Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

45: Rare Revelations

8.4K 174 45
By Lee__Miyaki

Chapter 45: Rare Revelations

 This chapter is dedicated to Channie Tanie. Super thank you for being a loyal reader. :)

Rebecca’s POV 

 

Hahanap talaga ako ng time para sa mga kasagutan sa lahat ng tanong ko. May tiwala kasi ako sa instincts ko bilang babae. Nararamdaman ko na may mali talaga sa kinikilos at sinasabi ni Railey. Simula pa lang ng sem, alam kong may kakaiba na. Hindi na siya kagaya ng dati. Ultimo paghalik niya, iba na rin.

                “Denisse. Naaalala mo pa ba ‘yung sinabi mo no’ng simula ng school year?”

                Nakaupo si Denisse sa harapan ko. Sa tapat mismo ng lamesa ko. Lunch break ngayon kaya pareho kaming walang ginagawa. Sarado rin ang office at sa labas kumain si Dean at si Ma’am Jen. Kaya naman, sigurado akong kaming dalawa lang ang nandito.

                “Teambuilding ng buong faculty ng College of Education kasi, pansin kong masyado na silang close ni Sir Railey,” sagot nito sakin. Nakakunot ang noo habang iniisip ng mabuti kung anong sasabihin sa akin. “At tsaka, kakaiba ang naging pag-uusap nila sa bawat vacant hours ng buong team.”

                Napaisip ako. “‘Di ba, bagong teacher lang si Ma’am Chloe? How come na close agad sila?”

                “’Yun nga po. Siguro, gawa na rin ng activities. Alam mo bang magkasabay sila ng birthday? Baka naman pareho silang naging kampante sa isa’t isa. If I’m not mistaken, pareho talaga silang mukhang bothered nang mga araw na ‘yon.”

                Napa-cross legs ako sa sinabi niya. Alam ko kasing cool off kami ni Railey that time. Si Chloe? Ano naman kaya? “Ano bang problema ni Chloe no’n?”

                Huminga siya ng malalim. Pinipigil ko nga pala tawa ko kanina pa. Talo ko pa kasi ‘yung interrogator sa isang krimen. Hehe. Pero, seryoso talaga ako.

                “That time, alam kasi ni Chloe na pinipilit ng mga magulang naming ipakasal siya kay Nurse Lee.”

                “Namin? Bakit kasali ka?”

                “Ganito kasi, kapatid ko kasi si Nurse Lee. ‘Yung parents namin, gusto siyang ipakasal kay Ma’am Chloe. Ang tanda na nila pareho, I mean, hindi na bata para sa term na kasal. Gan’on kasi sa pamilya namin. Lalo pa’t parehong schools ang business ng bawat pamilya. They think, they would have good partnership with one another.”

                Napagod ako sa haba ng paliwanag niya. Pero, bawal munang mag-joke this time. “Alam mo, naguguluhan ako, pero ang na-gets ko lang, ay heto: Naka-fixed marriage si Chloe kay Nurse L-Lee? Tama ba? ‘Yun ang kinalulungkot ni Chloe noong Teambuilding session ng faculty?”

                “Exactly. Railey and Chloe were two wandering people that time. That’s why when they met, they found comfort with each other.” Gusto ko nang magmura ah. Sa dami ng pwedeng makausap ni Railey, bakit hindi na lang ibang tao. Tao na sobrang iba talaga kay Chloe.

                “Sobrang close ba sila during that time?”

                “Kung distance ang tinutukoy mo, sobrang close sila. May oras nga na lights off na pero wala pa rin sila sa kanya-kanyang kwarto. Silang dalawa lang ang gano’n kapasaway.”

                Ang kirot sa dibdib ah. Selos na selos na ako. Selos na selos! Akala ko ba, siya ang magliligtas sa akin sa pagkalutang ko sa break-up namin ni Stanley? Pero bakit ngayon, parang siya pa mismo ang papatay sa akin. Na-disappoint ako.

