Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 40

21.6K 633 454
By jaysanj


Zoe's POV

"Anong nangyari sa inyo don?" tanong ni Louise pagkarating ko sa bench. Nagpunas ako ng pawis gamit ang jersey ko.

"Wala, natriggered lang." sabi ko.

Umupo ako sa tabi ni Japan.

"Bakit naman?" tanong ni Russel.

Nakitbitbalikat ako at uminom ng Pocari Sweat. 

"Ano bang pinag-usapan ninyo?" tanong ni Japan.

"Wala naman, hinamon ko lang sya para magseryoso sila." sagot ko.

"Yun lang?" tanong ni Steph na nakataas ang isang kilay.

"Gusto nyang malaman ang pangalan ni Alexa at gusto nya din si Alexa." sabi ko at hinintay ang reaction nya kung paano mainis.

"What the heck?" sabi ni Ivy. "Wag na sya makisali pa." pairap na sabi nya.

"Damn that girl." sabi ni Steph. 

Napa-smirk ako. Sabi na eh.

"Sinabi ko sa kanya na kapag natalo nya tayo, pwede nyang malaman ang pangalan ni Alexa." tumingin ako kay Alexa. "Pasensya na kung ginamit pa kita para magseryoso sila."

"Tsk! lagi mo na lang sya ginagamit." sabi ni Steph. Napangiwi ako.

"Kung narinig nyo lang sinabi nya sa babaeng 'yon." sabi ni Xenon. Napatingin agad ako kay Xenon, nandon nga pala sya sa gilid.

"Bakit ano sinabi nya?" usisa nila.

"Ganito kasi 'yon, 'di ba nag dunk yung ba-"

"Peyt. Peyt ang pangalan nya in short of Peyto." sabi ko.

"Yeah, Peyt. Sinabi nya kay Zoe na, Simpleng pangalan lang hindi nya maibigay, gusto pa pahihirapan pa si Zoe, something like that tapos ang sagot ni Zoe. 'Simpleng pangalan? wag mong sinisimple lang ang pangalan nya'. Kinikilig ako bwahahahaha!" tawang sabi nya.

"Ako din!" pangsang-ayon naman ni Louise na para bang kinikilig.

"Lintik." sabi ko na lang.

"Zoe naman eh! girlfriend ko na sya!" sabi ni Ivy. Napakamot ako ng ulo.

"At may girlfriend ka." inis na sabi ni Steph.

"Kung ano iniisip nyo, mali kayo. Tsaka may sinabi pa ako sa kanya na may makakalaban sya kung gugustuhin nya si Alexa at hindi ako 'yon." napabuntong hininga ako.

Nananahimik na kami ni Alexa. Wag na sana sila pag-issuehan pa kami.

"Tama lang." sabay na sabi ni Ivy at Steph. Nag-irapan silang dalawa. Nailing ako.

"Ang tanong magse-seryoso na kaya sila?" tanong ni Aj.

"Sana." sabi ni Xenon. Nakatingin sila sa Wyvern.


Kinagabihan pagkatapos namin kumaing lahat. Naghintayan kami sa oras namin gumamit ng paliguan na hot spring daw sabi ng mga seniors. Mabuti naman dahil nakakapagod ngayong araw.

Nanalo kami sa unang laban namin laban sa Wyvern. Hindi pa din sila nagseryoso nung fourth quarter. Ang sunod na nakalaban namin ay Qilin, sila naman seryoso talaga. Nahirapan kami sa kanila dahil sobrang galing nila. Natalo daw kasi sila laban sa Mušḫuššu kaya ginagalingan nila. Nagtagumpay naman sila dahil natalo kami.

Sobrang hirap tumakbo paakyat sa hills tapos times five pa. Pagod na pagod kami pagkatapos naming tumakbo. Mabuti na lang may one hour pa kami para magpahinga dahil stand by kami. Pinanood na lang namin ang mga naglalaro.

Ang pangatlong nakalaban namin ang Basilisk. Magagaling din sila at nahihirapan din kaming maka-score sa kanila. Meron din sa kanilang mayayabang. Nainis nga si Jayden don eh hindi naman umabot sa awayan kaya kahit papaano ay okay naman ang naging laban. Panalo kami sa kanila pero isa lang ang lamang namin.

Huling nakalaban namin ang Mušḫuššu. Tama nga ang sinabi ni Ate Dawn nung nakaraan na hindi sila sumusuko at wala silang kapaguran. Plus pa na ang gaganda pa nila. Hindi pa nga sila natatalo sa lahat ng laban pati samin nanalo sila.

