Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 51

18.7K 676 741
By jaysanj


Zoe's POV

"Anong...pag-uusapan natin?" dahan-dahan kong tanong. 

"About us." walang emosyong sabi nya. Shit. Tama kaya ang hinala ko? wag naman pati sya!

"Makikipag-break ka na ba sakin?" hindi ko mapigilan mamuo ng tubig ang mata ko. Kanina pa paiba iba ang nararamdaman ko, sagad na sagad na tapos makikipagbreak pa sakin si Japan? taena hindi ko ata kakayanin pa 'to.

"What? hindi, pinagsasabi mo dyan?" tila ako nakahinga ng maluwag sa sinabi nya. Umupo sya sa tabi ko at pinunasan ang pisngi ko. "Akala mo makikipag-break ako sayo? ang babaw mo naman." sabi nya.

Napangiti ako. "Kasi naman kung magsalita ka dyan parang makikipag-break ka na lalo na mapapalayo ako sayo."

"Baliw. Hindi ko 'yon gagawin."

"Mabuti nga kung ganon dahil sobra-sobra na ang bigat na nararamdaman ko ngayon."

Mas lumapit sakin si Japan at inakbayan ako tsaka nya iniligay ang ulo ko sa balikat nya. Napangiti ako sa gesture nya.

"Dadalawin naman kita sa inyo once a month pero ganon din gawin mo sakin para twice a month magkikita tayo." sabi nya. 

Tumango ako at niyakap sya. "Mamiss ko ang mga gabing magkatabi tayo." sabi ko.

Bumuntong hininga sya. "Hindi ka ba talaga pwedeng mag-stay dito? magiging safe ka naman dito."

Umiling ako. "Ayaw ni Mama, ayoko naman mag-aalala at magalit sila sakin. Alam ko naman na iniisip lang nila ang magiging kalagayan ko."

Natahimik kaming parehas. Sinusulit ko na ang sandaling ito dahil aalis na ako pagkatapos ng ilang araw.

"Zoe. Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?" nagtaka ako sa tanong nya kaya lumayo ako para tignan sya.

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Zoe, hanggang ngayon mahal ko pa din si Louise." napaiwas ako ng tingin sa kanya. Napayukom ang mga palad ko. "Ikaw ba? mahal mo ba ako? dahil hindi mo naman nababanggit na mahal mo ako, hanggang sa gusto lang."

"I.." hindi ko matuloy.

"Hindi sa gusto kong mag-break na tayo pero alam natin na hindi natin mahal ang isa't isa dahil may iba tayong mahal." sabi nya. "Ako si Louise at ikaw si Alexa."

"Hu-huh?! anong pinagsasabi mo dyan Japan?" napatayo bigla sa sinabi nya. Umiling iling ako.

"Tama ako, Zoe. Wag mong ideny yan sa sarili mo." seryosong sabi nya. "Sa tingin mo ba hindi ko napapansin na palagi kang nakatingin sa kanya?"

"W-what?"

"Zoe, maling desisyon ang ginawa mo. Mali na ako ang pinili mo kaysa sa taong mahal mo."

"Japan, tigilan na natin 'to. Bumalik na tayo sa loob." maglalakad na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Zoe, sinasabi ko ito sayo nang hindi ka mahuli."

"Hindi." napayuko ako. "Huli na." naramdaman ko naman ang pagbitaw nya sa braso ko.

"Inamin mo din na mahal mo nga sya."

"Wala akong sinasabi!" inis na binaling ko sya. "Bakit mo ba pinagpipilitan na mahal ko si Alexa?! hindi ko sya mahal! lahat na lang ba kayo ipagpipilitan sakin si Alexa?! wala kayong alam sa nararamdaman ko kaya wala kayong karapatan para magdesisyon kung sino ang pipiliin ko! tigilan ninyo na ako kay Alexa dahil hindi ko sya mahal at kahit kailan hindi ko sya kayang mahalin!" singhal ko.

