The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 725K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 2 *Transfer Students*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 17 (08/27/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 21 (10/03/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 23
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 26 (11/05/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 15 (7/7/14)

816K 16.3K 3K
By alyloony

Chapter 15

 

            Hindi ko na magawa pang pumasok. Matapos kong marinig lahat ng pang b-blackmail ni Erin kay Rika, halo-halong emosyon na ang naramdaman ko.

            Inis, galit, konsensya. At lahat ‘yun ay sa sarili ko.

            Yung kasalanan ko dati, pinagbabayaran ko pa rin hanggang ngayon. Hindi pa rin matapos-tapos. Hindi pa rin niya makalimutan ang lahat.

            Alam ko kasalanan ko at nasaktan ko nang husto si Erin. Pero wala ba talagang kapatawaran ang nagawa ko sa kanya?

            Oo sumuko ako. Nasaktan din naman ako sa lahat ng pang huhusga niya at lahat ng masasakit na sinabi niya sa akin. Oo, may namuo ring galit sa puso ko nang dahil sa kanya.

            Hindi niya ako tinuring na kaibigan.

            Wala siyang karapatan na magalit kasi never niyang inamin sa akin na may gusto siya kay David. At kahit kailan, hindi naging sa kanya si David kaya wala akong inagaw.

            Nag-mahal ako. Nagpaka-tanga at nakarma.

            Pero hanggang kelan? Hanggang kelan siya magagalit sa akin?

            After all, I did saved her from heart break. Hindi marunong mag mahal si David. At kesa siya ang nakaranas nun, ako.

            Bigla kong naalala si Ice.

            Si Ice na ngayon eh mahal na ni Erin. Tapos plano ko na naman siyang agawin sa kanya.

            Ang sama ko talagang tao.

            Nag-lakad ako papunta sa playground ng Prince Academy. May maliit na pintuan dito palabas ng school. Buti na lang talaga at mahilig mag cutting class si Jasper kaya alam na alam niya ang daan palabas kung saan hindi kami madali mahuhuli.

            Nang makalabas ako ng Prince Academy, agad akong pumara ng taxi at sumakay dito.

            “Saan po tayo ma’am?” tanong sa akin ng driver.

            “Kahit saan,” sagot ko habang nakatanaw ako sa bintana ng kotse niya

            “Huh?”

            “I mean, basta mag maneho ka na lang manong. Idaan mo sa C5. Sasabihin ko na lang kung saan ako bababa.”

            Hindi na sumagot ang driver at pinaandar na lang niya ang sasakyan.

            Napa-buntong hininga ako.

            Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong uminom kaya lang baka hindi ako makauwi mag-isa, kung ano pa ang mangyari sa akin. Gusto ko rin bumalik sa school at komprontahin si Erin, pero nakakainis kasi alam kong hindi ako makakapag-salita sa kanya. Magagalit lang ulit ako sa kanya at lalo na sa sarili ko.

            “Boy problem?” tanong ng driver.

            Hindi ko siya sinagot at pinag-patuloy ko na lang ang pag tingin sa bintana ng taxi.

            “Yung mga ganyang expression, obvious na may nag wasak na naman ng puso mo. Sino na naman ang nanloko sa’yo Timi?

            Doon ako biglang napa-lingon sa driver ng taxi na sinasakyan ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil naka-cap siya. Pero may ngiti sa labi niya.

            Ang ngiti na kilalang-kilala ko.

            “Long time no see, Stephanie.”

            He took off his cap at bumungad sa akin mula sa rear-view mirror ang dalawang pares ng matang minsan nang nagpa-baliw sa buo kong pagka-tao.

            “Oh my gosh…” halos pabulong at hindi makapaniwala kong sabi.

            “Why? Gumwapo ba ako lalo, Timi?” David told me while smirking.

            “What.. how.. how come naging taxi driver ka?!”

            “I’m not. You see, I’m doing a research.”

            “A research? Ano’ng research?”

            “Human being.”