May four points na ang  Mušḫuššu habang two points naman kami at ang Basilisk, ang Qilin ay one point at zero point naman ang Wyvern na kahit saang laban hindi sila nagseryoso.

Hindi ko na lang pinansin pa kung bakit sila hindi nagse-seryoso. Napaparusahan naman sila.

"Turn na natin!" sigaw ni Ate Zeke pagkapasok nya sa kwarto. "Let's go!"

Dala ang pamalit namin tumungo kami papunta sa paliguan. Niligay namin sa locker ang gamit namin tsaka kami naghubad at pinatungan ng towel ang katawan tsaka kami pumasok sa loob. Namangha kami dahil parang Japan style ang paliguan. Open air pa at ang lawak.

Nagsisitakbuhan ang iba sa hot spring tapos nagrereklamo silang mainit. Kaya nga hot spring eh. Sarap lang nilang sapakin.

Dahan-dahan akong lumubog sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam ang tubig na mainit pagkatapos ng nakakapagod na araw. Tumingin ako sa mga kasamahan kong na nag-eenjoy din sa mainit na tubig. Yung iba nga sa kanila nakapikit na at parang makakatulog na.

"May babae dito na nakatulog!" napatingin kami kay Ate Ali. Nasa bandang dulo na medyo tago dahil may malaking bato.

Lumapit naman ang ilan sa kanila.

"Taga Mušḫuššu sya." sabi nila.

"Miss, okay ka lang ba? napasarap tulog mo ah." sabi ni Ate Juls.

Nagkukumpulan sila don kaya hindi ko makita kung sino yung babaeng tinutukoy nila. Napatingin ako kay Japan na napasandal ang ulo sa balikat ko. Nakapikit sya. Pati sya makakatulog nito.

"Pasensya na talaga. Sige aalis ako." sabi ng hindi pamilyar na boses. 

Binigyan sya ng daan kaya nakita ko din sya. Hindi ko sya nakita kanina maglaro kaya hindi sya naging pamilyar sakin pero ang ganda nya at ang sexy nya kahit na natatakpan ng towel ang katawan nya pero nagsisilitawan naman ang makinis nyang balat. Napatingin din ako sa cleavage nya. Napalunok ako kaya iniwas ko ang tingin ko na sa mukha nya ako napatingin.

Shit. Napamura ako nung mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Ang sungit ng tingin nya sakin. Patay.

Humakbang sya paitaas at sumalisi ang towel nya. Namula ako at napaiwas ng tingin. Sa pag-iwas ko naman nakita ako ni Alexa. Lalo tuloy akong namula dahil nahuli nya akong nakitingin sa mga legs nung babae.

Naglikot na lang ang mga mata ko para makaiwas sa tingin nya.

Pagkatapos ng oras namin, lahat kami nagbihis na. Nauna silang bumalik sa room habang ako nagpapalit pa ng damit dahil nahuli din akong tumayo para magbihis. Sarap kasi ng tubig eh.

Lumabas ako pagkatapos kong maligo. Dumaan muna ako sa isang vendor machine. Dala ko naman ang wallet ko kaya bumili ako ng isang malamig na softdrink.

Umupo ako sa tabi ng vendor machine na upuan. Doon ko ininom ang binili ko. Napatingin ako sa harap ng vendor machine nung may taong dumating.

Holy shit.

Sya yung kanina sa paliguan at nakasuot lang sya ng malaking tshirt na hanggang tuhod at nakatsinelas lang.

"Nawala na?" bulong nya. 

Napatingin sya sakin kaya medyo napaatras ako. Magkasalubong ang dalawa nyang kilay. Tumingin sya sa hawak kong softdrink na coke. 

"Kaya pala wala na, nasa sayo na pala." sabi nya. Napatingin ako sa hawak ko.

"Umm...gusto mo sayo na lang? isang beses ko pa lang naman ininuman." kamot ang ulo kong sabi. 

"Hindi ako tatanggi." walang tanggi tanggi nga. "Kanina pa ako nauuhaw." sabi nya at ininom ang softdrink.

Napatingin naman ako sa mga labi nya. Napaka-pinkish ng labi nya at nakakaakit itong tignan. Tsaka ko naalala na hindi man lang nya pinunasan ang butas ng can at dire-diretso syang unimom don. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Indirect kiss. 