                Ayoko ng kainin ‘yung binili kong Tapsilog sa canteen. Ayoko na munang tingnan ‘yung picture naming dalawa na nasa table ko. Ayoko na munang maging masaya habang naiisip ko ‘yung selos kong ‘to. Ayoko muna, ayoko. Dahil alam kong deep inside, may kailangan pa akong malaman.

Matapos naming mag-usap ni Denisse, sobrang lutang ako. ‘Yung tipong nag-throwback ang nararamdaman ko nung kami pa ni Stanley. Nararamdaman ko na naman na, at any time, baka mangyari na naman ang nangyari noon. Nakakainis, nakakaewan. Nakakatanga.

                Ako nga ang palaban na si Rebecca pero mukhang self-proclaimed na palaban lang ako, kasi kapag si Railey na ang usapan, nanghihina ako.

                As of 1:14 ng hapon, wala pa akong ibang maisip gawin. Sobrang sasabog na ang utak ko. Kung close na nga sila Ma’am Chloe at Railey noong Teambuilding at sobrang caring rin ni Rye sa kanya noong start of school year, ano pa ba ngayon? Ngayong naguguluhan ako.

                Nakapalumbaba ako sa table ko at nakatingin sa mga patong-patong na papel sa harapan ko.

                “Ay putik!”

                Ultimo pagbukas lang ng pinto, nagulat ako. Hingal na hingal na bumungad sa akin ang presensya ni Roxanne. Medyo magulo ang buhok niya. Ultimo split ends, halos kumaway na sa akin.

                “Nakakagulat to. Ba’t ka ba tumatakbo? Sa’n ka ba galing?” tanong ko.

                “Sa. Sa… Sa… Auditorium. Last practice namin kanina. Nagmadali ako, baka kasi hindi kita maabutan dito.”

                Abutan? “Bakit? Saan ba ako pupunta?”

                “Baka kasi hindi mo ako kausapin.”

                “Roxanne? Alam ko wala kong kaibigang tanga.”

                “Uy. Uy. Tama ba narinig ko? Sinabihan mo na kong tanga? ‘Di ka na kaya nagsasabi ng mga ganyang words lately. May problema ka na naman ba kay Rye? Akala ko pa naman okay na kayo,” sabi niya habang nagpupunas siya ng  pawis sa mukha gamit ang panyo.

                “Nakakairita. Ibang-iba pa rin ang nararamdaman ko. Sobrang bait niya kasi eh.”

                Napansin kong napatigil siya sa pagkamaligalig. Naging mas seryoso ang mukha nito.

                “Alam mo, Bec, may sasabihin ako sa’yo.” Seryoso nga siya.

                “Sa pagpunta ko sa Auditorium kanina, narinig kong nag-uusap si Sir Jael at Ma’am Chloe. Nakakabanas. Akala ko inaakit lang ni Chloe si Jael ko, pero hindi lang pala ‘yon.” Bumaba ang tono ng boses niya pagkasabi nito. “Rebecca. Baka may dapat na kayong pag-usapan ni Railey. Siguro may hindi talaga tamang hindi nangyayari.”

Hindi ko na pinatapos sa pagpapaliwanag si Roxanne. Alam ko kasi eh, hindi magandang pakinggan kung sa ibang tao ko pa maririnig ‘yung dapat kong malaman. Tangina. Ano ba kasi ‘yon? Gustung-gusto ko nang malaman. Ayoko na maging dating ako.

                Kung masasaktan rin lang naman ako, gusto kong nakaharap ako. Hindi ‘yung tipong wala ako.

                Sa mga oras na to, maswerte akong sa library ko nahanap si Railey. May hawak siyang isang libro sa kaliwang kamay habang hawak ang isang ballpen sa kanan. Nakakunot ang noo nito. Simpleng jeans at isang collared shirt ang suot nito. Suot niya ‘yung salamin niya. Ito talagang dating niya ang nakakapagpahina sa akin.

