Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 45

19.4K 615 263
By jaysanj



Zoe's POV

Tanghali ako nagising pagkakita ko sa orasan. Teka anong oras ba kami uuwi?

Hinanap ng mga mata ko sila Ate Ella pero hindi ko sila nakita. Bigla akong nagpanic na baka iniwan nila ako kaya mabilis akong lumabas ng kwarto. Sakto naman na napadaan si Ate Bea at Ate Maybelle.

"Zoe?" nagulat sila nung makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong nila. Napakamot ako ng ulo. Hindi ba nila alam?

"Oh gising ka na pala." tumingin kaming tatlo kay Ate Juls. "Sakto, aalis na tayo. Sa yate ka na maligo. Tara na." sabi nya.

Sumunod na kaming tatlo sa kanya habang nagtatanong yung dalawa kung bakit nandito ako. Inexplain naman ni Ate Juls. Maaga pala natulog yung dalawa kaya hindi nila alam yung nangyari.

"Nako, humanda kayo pagkauwi." sabi ni Ate Maybelle dahil don sa kasayahan na nangyari.

"Zoe!" kita ang tuwa sa mukha ni Louise pagkakita sakin. Nakasakay sila sa jeep na sinakyan namin nung nakaraan papunta dito. Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.

"Ate pwede po bang sa inyo ako sasabay?" tanong ko kay Ate Ella.

"Pwede." napangiti ako sa kanya at tumungo sa isang jeep pa kung saan nakasakay ang mga seniors.

Nauunawaan naman ng mga seniors kung bakit sa kanila ako sumabay dahil hindi sila nagtanong bagkus ay gumawa pa sila ng paraan para alawin ako. Nakakatouch sila pero hindi ko pa rin maiwasan malungkot.

Pagdating namin sa yate ay agad akong pumasok sa isang kwarto. Napatanga ako sa sarili ko nung maalala na wala sakin ang gamit ko. Ayoko pa naman lumabas.

"Zoe." rinig ko sa kabilang side ng pinto.

Binuksan ko ang pintuan at nakita si Ate Noimi na nakangiting nag-aalala.

"Ito ang gamit mo. Magpahinga ka na muna. Kung nagugutom ka itext mo ako para dalhan ka ng pagkain."

"Hala Ate, nakakahiya naman. Hindi na. Lalabas na lang ako mamaya." sabi ko.

"Wag kang mahiya ano ka ba? Ganito talaga kami dito, inaalagaan ang brokenhearted." napasimangot ako naman. Panay kasi sila brokenhearted, naiisip ko tuloy na break na kami ni Japan.

Nagpasalamat ako kinalaunan kay Ate Noimi tsaka nilock ang pintuan. Tumungo ako sa isang banyo at naligo. Tsaka ko lang naalala na hindi pa pala ako naghihilamos o nagmumug man lang kanina. Bwisit, nakakahiya.

Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko ang buhok ko tsaka ako humiga sa kama. Napabuntong hininga ako.

Sigurado ako ngayon na nagtataka sila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang mga may missed calls sakin at text. Lahat sila tumawag sakin pwera syempre kay Alexa at Steph pero hindi ko ineexpect na pati din pala si Japan. Grabe.

Tinago ko na lang cellphone ko at pumikit. Mabuti pang magpahinga na lang muna.

Nagising ako dahil tila may nag-uusap sa harapan ng kwarto. Naririnig ko ang boses ni Ate Ella kaya sinilip ko kung ano nangyayari at laking gulat ko na makita si Astra.

Napatingin sakin si Astra tapos walang sabi sabing pumasok sa loob ng kwarto. Teka!

"Astra!" nagulat sila Ate Ella sa pagpasok nya sa loob ng kwarto. "Hay nako. Pambihira talaga."

Nagtataka ako sa nangyayari. Tinignan ko si Astra na nakahiga na sa kama.

"Anong nangyari Ate? bakit nandito si Astra?" tanong ko.

"Naligaw ng landas." natatawang sabi ni Ate Abby. "Akala nya daw ito ang yate ni Dawn kaya dito sya sumakay, yun pala naiwanan na sya." tuwang tuwa pa sya sa nangyari.

"Hahatid ko na lang sya mamaya." sabi ni Ate Ella.

