The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #7: Untold Story

153K 2.4K 111
By kathipuneraaa

In assign ako ni Ms. Velasco biglang class monitor niya ngayong araw. May project kasi kami na kailangan ng laptop at projector. Mukhang tinatamad siya gawin yung mag isa kaya tinawag niya ako. Tutal mukha naman daw akong sanay sa mga komplikadong gawain. Like seriously, pag copy lang naman ng file ang gagawin niya pero para sa kanya mahirap na yun. Tsk, ayaw na lang kasing aminin na hindi siya techie.


"Simulan na. Alphabetical order. Make sure your timeline is presentable enough. Ten is the highest score" sabi niya. Noong nakaraang linggo sinabihan niya kami na gumawa ng video na nakalagay ang mga litrato namin simula pagkabata. Dalawang gabi ko din pinaghandaan yung sakin. Sakto na bumili si papa ng laptop at printer na may kasamang copying machine at scanner kaya hindi na ako pumunta pa sa computer shop para gumastos magawa lang ang project na to.

Sa totoo lang, wala din akong gaanong confidence. Noong bata ako wala naman akong masyadong matandaan na magagandang memories bukod sa mga birthdays ko. Ang tumatak lang sa isip ko eh yung kaklase ko noon sa kindergarten na minsan kong nilabanan noong bullyhin ako.

Mayroon din akong ipinagtanggol noon na classmate kong lalaki pero hindi ko na matandaan ang pangalan. Kung nasaan man siya ngayon sana lang hindi na siya nagpapaapi. Naalala ko kung paano siya umiyak noong agawin ang bag niya. Naawa naman ako kaya ayun ako ang lumaban sa mga kaklase naming yun.


"Dela Serna ikaw na lang ang mag click ng play tutal may mga pangalan naman na nila yan" utos na naman sakin ni ma'am. I almost rolled my eyes. Kung hindi ko lang nakita si Nico na impit akong pinagtatawanan malamang mababadtrip talaga ako.

Ginawa ko na lang ang sinabi niya. Matagal tagal pa naman ako dahil letter D pa. Sa nakikita ko, etong mga kaklase ko inborn talaga ang pagiging mayaman. Karamihan nga sa kanila may litrato pa na nasa ibang bansa. Sa Disneyland karaniwan. Halos lahat nang nagpresent may picture na kasama si Mickey Mouse. Samantalang ako, napaka simple lang. Pero napakadami ko namang litrato. Si mama daw kasi kada galaw ko nun kinukuhanan ako ng litrato. Katunayan nga, hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko sa presentation na ginawa ko. Tinulangan pa ako ni Robie nung weekends.

Naging peaceful naman yung mga natatapos na presentations. Bahagya akong nakaramdam nang kaba nung tinawag na si Robert Dela Cruz. Yung katabi ko. At pagtapos niya turn ko na. Hindi ko tuloy maiwasan kagatin ang gilid ng labi ko gaya nang ginagawa ko tuwing kinakabahan. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa posibilidad na hindi nila magugustuhan yung akin. At lalo na yung grade na ibibigay sakin. Mataas na siguro ang 6 o 7.


"Dela Serna" tumayo na ako. Hinanap ko muna yung akin at pinlay. Nag umpisa ang video sa isang text na nagsasabing "Welcome to my life" wala na akong maisip kaya ayun na lang ang inilagay ko. May background song yung video ko na kanta ni Taylor Swift. Never grow up. Because I cant find the right song to use. At isa pa nababagay naman.


"Wow" namimilog ang matang sabi nung isa kong kaklase. Akala ko sarcastic ang pagkakasabi niya pero hindi ko yun mabakas sa mukha niya. Inisa isa ko na din obserbahan yung iba. Lahat sila halos ganon ang reaksyon. Na tila ba gandang ganda sila sa ginawa kong presentation samantalang napaka simple lang naman nun.


"Wow Erica, ang ganda naman ng childhood moments mo. Huhuhu, me so inggit. Look, halos sa lahat ng pictures mo kasama mo parents mo samantalang kami.. Hay.." may pa conyo pang nagsabi sakin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti at malungkot at the same time.