            Napa-iling ako, “hindi kita ma-gets!”

            “Gusto kong maka-rinig ng iba’t-ibang conversations ng mga tao. Pero minsan ang hirap making pag nasa restaurant ako o nasa mall o nasa train. Masyado kasing maingay at magulo. Tapos, naisip kong mag-pasada ng taxi for a week. At least dito walang ka-effort effort kong napapakinggan ang usapan ng mga pasahero ko.”

            “Para rin ba ‘to sa librong sinusulat mo ha?”

            “Yep! You’re right!” masigla niyang sagot sa akin.

            Napa-pikit ako at napa-hinga ng malalim. Mas nanikip ang dibdib ko dahil sa overflowing na naramdaman ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko pero wala, sumabog pa rin ako.

            “YOU JERK!” sigaw ko sa kanya. “Napaka-sama mong tao!! Manggagamit ka! Hayop kang lalaki ka! Ba’t hindi ka pa namatay ha?! Hayop ka napakasama mo!”

            Napa-hagulgol na lang ako ng iyak at pinag hahampas ko ang braso ni David.

            “Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Kasalanan mo ‘tong lahat!! Nasira ang buhay ko! Pati inosenteng tao nadamay! Napakasama mong tao!!”

            “H-hey Timi, calm down! Gusto mo bang mabangga tayo?”

            “CALM DOWN?! WHAT THE HELL?! PAANO AKO HIHINAHON KUNG ANG LALAKING NANLOKO AT NANAKIT SA AKIN EH KAHARAP KO NGAYON?!”

            “I understand. Pero okay lang ba na humanap muna ako ng place kung saan tayo pwedeng mag-usap at kung saan mo pwedeng ituloy ang panghahampas at pang b-verbally harass mo sa akin?” he asked while giving me a crooked smile.

            Huminga ako ng malalim at mas lalong nag init ang ulo ko. Ayan! Yang ngiting yan na madalas niyang gamitin sa akin dati! Yang pakshet na ngiting minsan nang nagpabaliw sa akin. Pakshet siya!

            “Stop the car!” I command him.

            “Ayoko.”

            “Ibaba mo ko! Ayokong sumama sa’yo!”

            “No dear, sasama ka sa akin. I know marami kang gustong sabihin at mas lalo lang bibigat ang nararamdaman mo nailabas at naipamukha kung gaano ako ka-walanghiya. Am I right?”

            Huminga ulit ako ng malalim at gusto ko ulit siyang sagutin but I chose to keep my mouth shut. He’s right. Marami pa akong mura na naka-reserba para sabihin sa kanya. At kahit gustong-gusto ko siyang sakalin ngayon habang nag mamaneho siya, pinigilan ko ang sarili ko. Baka pag ginawa ko yun eh kung saan pa kami mabangga. Kung mamatay man siya, siya na lang. Wag siyang mandamay. Mamaya ko na lang siya sasakalin pag nakababa na kami.

            Hinayaan ko lang siyang humanap ng lugar kung saan kami pwede mag-usap. After almost 15 minutes, huminto kami sa tapat ng isang bistro.

            “You’re already 18 years old right?”

            Tumango lang ako.

            “Okay then, samahan na natin ng alak ang lahat ng galit mo.”

            “Hindi ako iinom! Mamaya pag nalasing ako, kung saan mo pa ako dalhin at kung ano pang gawin mo sa akin!”

            “Wala akong balak na masama sa’yo. Hindi ako interesado sa mga virgin.”

            “WHAT THE--!! Hoy, for your information, ginusto mong makuha ang virginity ko non!”

            “Naniwala ka naman? That’s all part of the plan, Timi. I’m just testing you during that time. Kahit bumigay ka non sa akin, wala akong plan na galawin ka. Ang bata mo pa kaya nun,” he smirked. “Anyway, tara na sa loob. I swear, wala akong gagawin sa’yo.”

            Bumaba na siya sa kotse at pumasok sa bistro. Nag-alangan pa ako nung una kung susunod ako o aalis na lang pero in the end, sinundan ko na lang siya sa loob.

