Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOI...

Oleh LahVern

5.7K 351 85

Meet Clazel Jane Montereal ang babaeng umasa na noon sa pag-ibig. Hanggang kailan kaya siya aasa pa? Lebih Banyak

Mr.SleepyHeadz and Me
CHAPTER 1 *Palusot #1 UNFINISHED BUSSINESS
CHAPTER 2 (isip-isip)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5 (Brand New)
CHAPTER 6
CHAPTER 7 (Sakay na !!!!!!)
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16 (Oh it's Saturdate)~_~ PART 2
CHAPTER 17 (Utak Lamok)
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (TANGA 2X)
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
*Letter for my Readers*
Chapter 28

CHAPTER 15 (Oh its Saturdate) ^_^ PART 1

138 9 3
Oleh LahVern

(Oh its Saturdate) ^_^

Lumipas ang mga araw at sumapit ang araw ng sabado.  Simula noong araw na feeling ko iniiwasan ako ni Jomar hindi na ako nagkaroon ng chance na makausap siya. Parang may wall na sa pagitan naming dalawa. Iniisip ko na lang na busy lang talaga siya.

^^^^^^^^^^

Nababagot ako dito sa bahay.


"Sis, ano ba ang dinadamdam mo diyan? Alam mo mukha kang shunga." maka shunga naman tong si Lance.

"Ano ka ba? Nakita mong nalulungkot ako dito oh. Atleast maganda ako kahit mukha akong tanga."

pampalubag loob ko naman.

"Oo tanga ka talaga sa kanya, siya lang ang iniisip mo hindi ka lang niya napapansin emote kana diyan. Hindi naman kayo."

Kaya nga hindi nga naman kase kami bakit nag-eemote ako dito. Tulala. Hindi nalang ako nagsalita pa alam ko naman kase sa sarili ko na totoo yun. Kaya sinarili ko nalang gusto kong sabihin.

"Bakit nararamdaman ko nga na liligawan na niya ako malapit na. Okay lang sa akin na itago muna namin yung magiging relasyon namin." bulong ko lang yan sa sarili ko yung sobrang hina. 


"Sis shopping nalang tayo wala ka namang pasok, bumili ka ng bagong damit, bagong sapatos at kung ano-ano pang bago. Para hindi lang siya ang papansin sayo kundi lahat ng boys."

"Tinatamad kase akong lumabas wala ako sa mood, hindi kita masasamahan ikaw na lang. Saka ang aga-aga pa wala pang bukas na mall noh."

"Basta aalis ako, sige buruhin mo yang beauty mo dito sa bahay ninyo at baka mag-improve yan. Pagnasa mood kana ikaw na lang gumawa ng sariling lakad mo ha?"

"Okay." matabang kung sagot kay Lance.

Hindi ko naman kaylangan ng pagtingin ng iba kay Jomar lang sapat na. WOW.


Ayoko din talaga lumabas tinatamad ako pero nabuburyo ako dito ano ba magandang gawin. Alam ko na!



Nasa loob ako ng kwarto ko nakapantulog panga ako. Naisip kong magpatugtog ako ng malakas at sinara ko yung pinto para solid yung tunog. Saka ako nagsasayaw ng nagsasayaw. Kahit anong step wala namang nakakakita saka anong pake nila. It's my life. Exercise din to noh try nyo!!

Hindi pa ako napapagod ng biglang pumasok si Lance.

"Girl anong kabaliwan naman yang trip mo, ano ka ba ang lakas- lakas ng tunog dinig sa baba hanggang kabilang bahay. Bahala ka pagsinugod tayo nung matandang laging galit." sinabi niya iyon ng pasigaw full force yung ngalangala ni teh. Noong una tuloy tuloy lang ako sa pagsayaw hanggang sa noong i-mention niya yung kapitbahay naming matanda na ubod ng sungit napatigil ako at hininto ko agad yung pinapatugtog ko baka kasi sugurin nga  ako. Pero sa lahat ng kapitbahay niya namin din pala si mommy ang ka close niya ewan ko ba bakit. Sa akin ayaw niya kase minsan napansin kong nakasimangot siya sa akin nung dumaan ako sa tapat ng bahay niya kahit binati  ko siya. Ang weird nga eh. Mag-isa lang kase ata siya sa buhay.

"Oo na..  ayan masaya ka na wala ng tugtugang malakas."

"Baka lang naman kase yung matandang babae sa kabila eh ipa-baranggay pa tayo dahil sa pinaggagagawa mo." Alam din kase ni Lance ang taglay na kasungitan ng matanda dahil pagnagpupunta siya tuwing gabi dito noon sa bahay ay laging nakatingin yung matanda ng masama. Paano ba naman yung mga aso niya abot  ang tahol.