Oo nga. Isa din yun sa mga bagay na kanina ko pa nao obserbahan. May magagara nga silang gamit pero karaniwan wala silang kasama sa mga litrato. Kung meron man, mga batang kasing edad lang din nila at kung ano ano pang mamahalin na laruan.

Naging magaan na ang lahat para sakin matapos akong makapag present. Nakakatawa nga eh. Parang sila pa yung nahiya sakin. Nung si Nico na ang magpapakita nung kanya, naging attentive ako sa panonood. Shems, bata pa lang ang gwapo na niya. May ilang pictures siya na kasama si Derick probably nung elementary sila na parehong nakasuot ng basketball jersey. Walang litrato na nakangiti si Derick. Poker face siya. Aish.

Nang matapos na kami lahat saka nagbigay ng grades si Ms. Velasco. Hindi pa din ako kampante kahit nagustuhan ng mga kaklase ko yung akin. Syempre na kay ma'am pa din ang huling halakhak. Siya pa din ang magdedesisyon.


"Daza.. 8"


"De Chavez.. 9"


"De Leon.. 7"


"Dela Cruz.. 8"

Tugstugstugs, ako na ang susunod. Huhuhu, Lord please kahit 7 lang po okay na sakin! O kahit 5 na lang eh basta makapasa na lang.


"Dela Serna.." she paused for a while at nakangising tinignan ako. Kabadong kabado naman na ako. Halos humiga na ako dito sa kinauupuan ko.


"11"

Nagpalakpakan ang buong klase habang ako naman napatayo. Sobrang sarap sa pakiramdam. Na overwhelm talaga ako. Kani kanina lang ang dami kong doubts kung papasa ako pero ngayon sobra sobra pa!


"Well deserve. Well deserve" narinig kong sabi ni Nico na sinang ayunan ng buong klase. Hindi pa din sila matigil sa hiyawan. Si Ms. Velasco nga hindi alam kung matatawa o maiinis. Ang ending napailing na lang siya.

Hindi pa sila nakuntento sa pagpalakpak at paghiyaw. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Nico at pagpasa pasahan ako nung mga lalaki sa ere. Yung mga babae din nakikisali. Napapikit na lang ako. Atleast kahit out of place ako sa school na to, kahit paano may isang araw din na naging masaya ako.


"Bakit ba ang ingay niyo?!" napahinto kami nang bumukas ng pintuan at pumasok si Derick. Napakasungit. At kahit kailan talaga ang ugali. Ang sama sama. Akala niya ata kinagwapo niya ang pagiging ma attitude niya. Nakakabwisit kaya! Ibinaba tuloy ako at lahat kami nasa kaya na ang atensyon. Masaya na siya? Attention seeker jerk.


"Erica got 11 on our project. We're just celebrating" si Nico ang sumagot dahil siya lang naman ang may kakayahang gawin yun


"So what? Napaka ingay niyo! Abot hanggang private room ko! Ang tatanda niyo na para sa ganyan!" he ended at lumabas na ulit. Nagkatinginan kaming lahat at ilang sandali pa nagtawanan na naman.

Bago matapos officially ang klase, kinuha ni Ms. Velasco ang cellphone number ko. Hindi ko alam kung bakit pero ibinigay ko na lang. Niyaya ako ng mga classmates ko na kumain sa canteen pero tumanggi ako. May usapan kami ni Robie na magkikita sa garden ngayong lunch time.

Hinalungkat ni Nico ang bag ko. Doon ko na naalala na may naipangako nga pala akong polvoron sa kanya. Dala ko naman pero sana makita niya dahil nasa ilalim yun ng bag ko at nasa loob ng box.


"Hoy Erica titignan mo na lang ako? Nasaan na yung promise mo? Alam kong may dala ka" pinagpatuloy niya pa din ang paghahanap. Kalahati na ng klase ang nakakalabas.


"Ang liit nyang bag ko imposibleng hindi mo makita" pagmamataray ko. Hindi ko alam kung paanong paghahanap ang ginagawa niya pero matapos ang ilang minuto sumuko na siya at parang hinang hina. Pinagtawanan ko siya saka kinuha ang bag ko para ibigay yung kahon sa kanya.