Tahimik naman na seryosong nakatingin sakin si Japan. Ang bilis ng tibok ng puso ko at tila ako tumakbo dahil naghahabol ako ng hininga.

Nang wala akong makuhang sagot sa kanya ay naisipan kong bumalik na sa loob pero napatigil ako pagkalingon ko ay nakita ko si Alexa.

Napaawang ang bibig ko pagkakita ko sa kanya lalo na tumutulo ang luha nya.

Akala ko...

"Alexa..." napaforward ako nung tumalikod sya at tumakbo paalis. Hindi ko sya sinundan...hindi ko kaya.

"Sundan mo." rinig kong sabi ni Japan. "Wag kang tanga, Zoe. Hindi pa ang huli ang lahat." umiling ako. "Zoe, ano ba?! sundan mo sya!" nagulat ako sa pagsigaw nya.

"Hi-hindi ko kaya...sobra ko na syang nasaktan kaya..."

"Sundan mo! sabihin mo sa kanya na mali ang narinig nya na mahal mo sya!"

"Hi-hindi ko sya ma-mahal..." hirap na hirap kong sabi.

"Tangina!" nagulat ako nung sinipa ni Japan ang inuupuan namin. "Kapag hindi mo sya sinundan makikipag-break ako sayo."

"Wha-what? wala naman ganyanan!"

"Edi sundan mo sya!" jeez, nakakatakot pala magalit si Japan. "Zoe!"

"O-oo na!" agad akong tumakbo sa pinuntahan ni Alexa.

Huminga ako ng maayos. Hindi ko sure kung saan ko hahanapin si Alexa pero takbo lang ako nang takbo.

Ipinagdadasal ko na sana ay maabutan ko sya dahil akala ko kanina ay umalis na talaga sila dahil sa sinabi ni Steph kaya nagulat ako nung makita ko sya kanina.

Narinig nya ang sinabi ko kaya umiiyak sya kanina. Lalo ko syang nasaktan.

"Tanga, tanga, tanga!" paulit ulit na sabi ko habang tumatakbo.

Ako na ang tanga! tangina!

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko, magkaiba ang nararamdaman ko kay Japan at Alexa. Magkaibang magkaiba pero hindi ko matanto kung ano na ba itong nararamdaman ko para kay Alexa.

Hindi ako naniniwala na mahal ko si Alexa. Ayokong maniwala dahil...dahil natatakot ako... Natatakot ako na baka masaktan ko ng sobra si Alexa. Ayoko syang masaktan kaya pinili ko si Japan. Natatakot din ako na baka gawin din ni Alexa ang ginawa sakin ng mga dati kong girlfriends na hindi nya na kayang tagalan pa ang ugali kong tumitingin pa sa iba. Natatakot akong iwan nya...

Oo aaminin ko palagi nga akong nakatingin sa kanya. Binabantayan ko sya kahit sa tingin lang. Sya ang una kong naisip nung nakita ko ang snowflake necklace dahil naging cold sya. Nung isang beses akong nahimatay sa training, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Nakakatawa nga dahil alam na alam ko kung saan lilingunin si Alexa. Nung nasa gym kami na nastranded dahil sa bagyo, sya ang unang naisip ko pagkakita ko sa kulay ng mga mata nya kahit na si Japan ay brown din ang mga mata nya.

"Alexa!!" buong lakas kong sigaw nung makita ko syang naglalakad papunta sa may parking lot. Halatang pinupunasan nito ang luha nya.

Fuck! Ayokong makita syang umiiyak.

Napatigil sya sa paglalakad at nilingon ako. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

"Wa-wait lang!" sigaw ko nung mabilis syang naglakad palayo. "Alexa sandali!" binilisan ko pa lalo ang pagtakbo dahil hindi tumigil sa paglalakad si Alexa.

Mabilis kong hinawakan ang kamay nya para pigilan sya. Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo, dumagdag pa ang kabang nararamdaman ko.