Tumango ako kahit na nagtataka ako sa nangyayari. Nagpaalam silang dalawa na aalis na kaya isinara ko ang pintuan.

"Kamusta ang puso?" tinignan ko ito kung ako ba kinakausap nito dahil nasa cellphone nya sya nakatingin.

Hindi ako sumagot kaya napatingin sya sakin. "Tinatanong kita." ako nga kausap nya.

"Okay lang."

"Liar." bwisit.

Hindi na lang ako nagsalita. Lumapit ako sa kanya.

"Usog ka." sabi ko sa kanya at umusog naman sya.

Humiga ako sa tabi nya at pumikit. Inaantok pa ako.

"Maganda ka pala kapag nakapikit." bigla ako napamulat dahil sa sinabi nya. Tinignan ko ito at nagulat ako dahil sobrang lapit nya. As in sobrang lapit talaga.

Hindi man lang sya lumayo kahit na nakatingin ako sa kanya. Malaya ko tuloy sya natitignan sa malapitan. Hindi ko aakalain na sobrang ganda pala talaga ni Astra kahit na nakapoker face ang mukha nya.

"Ikaw ang maganda. Kahit hindi ka nakapikit." masuyong sabi ko. Napangiti naman ito. Nahawa ako sa ngiti nya kaya napangiti na din ako.

"I know." grabe.

Natawa na lamang ako. Lakas eh, hindi man lang nagpa-humble.

"Zoe."

"Hmm?" sobrang lapit pa din nya pero hindi din naman ako lumayo. Comfortable ako na ganito sya kalapit sakin. Ewan pero ganito ang nararamdaman ko sa kanya.

"Gusto mo ako 'no?" nakangisi nitong nagtanong. Namula naman agad ang dalawang pisngi ko. "At gusto mo akong halikan."

"Hoy! kapal ah." taena, paano nya nalaman? masyado na ba akong obvious? "Te-teka!" nataranta ako dahil pumaibabaw sya sakin. "A-Astra.."

"Manyak ka alam mo ba 'yon?" shit bakit biglang naging husky ang boses nya?

"A-anong pinagsasabi mo dya-dyan?" naiilang ako sa tingin nya kaya naglilikot ang mga mata ko kung saan-saan tumitingin.

"Ohh?" napalunok ako dahil sa boses nya. Boses palang! "Hindi ba't tinitignan mo ang katawan ko nung nasa hotspring tayo?"

Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang part na 'yon. Nahuli nya ako non eh.

"May nakita ka." may ngising mapanukso sa mga labi nya.

"Wa-wala ah.." sabay iwas ko ulit sa tingin nya. Shit. 

Nanigas ako sa ginawang paghalik ni Astra sa leeg ko. Holycow! Hindi lang isang halik ang ginawa nya. Nakailang beses din! Anak ng tinapa, Astra!

Napatingin ako kay Astra dahil bigla itong tumigil. Hindi ako nadismaya ah! nagtaka lang ako.

Nakatulog pala ang isang 'to at nasa ibabaw ko pa talaga habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko dahil nga sa paghalik nya don.

"Bwisit ka Astra. Torture ka talaga." sabi ko at hinayaan sya na nasa ibabaw ko dahil ang bigat nya baka hindi ko din sya maalis.

Kalhating oras nung kumatok si Ate Abby na nagsasabi na malapit na daw kami sa pier kaya ginising ko na si Astra. Antok na antok ito at hindi pa bumangon.

Hindi na sya nakadagan sakin kaya inayos ko ang mga gamit ko. Maya-maya naramdaman ko na tumigil ang yate.

Nilapitan ko si Astra at ginising ito. Nagising din naman agad sya. Hindi naman pala mahirap gisingin ang isang 'to. Matagal lang bumangon.

Sabay kaming lumabas ng kwarto. Pansin ko na wala ng tao, baka nakababa na sila.

Tama nga ako na nakababa na silang lahat dahil nakaabang silang lahat sa pier. Yung iba sa kanila ay nagulat sa pagkita kay Astra na nakasunod sakin dala din ang gamit nya.

"Anong ginagawa ni Astra dito?" takang tanong ni Xenon.

"Astra, nakaabang na si Ella don. Puntahan mo na lang." sabi ni Ate Abby sabay turo sa may kalsada na may nakaparadang bus at porsche ni Ate Ella.