"Ibigay mo daw yung iba kay Bea sabi ni Zeke" bilin ko pero mukhang wala siyang narinig. As soon as mahawakan niya yung karton nagmamadali na niyang binuksan yun.


"Chocolate polvorons and cashews!" he claimed in excitement. Nagulat naman ako sa sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi. Buti na lang walang nakakita dahil abala sila sa pag aayos ng mga gamit nila.


"Uh oh. Dont get me wrong. Its just my way of being grateful. Thank you so much!" kinindatan niya pa ako saka nagmamadaling lumabas.

Dala yung lunchbox ko, nagpunta ako sa garden at pumwesto sa isa sa mga shaded bench. Pinaglalaruan ko gamit ang paa yung maliit na bato na nasa damuhan. Ten minutes ng late si Robie. Tinawagan niya pa ako kanina sabi niya paparating na siya. Pero ngayon wala pa din siya.


"Beshie!" halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Annabeth na nagmamadaling lumapit sakin. Base sa mukha niya mukhang may hindi magandang nangyari


"Oh ano ba yun?" tanong ko


"Si Robie.. Nasa clinic! May gumulpi sa kanya!" napatayo ako. Gumulpi?! How and why?! Napaka bilis naman ata eh kausap ko lang siya kanina ah?!

Hindi na ako nagsalita. Tumakbo na ako bitbit ang bag ko. Sinundan naman ako ng bestfriend ko na pumapantay din ng takbo sakin. May commotion agad. May mga naririnig akong babae na nasasambit ang pangalan ni Robie pero hindi ko na pinagkaabalahan na pakinggan ang mga sinasabi nila. Ang mahalaga makarating ako doon. Makita ko kung okay ba siya.

Hindi ko na kailangan pumasok sa clinic dahil nang papasok na ako, lumabas naman siya kipkip ang backpack niya.


"R-robie?" I stuttered. Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko siya. Putok ang labi niya at yung gilid ng mata niya nangigitim. May ilan sugat din sa pisngi niya. Para ngang may sumapak sa kanya na matindi ang galit


"Hey" at nakuha pa niyang ngumiti sa lagay na yan! Kung nasa ibang lugar siguro kami ngayon na walang tao malamang humagulgol ako sabay yakap sa kanya. Grabe talaga! Sino bang hudas ang gumawa sa kanya nito?! Noong nakaraan si Derick. Ngayon sino naman?! Ugh at sana naman wag ulit siya! Kung di makakatikim na talaga siya sakin. Langya.


"Robie ano ba nangyari? Nag aalala sayo ng husto si Stephen" nakalimutan ko na nandito pala si Annabeth at nakasunod sakin. Gaya ko nagtataka at nag alalala ang mukha niya. Yung Stephen na tinutukoy niya boyfriend niya na bestfriend at team mate naman ni Robie.


"Sino ang gumawa sayo nyan?!" bigla kong tanong. This time medyo naiinis ako. Hindi ko lang kasi mainitindihan yung pagiging kalmante niya sa kabila nang nangyari sa kanya. Kahit na alam kong wala akong karapatan mag demand, still concern pa din ako dahil magkaibigan kami.


"Wala to Erica. I just got somebody pissed. Kasalanan ko" sagot niya na parang humihingi ng pang unawa. Nagkibit balikat na lang ako.

Hindi naman siguro masama to dahil unang beses ko lang naman ginawa buong buhay ko ang MAG CUTTING. Nag aalala talaga kasi ako kay Robie eh. Sumama tuloy ako sa kanya sa isang coffee shop dito na malapit sa school. Kasama din naman si Stephen at Annabeth pero nakahiwalay sila saming mga babae. Mukhang importante at seryoso ang pinag uusapan nila base na din sa expression ng mga mukha nila.


"Omg omg. Hindi ako makapaniwala na nandito ka besh. Nag cut classes!" tuwang tuwang sabi ng bestfriend ko. Di ko din naman siya masisi dahil ito talaga ang first time.