Hindi sya nakatingin sakin. Nakatakpan ng likod ng palad nya ang bibig nya at patuloy sya sa pag iyak ng tahimik.

"Alexa.." mahinang sabi ko habang naghahabol pa din ng hininga.

"Alexa, Zoe." napatingin ako kay Kuya Al. Nakakunot ang noo nito lalo na nakita nyang umiiyak si Alexa. Nasa tapat na pala kami ng sasakyan nila at nakasilip si Ate Lovely habang bumaba naman ang mga magulang nito.

"Alexa, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng Daddy nya. Kinakabahan ako. Daddy sya ni Alexa at kahit nakita ko na sya sa picture frame napakastrikto nito sa itsura.

"I'm sorry, hihiramin ko lang po saglit si Alexa." sabi ko at hindi na sila hinintay pang sumagot. Hinila ko si Alexa palayo sa kanila. Hindi naman umangal si Alexa nung hinila ko sya.

Nang medyo makalayo na kami sa kanila ay tumigil kami. Humarap ako kay Alexa. Nakayuko pa din sya pero umiiyak pa din ito dahil tumataas baba ang balikat nya.

Hindi ko alam kung paano ko sisimula.

Ilang segundo din kaming tahimik at hindi nag-iimikan. Hindi ko makuha ang boses ko para sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

"Wait." balak nya na sanang umalis pero pinigilan ko lang sya. "Alexa..yung narinig mo.." hindi sya nagsalita o tignan man lang ako. "Hi-hindi ko sinasadyang saktan ka."

Napansin ko na mas lalo syang napaiyak. Parang naman dinurog ang puso ko sa nakikita ko. Hinila ko sya palapit sakin at niyakap sya ng mahigpit.

"I'm sorry..." lalo kong hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanya nang humagulgol na sya ng iyak. Sumubsob sya sa leeg ko at doon umiyak. "I'm sorry kung nasasaktan kita, Alexa. Ayoko kitang masaktan pero sa ginagawa ko ay lalo pa kitang nasasaktan."

Naramdaman kong niyakap na din nya ako. Hinalikan ko ang ulonan nya.

"Ma-mali ang narinig mo. Mali na hindi kita kayang mahalin dahil kahit sinong tao sa mundong ito kaya kang mahalin." masuyong sabi ko. "Hin...hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko para sayo, oo gusto pa din kita hanggang ngayon pero may iba sa nararamdaman ko. Natatakot ako."

Napansin ko na hindi na masyado umiiyak si Alexa. Masuyo kong hinaplos ang buhok nya.

"Alexa...walang kasiguraduhan kung kailan ulit tayo magkikita." huminga ako ng malalim. "Alam kong may makakahanap ka pa na mas mahigpit pa kaysa sakin. Mawawala din yang nararamdaman mo para sakin sa oras na dumating na ang taong 'yon. Hindi ka na makakaramdam pa ng sakit. Hindi ka na iiyak pa. Sasaya ka na sa taong 'yon at sigurado akong hindi ka nya sasaktan hindi katulad ng nagawa ko."

"Alexa, ingatan mo ang sarili mo. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Galingan mo sa paglalaro." dahan-dahang kong inilayo ang sarili ko kay Alexa.

Tinignan ko ito na nagpupunas na ng luha nya. Tumingin sya sakin. Namumuo pa din ng tubig ang mga mata nya.

"Can I kiss you?" napaawang ang bibig ko pero itinikom ko din agad. Tumango ako.

Dahan-dahan syang lumapit sakin. Hinawakan nya ang mukha ko. Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin. Pumikit ako nung malapit na magdikit ang mga labi namin. Hindi sya gumalaw pero hinayaan nya lang na magkadikit ang mga labi namin. Tumagal iyon ng ilang segundo. Niyakap nya ulit ako pagkatapos nya akong halikan. 

"Goodbye." ang pinasakit sa lahat na salita.

Lumayo sya sakin at tumalikod para maglakad pabalik sa pamilya nya. Nakatanaw lang ako sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko na tumulo pero hindi tumigil sa pag-agos ng mga luha ko.

