CHAPTER 56: Another Past
EUPHY’S POV
Halos tatlong araw na rin akong nandito sa puder ni Tito. May mga pagkakataon na parang gusto ko nang bumalik ng Manila pero pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Aaminin ko, miss ko na ang asawa ko pero may ilang bahagi ng katawan ko ang nagsasabing huwag muna akong babalik.
Hindi rin naman ako umaasang pupunta yun dito kasi ang alam niya ay wala ako dito. Siguro nga hindi niya na ako hinahanap.
“Wow! Ang galing mo namang bata ka. Dito naman tayo sa kabilang side” tumango naman itong kasama ko at pumunta na kami sa kabilang banda.
Dahil ayokong maging pabigat sa tito ko, nagvovolunteer akong maging tagalinis man lang dito sa simbahan. At ito namang kasama kong bata ay si Paks. Dito rin yan nakatira sa simbahan kasama ang mga magulang niya kung saan ang nanay niya ang cook dito at ang tatay niya ang janitor dito. Ang simbahan na rin ang nagpapaaral sa kanya sa isang Day Care. Magsi-six years old na yan.
Kasalukuyan akong naglilinis dito sa prayer room nang nagvolunteer itong si Paks na tulungan ako.
“Bakit Pakz ang tawag nila sayo?” tanong ko sa bata habang pinupunasan niya ang imahen ni Mama Mary. Sa pagkakaalam ko kasi na ayon na rin sa kwento ni Tito, Francis ang totoong pangalan nung bata na kinuha kay St. Francis of Assisi.
“Kasi po yun ang palaging tawag saken nung mga kalawo ko!” Ang cute niya magsalita kahit hindi niya mabigkas ang letter R. Tumawa na alang ako at tumango.
“Ate may boypwen na po ba kayo?” nagulat ako sa tanong nung bata.
“Hala! Ba’t mo naman naitanong?” wow. Ibang klase ang batang ito.
“Kasi po kapag uwian sa school, palaging may sumusundo kay teacher tapos nagkikiss pa sila. Sabi ni mama boypwen niya daw yun!” tuwang-tuwa pang sabi nung bata. Napakadaldal talaga ng batang ito.
“Ah eh, wala! Wala akong boyfriend. Ikaw talagang bata ka” wala naman talaga akong boyfriend kasi asawa ang mayroon ako.
“Sabi po nung kalawo ko, madalas daw na walang boypwen ay yung magaganda” natawa na lang ako sa sinabi niya.
“Ibig mong sabihin maganda ako?” agad namang itong tumango. Nice! Bata na mismo ang nagsabi. Ang mga bata ay hindi nagsisinungaling. Keep that in mind.
Ako naman ang nagtanong.
“Eh ikaw. Anong gusto mong maging paglaki mo?” sa tingin ko pwede tong maging pari. Ang bata bata pa marunong nang magrosaryo.
“Pawi po pewo sabi ni Mama pag na inlove ako huwag na ako magpawi” wow! Hanga na talaga ako sa batang ito. Kinurot ko ang pisngi niya kasi nanggigigil talaga ako.
Pagkatapos naming maglinis ay pinapunta ko na si Paks sa Mama niya para makapagpalit ng damit kasi basa na ang likod niya. Ako namna ay pumunta na sa kwarto ko para makapagpahinga.
Ilang araw na rin akong walang balita kila Charles. Wala akong dalang celphone o kung anu man maliban na lang sa kaunting pera nung pumunta ako dito.
Hanggang kalian kaya ako dito?
Yun din ang tanong sakin ni Tito pero hindi ko naman masagot. Sana nandito si Joseph para may kasama naman ako pero hindi pwede. Busy yun sa pag-aaral niya sa seminaryo.
Pagsapit ng alas diyes ay lumabas na ako nung kwarto. Malapit nang magtanghali kaya naman ang araw ay tirik na tirik na. Ang sarap gumala sa labas pero mas maganda pa ring manatili lang dito. Nakita ko rin yung iilang taong pumapasok sa simbahan para magdasal lalo na dun sa may altar. Pumunta ako sa may kusina at nakita ko yung nanay ni Paks na may sinusulat.
“Aling Azon, ano po yan?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw pala iha, nililista ko lang yung mga bibilhin ko ngayon sa palengke” bigla naman akong nakaisip ng ideya.
“Ako na lang po ang mamamalengke Aling Azon. Baka kasi mapagod kayo lalo na’t magluluto pa kayo” sabi ko dito.
“Sigurado ka ba iha? Nakakahiya naman”
“Naku, huwag niyo na po yung isipin. Ako na lang po ang mamamalengke”
“Oh siya, sige na nga” Yes! Binigay niya rin sakin yung lista maging yung pangbili. Aalis na sana ako nang bigla akong hinabol ni Paks “ATE SAMA AKOOO!”
