Beauty and the Beast

Door hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... Meer

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#2: Flashback

9.4K 209 4
Door hyunjiwon_sg4ever

Ikalawang Kabanata: Flashback

-Saerin Gail’s POV-

Wahhhhhhhhh! Bagsak na naman ako?! Nag-aral naman ako ng mabuti eh, bakit ganito pa rin?! Shete, bakit kasi ang hirap-hirap ng exam namin sa Marketing?! Pero nag-aral talaga ako eh naku naman! Nakatitig lang ako sa test paper ko, fudge, panigurado ako na magagalit na naman sakin si Papa neto. Hinawakan ko ang buhok ko at ginulo, naman eh! Seryoso nagets ko naman nung inaral ko eh, bakit ganito kinalabasan neto?!

“Nakakainis talaga!” bulalas ko. Hindi talaga ako makapaniwala, nakakafrustrate to grabe!

“O anong problema mo Gail?” napatingin ako kay Darryl, halatang kagagaling niya lang sa practice nila ng basketball, umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako tsaka kinuha yung test paper na hawak ko.

“Ikaw ba naligo na ha Darryl?” tanong ko sa kanya, although alam ko naman na nakaligo na siya kasi ang lakas nang amoy ng pabango niya.

“Oy, fresh na fresh kaya ako,” napatingin siya dun sa test paper ko at nakita ko na parang nagulat siya.

“Oy itsura mo? Hindi na nakakagulat yang ganyang score sakin no—Aray!” napahawak ako sa noo ko kasi bigla niyang pinitik. Sinamaan ko siya ng tingin, “Tss. Sabi ko sayo kumopya ka na sakin eh,” sabi niya habang nailing, napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

“Aba tuturuan mo pa akong maging masamang estudyante?” tumingin siya sakin at kumunot ang noo niya, napanguso ako at iniwas ko yung tingin ko sa kanya “Nag-aral naman ako eh, wahhhh! Bakit kasi ang talino mo Darryl, share mo naman yan” pabiro kong sabi.

“Tss. Sabi ko kasi sayo kapag may hindi ka naintindihan magpaturo ka, tsaka di ba sabi ko kumopya ka na? Papagalitan ka na naman ng mga magulang mo neto eh.” Napailing siya, tama siya mapapagalitan nga ako nila Papa, pero sanay na naman ako eh. Kaya okay lang siguro.

“Okay na yun kesa naman sa mangopya,” I sighed at sumandal sa may sandalan ng bench “sanay naman na akong mapagalitan eh” pabulong kong sabi at tsaka pilit na ngumiti.

“Ewan ko sayo,” Darryl said while looking at me “Kung bakit naman kasi hindi mo pa rin sinasabi sa magulang mo na hindi talaga para sayo tong Business Management ha? Tss, ipinagpipilitan mo yung sarili mo na aralin yung course na to where in fact, iba naman ang gusto mo.” Sermon niya sakin, I smiled bitterly and looked at him “Hindi naman nila ako pinapakinggan eh” I said bitterly.

We both sighed, umurong siya para makalapit pa lalo sakin tapos niyakap niya ako, “Tss, kung pwede lang itatanan na kita eh,” pabiro niyang sabi sa akin, napangiti ako at niyakap din siya pabalik, Masaya ako kasi may kaibigan akong tulad ni Darryl “Adik to”

“Next time kasi mangopya ka na o di kaya magpaturo ka na,” humiwalay na kami sa isa’t isa “Teka, asan si Asha? Bakit hindi mo kasama, wala na kayong klase di ba?” tanong niya, at dahil dun bigla akong natigilan, oo nga pala, ni hindi nga pala pumasok si Asha ngayon. Actually magkakaklase kaming tatlo ni Darryl, hindi lang umattend ng mga klase kanina si Darryl kasi nagtratraining sila ngayon para sa nalalapit na basketball competition ng school.

“Hindi siya pumasok ngayon, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko,” nag-aalala kong sabi.