                 “Pwede ba tayong mag-usap sa labas,” banggit ko. Undertime na ako para matapos lang ang dapat tapusin. “Saglit na saglit lang.”

                “Bec? Ayos ka lang ba? Sige. Ililigpit ko lang ‘to.

                Hindi rin nagtagal, sumama rin siya sa aking maglakad papunta sa labas ng school. Hindi ko ata kayang maglabas ng sama ng loob sa school, mahirap na. Marami pang makakakita. Baka hindi ko ma-maintain ang maangas kong dating.

                Sa isang Tea Shop kami nag-stay. Kaunti lang ang tao dahil ewan. Sadyang tahimik dito. May tumutugtog na mabagal na Kanta kaya mukhang maganda naman ang ambiance.

                “Railey. Hindi ako kumportable sa sobrang kabaitan mo nitong mga nakaraang araw. May hindi ka ba sinasabi sakin?” Direkta kong tanong. Magkaharapan na kami ngayon. Kaya naman, please lang. Sabihin na sana niya ang dapat niyang sabihin.

                “Rebecca? What do you mean? I thought we’re okay,” sagot nito. Aligaga na siya. Hindi na consistent yung gestures niya. He looks so worried and anxious. Every word coming from him? Sobrang bagal lumabas.

                “Railey. Kilala mo ko. Mahal kita pero hindi ako tanga para maloko.”

                Napansin kong napalunok siya sa sinabi ko. He looks more serious now. “Rebecca.”

                “Rebecca. Pangalan ko na lang ba gusto mong sabihin?” Sa totoo lang, naaasar na ako. “Sige, ako na ang magsisimula. May hindi ka pa ba sinasabi sa akin?”

                Hindi siya sumagot.

                “Unang tanong ko ‘yon. Pangalawa, anong closeness meron kayo ni Ma’am Chloe? Gaano ka-close? Kindly explain,” dugtong ko.

                Ang tagal niya sumagot. Badtrip. Ang weird pa ng kanta, biglang naging emo. Kung kailangan ganito ang pinag-uusapan namin, tsaka magpapatugtog ng ganito.

[ Try – Sung by Pink ]

| Ever wonder about what he's doing
How it all turned to lies
Sometimes I think that it's better
To never ask why |

 

                Nakatingin lang siya sa akin. Sa pagbasa ko sa mata niya, nababasa kong naghahanap siya ng tamang words na gagamitin. Bakit? Gaano ba kabigat ‘yung sasabihin niya.

                “First, I love you, Rebecca. Mahal kita kahit alam kong ganito ako. Kahit alam kong napakalabo kong tao. Kahit alam kong imperfect ako.”

                Hindi ko siya sinagot. This time, siya lang ang pababayaan kong magsalita.

| Where there is desire
There is gonna be a flame
Where there is a flame
Someone's bound to get burned
But just because it burns
Doesn't mean you're gonna die
|

            “Ito na ‘yung last confession ko dahil pagkatapos nito, I promise na sasabihin ko na lahat.”

                “Railey, ituloy mo na.”

               

                Bago pa siya makapagsalita, kusang tumutulo na ‘yung luha sa mga mata ko.

 

| You gotta get up and try, try, try
You gotta get up and try, try, try
You gotta get up and try, try, try |

                “I had an affair… with Chloe. But I SWEAR. That was few months ago. I SWEAR that this is the only thing I haven’t told you. Rebecca, kahit ganito ako, mahal kita. I’m willing to wait. I am willing to have you back, for real. Even if it hurts.”

                Tangina. Bakit may falls na sa mata ko.  Bakit ganito ‘yung tugtog dito.


| Funny how the heart can be deceiving

More than just a couple o'times
Why do we fall in love so easy
Even when it's not right |

 

                “Railey. Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hinintay mong ako pa ang umusisa?”

