She's A Bad Girl

By Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... More

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 3

102K 2.1K 197
By Sweetmagnolia

                               

                                              ****

Nagulat si Aling Hilda nang makita si Miisha na lumalabas ng bahay. Nakabihis ang estudyante ng green checkered na palda, puting blouse na may tie na kapares ng palda at kulay itim na sapatos na may takong. May nakasabit ding ID sa leeg nito.

"Miisha bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Ah eto ba, " sabay tingin ni Miisha sa sarili. "Di ko pala nasabi sa inyong lumipat na ako ng school."

"Talaga? Saan ka na nag-aaral ngayon?"

"Sa isang catholic school sa Manila."

"C-Catholic school? Paano nangyari yun eh hindi nga kita nakikitang nagsisimba?"

"Mahabang istorya, malilate ako pag kinuwento ko pa sa inyo."

Kumunot ang noo ni Miisha nang mapansing tila nangangalay na sa kakatayo ang matanda sa harap ng bahay nito.

"T-Teka bakit nakatambay na naman kayo dito sa labas?" tanong niya.

Nakikiusap na ngumiti ito sa kanya. "Naiwan ko sa loob ng bahay ang susi nitong gate."

"Na naman!" bulalas niya. "Haist sa susunod nga iperdible niyo na sa katawan niyo yung susi na yan!" napapakamot sa ulong wika niya.

Isinabit ni Miisha ang bag sa gate at humanda sa pag-akyat sa pader. Ngunit biglang nag-atubili si Aling Hilda nang mapagtantong nakapalda nga pala ang estudyante.

"Naku huwag mo nang akyatin ang pader Miisha! Nakapalda ka baka may mapadaan eh masilipan ka."

Ngumiti si Miisha. "Huwag kayong mag-alala," sabay baba niya sa abot-tuhod na nakarolyong suot na jogging pants at hubad sa sapatos.

"Huh? Bakit may pang-ilalim kang jogging pants? Yan ba ang bagong uso ngayon?"

"Hindi."

"Parte ba yan ng uniporme niyo?"

"Hindi."

"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka ba naiinitan?"

"Hindi."

"Anong purpose ng jogging pants na yan?"

"Para makaakyat ng pader, gaya ngayon. Saka para mas makakilos ng mas maluwag. At kapag may habulan naman mas masarap tumakbo ng mabilis," ngingisi-ngising sagot niya habang inaakyat ang pader.

"Ikaw bata ka! Pupunta ka ba ng eskwelahan para mag-aral o para makipagrambolan!"

"Mas mabuti na yung laging handa. Kitam kung wala akong jogging pants di hindi ko naakyat tong pader ngayon. Ganito dapat Lola Hilda, dapat laging advance ang isip!" pagmamayabang niya sabay talon sa loob ng bakuran ng kapitbahay.

Miisha proudly opened the gate ngunit nang mapatingin siya sa relos ay bigla siyang nataranta. "Haist! Malilate na naman ako!"

Nagmamadaling kinuha niya ang bag, nagsuot ng sapatos at tumakbo ng matulin.

"HOY YANG JOGGING PANTS MO KALUSKUSIN MO!" sigaw ng matanda.

"MAMAYA NA SA JEEP!"

                                                        -----

"Stop chewing while talking to me!" galit na sabi ng madre.

Huminto si Miisha sa pagnguya. Pinunit niya ang isang pahina ng bitbit na libro at iniluwa dito ang bubblegum. Pagkuway nilukot ito at inilagay sa bag.

Nanlaki ang mga mata ng madre at napakrus ito nang makita kung anong libro ang pinagpunitan ng estudyante. Isa ito sa mga librong ginagamit nila sa theology subject.

"Dios Mio Ms. Avenoja! Ano yang ginawa mo?"

"Niluwa ko yung bubble gum. Sabi niyo bawal akong ngumuya habang kausap kayo," takang tugon ni Miisha.

"But why did you tear that book?!"

"B-Bakit ho? Akin naman ang librong to ah kaya okay lang kahit punitin ko."

Napahawak sa dibdib ang madre at paulit-ulit na huminga ng malalim. Tila aatakehin ito sa puso. "Lord forgive us for not teaching her well," sambit nito nang nakatingala sabay paypay sa sarili.