Hindi ako mapakali na ewan. Bigla akong nakaramdam na gusto syang halikan. Madalas hindi naman ako naakit agad sa mga labi pero sa babaeng 'to na sobrang ganda kasi at nang-aakit ang mga labi nya ay parang gusto ko syang halikan.

"Oh." napaangat tingin ko sa kanya. Sakto pang dinilaan nya ang mga labi nya. Shit. Shit. "Baka sabihin mo inubos ko." nakalahad sa harapan ko ang softdrink.

Kinuha ko 'yon at tinignan ang butas ng can. Tumingin ako sa kanya.

"Thanks and goodnight." sabi nya at naglakad paalis.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Pigil na pigil akong sa gustong mangyari ng katawan ko dahil nakakahiya. Hindi kami magkakilala tapos bigla ko syang hahalikan ng walang dahilan.

Napatingin ako sa hawak ko. Naalala ko ang kulay pink na labi nya. Shit.

"Anong ginagawa mo dito?" napatalon ako sa gulat.

"Damn Japan! nakakagulat ka naman." sabi ko sa kanya. Napakunot noo nya.

Lumapit sya sakin at kinuha ang softdrink ko tsaka nya ininuman. Holy shit.

Mabilis kong hinila si Japan. Tinapon ko ang softdrink at hinalikan sya. Nagulat sya sa ginawa ko pero kinalaunan ay tumugon din sya. Lalo akong nanggigigil sa mga labi ni Japan dahil sarap lang talaga ng mga labi nya. Ang lambot.


"Gising na!" napabalikwas ako sa sobrang gulat. Pagtingin ko sa paligid hindi lang pala ako ang nagulat.

"Tumayo kayo dyan mga rookies o paparusahan namin kayo!" napangiwi ako.

Si Ate Camille na nasa pintuan kasama ang vice-captain nyang si Ate Blair.

Nagsitayuan naman kaming lahat. Pumasok silang dalawa.

"Fall in line girls!" sigaw na naman nya. Grabe ang aga highblood sya.

Umayos kami ng tayo sa harapan nya. Para kaming sundalo sa lagay na 'to.

Nakangising tumayo sya sa harapan naming lahat. Nasa likuran nya lang si Ate Blair.

"Nag-iba kami ng plano sa training ninyo dito sa Empire Island. Alternate ang laro at training. So ngayong araw magtra-training kayo at bukas maglalaro ulit kayo laban sa apat na Empire." sabi nya.

"Ma-may tanong ako." lakas loob na sabi ni Kiara. "Wala ba kaming rest day dito?"

"Wala." lalong napangisi si Ate Camille. Nanlaki naman ang mga mata namin.

Araw-araw kaming pagod nito!

"Alright, magbihis na kayo nang masimulan na nating ang training ninyo." tumalikod sya. "By the way, ako ang hahawak sa inyo ngayong araw." nakangising sabi nya. "I'm giving you five minutes to get ready. Bihis o hindi, lalabas kayo sa kwartong ito. Time start now."

Pagkasabi nyang iyon, agad kaming pumunta sa mga gamit namin at kumuha ng damit. Nagmamadali kaming nagbihis. Lahat kami nakabihis na magsabi syang tapos na ang oras at lumabas na kami.

Sinundan lang namin sya papunta kung saan. Nakita pa nga namin sila Ate Ella na kasama ang taga Mušḫuššu. Napatingin naman ako sa mga taga Mušḫuššu. Nakita ko sya na nasa huling huli na nakapamulsa sa suot nyang short at bored na nakatingin sa kalangitan.

Tumingin ako sa harapan nung tumalikod na sila samin dahil ibang direction sila pumunta. Pumasok kami sa kagubatan. Habang patagal nang patagal papurok nang papurok ang daan. Tumigil lang kami sa lugar na medyo malaki ang space at may flag sa gitna.

"Simula dito at dulo non." sabay turo sa isang direction. "May flag kayong makikita. Doon ang dead end na tatakbuhin nyo at babalik kayo dito. Gagawin nyo 'yon ng isang beses lang." sabi ni Ate Blair.

"'Yon isang beses lang!"

"Tatakbo lang po kami?" tanong ni Aj.

"Yes. Kapag natapos kayo pwede na kayo magpahinga." sabi ni Ate Blair.

"'Yon!" tuwang sabi ng ilan.