"Nag aalala kasi ako kay Robie eh. Baka mamaya balikan siya nung gumulpi sa kanya" sagot ko at nilaro yung frappe na inorder ni Robie para sakin

Nakita ko ang mas lalong pagiging masigla ni Annabeth. May nasabi ba ako na nakapagpa hyper sa kanya?


"Mukhang iba na yan ah. Attracted ka sa kanya noh?" pang aasar niya. Tinignan ko lang siya ng masama. Hindi naman sa ganon. Sadyang concern lang ako bilang kaibigan. Hindi din kasi ako matahimik hangga't hindi ko alam ang totoong nangyari.


"Tigil tigilan mo ako, Annebeth. Kialala mo naman ang ugali ko. Hindi ako basta basta naf fall ng basta basta" I snapped


"Kilala din kita. Hindi ka basta gagawa ng isang ipinagbabawal na bagay kung hindi importante ang kapalit. You have always been so righteous. Obedient. At pagcu cutting kapalit ng pagsama dito kay Robie sa tingin mo hindi big deal?"

Natigilan ako. Seryoso na ang bestfriend ko. Ayokong patulan ang mga sinasabi niya dahil baka sa huli mapaamin niya ako kung ano ba ang nararamdaman ko para kay Robie. Ayoko umoo dahil wala namang kakaiba. Wala namang kabog. But knowing Annebeth, she wont take no for an answer.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number ang tumatawag. Ayoko sana sagutin pero baka mahalaga.


"Hello"


"Ms. Dela Serna? This is Ms. Velasco"


"Oh, hi ma'am! Napatawag po kayo?" polite na tanong ko. Kapag naaalala ko kasi yung binigay niyang grade sakin gusto ko siyang yakapin. Hihihi.


"Can I ask you a little favor? Since you're my class monitor, pwede bang puntahan mo si Derick Lusterio sa room niya at ikaw ang mag grade ng performance niya?" what?! Oh no. Mas gugustuhin ko pang lapain ng leon kaysa magpunta sa kwarto niya! Mamaya ano pang gawin nun sakin eh


"Eh ma'am bakit naman po ako?"


"Gaya ng sinabi ko, hija ikaw ang class monitor. At isa pa hindi ko na kakayanin pumanhik sa private room niya dahil nilalagnat ako. Sige naman na"

Nakatingin lang sa akin si Annabeth na nagtataka. Marahil nakikita niya kung paano parang biglang na haggard ang itsura ko. Maisip ko pa lang si Derick nanghihina na ako. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko gagawan niya ako ng masama. What more kung doon pa sa kwarto niya. Who knows na baka nga impyerno pala yun.


"Okay po ma'am. Ngayon na po ba?" no choice na sabi ko dahil kung maysakit nga talaga siya, konsensya ko na lang kung may mangyari.


"Yes hija. In fifteen minutes. And actually he's expecting you" I rolled my eyes. Disgusted.

"Sige po" ako ang unang pumindot ng end call button. Pesteng lalaki yun! Kung bakit ba kasi bumukod pa ng classroom!


"Sino yun?" usisa ni Annabeth


"Wala. Si Ms. Velasco pinapapunta ako sa faculty. Sige na aalis na ako" tumayo na ako. Magpapaalam sana ako kay Robie at Stephen pero nagbago ang isip ko dahil seryoso pa din ang pag uusap nila. Ayokong makaistorbo kaya ibinilin ko na lang kay Annabeth.


"What took you so long?" pagpasok ko ng private room ng mahal na prinsipe, yun agad ang salubong niya sakin. Prente siyang nakaupo sa swivel chair na nasa likod ng desk niya at may nakaipit pang sigarilyo sa labi niya. Seriously?


"I had lunch out. Ikaw, kumain ka na ba?" pagsisinungaling ko


"I had two breads last time. And of course, you" binalibag ko sa kandungan niya yung backpack ko. He just playfully smiled at ibinalik sa akin yun.


"Nasaan na yung video presentation mo? Bilisan mo na at may klase ako" apura ko kaysa patulan yung huli niyang sinabi. Torture sakin tong pagsasama namin. Hindi ko kakayanin kung isang oras ganito kami.