"Damn it!" inis na sabi ko dahil ayaw tumigil ng mga luha ko. "Tumigil na kayo, ano ba?" nakakatangina naman oh! bakit ba ayaw nilang tumigil?

Umupo ako sa semento at tinakpan ang mukha ko. Iyak ako nang iyak. Hindi ko ito mapigilan kahit na gusto kong tumigil. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong dinurog.

"Ang sakit putcha!" pinaghahampas hampas ko ang dibdib ko na baka sakaling makahinga ako ng maayos.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?" sabi nung nasa likuran ko. Boses pa lang ay kilala ko na sya.

"Para saan pa?" tumingin ako sa direction na pinuntahan ni Alexa. "Mapapalayo din ako sa kanya. Mas okay na ang ganito." sabi ko. "Ako ang masasaktan ng sobra."

"Nasasaktan din sya."

"Mawawala din 'yon sa oras na makahanap na sya ng iba."

Tumayo ako. Napatingin ako sa kamay nyang nasa harapan ko na may hawak na panyo. Kinuha ko 'yon at pinunasan ang luha ko.

Tahimik lang sya sa tabi habang hinihintay akong mahimasmasan. Huminga ako ng malalim. Hindi pa din nawawala ang bigat na nararamdaman ko.

"Japan." tawag ko sa kanya. "Mag-break na tayo." napansin kong napatingin sya sakin. "Napawalang kwenta ang relasyong ito kung may iba tayong mahal."

"Okay." napangiti ako ng mapakla.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni Kuya.

"Kuya, sasabay akong uuwi sa inyo ngayon pero pwede bang mamayang madaling araw na tayo umuwi?" sabi ko.

"Huh? sigurado ka ba dyan? ayos lang kung madaling araw tayo umalis." sabi nya sa kabilang linya.

"Magpahinga na muna kayo ni Mama sa hotel. Ipagpapaalam ko kayo sa mga seniors."

"Sige...ayos ka lang ba?" napakagat ako ng labi dahil napapansing kong mapapaiyak na naman ako dahil naalala ko si Alexa.

"Ayos lang. Mamaya na lang. Bye." agad kong binaba ang tawag para hindi na makapagtanong pa si Kuya.

Tumingin ako kay Japan na nakatingin sakin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Tara? mag-iimpake pa ako." nauna na akong maglakad sa kanya at nilagpasan sya.

Tumungo ako sa kwarto namin. Pinagmasdan ko ito. Hindi ko makakalimutan ang kwartong ito.

Naisipan kong maligo na muna dahil kanina pa ako basa sa mga pinaghalong halong luha. Wala si Japan nang matapos ako. Hindi ko na lang ito pinagtuunan at sinimulan iimpake ang mga gamit ko. Sabi ng mga seniors pwede namin kunin ang mga jersey namin dito kaya dinala ko ang mga 'yon. Dalawang set din 'yon.

Pagkatapos kong mag-impake ay naisipan kong libutin ang camp. Hihiram na lang ako ng bike para malibot ko ang lahat. Maraming akong mamimiss sa lugar na ito.

Napatigil ako sa isang puno kung saan nakaukit ang pangalan ni Ate Kill at Ate Avey at sa bandang likuran nito ang alphabet. Tumingin ako sa paligid. Naalala ko na dito ako pumunta nung nalaman kong girlfriend na ni Alexa si Ivy at dumating pa si Steph.

Sumakay ulit ako sa bike. Muli ako tumingin sa puno. Binasa ko pa sa isipan ang bawat letra hanggang sa mapunta ako sa huling letra.

"Z." sabi ko. Tumingin ako sa ibabang parte ng puno. Napakunot noo ko na tila may nakaukit doon kaya nagpasya akong bumaba ulit ng bike.

Tinignan ko ng maigi ang nakaukit. Maliit lang kasi ito tapos nasa pinakababa.