"Okay, mag-umpisa na kayo. Kung magdadaya pala kayo, hindi nyo 'yon magagawa. May drone ako dito." sabay pakita ang drone na hawak ni Ate Camille. "Paparusahan ko ang magdadaya." nakangisi na naman sya.

"Okay lang, tatakbo lang pala kami. Wala namang oras na kailangan matapos." sabi ni Jayden.

"Yes, wala nga." sabi ni Ate Blair. "Diretso lang kayo para makita ninyo ang flag. Malaki naman 'yon kaya makikita ninyo din iyon."

"Okay po!" sabay-sabay na sabi namin.

"Goodluck." nakangising sabi ni Ate Camille kaya bigla akong nabahala.

Hindi ko na lang pinansin dahil nagsitakbuhan na yung iba kaya sumunod na ako sa kanila.

Hindi naging madali ang pagtakbo namin dahil lubak-lubak ang daan tapos mapuno pa. Napapansin ko na medyo pataas ang daan kaya medyo bumabagal at nahihirapan akong tumakbo. Hanggang sa pataas na talaga ang tinatakbuhan namin.

"Shit! akala ko madali lang ito!" sabi ni Pat na nakahawak sa puno dahil nadulas sya na mabuti na lang naagapan nya.

"Taena kaya pala isang beses lang natin gagawin dahil ang hirap pala nito." angal ni Kiara.

Tumigil ako sa pagtakbo at nagpunas ng pawis gamit ang tshirt ko. Tumingin ako sa ibaba na katulad ko tumigil din sila Gen. Nangunguna naman sila Steph, Alexa, Aj at Ivy.

"Aw!" napatingin ako kay Louise. Nangunguna sya sakin kasama nya si Torey at Jayden.

"Ayos ka lang?" mabilis naman na kumilos si Jayden para tulungan si Louise na napaupo sa lupa.

"May sugat ka." nag-aalalang sabi ni Torey.

"Guys! mag-iingat kayo!" sabi ni Jayden.

Tumingin ako sa itaas. Nakasunod talaga samin ang drone ni Ate Camille. Bumaba iyon at lumapit kay Louise. Tinignan ata yung sugat ni Louise. Tsaka ulit tumaas.

"Kaya mo pa ba?" tanong ni Torey.

"Kaya ko pa naman, gasgas lang ito." nakangiting sabi ni Louise. "Salamat." inilalayan sya nung dalawa makatayo.

Nagsimula na lang ulit kami tumakbo pero maingat ang bawat hakbang namin. Isang oras na kami tumatakbo pero hindi man lang kami nakakakita ng flag. Sobrang layo naman non. Kaya siguro isang beses lang talaga dahil bukod sa malubak at mahirap akyatin, ang layo pa. Mautak din sila.

"Nakikita ko na ang flag!" sigaw ni Aj. Kaya naman nagmamadali kaming makarating doon.

Nagulat kami na nasa pinakatuktok na pala kami ng bundok. Sobrang lakas ng hangin ang tumama samin at napakaganda ng natawin ang bumungad samin. Kita-kita ang magandang dagat sa kinatatayuan namin.

"Wow!" manghang sabi nila. Napangiti ako.

"Pwede bang dito muna tayo? ang ganda dito eh!" sabi ni Louise.

Napatingin naman ako sa drone.

"Ang sarap ng hangin!" sabi ni Ivy. "Sayang wala tayong dalang cellphone. Napicturan sana natin ang tanawin."

Nag-sign ako don sa drone kung pwede ba kami dumito muna saglit. Pero gumalaw na ang drone pakaliwa at pakanan.

"Guys, hindi tayo pwede magtagal dito." sabi ko sa kanila. Napasimangot naman sila.

"Saglit lang naman eh." sabi ni Nikki.

Tinuro ko ang drone. "Ayaw eh." sabi ko.

"Ano ba yan." napangiti ako ng tipid dahil kahit ako ayoko pa sana umalis dahil gusto ko munang pagmasdan ang karagatan pero wala kaming magagawa.

"Tara na." sabi ni Japan. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kami naglakad pababa. Hindi kami pwedeng tumakbo pababa dahil baka gumulong gulong kami.

Tanghali na kami nakabalik sa tinutuluyan naming hunted house. Sila Torey nagpauso non dahil mukha naman talaga hunted house ang tinutuluyan namin. Buti nga nakatulog pa kami ng maayos dahil minsan sa gabi nakakarinig kami ng ipit ng pinto at mga kalabog. Iniisip na lang namin na baka mga kasamahan naming rookies ang mga 'yon.

