sariling lumingon sakin. “Okay ka lang?” Pagkatapos kong itanong yun saka lang siya lumapit sakin at ngumiti.

“Okay lang. Ikaw okay ka lang? anong masakit sayo?”

Umiling ako sakanya. Hindi ako makapagsalita sa harapan niya dahil natatakot ako.

“Excuse me. Lalabas na muna ako ha.”

Lumabas si Katrina at kaming dalawa na lang yung natira dito sa kwarto.  Paglabas ni Kat lumapit siya sakin ng mas malapit at niyakap niya ako.

“I’m sorry ngayon lang ako dumating. Nasiraan kasi ako ng sasakyan..” Paliwanag niya. Narinig ko siyang bumuntong hininga  bago uli siya magsalita. “Nahihirapan ka na ba?”

Titingala sana ako para makita ko yung mukha niya kaya lang pinigilan niya ako. Bakit ganun yung boses niya? Umiiyak ba siya? Bakit ayaw niyang makita ko yung mukha niya? At ano bang ibig niyang sabihin dun sa sinabi niyang yun?

Maya-maya pa naramdaman ko yung paghigpit ng yakap niya sakin.

Hindi na ako tumingala pa at yumakap na lang ako sakaniya. “Ano bang sinasabi mong nahihirapan? Nahihirapan saan?” Alam ko kung tungkol saan yung sinasabi niya pero gusto kong isipin na wala pa syang alam.

“Sa pagbubuntis mo.” Sagot niya. Tinanggal niya yung isa niyang kamay sa ulo ko at sa tingin ko pinunasan niya yung luha niya sa mata. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at pagkatapos humarap na rin siya sakin. “Nung malaman ko na isinugod ka sa ospital nataranta ako, akala ko manganganak ka na. Kaya ayun tumakbo ako ng halos walong kilometro para lang makarating dito, kaya lang nang makarating na ako saka ko lang naalala na seven months pa lang pala yung tiyan mo.”

Tinapik ko siya ng mahina sa dibdib niya. Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Akala ko pa naman nagda-drama siya. “Akala kop pa naman umiiyak ka. Ano yung tumulo sayo pawis?”

“Ah eto ba?” Tinuro niya yung tubig sa may gilid ng mata niya. “Oo naman pawis to.”

Tinignan ko siya ng matalim. Nagsisinungaling ba siya oh ano? “Ibig sabihin kakagaling mo lang sa labas at hindi mo pa nakakausap yung doctor ko?”

“Oo, hind ko pa siya nakaka-usap. Pagdating ko kasi dito sinalubong ako ni manang at itinuro niya yung kwarto mo kaya pinuntahan na kita agad. At chaka isa pa sabi ni manang kausap na ni Jacob yung doctor mo kaya hindi na ako dumiretso sakanya.”

“Talaga?” Ibig sabihin wala pa syang alam. Mabuti naman, nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at nakatingin lang siya sakin, inayos niya yung buhok ko at inipit sa likuran ng tega ko yung mga nakasagabal sa mukha.

“Hindi kaya matunaw ako sa ginagawa mo?” Pagsisita ko sakaniya pero ngumiti lang siya. “Anong nakakatawa?” Tanong ko uli sakanya.

“Wala lang. Ang ganda mo kasi.”

“Alam ko, huwag mo na akong bolahin."

"Oo nga pala sinong nagsabi sayo na mag drive ka?"

Nanlaki yung mga mata ko. Paano niya nalaman? "Si manang talaga.." Bulong ko at umiwas ako ng tingin.

"Walang kinalaman si manang dito. Nakalimutan mong ipasok sa garahe yung kotse kaya ko nalaman." Hinarap niya yung mukha ko sakanya kahit na pilit akong umiiwas. "Sinabi ko na kasi sayong huwag kang mag papagod. Hindi ka ba talaga marunong makinig?"

Ayan na po sinesermonan na ako ng tatay ko. Yumuko lang ako dahil wala akong maisip na palusot. Ang tanga tanga mo kasi Lorraine. Sa dinami dami ng mga dapat mong makalimutan yung pang kotse yung nakalimutan mong ipasok.

Napatapik na lang ako sa noo ko. "Sorry na honey.." Lumapit ako sakaniya para lambingin ko siya.

"Sa susunod matuto kang makinig sa mga pinapayo sayo ah?"

"Opo." Sagot ko ng naka yuko sakanya. Nagawa ko lang naman yun dahil gusto ko siyang sorpresahin eh. Hindi ko naman-- "Teka lang." Tumingin ako sakanya nang may maalala ako. "Parang may nakakalimutan ka ata?"

"Ha? anong nakakalimutan?" Nagtatakang tanong niya.

"Nasaan na pala yung carrot ice cream ko?” Umiwas siya ng tingin sakin. “Uy!” Tinusok ko yung tagiliran niya.

“Ano?” Pag mamaang maangan niya pa.