“Uhm, teka—“  hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil parang may nakita ito na ikinabigla niya, sinundan ko ang tingin niya at nagulat ako’t napatakip ng bibig nung makita ko si Adrian, ang boyfriend ni Asha na may kahalikang ibang babae.

Napatingin ako kay Darryl at napatingin din ito sakin, nagulat na lang ako nung biglang siyang tumayo at sinugod si Adrian. Agad din akong tumayo at sinundan siya.

“Gago ka!” sigaw niya kaya napatingin samin si Adrian at yung kasama niyang babae, “Teka, Darryl—“ pipigilan ko na sana siya pero nasuntok na niya si Adrian at bumagsak ito sa semento. Agad na dinaluhan nung babae si Adrian, at hinawakan ko naman yung balikat ni Darryl.

“Ano bang problema mo ha?!” sigaw ni Adrian kay Darryl, “Mga walanghiya kayo, wala namang ginagawa ang baby ko sa inyo ah?!” dagdag pa nung babaeng kasama niya tapos tumayo ito at lumapit sa amin at…

*Pak*

Nagulat ako at hindi nakapagreact kasi sinampal ako nung babaeng to, what the hell? Napahawak ako sa kanang pisngi ko na sinampal siya at tinignan siya ng masama. Nagulat din si Darryl sa ginawa nung babae kaya agad niyang hinawakan ito sa braso, sinubukan namang tanggalin ni Adrian yung pagkakahawak ni Darryl sa braso ng babae niya.

“At para saan yung sampal na yun ha?!” sigaw ni Darryl sa kanya, mahahalata mo sa kanya na galit siya “Tngna, yang gago mong boyfriend, winalanghiya niya ang kaibigan namin at sasama siya sa babae na kagaya mo tapos sasampalin mo pa ang kaibigan ko?!” after niyang sabihin yun ay marahas niyang binitawan yung braso nung babae.

Kung hindi nagpakita ngayon si Asha sa University at may kasamang iba hetong si Adrian, ibig sabihin hiniwalayan na niya si Asha. Sabi na nga ba at playboy talaga tong Adrian na to eh! Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko agad si Adrian at binigyan ng isang napakalakas na suntok sa mukha.

“Asan si Asha ha?!” sigaw ko sa kanya, inignore ko na lang muna yung sampal nung babae sakin, ang importante ang bestfriend ko na si Asha “Asan siya?!”

*Pak*

And this time, I slapped him hard. Sigurado akong nasasaktan si Asha ngayon and yet we don’t know where she is, hinarap ko yung babaeng sumampal sakin kanina at sinuntok ko rin na siyang ikinabigla nilang lahat. She slapped me without a valid reason at hindi pwedeng hindi ako makaganti, that’s why I punched her face. Kahit naman strict ang parents ko ay never pa nila akong napagbuhatan ng kamay. Susugurin na sana ako nung girl nung pumagitna na samin si Darryl.

“How dare you break my best friend’s heart?” I asked Adrian, “manggagamit ka, you used my friend for your satisfaction”

Tinignan ko yung babaeng sumampal sakin, at nakita ko na nakatingin siya kay Adrian at tsaka niya binalik ang tingin niya sakin. I smiled bitterly, looking at her disappointingly.

“If I were you, hihiwalayan ko na ang lalaking to, sigurado akong pinaglalaruan ka lang niya. You don’t deserve a jerk like him” I said, hinawakan ko na ang kamay ni Darryl, I know he’s being a kuya to Asha and me and he’s trying to protect us. He told Asha before na wag ng sagutin si Adrian dahil manloloko ito, but she still answered him. At heto na nga ang nangyari ngayon, sigurado akong nasasaktan siya, kailangan niya kami, kailangan niya ng karamay. Hindi ko na inantay pa ang mga sasabihin nila at hinatak ko na si Darryl palayo sa lugar na yon. Ang kailangan naming gawin ngayon ay ang mahanap si Asha dahil siguradong kailangan niya kami ngayon, kailangan namin siyang damayan lalo na ngayong nasasaktan siya.