"I love you, Zoe..Alexa.." pagkabasa ko nung maintindihan ko.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot at sakit. Nagtagal ako don ng ilang minuto at inalala ang mga panahong nakakasama ko si Alexa lalo na ang paghahabol nya sakin dahil sa sobrang badtrip nya. Natatawa ako tuwing naalala ko 'yon. Ang cute nya na nakakatakot dahil sa oras na mahabol nya na ako na hindi naman nya nagagawa ay makakatanggap ako ng sapak sa kanya. Ang sakit pa naman manapak non, mas masakit pa kaysa kay Louise.

Magdidilim na nung maisipan kong bumalik sa dorm. Nadatnan ko silang lahat don kasama ang mga dating miyembro. Mabuti na lang malaki ang sala ng dorm pero yung iba ay nasa hagdanan.

"Kamusta puso?" pang-asar ni Louise. Sinamaan ko sya ng tingin. Akala ko umalis na 'to.

"Zoe." tumingin ako kay Ate Kill na lumapit sakin. "Sabi ni Japan ay aalis ka na daw mamaya?"

Ngumiti ako ng pilit. "Malayo pa kasi ang uuwian namin."

"Galingan mo sa career mo." sabi nya sakin at hinawakan ba ako sa balikat ko. Tumango ako sa kanya. "After one year o six months, pupuntahan ko ang lugar ninyo para magkaharap na tayo."

Natawa ako. "After one year na. Siguradong kapapanganak lang non ni Ate Avey at alagaan mo muna ang magiging anak ninyo." sabi ko.

"Oo nga pala." isang malaking ngiti ang gumuhit sa mukha ni Ate Kill. Masayang masaya sya na magkakaanak na sila bukod kay Aiden. "Baka din wala ka pang teammates non dahil ako, isang taon bago nagkaroon ng team."

"Paano hindi ka naman naghahanap!" rinig kong sabat ni Ate Ashley. "Sabi ni Dom, wala ka namang inaayang players."

"Wala akong makitang passion talaga ang basketball. Hobby lang nila ang basketball kaya hindi ko sila niyayaya." tumingin sakin si Ate Kill. "Nga pala, siguraduhin mong magagaling ang teammates mo na kaya kaming tapatan." nakangising sabi nya.

"Grabe, pwedeng after two years na lang? mukhang malabong matalo namin kayo." sabi ko.

"Kaya nyo yan." sabi nya at tinapik ako sa balikat bago umalis.

Napakamot na lamang ako sa ulo ko.

Sabay-sabay kaming lahat na pumunta sa cafeteria para mag-celebrate. Lahat nandito bukod lang kay Alexa na maagang umalis. Balak ng iba samin na aalis ay sa susunod na araw na umalis para makabonding ang iba pa.

Nakapagpaalam na din ako sa mga boys na naging OA dahil sa pag-alis ko. Sinabi ko na sa oras na bumalik ako ay maglaro ulit kami.

Pagkatapos kong kumain ay nauna akong bumalik sa kwarto para makapagpahinga ng konti. Nag-set ako ng alarm para magising ako sa oras ng pag-alis namin.

Hindi agad ako nakatulog pagkahiga ko. Madami akong naiisip at binabalik balikan na memories dito sa camp. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kahit sa pananginip ay dala-dala ko ang mga alala ko sa camp na 'to lalo na si Alexa at ang masasakit na nagawa ko para sa kanya sa sobrang sakit ay nadadama ko 'yon kaya pinilit kong gumising mula sa pagkatulog. Habol-habol ang hininga kong napaupo ako sa kama. Tumingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras. May isang oras pa ako bago kami umalis.

"Shit!" nagulat ako sa paglingon ko sa pwesto ni Japan ay nakaupo sya at naglalaro ng cellphone nya. Nakapatay pa ang ilaw namin dito kaya sino ba naman ang hindi kakabahan?

"Para kang nakakita ng multo nyan." sabi nya.