"Thank you po." nagbow ng konti si Astra tsaka ako hinila.

"Te-teka! bakit kasama ako?" tanong ko  sa kanya na panay pa din ang hila sakin.

"Samahan mo lang ako don." sabi nya. Hindi na lang ako umangal para makalayo din sa kanila.

Pero shete lang dahil nakasunod pala silang lahat. Natural! nandon yung bus eh!

"Tara?" tanong ni Ate Ella tapos pumasok sa loob ng sasakyan nya.

Tumingin sakin si Astra. "Goodbye."

"Goodbye." sabi ko din. Ngumiti ito pero tipid lang tsaka pumasok sa loob ng sasakyan.

Nagtaka ako dahil hindi pa sila umaalis kahit nakastart na yung engine ng sasakyan ni Ate Ella. Maya-maya ay ibinababa ni Astra ang bintana.

"Maglaro ulit tayo..." tumango ako sa kanya. "...ng apoy." nakangisi itong itinaas ulit ang bintana.

"Ng apoy?!" sigaw naman na nasa likuran ko na ang mga seniors at rookies.

Napangiwi ako. Hindi na nila natanong si Astra dahil umalis na din sila.

"Hoy Zoe ano 'yon ah?!" pilit nila Aj pero hindi ko ito pinansin at nagmadaling pumasok sa bus.

Tumabi naman sakin si Ate Anya na may ngisi sa labi.

"Kwento ka dali." anak ng isa din ito! "Anong position mo?" taas babang kilay na tanong nya.

"Anong position?" kunot noong tanong ko. "Shooting Guard." takang sagot ko naman.

"Hahahahaha!!" napatingin ako sa likuran ko. Nandon sila Ate Zeke at Ate V.

"Gago, tigilan ninyo si Zoe." awat naman ni Ate Sharm. Na nasa harapan namin. "Puro kayo kalokohan."

"Pero ano nga nangyari sa inyo ni Astra, Zoe?" tanong naman ng girlfriend nyang si Ate Krystal.

"Isa ka pa!" nakatanggap sya ng paltok galing kay Ate Sharm.

"Walang nangyari samin. Natulog lang kami." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Uyy!! yung mukha! halatang may nangyari!" udyok ni Ate Anya.

Namula ang mukha ko. "Ate wala nga!" sabi ko at natawa silang lima kaya napasimangot ako.

"Tigilan nyo nga si Zoe!" seryosong sabi ni Ate Joey.

"Opo!" sabi nila kaya ayun tumigil nga sila.

"So, anong ginawa ninyo?" bulong ni Ate Anya sakin.

"Anya!" napatalon sya ng konti dahil sa sigaw ni Ate Joey. Natawa na lang ako at nailing.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Napabuntong hininga nang maalala ang problema ko.

Naramdaman ko na naman ang sakit. Bwisit. Pinipilit ko na lang na wag umiyak dahil ayoko  makita nila akong umiiyak.

Kalhating oras lang biniyahe namin nakarating na kami sa camp. Hindi ako malapitan nila Louise dahil nasa tabi ko sina Ate Anya na panay pa din ang tanong samin ni Astra. Sinasaway na sila ni Ate Abby pero hindi sila tumigil hanggang sa pinaghahampas na sila. Natatawa na lang ako sa kanila. Kahit papaano nag-light ang mood ko.

Pero nawala din nung makapasok ako sa kwarto namin ni Japan. Nakatayo sa gitna na halatang hinihintay ako. Hinihintay ako? impossible.

Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy na tumungo sa higaan ko pero pinigilan nya ako sa paghawak ng braso ko.

Napapikit ako ng mariin. Hangga't maari ayoko muna sya makausap dahil sa ginawa nya.

"Zoe. Mag-usap tayo." napadilat ako dahil hindi malamig ang boses nya. Boses na nagmamakaawa.

Tinignan ko ito. Ngayon ko lang napansin na para syang walang tulog sa itsura nya. Bigla naman ako nag-alala sa kanya.

"Zoe. I'm sorry.." tila nanlambot naman expression ko na makita sya na parang hirap na hirap. "I'm sorry..Zoe..patawad...nagalit lang ako kaya ko ginawa 'yon..Zoe..patawad.." niyakap nya ako. "Zoe..magsalita ka naman oh..I'm sorry.." nagmamakaawang sabi nya. May naramdaman ko na tila tubig na pumatak sa balikat ko.