Hindi ko alam kung anong nararamdamang sakit ni Asha ngayon, siguro yung pakiramdam na naloko ka ng isang taong mahal mo. Siguro nasasaktan siya ngayon dahil sobra siyang nagtiwala sa manlolokong Adrian na yun to the point na hindi niya pinakinggan ang sinasabi ni Darryl sa kanya. I don’t know exactly what she feels right now, because I’ve never been in love, never pa akong sumugal sa pag-ibig, love life is not my priority anyways. I believe that there’s a right time for that. I just need to wait until destiny leads me towards it. Although, inaamin ko ginusto kong magkaboyfriend, pero wala eh, walang nagtatangkang lapitan ako, ang panget ko talaga siguro.

***

“Wala rin si Asha sa bahay nila,” napatigil ako sa pagsubok sa pagtawag kay Asha at napatingin kay Darryl, “Tita said na umalis daw siya dun at hindi niya na alam kung saan siya nagpunta”

Putek, anong oras na? Gabi na pero hindi pa rin namin nakikita si Asha, kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot, nag-aalala na ako para sa kaibigan ko.

“Hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag ko,” napanguso ako “saan natin siya hahanapin Darryl, baka kung ano na ang nangyayari dun sa babaeng yun!”

Kanina pa namin siya hinahanap, tinanong ko na rin ang iba pa naming kaibigan pero hindi talaga nila alam kung nasaan siya.

Napahilamos na lang ng mukha si Darryl, ang dami na niyang sinakripisyo ngayong araw. Napagalitan siya ng coach nila dahil sa hindi siya umattend ng practice nila ngayon.

“Siguro humabol ka na lang muna ng practice niyo,” I sighed “Ako na lang muna ang maghahanap kay Asha”

Marahas siyang napatingin sa akin, ngumiti na lang ako sa kanya at nagthumbs up.

“No,” he sighed “Gail, I can’t leave you lalo na sa mga ganitong oras” he said while seriously looking at me.

“Pero kailangan mong humabol malapit na ang game niyo tsaka promise kakayanin ko talaga seryoso! I’ll text you kapag kailangan kita” I said trying to convince him, bumuntong hininga ulit siya at tsaka ako tinignan.

“Okay.”

“Good luck sa practice,” I said cheerfully. Kinuha na niya yung bag niya at isinabit sa likod niya, “Damn, mag-iingat ka okay?”

“Yes Boss!” I said, and with that he started walking. Napaupo ako sa bench, at tinawagan ulit si Asha pero hindi niya pa rin sinasagot yung tawag ko.

Ilang beses ko pa siyang sinubukang tawagan pero wala talaga, sana okay lang ang kaibigan ko ngayon. Nakakainis talaga yung Adrian na yun! Kapag may nangyari talaga sa best friend ko swear manghihiram siya ng mukha sa kabayo! Kainis talaga! Bigla akong napatingin sa phone ko nung bigla itong nag-vibrate, tinignan ko agad ito at nakita ang isang text na galing kay Asha.

‘Allemande Bar’ yan lang yung laman ng text niya, pero sapat na yun para makahinga ako ng maluwag. Alam ko kung saan ang lugar na yun kahit na hindi pa ako nakakapunta dun, I’ve never been in a bar at tsaka hindi rin ako pwede dun since minor pa rin naman ako. Dali-dali akong nag-ayos ng aking sarili, kailangan kong sunduin si Asha dun.

***

“Kuya, please papasukin niyo na po ako, kailangan po talaga ako ng kaibigan ko diyan sa loob,” halos nagmamakaawa ko ng sabi sa guard. Hindi niya kasi ako pinapapasok dahil minor pa lang daw ako, tinext ko na si Darryl pero matatagalan pa siya. Ang kailangan mailabas ko na siya sa loob ng lugar na iyan.

“Miss, hindi talaga pwede” sabi nung guard sa akin.

“Hindi po ako iinom kuya, kahit samahan niyo pa ako, kukunin ko lang po talaga yung kaibigan ko” mariin kong saad, shocks. Kailangan ko talagang makapasok diyan sa loob at mailabas si Asha.