"Okay, teka bakit naman ang aga mo magshoshopping?"

"Hindi may pupuntahan pa kase akong iba. Sige diyan ka na ha. Wait ano ba gusto mong pasalubong."

"Ah eh gusto ko.....gusto ko ng HALO-HALO." dahil nga mainit yun nalang gusto ko pasalubong.


"Sis, Wag na. Isipin mo nalang na hindi kita tinanong. Halo-Halo tunaw na yun pagbumili ako at iuuwi ko pa dito. Bumili ka na lang diyan sa tabi-tabi meron diyan panigurado."


"Sige gumora ka na nga." pagtataboy ko sa kanya.

Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nilaro si Pou. Kahit papaano nakakaaliw din siya.


Tapos ko na siyang paliguan, pakainin, laruin at wala na naman akong magawa.

Bigla namang nagring yun CP ko.

**krinnngggkringgggg

Si Chonggo tumatawag.

"Hello, anong nakain mo at tinawagan mo ko?" tanong ko sa kabilang linya. Noong mga nakaraang araw kase hindi naman to nagpaparamdam. Nilalandi lang niya yung iba naming classmate.

"Wala pa akong kinakain wala pa kase ako sa mood. Mamaya nalang sa lunch sigurado gaganahan na ako kumain kase kasabay na kita.." teka ano daw?

"Ha ano?"


"Ouch ang sakit naman kinalimutan mo na makikipaglunch ka sa akin. Nakakatampo naman. Sige ipapakita ko nalang sa iba yung cute niyong picture ni sir Jomar okay ba?" kamote talaga tong Chonggo na to eh. Kung kaharap ko lang to panigurado kinarate ko na yung ano nito .

"TEKA LANG NAMAN, HINDI KO NAMAN  SINABING HINDI AKO MAKIKIPAGLUNCH SAYO HA. DI BA? SO SAAN BA TAYO MAGLULUNCH?" sinabi ko yun sa medyo mataas na tono.

"Wag na parang napipilitan ka lang naman. Hintayin mo na lang yung reaksyon ng iba nating kaklase dun sa picture."

Nako, bina-blackmail pa niya ako. Kung kanina kakaratihin ko lang yung ANO niya ngayon gusto ko na siyang balatan ng buhay. GRRRRRRRrrrrrr!!!!!


"Okay uulitin ko po, hindi ko naman sinabing hindi ako makikipaglunch sayo. So saan tayo maglulunch?" sinabi ko yun sa pinaka sweet na boses na kaya ko.

"Pwede naman palang ganyan ang tono eh.  Mag-ayos at magdamit ka ng maganda. Txt ko nalang sayo kung saan tayo maglulunch."

"ANO HINDI MO MAN LANG AKO SUSUNDUIN DITO SA BAHAY ABA CHONGGO KA ....."

"Mahal ang gas ngayon, sige bye see you later."

Hindi pa ako yari sa sasabihin ko nagpaalam lang siya at binabaan na ako loko ko to ah.


"Ano yung sinabi niya mag-ayos at magdamit ako ng maayos. Nako kahit ano pa ang suotin ko maganda na ako. Ano kaya kung......."







^^^^^^^^^

Gumayak na ako kase malapit na ang lunchtime tnxt na din niya ako kung saan. Hindi ko alam kung saan yung address na yun ng restaurant kaya magtataxi na lang ako.

^^^^^^^^

Nakapag-abang na ako ng taxi. Binigay ko sa taxi driver yung address na pupuntahan ko.

"Ma'am sigurado po ba kayo na dito kayo pupunta."


"Oo naman Kuya hindi naman ako magpapahatid sayo diyan kung hindi ako diyan punpunta. Di ba?" ang Taray ng lola nyo.

"Okay po Ma'am.'

Pinaandar na ni manong yung taxi niya.

Vibrate naman ng vibrate ang cellphone ko si Chonggo nanaman text ng text ....

5messages

From : Chonggo

Nasaan ka na ba?

__________

Andito na ako sa loob ng restaurant pumasok ka na lang.

_______________

Maganda ka ba ngayon?

___________________

Sana okay lang ang ayos mo.

_________________________

Bilisan mo naman.

_____________________________

Ang excited naman nitong lalake na to na makita ako. Pati ba naman ayos ko. Sabi ko nga maganda na ako kahit ano isuot ko. Siguro type niya ako.  Sorry pero kay Jomar lang ako eh.


Himinto kami sa isang restuarant.

"Ma'am andito na po tayo." sabi ni Manong.