Agad ko sya inilayo sakin para matignan kung umiiyak ba sya pero mahigpit ang pagkayakap nya sakin.

"I'm sorry, Zoe..sorry.." ngayon alam ko na umiiyak talaga sya dahil garalgal ang boses nya at patuloy ang pagtulo ng luha nya sa balikat ko. "Zoe.."

Dahan-dahan inangat ko ang dalawang kamay ko at niyakap din sya. Humigpit ang pagkayakap nya at panay ang sorry nya sakin.

Ngayon ko lang nakita na ganito si Japan. Umiiyak.

"Shhh..." at ayokong makita sya sa ganitong kalagayan.

Natutulog sa tabi ko si Japan habang mahigpit itong nakayakap sakin. Napagod kakaiyak kaya nakatulog. Kanina ko pa sya pinapatahan pero wala eh. Sinabi ko naman sa kanya na hindi na ako galit sa kanya at pinapatawad ko na sya.

Habang umiiyak inexplain nya kung bakit nya nagawa 'yon. Nagselos daw sya at nandilim ang paningin nya kaya nagawa nya 'yon at hindi para gumanti.

Napabuntong hininga ako. Kaya kong patawarin si Japan dahil sobra-sobra pa ang nagawa ko sa kanya pero pinatawad nya pa din ako tapos ito lang na ako din naman nag-umpisa ng lahat hindi ko pa mapapatawad?

Hinalikan ko sa noo si Japan.

"Sorry din. Sorry kung isa akong kiss addict. Hayaan mo, ikaw lang ang hahalikan ko at kung may humalik pang iba sakin ay lalayo agad ako." sabi ko sa kaya kahit na alam kong hindi nya naririnig.

Isang buwan na nakakalipas simula nung bumalik kami dito sa camp. Masasabi ko na malaki ang pinagbago ni Japan simula non dahil panay ang dikit nya sakin, sya na mismo ang nagbubukas ng convo kahit nonsense tapos hindi na sya cold sakin. Sa iba lang nagiging cold.

Natutuwa ako dahil sakin na talaga naka-focus si Japan, kahit na minsan ay nakakainis sya sa pang-aasar nya. Pero at least, masaya ako na magkasama kami palagi ni Japan at nagbibigay ng atensyon sa isa't isa. Minsan pa nga ay tinuturuan nya ako sa mga ibang technique nya sa basketball.

Three months na lang ang itatagal namin dito camp sa mga aalis at isa na ako doon. Hindi pa ako tinatanong ni Japan kung mag sta-stay ba ako dito dahil sa oras na tanungin nya ako non ay hindi ko na alam.

Gusto ko sya makasama pero ayoko naman na pigilan sya na wag mag-stay dito at sumama sakin. Ano naman ang alam nya sa lugar namin? Sobrang layo non sa Manila kung saan ang pamilya nya. Kung magsta-stay sya dito may pagkakataon syang makasama ang pamilya nya.

Siguro naman na masosolusyonan naman namin 'yon.

"Hey." lumingon ako sa likuran ko.

"Kuya Kyle!" napatayo agad ako sa upuan at hinarap si Kuya Kyle.

"'Sup?" nakangiting bati nito. Kahit kailan talaga napakamasayahin ni Kuya Kyle.

"Ayos naman." sabi ko. Break namin ngayon pero yung iba naglalaro. Ako lang na nandito sa pwesto.

"Kamusta naman ang laro mo?" tanong nito at naupo sa upuan. Naupo naman ako sa tabi nya.

Ilang buwan lang kasi ang itinagal ng pagtra-training ko sa kanila pero madami akong natutunan na yung iba ay hindi ko pa pinapakita pero napakita ko na kay Japan dahil sa kanya ako nagtra-training.

"Okay naman pero hindi ko pa din magawang talunin si Steph. Halimaw ata sya." sabi ko at natawa si Kuya Kyle.

"Nandito sila Kill. Sabi nya gusto ka nyang makalaban."

"Talaga po?" bigla akong na-excite makita si Ate Kill.

"Oo." yes! makakalaban ko ulit si Ate Kill.

"Kyle, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ate V.