“Miss, hindi po talaga pwede—“

“Anong nangyayari diyan?” agad napatingin si Kuya Guard dun sa lalaking nagsalita, napalingon din ako at nakita ang isang lalaki, okay gwapong lalaki na may kasamang isang babae.

“Uhm, ano po Sir, nagpupumilit kasi siyang pumasok sa loob kahit na bawal,” sabi niya dun sa lalaki kaya napatingin siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

“Kailangan ko lang po talagang mailabas ang kaibigan ko mula sa loob,” mahina kong sambit, napatingin ako sa lupa at napanguso.

“Let her in,” rinig kong sambit nung lalaki habang nakatingin sa akin tapos ibinalik niya yung tingin sa guard. “You don’t need to look after her” seryosong saad niya dun sa guard.

“Yes sir,” sabi nung guard.

“Thank you po Sir” sabi ko, napatingin siya sakin at ngumisi. Weird.

“Go ahead,” he said while pointing the entrance of the bar. hindi ko alam kung bakit ganun siya pero wala na akong panahon para isipin pa yun, ang importante ang best friend ko. Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob at pagtapak na pagtapak ko dun ay sumalubong sakin at maraming tao na nagpaparty-party, mukhang mahihirapan akong mahanap si Asha nito. Tumingin-tingin ako sa paligid para hagilapin siya at nakikipagsiksikan pa sa mga tao, argh! Sumasakit ang ilong ko dito, ang lakas ng amoy ng alak at sigarilyo eh. Kaders. Nahagip ng paningin ko si Asha na nakaupo sa isang mataas na upuan sa harap nung parang bar counter, agad akong naglakad palapit sa kanya, grabe umiinom talaga siya. She’s heartbroken and wasted. Napansin ko na wala gaanong tao sa paligid niya bukod sa isang lalaki na isang upuan lang ang pagitan sa kanya. Nung nakalapit ako sa kanya, hinatak ko na yung bote na iniinom niya at inilayo sa kanya.

“Asha…” mahina kong sambit, napatingin siya sa akin at nakita ko na magang-maga na ang mga mata niya. Umupo ako sa upuan na nasa pagitan nila ng isa lalaki at hinarap siya. Nakikita ko na naman yung mga luha na namumuo sa mga mata niya.

“He broke up with me Gail,” she said, she wiped her tears and smiled at me, she’s drunk.

“Umuwi na tayo…” I said, “hinahanap ka na ni Tita”

“Yeah ri—right!” she laughed.

“Lasing ka na”

“No I’m not Gail! Hahahahaha, uhhh why are you here? You should go home, Tito and Tita will be mad at you,” she said, namumungay na ang mga mata niya at namumula na siya. Heto pala yung nangyayari kapag umiinom ka?

“Dapat sabay tayo, let’s wait for Darryl to come”

“Darryl? Of course, hahahahahahaha dapat pala nakinig ako sa kanya noon Gail, Adrian is a heartless person, malandi siya! Wala siyang puso, I love him so much pero niloko niya lang ako. Gago siya! Takte siya! Hahahahaha. Kaya ikaw, hindi ka dapat mapunta sa mga lalaking manloloko, hahahahaha. Gago talaga siya! Gago si Adrian!”

I sighed, lasing na talaga siya. Tumatawa siya habang natulo ang mga luha niya, hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort. Tinignan ko lang siya at hinayaan sa mga sinasabi niya, wala talaga akong alam na maitutulong ko sa kanya bukod sa ang umupo sa tabi niya at damayan siya, ang makinig sa lahat ng sasabihin niya.

“Hey you mister,” nagulat ako sa sinabi niya, napakunot ang noo habang nakatingin sa kanya, “Kanina mo pa kami tinitignan ah?” she laughed, “ayyy teka, hindi pala ako, hetong best friend ko!”

What?

“Psssttt Asha, grabe lasing ka na talaga,” I said, mukhang maghahanap pa siya ng gulo eh.