“Uulitin ko sa mas maliwanag at mas malakas na tono. Nasaan yung car--” Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nagsalita siya.

“Sorry na, nakalimutan ko. Nung nalaman ko kasing sinugod ka dito bigla kong nakalimutan yun.” Humarap siya sakin at hinawakan niya yung psingi ko. “Alam mo naman na mas importante ka sakin kesa sa lahat ng bagay.”

Infareness kinilig naman ako sa sinabi niya. Kaya lang feel ko talagang sungitan siya ngayon dahil pinagalitan niya ako kani-kanina lang eh. Paninindigan ko na yung pagtataray ko sakanya.

“Hindi ba ang sabi ko huwag kang magpapakita sakin kapag hindi mo dala yun? Ano pang ginagawa mo dito?” Tumalikod ako sakanya at kunwaring nagalit.

“Honey sorry na.. Hahanapan naman talaga kita eh..” Lumapit pa siya sakin at niyakap niya ako pero itinaboy ko lang yung mga kamay niya. Siya naman ngayon yung naglalambing sakin.

“Nagugutom na si baby, ang sabi niya gusto niya ng carrot ice cream. Kaya lang mukhang hindi ata siya kakain ngayon dahil yung daddy niya hindi siya nabilhan ng carrot ice cream na gusto niya.” Pagpaparinig ko. Hinaakan ko pa kunwari yung tiyan ko at kinausap.

“Oh sige na, lalabas na ako para hanapan kayo ng carrot ice cream.” Tumayo na siya sa kama pero hindi parin siya umaalis. “Kahit na pagod ako at walang sasakyan hahanapan ko parin kayo. Kahit na lumakad lang ako, kahit na kumatok ako sa factory ng ice cream gagawin ko. Basta kapag hindi na ako nakabalik dito huwag mo na akong hahanapin.”

Huh?? Ang drama ng lolo niyo ah. Nagsesentimyento pa.

Palabas na sana siya ng pinto pero pinigilan ko siya at niyakap ko siya mula sa likuran niya. “Huwag ka ng aalis, nagbibiro lang naman ako eh. Dito ka na lang sa tabi ko. Matitiis ko pa naman yung carrot ice cream. Ang hindi ko lang matitiis ay yung pag-alis mo, baka mamaya hindi ka na bumalik.”

Naramdaman ko na kahit papaano ngumitI siya. Hinawakan niya yung kamay ko saka siya humarap sakin.

“I promise that I will never let you go. No matter what happen..”

At hinaklikan niya ako sa noo. Alam ko naman yun Kyle, alam kong hindi mo ako iiwan. Gusto ko ring ipangako sayo yan.

 

“Take some rest. Kailangan mo ng pahinga.”

“Pero honey ayoko na dito. Umalis na tayo dito, pumunta tayo sa malayong lugar, magbakasyon tayo at doon tayo mag celebrate ng anniversary natin.”

“Gusto mong magbakasyon?”

Tumango lang ako sakanya.

“Okay sige. Tatanungin ko yung doctor mo kung pwede ka ng lumabas at pagkatapos magbabakasyon na tayo.”

Mabuti naman at pumayag siya. Gusto kong magpahinga, gusto kong magpunta sa isang lugar na malayo sa mga problema, sa lugar na kaming dalawa lang, sa lugar na hindi magpapaalala sakin ng sakit ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal yung buhay ko, pero gusto kong makasama yung taong pinakamamahal ko habang nabubuhay ako..

 

 

 

 

Author’s Note:

        Sorry sa late update guyz nasira kasi yung connection ng smart eh almost two weeks na ngay0n. Tap0s yung computer shop ng pinsan ko wala ring connection for almost one week na haaay ewan ko ba sa globe na yun ayan tul0y hindi rin ako makapag wifi. At et0 pa ha wala ring malapit na computer shop sa bahay. Diba ang swerte k0?? Kaya humihingi ako ng PASENSYA sa matagal na update..

ANYWAYS, tama na ang kadramahan dahil malapit ng dumating ang malakas na bagyo at malapit ng mawalan ng p0wer. Pinapaalala k0 lanbg na dalawang chapter na lang siguro tong SSBM at matatap0s na siya. Go0dbye na kay Fafa Kyle and L0rraine huhu.. Per0 may mga iba pa naman ak0ng st0ries na sinusulat na sana basahin niy0 rin. Don’t w0rry bibilis din yung pag update nun 0nce na natap0s k0 na t0ng SSBM..

B00K TW0?? Comment kayo..

 

V0TE..

 

 

C0MMENT..

 

 

And REC0MMEND..

Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 769K 56
Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loob ng tatlong buwan? BOYFRIEND CORP Choo...
895K 22.9K 35
I'm Calixa Lorraine Avenue. Ang hanggarin kulang sa buhay is to finish my study Para makakuha ng magandang trabaho. Pero dahil isa akong tanga! sound...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...