"Muntik na nga eh. Bakit gising ka pa?" tanong ko dahil alas dose na ng madaling araw.

"Hinihintay ka." nagtaka ako kung bakit nya pa ako hinihintay. "Anong oras ang alis mo?"

"Mamayang ala una pa pero baka pumunta na ako kanila Mama ngayon." sabi ko at tumayo sa pagkaupo sa higaan.

Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Lumabas ako pagkatapos. Hindi na nagce-cellphone si Japan pagkalabas ko. Lumapit ako sa mga gamit ko at kinuha.

"Hatid na kita. Nasa akin ang susi ng kotse ni Ate Ella." sabi nya at tumayo. Hindi na ako umangal dahil wala din naman kasi akong gagamitin papunta doon. "Ako na magdadala nyan." aangal pa sana ako kaso nakuha na nya ang isa kong maleta.

"Sa-salamat." sabi ko kahit na nagtataka ako sa kinikilos nya. Ginagawa nya din naman ito dati nung kami pa.

"Wala ka na bang maiiwanan?" tanong nya kaya tumingin naman ako sa paligid.

"Mukhang wala na at kung sakaling meron, pakitago na lang." sabi ko nang makasigurado akong wala akong maiiwan.

Sabay kaming lumabas ng kwarto. Ang tahimik ng paligid dahil tulog na din ang mga dito. Hindi ko na tinanong kung saan natulog ang mga bisita.

"Japan, ngayong break na tayo, hindi ka na pupunta samin once a month 'di ba?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng dorm.

"Pupunta pa din." napatingin ako sa kanya. "Sayo lang ako hindi na nagiging cold. Kung hindi lang naging tayo sigurado akong magiging mag-bestfriend tayo."

"Ouch naman bestfriendzone." kunwaring nasasaktan ako sa sinabi nya.

"As if naman nasaktan ka talaga sa sinabi ko." natatawang sabi nya. Napangiti ako. "Okay lang na hindi ka na dumalaw dito once a month basta ako ay pupuntahan pa din kita."

Tumango ako. "Thank you." sabi ko.

Ipinasok nya ang mga gamit ko sa sasakyan ni Ate Ella pero hindi porsche kundi Honda Civic. Inihatid ako ni Japan sa hotel na pansamantalang tinutuluyan nila Mama at Kuya.

"Japan, mamimiss kita." sabi ko pagkababa nya ng mga gamit ko pagkarating namin sa hotel.

"Sorry, hindi kita mamimiss." asar na sabi nya.

"Ha-ha-ha bwisit ka." natawa sya at lumapit sakin. Agad ko naman syang niyakap. "Seryoso, mamimiss kita, kayong lahat."

"Hayaan mo, sa pagdalaw ko isasama ko sila." sabi nya. Tumango ako.

"Aasahan ko ang pagdalaw ninyo sakin." sabi ko.

"Oo." nakangiting sabi nya. Lumayo ako sa kanya.

"Ano na pala ang balak mo ngayon, ngayong malaya ka na?" may panukso kong tanong.

"Aagawin ko si Louise?"

"Siraulo!" tawang sabi ko. Ngayon ko lang napansin na hindi na ako ganon nasasaktan na alam kong mahal ni Japan si Louise. "Sisirain mo pa ang pagkakaibigan ninyo ni Torey."

"Edi hihintayin ko na lang silang magbreak, problema ba 'yon?" parang wala lang sa kanya ang sinabi nya.

"Gago ka talaga 'no? ex 'yon ng tropa mo kung sakali."

"Wala ako paki, mahal ko eh." napangiti ako at napailing.

"Wag sana kayong mag-away away na tatlo." sabi ko.

"Hindi yan. Kami pa?"

"Bahala kayo."

"Sige na. Pumasok ka na, hinihintay ka na don." sabi nya. "Hindi pa ako natutulog." natawa ako.

"Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ako?"

"Gusto ko lang makita ang taong gusto ko na umalis." nakangiting sabi nya na ikatigil ko. "Mag-iingat ka, Zoe." sabi nya at naglakad patungon sa driver's seat.