“No I’m not,” ani ni Asha, while looking at the person behind me, nakatalikod kasi ako sa taong yun eh. “Kanina pa siya eh, type mo tong best friend ko no?” she said then laughed. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim tsaka hinarap yung lalaking kinakausap niya.

And when our eyes met, parang bigla akong may kakaibang naramdaman, my heart was beating fast and I don’t know why. Gwapo siya, fudge nakatitig lang ako sa kanya, ang gwapo niya talaga. He smirked na naging dahilan para lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko?

“Naku, naku yang best friend ko NBSB yan, never been kissed and never been touched. Fresh yan! Hahahahahaha” sabi ni Asha, pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya. The heck, napatingin ako kay Asha at sinamaan siya ng tingin, grabe wala na talaga siya sa sarili niya.

“Really?” that guy said, napaharap ako sa kanya at argh, hindi ko talaga maintindihan kung bakit naabnormal ngayon ang puso ko. Is it because he’s handsome? >.< Ahhh, siguro dahil sa natatakot ako sa pwedeng masabi ni Asha, kasi naman tong babaeng to eh!

“Ahhh, naku po wag niyo na po siyang pakinggan, lasing po yan” nahihiya kong sabi, shete talaga tong si Asha!

He flashed a smirk at nilapag niya ang basong hawak niya sa table, then he looked at me as if he’s memorizing every details of my face. Psh, pati ata tigyawat ko napapansin na niya.

“Heh, maybe I’m drunk pero totoo talaga tong mga sinasabi ko!” sabi ni Asha, babatukan ko na talaga siya.

“Ahhhh, sir sorry po mukhang naabala na namin kayo—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil natigilan ako sa ginawa niya.

OMG!

Para akong nabato sa ginawa niya, he touched my hair downwards at isinabit ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko sa aking tenga then hinaplos niya ang kanang pisngi ko, yung pisngi ko na kanina lang ay nakatikim ng sampal tas ngayon heto naman, fudge para akong nakuryente sa ginawa niya. Hindi ko rin alam kung bakit halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko, gusto kong itabing yung kamay niya pero hindi ko magawa. Nanlalambot ako, he looked at me then he smiled, fudge, I need air na ata!

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para tanggalin ang kamay niya na nakahawak pa rin sa kanang pisngi ko, grabe ka Saerin Gail, you just let a stranger touched your face. Nung malapit ko ng mahawakan ang wrist niya ay agad niyang nahawakan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at naging dahilan ulit iyon para makaramdam ako ng kuryente.

“Vous êtes belle”

Napaanga ako sa sinabi and at the same time naangasan ako sa sinabi niya, hindi ko iyon maintindihan pero argh, I admit na parang ang sexy ng pagkakasabi niya nun.

“Pano ba yan, I’ve already touched you mademoiselle,” pagkasabi niya nun ay tinanggal na niya ang kamay niya sa pisngi ko at pagkakahawak niya sa kamay ko at kinuha yung baso niya na may lamang alak at uminom ulit.

Hindi ako makapagsalita at hindi ko rin alam ang sasabihin ko, hindi pa rin ako makaget-over sa ginawa niya. Ang alam ko lang, gusto ko ng umalis dito, kailangan kong makalayo sa taong to. Tinignan ko si Asha, nakapatong na ang ulo niya sa table at nakapikit na ang kanyang mga mata, she’s asleep?! Ano nang gagawin ko ngayon?

“Gail!” natauhan ako nung marinig kong may sumigaw sa pangalan ko, agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko si Darryl na nagmamadaling lumapit sa akin.

***

Thank you po ulit for reading! :))

Vote| Comment| Be a Fan  

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

576K 15.6K 85
The MENDOZAs: 1. BRILE YU-RHI Gomez Mendoza- the delinquent 2. BREII YU-RHI Gomez Mendoza- the womanizer 3. RAIN AIDEN Rivera Mendoza- the sweetest...
144K 2.4K 63
"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line...
258K 7.6K 73
What does it feel like to be in a relationship with the ultimate heartthrob namely Dashed Calderón de García? |GOT RANK #1 IN TEEN FICTION| xxstart:...
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...