            Oo para akong sira. Sinundan ko sa loob ng isang bar ang lalaking nanloko sa akin dati. Dapat nag back out na ako. Dapat umalis na ako. Pero may pakiramdam ako na dapat sumama ako sa kanya.

            After all, marami pa akong gustong sabihin sa kanya.

            Sarado pa yung bistro na pinuntahan namin. Kung-sabagay, it’s only 1 in the afternoon. Pero mukhang kilala naman niya ang may ari nun kaya pinapasok kami sa loob.

            “Sanay ka ba uminom?” tanong niya sa akin nang umupo ako sa katabing stool na kinauupuan niya.

            “Oo.”

            “Good! What do you want to drink?”

            “Bigyan niyo ako ng beer. Yung nasa can! Ako na ang bahalang mag bukas. Mamamaya kung ano pang droga ang ilagay niyo doon.”

            “Timi, I am writer, not a rapist.”

            “Yun nga ang malala eh. Kung nagawa mo akong lokohin para sa nobela mo, baka magawa mo ring maging rapist para pag-aralan kung ano ang pakiramdam ng may ni-re-rape.”

            “Hey, hey. Wag ka naman mag-salita ng ganyan. Hindi masasamang tao ang mga writers ‘no,” naka-ngiti niyang sabi sa akin habang inaabot ang isang can ng beer.

            Agad kong binuksan ito at nilagok ko ng inom. Nang maramdaman ko ang init ng beer sa lalamunan ko, ibinaling ko ulit kay David ang tingin ko.

            He’s smiling at me while looking so amused. Dalawang taon kong hindi nakita ang lalaking ‘to, pero tandang-tanda ko pa rin ang amused expression niya na ‘yan. Everytime na may ginagawa akong ikinagugulat niya or whenever I said something smart, he’s always giving me that look.

            Naalala ko dati, gustong-gusto kong ikinukwento sa kanya lahat ng mga pananaw ko sa buhay. Paano kasi, palagi niya akong binibigyan ng ganyang expression ng mukha. At gustong-gusto ko ‘yun nakikita sa kanya. Nag g-glow kasi siya. Tapos hahawakan ko ang magkabila niyang pisngi at paulit-ulit kong sasabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.

            “I love you. I love you. I love you.”

            “I love you more,” he answered back.”

            “Talaga? Peksman?”

            “Oo. Kungbaga, ito na ang romance story na para sa atin dalawa.”

            “Sana happy ending.”

            He smiled, “hindi lang happy ending. Happily ever after pa.”

            Nung panahon na ‘yun, masaya ako. Kahit nawala sa akin si Erin, kahit na maraming galit sa akin, masaya ako dahil sa kanya.

            Who would have thought that this guy is just using me?

            “Our romance story,” bulong ko.

            “Huh?”

            “Naintindihan ko na yung sinabi mo sa akin na ito na ang romance story na para sa ating dalawa. Ginamit mo ako at pinag eksperementuhan” mahinahon pero puno ng galit kong sabi sa kanya.

            Nawala ang ngiti sa labi ni David. Napa-hinga siya ng malalim.

            “I’m a roleplayer Timi.”

            “Huh?”

            “Nag i-iba-iba ako ng katauhan. Minsan good boy, minsan bad boy, promdi, basagulero, nerd. Depende kung ano ang character ng lalaki sa storyang isinusulat ko. Tapos humahanap ako ng perfect match na babae para doon sa character na ni-ro-roleplay ko.”

            Napa-higpit ako ng hawak sa can ng beer hanggang sa magka-dent na ito.

            “At nung panahong nilapitan mo ako, ako yung perfect match doon sa character na ni-ro-roleplay mo kaya naman ako ang naisipan mong pag laruan.”

            Tumango siya.

            “Totoo yun, pero nung panahon na ‘yun, hindi ako nag ro-roleplay. I am being myself.”