Kaharap ni Miisha si Sister Florencia Fuentes, ang dean ng kanilang kolehiyo. Pinatawag siya nito matapos makatanggap ng sumbong na natutulog siya sa klase nang nakaheadset. Nagkataon kasing wala ang propesor nila sa isang subject at minabuti niyang matulog sa desk kaysa gumala sa labas ng classroom. Kaya lang ay napasarap siya sa pagtulog at wala ni isa man sa mga kaklase ang gumising sa kanya nang dumating ang professor ng kasunod na subject. Kahit ang teacher ay hindi siya ginising ngunit eto nama't inireport din siya kaagad.

"This won't do...Sabi ko na nga ba't mangyayari ito," mahinang sambit ng dean sa sarili habang paulit-ulit na umiiling.

Tiningnan siya nito ng seryoso. "Ms. Avenoja let me remind you that you don't posses even a single qualification para makapasok dito sa Holy Hearts College. We are the top catholic school in our country and to be accepted here is a great privilege to every student. We don't have very large number of students dahil piling-pili lamang ang mga tinatanggap namin. Mataas ang standard namin pagdating sa grades, we are very particular in the social background of every student, we only allow self-disciplined and god fearing students because we want to maintain a healthy and positive environment in this university....but what have you got?..."

Napapalunok na tiningnan niya ng diretso sa mukha ang dean. Nahuhulaan niya na ang mga susunod na sasabihin nito ...and they will surely hurt. Ano nga ang motto niya at time like this? A poker face is a must.

"You have a terrible school records. You're grades were below average. You didn't graduate on time during high school dahil dalawang beses kang nakick-out at isang beses kang nagdrop-out.You were always on the delinquent list and you are the most undiciplined student I've ever met..."

"But why are you here?" lumapit sa kanya ang mukha ng madre at tumingin sa paligid upang matiyak na walang nakikinig sa kanila. "Because the school president is a close friend of your father," bulong nito. "We were instructed to cover up your terrible academic background pero kung ganyan naman ang performance mo dito, I guess we have no choice but to give up on you..."

Bigla siyang naalarma. Hindi siya pwedeng makick-out dahil last chance niya na ito.

"Nakikinita-kita ko na na ikaw ang makakasira sa maganda naming pangalan. Pagtakpan man namin ang pangit na records mo however mapapansin at mapapansin pa rin ng mga ibang estudyante ang pagkakaiba mo sa kanila hanggang sa pagdudahan nila kung papaano ka nakapasok dito..."

"Why? Because you don't do any effort to fit in. Two weeks pa lang since magpasukan ay sangkaterbang violations reports na ang natatanggap ko tungkol sayo. Guards always found a cigarette pack inside your bag. Nahuli kang umiinom ng beer sa likod ng cafeteria. You don't attend your classes regularly at higit sa lahat lagi kang tumatakas sa daily mass!"

Bakit kasi may misa pa araw-araw? Baka naman lumampas na sa langit ang mga kaluluwa ng estudyante dito.

Pinaypayan ulit ng madre ang sarili upang kumalma. "Ms. Avenoja, how I wish I can recommend you for expulsion as soon as possible pero dahil masyado akong mabait na dean, pagbibigyan kitang tapusin ang isang semester.. BUT...There's a big but dito sa chance na ibinibigay ko sayo... you need to prove that you're worthy to be here even for a semester. Naririnig kong masyado kang loner so you have to join student clubs and organizations. At dahil isa kang estudyanteng madalas ay walang pakialam sa paligid, I also want you to join those organization who do charities. And finally I want you to join a club that will enlighten your mind about our Lord. Ngunit kapag hindi ka pa rin nagbago, I don't think you can enroll here again."

Napanganga ng ilang saglit si Miisha sa mga kondisyones ng madre. Ora mismo ay tila gusto niya nang magwalk out. Pero naisip niya ang sinabi ng ama na hinding-hindi na siya makakapagpinta kapag napatalsik pa sa bagong pinapasukan. Sa lahat ng mga naging banta nito, ito ang pinakakinatakutan niya.

Ngayon pa naman niya lalong dapat pagbutihin ang pagpipinta dahil may  pangako sa kanya si Kathleen na kapag nakagawa na siya ng isandaang paintings ay ipag-oorganize siya nito ng isang exhibit. Hindi sumisira sa pangako ang kaibigan kaya't may pinanghahawakan siyang pag-asa na magkakabati rin sila balang araw.

"Yes...S-Sister Fuentes, gagawin ko yung gusto niyo," napipilitang sagot niya.

"Good! Tamang-tama kauumpisa pa lang ng klase, lahat ng mga organizations ngayon ay nagrerecruit ng mga bagong members. Go, leave now and start finding one. Gusto ko next week ay meron ka ng nasalihan."