"Binibisita kayo. Rest day ngayon sa boys eh." sagot nya naman. "Nga pala, nakita nyo na ba sila Kill?"

"Hindi pa, bakit nandito ba sila?"

"Oo kasama ang buntis at si Aiden." natawa silang parehas sa pagtawag kay Ate Avey na buntis.

"Wala pa eh, tutal nandito ka naman, maglaro muna tayo." aya ni Ate V. Pumayag din si Kuya Kyle kaya naglaro silang dalawa. Nanood na lang yung mga naglalaro kanina sa dalawa.

"Hey." ngumiti ako kay Japan. Inabutan ko sya ng towel dahil isa sya sa naglaro.

Nagpunas sya ng pawis at umupo sa tabi ko. Nakatingin sya sa dalawang naglalaro.

"Nandito daw sila Ate Kill." napatingin sakin si Japan.

"Talaga?" tumango ako sa kanya. Ngumiti sya at bigla akong hinalikan sa labi pero smack lang.

"Nakakabigla ka naman." sabi ko sa kanya pero napangiti naman ako sa ginawa nya.

"Gusto mo naman." nakangising sabi nya. Natawa na lamang ako.

"Buntis!" sigaw ni Ate Sharm.

Napatingin kami kung nasaan sila Ate Avey. Mabilis naman na lumapit ang mga seniors sa kanilang dalawa. Yung isang anak nila na lumayo agad sa pagdumug sa kanila ng mga seniors.

Tawanan silang lahat doon na panay ang asar kay Ate Avey. Maya-maya lumapit samin si Ate Kill.

"Hindi kayo bagay bakit naging kayo?" pang-aasar nya. Napasimangot ako habang si Japan ay natawa.

"Ate Kill naman eh." sabi ko. Napangiti na lang ito sa pagtagumpay na pang-asar sakin.

"Anyway, Zoe, siguro naman nasabi na sayo ni Kuya na maglalaro tayo?" tumango ako. "Sorry pero hindi 'yon mangyayari." nalungkot ako na nagtataka.

"Bakit po?"

"Ayaw ni Avey na nakikita akong naglalaro." napabuntong hininga sya. "Hindi ko alam kung anong problema nya. Iniisip ko na lang na baka dahil buntis sya."

Natawa naman ako. "Okay lang Ate Kill. Maybe next time na lang siguro." sabi ko.

"Sa pagkakataon na 'yon, siguradong makakalaban ko na ang team mo." nakangiting sabi nito. Napangiti din ako.

"Sigurado." sabi ko.

"Sige, puntahan ko lang muna sila." tumango kami ni Japan sa kanya at umalis na sya patungo sa mga seniors na tuwang tuwang kausap si Ate Avey.

"Hindi ka dito magsta-stay hindi ba?" tanong ni Japan. Sabi ko na nga ba tatanungin nya yan pagkatapos nyang marinig ang sinabi ni Ate Kill.

"Uhm..hindi eh." alanganing sagot ko.

"Bakit?" takang tanong nya.

Napakamot ako ng batok ko. "Gusto nila Kuya na lumayo kami sa Manila." tumingin ako sa kanya. Hindi sya nagsalita kaya tinuloy ko ang sasabihin ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat pati na ang pagsaktan samin ni Papa.

Taimtim naman na nakikinig sakin si Japan pero makikita mo naman sa mukha nya ang inis sa mga ginawa ni Papa samin.

Buntong hininga sya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat.

"Paano tayo?" napakagat ako ng labi para pigilan ang pagngiti. Lagi ako napapangiti kapag sinasabi nya na girlfriend nya ako na meron kami. Kilig lang.

"Paano nga ba?" pabalik na tanong ko dahil hindi ko talaga alam.

Napayuko sya na tila nag iisip ng solusyon.

"Japan, wag mong isipin na sumama sakin okay? gusto kong mag-stay ka dito dahil yun ang gusto mo." sabi ko sa kanya. Tumango naman sya pero nag-iisip pa din sya. "Wag mong masyadong isipin yan, ano ka ba? may tatlong buwan pa tayo oh." pagche-cheer up ko.

"Okay." pagsusuko nya. Napangiti naman ako at niyakap sya.

Hindi natuloy ang training namin dahil sa mag-asawa. Bumalik kami sa dorm para doon magkwentuhan habang yung iba naman ay nakipaglaro kay Aiden.