"Ikaw din, Japan." sabi ko at ngumiti sa kanya.

Kumaway ako sa kanya bago sya umalis pabalik sa camp. Nung hindi ko na sya makita pa ay dinala ko na ang mga gamit ko papasok ng hotel. Nagulat ako nung makita sila Mama sa lobby at naghihintay.

"Tara na?" aya ni Kuya at kinuha ang mga gamit ko.

Tumango ako at sabay kaming pumunta sa parking lot.

Nakatulog ako sa byahe lalo na konti oras lang naitulog ko kanina. Paggising ko wala pa kami sa lugar namin pero sabi ni Kuya malapit na daw kami. Tumingin ako sa labas ng bintana. Probinsyang probinsya ang lugar.

"Kuya.." medyo alanganin na sabi ko. "Seryoso ba kayong...uso dito ang pagba-basketball hindi lang basta hobby?" tanong ko.

"Uhm..." bumuntong hininga ako. Sabi na.

Mukhang mabibigo ko si Ate Kill.

Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong agad ako ni lola. Tuwang tuwa ito dahil makakasama na nya ako ng matagal. Medyo malaki din ang bahay namin na two storey. May mga halaman din sa gilid na inaalagan dito ni lola.

Nagpahinga na muna ako sa kwarto ko na hindi gaano kalaki pero walang sariling banyo. Tsaka ko na aayusin ang mga gamit ko at nagpahinga na.

Tatlong araw simula nung umalis ako sa camp. Nagtanong tanong na ako dito kung may nangyayari bang palaro ng basketball sa lugar namin pero liga lang daw 'yon at puro lalaki lang pwedeng sumali.

Nakakalungkot dahil hindi ito ang pinapangarap kong mangyari pero hindi ko naman sinisisi sila Mama kung gusto namin lumayo sa lugar na 'yon para sa kaligtasan namin. Pero...

Bumuntong hininga ako. Sayang ang mga natutunan ko sa camp kung ganito lang ang mangyayari sakin.

Naisipan kong bumalik na sa bahay dahil mag-aala sais na din ng umaga pero hindi pa ganon kasikat ang araw dito. Ang maganda sa lugar nito ay masarap mag-jogging dahil sariwang hangin at medyo mahamog ang lugar.

Ngayon nga na mag-aala sais pa lang mahamog pa ng konti at wala pa masyadong tao ang nasa labas.

May napansin akong taong nagjo-jogging din. Tinantya ko ang edad nito na mukhang kasing edad ko lang. Hindi ko matanto kung lalaki ba ito o babae dahil nakasuot sa ulunan nya ang hood ng jacket nya tsaka medyo malayo pa sya sakin.

May nagjo-jogging din palang kasing edad ko dahil kadalasan na nakakasabay ko ay matatanda na. Tuwang tuwa ang mga matatanda sakin dahil buti pa daw ako nagjo-jogging habang yung iba ay tambay tambay lang.

Nakasanayan ko na kasing mag-jogging simula nung maglaro ako ng basketball para lumakas ang stamina ko na dating mahina. Masaya ako na nakakatagal na din ako ng isang game na kung dati ay second half lang ay nasa bench na ako tapos ibabalik lang ako kapag last five minutes n a sa last quarter.

Maganda ang naidulot sakin ng training sa camp. Madami akong natutunan at madami din ako na-improve sa sarili ko. Nakasanayan ko na nga din ang weights na binigay sakin ni Ate Avey na lagi kong suot at hinahanap hanap talaga ng katawan ko ang bigat na 'yon. Hindi ko lang kaya yung binigay sakin ni Ate Kill. Ginagamit ko lang 'yon minsan para mag-exercise tutal wala naman ako dumbbell.

"Wait." napatigil ako sa pagtakbo pagkakita ko sa suot na jacket nung tumatakbo. "Mušḫuššu?"