Malapit lang pala. May taste din palang mamili si Chonggo ng restuarant. Mukhang mamahalin ang pagkain na sine-serve.

Nagbayad na ako at bumaba na ng taxi.

Nakita kong may pumasok na lalake sa loob at pormal ang suot. Nag-alangan tuloy ako ngayon sa ayos ko. Pero inisip ko lang na baka may ka-meeting lang yun lalake sa loob ng restaurant  kaya ganun yun suot hindi naman siguro lahat ng nasa loob ganun.

Nagpatuloy ako sa pagpasok nagulat ako sa nakita ko at ng may isang lalake ang sumalubong sa akin at tinanong kung may reservation daw ba ako. Hindi ako maka sagot teka parang gusto ko habulin yung si Manong taxi driver. Mali pala ang pagtataray ko kay Manong kanina. Ayan tuloy karma.Sorry po.

"Excuse me Ma'am do you have reservation." pangalawang ulit na nya yan tanong na yan.

"Yes, she's with me." Oh my savior sa kahihiyang ito si Chonggo na gwapong-gwapo sa ayos niya ngayon, nakapolo siya. Basta ang gwapo niya ngayon.


Hinawakan niya ako sa kamay at nagpunta na kami sa table na pinareserved niya.

"Ano ka ba naman di ba sabi ko sayo na mag-ayos ka. Bakit ganyan ang suot mo."

"Sorry ha eh malay ko ba na sa ganitong restaurant mo ako yayayain makipaglunch. Wala naman tayong importanting meeting. Sabi mo kase mahal ang magpa-gas ngayon. Hindi ko naman kase alam na afford mo sa ganito. Sana nilinaw mo. Akala ko naman kase sa tabi-tabi lang tayo kung alam ko lang nagpasalon pa sana ako bago pumunta dito."

"Naku." nanggagalaiti na lamang niyang nasabi.

"Saka ang init ngayon oh .....ano akala mong isusuot ko kung alam kong sa tabi-tabi lang tayo?? Dapat ba yung  mamahaling dress??"

Kung alam ko lang talaga di hindi sana ako nagsuot ng mukhang sando,maikling short at naka tsenelas lang. Sana napaghandaan ko ng bongga. Ang cute pa naman ng sando ko.



"Umupo ka na nga, nag-order na rin ako ng lunch natin." yun nalang ang nasabi nya pero halatang inis siya

Walang mangyayari sa pagtatalo naming dalawa. May kasalan din naman kase siya at ako din naman meron kasalanan kung bakit ngayon pinagtitinginan kami ng mga sosyal na nagdadaan malapit sa table namin. Mukha kaming ewan siya naka pormal ako parang nasa bahay lang at feel na feel ang summer. Pinagpapawisan tuloy ako kahit malamig dito sa loob huh!!!

Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay ang inorder niyang pagkain.Biglang sinimulan ko ang usapan.



"Wag mo na lang isipin na date ito kase hindi naman talaga.  Kukuhanin ko lang naman yung picture, so nasaan na?"

"Mamaya mo makukuha pagkayari nating maglunch." seryoso niyang sagot hindi ako sanay.

"Bakit ba kase ako pa ang gusto mong kasama mag-lunch eh hindi nga tayo close. Sana yung ibang kaclose mong classmate natin ang inaya mo. Yun mas malapit kayo. Baka nga hindi lang lunch ang pwede ninyong pagsaluhan eh. Hindi tulad nito na para kang disperado sa akin. You're so pathetic dapat girlfriend mo ang kasama mo hindi ako na hindi naman talaga papayag makipagluch kung hindi sa pang-bablackmail mo."


Hindi na siya umimik.

"Wala ka ba kasing girlfriend?"

"Pwede ba tumigil ka na!!!" pigil na galit ang nadama ko sa pagsasabi niya nun. Napatingin nalang ako sa kanya iba na kase ang aura niya nakakatakot.Napasobra ata ako, tatahimik na lang ako.

Sinerve na nung waiter yung pagkain namin.


"Kumain na tayo." aya ni Chonggo.

Nagsimula na kaming kumain.

Wala pa ring kibuan.

Nang biglang may huminto sa harapan namin isang babae at isang lalake.

"Terrence you're here, with---? who is she, your girlfriend? ?"  pagkasabi nung babae tumingin siya dun sa lalaking kasama niya ng nakangiti. Teka ano ibig sabihin nito.

Hindi sumagot si Chonggo pero mukhang inis siya sa dalawang yun sino nga ba sila.








Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

795K 41.6K 103
an epistolary
3.6K 429 4
DE HARO SERIES BOOK FOUR
1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!