            Napapikit ako naramdaman ko ang mainit na luha na tumulo sa mata ko.

            “Minahal mo ba ako?”

            “I’m sorry…”  

            Napadilat ako at tinignan ko siya. Tuloy-tuloy na ang pag bagsak ng mga luha.

            Oo naka-move on na ako. Pero ngayong binabalikan ko ang lahat, bumabalik na naman ang sakit na naramdaman ko.

            “Ang dami mong sinira sa akin, David! Ang dami-rami! Erin’s mad at me at hanggang ngayon hindi niya ako mapatawad sa nagawa ko sa kanya. Galit din ako sa kanya dahil sa lahat ng pang huhusgang ginawa niya sa mga magulang ko pati na rin ang pandadamay niya sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon at sa patuloy na pang ba-blackmail niya sa akin! But damn it, David! She’s my best friend! At nawala siya sa akin dahil sa’yo! Nasira ‘yun dahil sa’yo! Sinira mo ‘yun! At hindi lang ‘yun! Eversince na sinaktan mo ako, natakot na akong mag mahal. Naging bitch ako! Damn it! I hate you. I really, really hate you!”

            Napa-yuko na lang ako sa counter habang humahagulgol ng iyak. Naramdaman ko ang braso ni David na yumakap sa akin. Gusto ko siyang itulak palayo pero nanlalambot na ako.

            “Sorry dahil naging ganyan ka because of me, Timi. But dear, I didn’t ruin your friendship with, Erin. Bago pa ako dumating sa buhay niyo, sira na ang pagkakaibigan niyo.

            Napa-tingin ako bigla kay David.

            “W-what?”

            “Alam niya ang tungkol sa plano ko. Alam niyang hindi kita mahal. At alam niya itong roleplaying na ginagawa ko. Siya ang nag-sabi sa akin na ikaw ang gamitin ko.”

            Para akong biglang nabingi sa sinabi ni David. Parang may bombing sumabog sa kaloob-looban ko.

            “You’re lying.”

            “I’m not.”

            “YOU’RE LYING! Paano kita papaniwalaan ha! Alibi mo lang ‘yan eh! Ano, ginagamit mo na naman ba ‘tong pag kakataon na ‘to para pag eksperementuhan ako ha?! Sinasaktan mo na naman ako para pag-aralan ang magiging reaksyon ko?!”

            “I’m telling the truth. Bakit pa ako mag sisinungaling kung alam mo na ang lahat. Isa pa, tapos na ang storya natin. And like what I’ve said, it’s a happy ending.”

            Para akong nabibingi. This guy is the biggest jerk I’ve ever known. He’s cruel! He’s so cruel.

            Pinaghahampas ko ang braso niya, “ang sama mo! Ang sama-sama niyo! You used me! You both used me! So the whole time kasabwat mo siya The whole time nag mukha akong tanga dahil sa inyong dalawa?! Ang sama niyo pareho!

            Hinila ako ni David at niyakap niya ako ng mahigpit.

            “I’m sorry. I’m so sorry.”

            “Walang magagawa ang sorry mo! Hayop ka talaga!”

            “I know. But at least you don’t need to be afraid of Erin anymore. Hindi ka na dapat ma-gulity.”

            “I hate you!”

            “I know.”

            “I hate Erin more.”

            “Edi wag mo na siyang hayaang saktan ka pati na rin ang mga taong naka-palibot sa’yo.”

            Hindi na ako umimik at ibinuhos ko na lang lahat ng luha ko sa braso ng lalaking sumira sa akin ng husto.

***

A/N

Magkakaroon ng sariling story si David, soon! :D (Pagka nabawasan na ang on-going stories ko at pag nai-raos ko na ang manuscript ko XD)

Sorry pala kung ang tagal ng update >.< .. May tinatapos po kasi akong manuscript para sa susunod kong book. Pero I'll try my best na mag laan pa rin ng oras para makapag update sa mga stories ko :)

- Ate Aly

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...
524K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
28.2K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...