Tila narinig nya ako dahil umangat ang mukha nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko habang sya ay nagulat ng konti pero napangisi din. Tumigil sya sa harapan ko at tinanggal ang hood.

"So...break na kayo?"

"Astra?!" hindi ko pinansin ang sinabi nya sakin. Nagulat ako na nandito si Astra.

"Goodmorning." nakangising sabi nya.

Napanganga ako habang nakatingin sa kanya. Impossible. Sya nga ba ito? paanong nangyari 'yon?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Hindi nya muna ako sinagot at inayos ang buhok nyang medyo basa na dahil sa pawis. Napasunod naman ang mga mata ko sa tumulong pawis ni Astra papunta sa leeg nito. Napalunok ako wala sa oras.

"Manyak." napaangat ang tingin ko sa mukha nya.

"Hi-hindi ah." napaiwas ako ng tingin dahil feeling ko namumula ang mukha ko at alam kong lalo nya lang ako aasarin kapag nakita nya akong ganito.

"Whatever...Zoe." shit. Bakit ganon nya banggitan ang pangalan ko? nakakaasar naman oh!

"A-ano bang ginagawa mo dito?" bagkus na tanong ko.

"Dito ako nakatira." sabi nya. "Ikaw? ang layo nito sa Manila."

"Lo-long story." bakit ba ako nauutal?

"Oh?" may panuksong boses nya at nakangisi pa sya.

"Teka, hindi ka ba nag-stay sa Mušḫuššu?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko sila ang pangalawang grumaduate sa Empire Team.

"Hindi ba obvious?" minsan talaga nakakainis ang isang 'to.

"Bakit?"

"Long story?" halatang ayaw nyang sabihin ang dahilan dahil nakangiti pa itong mapang-asar. "Nasa kabilang bayan ang Mušḫuššu camp, doon may nagaganap na Cup kung curious ka."

"Cup? seryoso meron dito?" bigla akong na-excite. Akala ko mawawalan na ako ng pag-asang makapaglaro ulit ng basketball hindi lang basta liga lang.

"Oo. Pwede mo 'yon puntahan para sa iba pang impormasyon." sabi nya at isinuot ulit ang hood nya. Mukhang aalis na ito.

"Teka, hindi ko alam ang lugar 'to. Pwe-pwede mo ba akong samahan?" hindi ako pwedeng magpasama kay Kuya dahil nasa trabaho ito pati si Mama. Ayoko naman kay lola dahil baka mapano pa ito.

"Sure. Basta ikaw." sabi nito at kumindat pa. Napatigilan ako sa ginawa nyang 'yon. "Break na kayo hindi ba?" medyo nagtaka ako kung bakit nya 'yon tinanong pero naalala ko na tinanong nya din ako noon nung nagalit ako kay Japan.

"Inaabangan mo bang mag-break kami?" tanong ko sa kanya.

"Oo." napakunot noo ko kung bakit. "Para naman maligawan na kita."

"Hu-huh?" tila ata ako nabobo sa sinabi nya at hindi ko sya maintindihan.

Napaatras ako sa paglapit nya sakin.

"Te-teka a-anong gaga─" nanlaki ang mga mata ko nang halikan nya ako. Saglit lang 'yon pero syempre!

"Sabi ko sayo, maglalaro ulit tayo ng apoy." nakangising sabi nya at lumayo sakin. "Magkita na lang tayo mamaya." sabi nya at tumakbo na paalis.

Nakatanga lang akong nakatingin sa kanya palayo.

Anong nangyari?

Napatingin ako sa kamay ko at napamura.

"Sorry Alexa! Hindi ko 'yon intensyong mangyari promise!" kausap ko sa singsing na binigay nya sakin at iniisip na si Alexa 'yon. "Arh! bakit kasi nandito si Astra!" bumuntong hininga ako.

Isang sexyng devil pa ang dumating.





------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 102K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
1.7K 234 34
This story revolves around two women striving to prevent hell from being unleashed into their world and all the while evading the perilous and monstr...
108K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.