                “Kasi, ayaw kong masira na ‘yung TAYO. Ayoko nang magalit ka sakin. Gusto ko, okay na ang lahat. Ayokong dahil lang d’on, masisira tayo. I love you Rebecca. Ito na ang huli. Promise.”

 | Where there is desire
There is gonna be a flame
Where there is a flame
Someone's bound to get burned
But just because it burns
Doesn't mean you're gonna die |

 

                “Sinungaling ka pala. Akala ko nung nag-sorry ka, okay na tayo. Railey, ngayon ba, sigurado kang honest ka na?”

                “Rebecca naman, please.”

                “Sagutin mo ko. Are you being honest to me, now?”

                “Rebecca. Oo, lahat na ng kailangan mong malaman nasabi ko na.”

                Namamaga na yung mata ko. Salamat sa mahal na tsaa dito dahil hindi masyadong matao.

| You gotta get up and try, try, try
You gotta get up and try, try, try
You gotta get up and try, try, try
|

 

                “Ano ng gusto mong gawin ko? Patawarin ka?”

                “Bec, sinabi ko na lahat and I’m sorry kung nasaktan kita. Pero maniwala ka, nagawa ko lang ‘yon dahil mahal kita. Nasa sa’yo na kung mapapatawad mo ako o hindi. Lahat ng sasabihin at gagawin mo, buong puso kong tatanggapin.”

                Kung sino pa ang nasaktan, siya pa ang naipit sa sitwasyon.

                Ito ang ayaw ko sa konsepto ng “SORRY”. Tanging ang nagsabi lang naman ng sorry ang lumuluwag ang pakiramdam. Nawala na kasi ‘yung guilt niya eh. Ngayon, sa hiningian na ng sorry na nakasalalay ‘yung susunod na stress. Siya na ang bahalang magdala ng sakit at dusa. Kainis. Brokenhearted na nga ako, namimilosopiya pa ako sa buhay.

                Tangina, Railey. Tangina talaga.

 

| Ever worried that it might be ruined
And does it make you wanna cry?
When you're out there doing what you're doing
Are you just getting by?
Tell me are you just getting by, by, by |

 

                Hindi ko na siya nakuhang tingnan. Nagpaalam na lang ako ng isang maayos na good bye. Pinunasan ko ang luha ko.

                1:43 ng hapon nang ‘mag-break’ kami. This time. Nakuha niya na siguro ang isang murang sinabi ko sa kanya. 1:43? Teka, I love you ba meaning nito o ewan. Ayoko na.

                “Panyo oh.” Buti na lang may tao pang handang magbigay sa akin ng panyo. Last na iyak ko na ‘to. Pagkatapos nito, hindi na ako muling iiyak pa.

                “Ikaw na naman? Pero salamat.” Ito na lang ang sagot ko sa nagbigay ng panyo.

Nakakatawang isipin na may tao pang handa kang sagipin.

Sagipin sa mga panahong wala kang ibang gustong gawin kundi pumikit.

Pumikit at tumakas sa mapangahas na panahon.

Panahon na kung saan wala kang ibang dapat gawin kundi ang umahon.

***


WELCOME BACK TO ME, LEE MIYAKI! It's been years! Naka-graduate na ko. Natanggap sa trabaho, at nagtuturo na sa school. Ito ang reasons bakit ang tagal kong nawala. Ang laki ng utang ko sa inyo guys. At sana, nagandahan kayo sa update ko. </3

Grab a copy of Sir, You're Hot! It's still out in the market. Hinihintay na kayo ni Railey. :)

What can you say about their breakup? May chance pa bang magkaayos ang RYEBEC? O tuluyan nang magiging JABEC at ROXLEE? Eh paano si CHLOE? Huhuhu. I love you lahat Swear!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
419K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
468K 6.6K 25
Dice and Madisson
43.5K 2.1K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...