Nag-aatubiling sumagot siya ng tango.

"And one more thing Ms. Avenoja, dapat ito na ang huling pagpapatawag ko sa iyo dito sa dean's office."

"Y-Yes Sister."

Tumayo siya at nakatungong naglakad papalabas.

"Ms. Avenoja!" tawag ulit sa kanya ng dean bago makalabas ng pintuan. Tiningnan nito ang bandang laylayan ng kanyang palda at nakita ang sumisilip na nakapang-ilalim niyang jogging pants.

"Wear you uniform properly!" salubong ang kilay na sabi nito.

"Y-Yes Sister."

Bagsak ang balikat na naglakad siya sa hallway ng dean's office. Kolehiyo ang pinapasukan niya pero bakit tila mas matindi pa ito sa high school sa kahigpitan. Nakayukong naglakad siya at sa kaiisip ay di niya namalayang bumagsak na pala ang isang paa ng jogging pants.

"Look at her. She looks weird," dinig niyang salita na may kasamang paghagikhik.

Nagbubulungan ang tatlong makakasalubong na mga estudyanteng babae habang nakatingin sa kanyang paanan. Napatingin siya sa sarili at nang makita ang nakalabas na jogging pants ay muli niya itong kinaluskos hanggang tuhod. Naririnig niya pa rin ang mga hagikhik kahit nakalampas na ang mga estudyante at alam niyang siya ang pinagtatawanan ng mga ito.

She turned her back at hinabol ng masamang tingin ang likod ng tatlo. "Mga disiplinado daw ang estudyante dito. Mga plastik, feelingera, laitera, bait-baitan at mga pasosyal kamo," iritableng bulong niya.

Hindi niya lubos maisip kung papaano siya makakatagal sa ganitong klaseng eskwelahan. This is the type of place she hates the most. Isa itong halimbawa ng institusyon na puno ng pagkukunwari. May magandang imahe ngunit ang totoo ay marami namang bahong tinatago. Ang dami pang sinasabi ng madre tungkol sa standards ng school pero sa nakikita niya dalawa lang naman ang pinagkapare-pareho ng mga estudyante dito,  ang pagiging mayaman at makadiyos kuno.

Pag nagkabati sila ni Kathleen, lalayasan niya agad ang eskwelahang ito kahit pa itakwil siya ng ama. Wala siyang pakialam patigilin man siya ng nito sa pag-aaral. Kaya niyang magsikap para pag-aralin ang sarili. Even from the start, hindi niya tinuruan ang sarili na maging dependent sa pera ng ama because in the first place she never felt that what belongs to him, belongs to her too.

Sa ngayon ay nilulunok niya ang pride dahil sa kaibigan. But she won't submit for a long time sa bulok na sistema ng eskwelahang ito. Kaliwa't kanan ang bawal, judgemental, mga feeling perfectionist, ang pakiramdam ay sila lang ang mahal ng diyos, and they look down on people who are different from them. Ang paboritong past time ng mga babaeng estudyante ay magpabonggahan at magpagandahan. Mga estudyante pa lang pero kung makadisplay ng mga mamahaling bags, akala mo'y pinaghirapan nila ang pinambili dito. Pati mga lalaking estudyante ay halos nakikipagsabayan na rin sa kasosyalan at pagiging banidoso. This is the world she can't relate even in her own generation.

Nakasimangot na pinuntahan niya ang building kung saan  matatagpuan ang mga tambayan ng mga organizations. Pagdating niya doon ay kaliwa't kanan ang nag-offer sa kanya ng memberships ngunit tinanggihan niya ang mga ito dahil ang hinahanap niya'y isang organization na parehong naroroon na ang mga kondisyong ibinigay sa kanya ni Sister Fuentes. Gusto niya two in one na para isang club lang ang sasalihan niya.

Napansin niya ang isang kuwarto na may mahabang pila sa labas. Halos okupahin na ng pila ang kahabaan ng hallway. Pinuntahan niya ito para mangusisa. Now accepting new members. Nabasa niyang nakapaskil sa may pintuan. Siguro ay magandang organization ito dahil maraming gustong mag-apply.

Pumunta siya sa dulo ng pila. Sinundan niya sa pila ang isang matabang babae na puno ng sanrio na may iba't ibang kulay ang buhok. Kausap nito ang isang di gaanong kagandahang payat na babae. Kinalabit niya ang mataba. Nilingon siya nito at tiningnan mula taas pababa.

"M-Miss anong org to?" tanong niya.

"White Lambs Club," may halong pagdududang sagot sa kanya.