“Ate sama ko! Ako po ang tagabitbit ng mga binili ni mama kapag nasa palengke kami” at dahil sa love na love ko ang batang ito ay sinama ko na siya. Sa mga oras na ito ay hindi naman masyadong matao sa palengke kaya ayos lang na isama ko siya.
Hindi naman masyadong marami ang naibili namin. Pinabitbit ko kay Paks yung magigian lang. At sikat pala si Paks sa bayan na ito dahil madalas daw nila itong makita sa tuwing nagsisimba sila.
“Ikaw pala yung pamangkin ni Fr. Ramirez” sabi sakin nung tinder matapos akong ipakilala ni Paks ditto. Nginitian ko na lang ito.
Nung pauwi na kami, nadaanan namin yung nagtitinda nung palamig.
“Ate, uhaw ako. Bili tayo nun” turo niya sa palamig.
“Oh sige pero ako na lang ang bibili kasi maraming tao. Dito ka lang okay?” iniwan ko siya dun sa may bench at bumili ng palamig. Bumili na rin ako nung para sakin kasi nauuhaw na rin ako.
Pagbalik ko sa lugar kung saan iniwan ko si Paks ay wala na siya. Nandun yung mga pinamili namin pero wala na dun yung bata. OMG!
“Paks!” Nasan ba ang batang yun.
Linagay ko muna sa bench yung dalawang baso ng palamig. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko siya nakita. NAKU! Lagot ako nito sa mga magulang niya. Sana pala hindi ko na lang siya sinama sa palengke at sana hindi ko na lang siya iniwan.
Para na akong maiiyak dito, bata pa naman yun. Wala naman yatang kidnapper dito. Diyos ko, wala naman sanang may mangyari sa kanya.
“Paks!” Sumigaw ulit ako pero hindi ko siya makita. Ireport ko na kaya sa ito sa pulis?
“ATE!!!” Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang tumatakbo papunta sakin habang tinatawag ako.
“Diyos ko! San ka ba galing. Alam mo bang nag-alala si Ate sa’yo? Diba sabi ko huwag kang aalis?” Sunod-sunod kong sabi sa kanya. Pinunasan ko rin ang noo niyang may namumuong mga pawis.
“Sowi po ate” and he pouted.
“Saan ka ba galing?” tanog ko dito.
“Nakita ko po kasi si Doctow! Yung nagchecheck up ng health namin sa school. Nakita ko siya dun...” sabay turo sa pulang kotseng papaalis “kaya nag hello ako. Cawr niya po yun oh”
I get it. Nakita niya yung doctor niya. “Okay lang naman sana kaso dapat di mo ginawa yun. What if nung tumakbo ka eh madapa ka pala? Pwede mo namang batiin yung Doctor kapag pumupunta siya ng school niyo, okay ba?” tumango ito.
“Okay, halika na, umuwi na tayo. Tiyak mag-aalala ang Mama mo kapag hindi pa tayo nakauwi” hinawakan ko ang kamay niya at umalis na kami.
Pagdating namin ng simbahan ay bigla na lang sumigaw si Paks.
“Yung car ni Dok! He’s here!” tuwang-tuwang sabi ni Paks habang nakaturo dun sa nakapark na kotse sa may gate sa tabi. Yan nga yung pulang kotseng nakita kong papaalis kanina. Pumasok si Paks ng simbahan samantalang sa may likod ng simbahan ako dumaan para mabilis na makapunta ng kusina. Inabot ko kay Aling Azon ang mga pinamili ko at hindi ko na rin kinuwento sa kanya yung nangyari kanina kay pakz na muntik ko nang mawala. Actually hindi ko naman nawala kasi umalis si Paks.
Pakagaling ko ng kusina ay pumasok muna ako ng kwarto para magpalit ng damit dahil nangangamoy pawis na rin ako. Kanina pang umaga ako nakaligo kaya hindi na ako magtataka kung iba na ang amoy ko.
Pakabihis ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumasok ng simbahan. Nakita ko si Tito na nakaupo sa isa sa mga upuan habang may kausap itong lalaki. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito mula sa akin. Hinanap ng mata ko si Paks pero hindi ko siya makita. Lumabas na yata.
Siguro yung kausap ni Tito ay yung sinasabi ni Paks na doktor.
Aalis na sana ako ng makita ako ni Tito.
“Oh Euphy, nandyan ka pala!” sigaw ni Tito kaya naman ay lumingon at ngumiti.
Nagulat naman ako nang makita ang mukha nung kausap ni Tito. Nakatingin ito sa akin at nakangiti kaya kahit awkward man, ay nginitian ko din siya. Pinalapit ako ni Tito sa kanilang dalawa. Sinunod ko naman ito.
Mataman pa ring nakatingin sa akin ang doktor samantalang ako ay hindi ko siya matingnan.