Sumunod naman siya. Siya na din ang kusang nag set up ng projector at laptop. Umupo lang ako sa couch na malapit sa kanya at nag cross legs. Kinuha ko yung phone ko sa bag at nagtext kay Robie para mag sorry sa biglaan kong pag alis.


"Ready ka na bang pasukin ang mundo ko?" kuha niya sa atensyon ko. This time may lollipop naman siya sa bibig. May nakita akong isa pa na nasa pencil holder niya at kinuha yun. Ginaya ko yung ginagawa niyang paglalaro nun sa loob ng bibig ko.


"Bilisan mo na lang" I jerked


"Yeah. In 3.. 2.. 1.."

Kasabay nun namatay lahat ng ilaw. Yung liwanag lang na nagmumula sa projector yung maaaninag. Napatalon ako sa gulat. Nalaglag pa yung lollipo kung saan. Kinakabahan na naman ako dahil kami lang ang nandito.


"I wont do anything. Unless gusto mo" pang aasar niya. Nasa tabi ko na pala siya. Hinila niya ako payakap sa kanya. Inamoy niya pa ang buhok ko.


"Please let's stay like this. Just this time. Alam kong nagagalit ka pa din sa ginawa ko nun but please mamaya mo na ako komprontahin tungkol doon. I badly need someone to hug right now kung gusto mong mapanood yan"

Hinayaan ko na lang siya. Nagsimula na mag play yung video presentation niya. Itinuon ko na lang ang buong pansin ko sa panonood. Kahit na medyo distracted ako sa posisyon namin.

Napakunoot ang noo ko. Sa lahat ng presentation namumukod tangi to. Iba yung concept. Ninanarrate niya yung buhay niya.

"I am a very lonely child.. Nobody loves me.." he keeps on saying. Madami siyang litrato. Gaya nung sa mga kaklase namin, mag isa lang din siya.


"Nobody even remembers my birthday.." he added. Gusto kong isipin na biro lang to, pero nang makita ko si Derick, there are tears stung on his eyes. Despite that damn thing na ginawa niya sakin, it wont stop me from wiping those tears away.

Gusto kong daanin sa biro ang sasabihin ko sana but I held back the words. Hindi ito ang tamang pagkakataon. Instead, niyakap ko na lang siya. Hindi ko na pinapanood yung video. Pinapakinggan ko na lang. I cant bear to see another lonely him.


"Sana naiintindihan mo kung bakit kita niyakap. I hate to be alone. You dont know how painful it was Im feeling habang ginagawa ko yan. I hate my life. I hate it. I hate it" bulong niya sakin.


"Ssshhh" sinubukan kong pakalmahin siya. Alam kong gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya.

I have learned so much on him today. Naisip ko tuloy yung mga sinabi sakin ni Nico nung kumain kami. Alam ni Derick yung pakiramdam kapag hindi minamahal. Hindi pinapahalagahan. Ito ba yung ibig niyang sabihin? It was his family who has given him so much agony. Kaya ba agresibo siya? Kaya ba barumbado siya?


"Sasabihin ko kay ma'am na 12 ang score mo" sabi ko nang matapos na. Madilim na naman yung kwarto. Ni hindi ko makita ang mukha niya.


"Baka sabihin niya tinakot lang kita" biro niya. Tumawa na lang din ako kahit hindi naman ganon na nakakatawa. Basta mapagaan lang ang sitwasyon.

Kinapa ko ang ulo niya. Kinulong ko sa dalawang palad ko yung mukha niya. "Let's be friends" I proposed. Idinikit niya ang noo sakin sabay yakap.

I thought its just one of his caprices na yakapin ako. Para maka chancing sakin. Pero base sa nakikita ko ngayon, the way na niyayakap niya ako, sa paraan na umiiyak siya, hindi ko nakikita ang Derick na nambastos sakin. I just saw him as him. The lonely child that feels being abandoned by his family.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 115 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.1M 31.6K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
7.7M 201K 39
She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mother's friend together with her two daughte...
1M 31.8K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...