"Ah...Anong mga activities ng club na ito?"

"Social works. Nagvovolunteers ng tulong o kaya nagdodonate sa mga biktima ng bagyo, lindol, baha mga ganun," sagot nito habang niroroll ng daliri ang dulo ng lampas tengang buhok.

"Eh... yung alive-alive, meron din sila nun?"

"A-Anong alive-alive?" takang tanong nito.

"Yung kanta. Yung tungkol kay Lord," maingat na sagot niya.

"Ahh yung worship activities... Oo naman kaya nga White Lambs eh kasi White, ibig sabihin pure at yung Lamb naman from the lamb of God."

"Ang galing mo naman pati meaning ng pangalan ng org alam mo," puri niya.

"Talaga! Sa tingin mo matatanggap ako sa interview?" tila kinikilig na tugon nito nang may namimilog na mga mata.

Natigilan si Miisha. "Ibig sabihin merong hindi natatanggap?" 

"Oo naman," sabay tingin ng babae sa mahabang pila. "Sa dinami-dami ba naman ng gustong mag member dito, sa tingin mo lahat yan pwedeng ma-accommodate?"

Bigla siyang kinabahan. Nakakita nga siya ng club na sasalihan pero mukhang dadaan naman siya sa butas ng karayom para makapasok. Anong meron ito? Bakit yung ibang mga organizations na nauna niyang pinuntahan ay siya pa ang pinipilit sumali.

"Ano bang basis para matanggap ka nila?" maamong tanong niya sa babaeng biglang gumaan ang loob sa kanya matapos niyang purihin.

"Hmmm... sabi nila dapat daw may background ka na sa mga social works. Nakapagvolunteer ka na dati sa mga charitable institution at higit sa lahat dapat totoong devoted christian ka. At plus point din daw pag alam mo ang history ng organization."

Napalunok si Miisha. Wala ni isa man sa mga nabanggit ang pasado siya. Ano ba tong sasalihan niya talo niya pa ang nag-aapply ng part-time job. Tiningnan niya ang kahabaan ng pila napansin niyang halos ninety percent ng mga aplikante ay babae.

"Ang dami namang gustong mag-apply dito. Siguro ito na yung pinakasuccessful na organizaton sa school na ito," komento niya.

"Sinong may sabi sayong dahil sa organization ito. Dahil ito kay Jacob Anthony Marcelo," ngiting-ngiting ika ng babae.

"J-Jacob? Sino yun?" naguguluhang tanong niya.

"Hindi mo kilala si Jacob Marcelo?" nakamulagat na ika ng babae.

Umiling siya.

"Ano ka ba? Siya kaya ang pinakagwapong lalaki sa school na ito. At siya ang leader ng White Lambs Club kaya maraming nag-aapply dahil isa siya sa nagcoconduct ng interview. Okay lang na hindi matanggap at least makakausap mo naman siya. Ako nga eh pang-apat na beses ko nang pag-aapply to kaso hindi ako makuha-kuha pero okay lang at least nakita't nakausap ko naman si Jacob nang malapitan," kinikilig na paliwanag nito.

Napanganga siya sa narinig. Kolehiyo ba talaga ang pinapasukan niya o high school? What is this culture all about?

"Teka nga muna bakit hindi mo siya kilala? Freshman ka lang ba?" usisa ng babae.

"Hindi. Tranferee ako."

Natigil ang pag-uusap nila nang biglang nagkaingay sa pila. There were murmurs, giggles, chuckles, and slight screams. Maging ang babaeng mataba ay napahawak sa kanya ng madiin sa braso.

"Nandiyan na si Jacob," mahinang sabi nito na tila nakukuryente sa kakiligan.

Sinundan niya ang mga mata ng kinikilig na babae at nakita niya ang paparating na apat na mga estudyante. Dalawang babae at dalawang lalaki. Nahulaan niya kaagad kung sino ang Jacob. Siyempre yung mas may hitsura sa dalawang lalaki. Matangkad, maputi, malinis manamit, makinis ang mukha at may pagkatsinito. 

"Oh di ba ang gwapo," bulong sa kanya ng katabi.

Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang papalapit na lalaki. Tsinito? Maputi? Matangkad? May rumirehistrong tao sa utak niya ngunit hindi niya maalala ng malinaw. Nang mapadaan sa harap nila ang lalaki, he gave her a quick glance. Napailing siya. Hindi niya sigurado pero parang nakita niya na ito dati pa....

Continue Reading

You'll Also Like

81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
754K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.