Napatingin ako kay Japan dahil kinalbit nya ako. Tinuro nya ang itaas. Tumango ako sa kanya at sabay kaming umakyat sa itaas.

"Ayaw mong makipagkwentuhan sa kanila?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa kwarto namin.

"Masyado na silang madami doon." sabi nya. Sabagay. "Maliligo lang ako."

"Sabay tayo?" taas baba ang kilay na tanong ko.

"Manigas ka." natawa ako sa sagot nya.

Pumasok na sya sa loob ng banyo. Tumalon naman ako sa higaan ni Japan. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa drawer at nag-browse. Napangiti ako dahil ang bibilis mag-post ng mga seniors namin na kasama yung pamilyang Walker.

Nagtataka ako kung bakit kay Ate Avey ang ginamit nilang pangalan kasi kung titignan si Ate Kill ang parang magiging padre de pamilia sa kanila. Oh well, sila lang nakakaalam.

"Tapos na ako, maligo ka na din." sabi nya pagkalabas nya ng banyo.

"Alright!" mabilis akong kumilos para makatapos agad nang mayakap ko na si Japan

Pero napasarap ang pagbabad ko sa tubig kaya natagalan ako. Paglabas ko ng banyo hindi na pala nag-iisa si Japan. Kasama nya si Jayden.

"Hi, Zoe." nakangiting bati nito. Tumango ako sa kanya. Tumingin ulit ito kay Japan. "Ano na?" tanong nya dito.

Pumwesto ako sa higaan ko dahil magkatabi yung dalawa sa higaan. Si Japan nakahiga habang nakaupo naman si Jayden.

"I don't know." sagot naman ni Japan.

Nakitbitbalikat na lamang ako at nag-browse ulit sa cellphone.

"Naman oh, ako ang nahihirapan sa inyong dalawa." tumingin ako kay Jayden na napakamot ng ulo. "Magkaayos na kayong dalawa. Para naman kayong hindi magbestfriend eh."

Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko.

Isang buwan na din na hindi nagkikibuan ang dalawa. Si Torey at Japan. Kami naman ni Louise okay naman, syempre hindi din nya naman inaasahan na gagawin 'yon ni Japan eh pero si Torey sobra ang galit kay Japan. Humingi na ng tawad si Japan nung una pero hindi sya pinansin ni Torey hanggang sa sumuko na si Japan at hinayaan na lang si Torey. Kaya itong si Jayden, naiipit sa dalawang bestfriend nya.

"Sya kausapin mo, wag ako. Ako handang makipag-ayos pero sya hindi. Humingi na ako ng tawad sa kanya, kung ayaw nya akong patawarin hindi ko sya masisisi." sagot ni Japan.

"Hays! Ewan ko sa inyo! ako ang naiistress sa inyo." sabi ni Jayden at umalis ng kwarto. Natawa naman ako.

"Pst." tumingin ako kay Japan. "Dito ka." napangiti ako at agad na lumapit sa kanya.

Yumakap agad sya sakin pagkahiga ko sa tabi nya. Ako naman sumubsob sa leeg nya. Ang bango ni Japan! Sobrang nabanguhan ako sa amoy ni Japan at hindi ko napigilan na kagatin si Japan sa leeg nya. Napaaray agad sya at nagtanong ko bakit ko 'yon ginawa.

"Wala lang." nakangiting sagot ko naman. Nailing naman sya. "Nga pala, naalala ko na hindi ka na virgin. Sino nakauna sayo? sinabi mo na wala kang naging karelasyon." tanong ko.

Nakitbitbalikat sya. Kumunot ang noo ko tuloy. "Hindi ko sya kilala pero tanda ko ang mukha nya."

"Huh? paanong nangyari?" takang tanong ko.

"Lasing. Kung ano-ano na pinaggagawa." napatango ako dahil alam ko na ang sunod na nangyari. "Ikaw? virgin ka pa ba?" tanong nya.

Napangiti naman ako ng malawak. "Hindi na."

"Wow ah, proud." napangisi ako.

"Hindi naman. Hindi ko naman pinagsisihan ang nangyari dahil ginusto ko din naman." tumango sya. "Hindi mo tatanungin kung sino nakauna sakin?" takang tanong ko.

"Bakit? sino ba?"