“Euphy, it’s nice to see you again” tumayo ito at humarap sakin. Iniabot niya yung kamay niya sakin kaya inabot ko rin yung sakin at nakipagshake hands.
“Euphy, alam ko namang kilala mo na itong si Aries pero sasabihin ko sayo, siya ang doktor ng bayan dito” tumango na lang ako.
Hindi ako makatingin kay Aries kasi mataman siyang nakatingin sakin. Ang awkward kaya. Sa dami ng lugar, dito pa kami magkikita.
“Sige, magreunion na muna kayo diyan. Mauna na ako” at umalis na si Tito.
Tito, di mo dapat ako iniwan sa kanya!
********************************
“Kamusta?” tanong niya sakin habang naglalakad lakad kami sa labas ng simbahan.
“A-ano, ayos lang. Ikaw, doktor ka na pala” sabi ko while making a smooth atmosphere.
“Oo nga eh. Nung naging doktor ako, hindi ako nagtrabaho sa mga private hospitals o abroad. Mas pinili kong sa mga public health center ibigay ang serbisyo ko” sabay ngiti.
“Typical of you. Napakabait na nilalang. Anong feeling na successful ka na?” ngumiti ito at sinabing “Hindi ko naman tinitingnan kung gaano na kalayo ang narating ko. Hindi ko rin naman binibilang ang achievements ko, mas binibilang ko kung ilang tao na ang natulungan ko”
“Galing!” Ano ba to! Nauubusan na ako ng sasabihin!
“Euphy?”
“Yes?”
“Sana wag kang mailang sa akin. Pwede bang magsimula tayo? I mean, magsimula tayo ulit as friends. Kalimutan na natin yung nangyari noon. Okay lang ba?” tumango ako.
“Oo naman. Saka wala na yun sakin.” Nginitian niya ulit ako.
Ang hilig niya talagang ngumiti. Nahiya naman daw ako.
“Euphy, yung about noon..”
“Oh akala ko ba huwag na nating iungkat?” tanong ko dito.
“Hahaha. Sorry. Anyway, balita ko... may asawa ka na. T-totoo ba yun?” is it just me or nauutal siya?
“Ah, oo eh. Pano mo nalaman?” binaling niya sa iba yung tingin niya.
“Kay Joseph. Nagkita kami noon tapos kinamusta kita at ayun, may asawa ka na daw. Nahihiya kasi ako magtanong sa Tito mo about sayo kaya sa kanya na ako nagtanong” tumango ako.
“Pano ka pala napadpad dito?” hindi naman kasi siya tagarito pero ditto siya nagtatrabaho.
“Dito ako inassign. Wala kasing doktor sa bayan na ito kaya pinili ko ito. Nagulat nga ako na dito rin pala naassign yung Tito mo. Mabuti na rin at least nakita ulit kita” hindi ko narinig yung mga huli niyang sinabi kasi ang hina ng pagkakasabi niya.
“Anong sinabi mo?”
“Wala. By the way, madalas rin akong makipagmeet sa Tito kasi nagpaplano kami ng medical mission sa mga tao sa kabilang baryo. Tutulong daw siya. Nagulat nga siya nang malaman na dito ako nagtatrabaho. Wala nga siyang kaalam-alam sa nagging relasyon natin noon” pinanmulatan ko naman siya ng mata.
“Sorry” nagging awkward na naman yung paligid. Ano ba yan. Ganito ba pag makausap mo ang past lover mo after how many years? Nagiging awkward?
“May I know kung nasaan ang asawa mo?” Patay! Ano sasagutin ko?
“Ano! Iniwan ko muna, pasaway eh” sinabi ko na ang toto total sabi niya ‘friends’ kami.
“Kung pasaway pala eh bakit mo pinakasalan?” seryoso siyang nakatingin sakin.
“Maliit na away lang iyon. Uuwi rin ako sa kanya. Bakit naman hindi ko siya papakasalan eh mahal ko naman?” Oh my kung anu-ano nasabi ko, okay na rin tio kesa sabihin kong nagpakasal ako dahil sa may lecheng deal na ginawa si Charles.
“I see” at ngumiti siya ng malungkot? Ayy, hindi naman yata.
“Kung kailangan mo pala ng tulong don’t hesitate to call me. Nandito lang ako” kinuha niya sa wallet niya ang calling card niya at binigay sakin.
“Thank you” nagulat na lang ako ng bigla siyang yumakap sakin kakalas n asana ako nang magsalita siya.
“Payakap naman. Namiss kita eh”
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Yah! Sorry sa late UD. Depress ako kasi di ko nakita ang KathNiel. XD Nagshoot sila ng SDTG last week sa hospital na harap lang ng school namin, sa simbahang malapit sa school namin, sa park na araw-araw kong dinadaan pero di ko sila nakita dahil sa hectic sched ko! Laslas na! Jk lang. Wala akong kasama manood ng SDTG, sino pwede? Hihihi.