"Si Alexa." agad sumama ang mukha nya kaya natawa ako. "Joke lang 'to naman. Yung second girlfriend ko."

"Umayos ka, Zoe." aww nagtampo ang Japan ko.

"Sorry na, hindi ka naman mabiro oh." sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kanya. Hindi sya sumagot at sa iba nakatingin kaya napangiti ako lalo. "Japan, wag na mainis." panglalambing ko.

Buntong hininga ito kaya lalo akong napangiti dahil alam kong magiging okay na kami. Hinalikan ko sya sa labi nya na hindi naman nya ako binigo at hinalikan din ako.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis ko. Humanda ako sa pagsugod ng tatlong magagaling sa team na ito.

Ipinasa ni Alexa kay Japan ang bola. Hinarangan agad ni Torey si Japan. Pinasa naman ni Japan kay Steph ang bola na mabilis kong hinarangan. Napangisi ito sakin. 

Mabilis syang kumilos na agad ko naman sinabayan. Napatigil sya dahil hindi sya nakawala sakin pero agad din kumilos. Sinundan ko sya. Kumaliwa o kumanan man sya ay lagi ko syang nahaharangan. Hindi naman sya naiinis dahil nakangisi pa din ito.

Hindi ko inaasahan pagtalon nya kaya nahuli ako para iblock ang bola. Napatingin na lamang ako sa ring. Pasok.

"Bumibilis ka." sabi ni Steph bago tumakbo sa kabilang court.

Sinalo ko ang bola na pinasa ni Ivy. Mabilis na sumugod ako sa kanila. Pinasa ko agad kay Torey ang bola pagkaharang sakin ni Steph. Inirapan nya ako dahil hindi ako makikipag one-on-one sa kanya. Napangisi naman ako. 

Hindi ako binantayan ni Steph kaya mabilis na puwesto ako sa gilid. Hindi nila ako napansin lahat dahil busy sila sa may hawak ng bola na si Louise. Pinasa ni Louise kay Ivy ang bola, nakita agad ni Ivy na open ako kaya pinasa nya sakin ang bola. Mabilis kong tinira ang bola lalo na wala akong bantay.

"Zoe for three!!" sigaw ko tapos tumakbo papunta sa court namin. Nakipag-apir ako kay Ivy.

"Hoy balik!" napatingin kami kay Torey na nakuha pala ang bola. Mabilis tuloy kaming bumalik sa court nila.

Pinasa sakin ang bola tapos nakaharang sakin ang tatlo. Nagulat ako. As in silang tatlo. Steph, Alexa at Japan!

Tinulungan naman ako nila Louse at Torey. Pinasa ko kay Ivy ang bola. Bantay nya si Kiara. Umalis din yung dalawa pagkapasa ko ng bola na sinundan nila Louise at Torey.

"Grabe." nailing na sabi ko.

Napatigil ako dahil nasa harapan ko si Steph. Nakangisi pa din ito. Kumunot noo na lang ako.

Sinalo ko ang bola na pinasa ni Louise. Drinibble ko 'yon. Huminga ako ng malalim bago drinibble ng mabilis ang bola. Nagforward ako sa kanan. Humarang agad sya. Pinadaloy ko sa likuran ko ang bola. Sa likod ko pinagpasa pasa ang bola sa dalawang kamay ko habang nakatingin ako kay Steph. Sya naman ay nakatingin sa bola. Ibinato ko ang bola sa itaas.

Bigla sya nagtaka kung nasaan ang bola tapos tumingin sya sa likuran nya dahil doon bumagsak ang bola. Mabilis akong lumagpas sa kanya at kinuha ang bola. Tumakbo ako papunta sa ring. Si Alexa naman ang makakaharap ko pero syempre hindi ko sya kaya pinasa ko kay Torey ang bola.

Pinasok agad ni Torey ang bola sa ring at score namin.

Ngiting tagumpay kaming bumalik sa court namin. Kasi naman tatlong magagaling ang kalaban namin pero nakakascore kami. Hanep 'di ba?

"Sumosobra na kayo sa kasiyahan." nakangising sabi ni Steph. "Tapusin na natin ito."

"Good game!" sabi naming lahat pagkatapos ng laro.

Ang resulta? syempre talo kami pero hindi naman malaki ang lamang namin sa kanila kaya okay pa din kahit papaano.

"Guys! gym tayo ngayon!" sabi ni Ate Krytal.

Sumunod na lang kami na hindi nagtatanong dahil pagod din kami sa laro pwera kay Jayden na hindi naglaro ngayon dahil red light ngayon. Pinagbigyan na dahil first day.

Pagdating namin sa gym ay nandon ang blue team pati ang mga seniors. Mukhang may iaannounce sila.

Umupo kami sa tabi ng blue team. Nakipagkwentuhan pa kami dahil hindi pa naman nagsasalita ang mga seniors.

"Okay guys tahimik!" sabi ni Ate Abby. Tumahimik naman kaming lahat. "Dahil isang buwan na lang tapos na ang training ninyo dito. Ang iba sa inyo ay magsta-stay dito at yung iba naman ay aalis."

Tahimik naman kaming nakikinig sa kanila. Isang buwan na lang.

"May graduation tayo dito." nakangiting sabi ni Ate Anya. "Yun ang seremonya na nagsasabing nakapagtapos kayo sa pagtra-training dito sa camp."

"Ate may diploma din ba?" biro ni Aj.

"Meron." nakangiting sagot ni Ate Ella.

"Weh?!" agad na sabi namin. Yung biro naging totoo.

"Meron nga. Ito yung sakin oh." pinakita ni Ate Noimi ang diploma nya.

Kinuha ni Gen ang diploma ni Ate Noimi at tinignan.

"Pero ibang graduation ang magaganap dito. Hindi yung katulad ng naiisip nyo." sabi ni Ate Juls.

"At!" nagulat kami sa pag-'at' ni Ate Shiela. "Sobrang saya non!" tuwang tuwang sabi nya.

"Sobra! hindi nyo ineexpect 'yon dahil kami non, hindi namin ineexpect." sabi ni Ate Bea.

"Paano po ba ang graduation dito?" tanong ko.

"Dalawang araw ang seremonya. Unang araw ay maglalaban laban ang Blue team at Red team, Senior players ng Blue team vs Red team rookies at Senior players ng Red team vs Blue team rookies." sabi ni Ate Zeke.

"Hindi talaga nawawala yung laro 'no?" biro ni Jayden.

"Oo naman 'no! Masaya 'to dahil makikita natin ang pinaghirapan ninyong magtraining dito." sabi ni Ate V. "Alam nyo bang kahit sa batch ni Maybelle ay hindi nila kami natalo? kaya makikita natin kung kayong mga rookies ay matatalo kami." sabi nya pa.

"Yun lang pala eh!" sabi ni Aj. "Makikita nyo! tapos kayo samin!" mayabang na sabi nya kaya natawa na lamang sa kanya ang mga seniors.

"Sa pangalawang araw, doon ipapakita nyo ang talent ninyo bukod sa basketball. Singing, dancing, etc. Bahala kayo kung ano ang ipapakita ninyong talent at after non, bigayan ng diploma." sabi ni Ate Anya.

"Lahat kayo may ipapakitang talent kung hindi sasapakin namin kayo! ay hindi, hindi namin kayo bibigyan ng diploma." banta ni Ate Ali.

"Hala! kawawa!" sabi namin. Kung ano-ano ang reklamo namin pero hindi nila kami pinakinggan.

"So yun lang, paghandaan ninyo na ang talent ninyo. Imbis na one day rest day ninyo, magiging dalawa na para sa talent ninyo." sabi ni Ate Ella.

"Goodluck sa inyo!" nakangiting sabi nilang lahat.

Bumalik kami sa dorm at habang naglalakad ay nagtatanungan na sila kung ano gagawin nila sa graduation day. Yung tatlong magbestfriend kahit hindi okay yung dalawa hanggang ngayon ay sasayaw daw kaya hindi ko maaya si Japan.

"Zoe, ikaw? ano gagawin mo?" tanong ni Louise. Napaisip naman ako.

"Ikaw ba? wala akong maisip eh." sabi ko.

"Hindi ko din alam eh." natawa kaming parehas dahil wala kaming maisip na gagawin.

Bahala na kung ano maisip namin.





------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 74.1K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
40.8K 2.4K 41
"You gave me reason to live in an eternity of captivity. But it's your FAULT that I fell in love with you that I can't even control this feelings any...
384K 14.4K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
93.8K 4.7K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...