"May oras pa tayo para libutin ang lugar!" masayang sabi ni Gia.

"Ano malilibot natin dito? puro gubat." sabi ni Jayden. 

Nakasalubong namin ang mga Basilisk. Nginitian at binati nila kami kaya ganon din kami sa kanila.

"Hi cutie!" nagulat ako nung mag-flying kiss sakin yung isa at kumindat pa pero dire-diretso lang sila naglakad.

"Hanep ka Drea!" sabi nung kasabayan nya. Tawang tawa naman sila.

Pinagtri-tripan nila ako.

"Habulin talaga ng chicks si Zoe." sabi ni Jayden.

"Ulol." sabi ko. Nakatingin sakin si Japan. Napakamot ako ng ulo.

Pumunta kami sa kwarto namin at nagpahinga. Nagkwentuhan yung iba habang lumabas naman sila Gen para maglibot.

Isang oras na tinawag kami ng mga seniors para kumain na. Sakto naman na dumating ang mga lumabas kaya sabay-sabay kami pumunta sa cafeteria nila dito na sobrang laki dahil nga sabay-sabay kami kakain lahat.

Ang daming pagkain na nakahanda. Kuha lang kami ng kuha ng pagkain dahil nakakagutom talaga ang ginawa namin.

Bigla ako nakaramdam ng pagkauhaw dahil hindi ako nakakuha ng tubig. Ubos pa yung tubig ni Japan. Tumayo ako at tumungo kung saan meron tubig. Bigla nagbago ang isip kong uminom dahil nakita ko si Peyt doon.

Tumalikod ako at nagulat ako na nasa likuran ko ang babae kahapon.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo." sabi nya sabay lagpas sakin.

Malay ko bang nandon sya.

Bumalik ako sa pwesto namin. Nakasimangot ako dahil nauuhaw talaga ako.

"Anong itsura yan?" tanong ni Japan.

"Nauuhaw ako." sabi ko.

"Hindi ka ba kumuha?" tanong nya. Umiling ako.

"Nandon si Peyt. Ayoko muna ng gulo." sabi ko.

"Ako na kukuha." sabi nya at tumayo.

"Thank you!" nakangiting sabi ko.

Hinintay kong dumating si Japan habang hinihintay sya nakipagkwentuhan muna ako kay Nikki na katabi ko.

"Woah! Tama yan!" napatingin kami dahil mukhang may gulo.

Nagmadali ako nung makita ko si Japan na kasama ata sa gulo. Hindi lang ako yung lumapit pati na din ang mga seniors.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Ate Abby.

Si Peyt nakaupo sa sahig habang hawak ang panga nya pero nakangiti pa din. Tumingin ako kay Japan dahil mukha syang may kagagawan non dahil pinipigilan sya ng iba.

"Gaguhin mo na ang ibang babae, wag lang si Zoe." malamig na sabi ni Japan.

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan sa kung may tama ba sya.

"Peyto! Ano na naman ba ito?!" sigaw ni Ate Natasha. Lumapit sya kay Peyt.

"Wala naman. Pikon lang kasi ang isang 'to." sabi ni Peyt na nakatayo na at maangas pang tumingin kay Japan.

"Hindi sya mapipikon kung wala kang sinabing hindi maganda." may nagsabi na sa pagkaalala ko taga Qilin sya.

"Peyt umayos ayos ka nga. Pinapahiya mo si Ate Natasha." sabi ng isang butch na kasamahan ni Peyt.

"Wag na sana mauulit pa ito. Kahit kailan hindi nagkaroon ng alitan ang bawat Empire." sabi ni Ate Ella.

"Ako na bahala sa kanya. Pasensya na." paumanhin ni Ate Natasha.

Hinila ni Ate Natasha si Peyt paalis ng cafeteria kaya nagsibalikan na ang lahat sa pagkain na para bang walang nangyari. Pinakalma ko naman si Japan dahil seryoso pa din sya.

"Ano bang nangyari sa inyo doon?" tanong ni Torey.

"Ginago nya lang si Zoe." madiin na sabi nya. Hinagod ko ang likod nya.

"Tama na yan. Hayaan mo na sya." sabi ko.

"Tsk. Bakit ko hahayaan na gaguhin nya ang girlfriend ko?" kahit na seryoso nya at badtrip, kinikilig ako!

"Edi kayo na!" sabi nilang lahat. Natawa naman ako.

"Kami naman talaga." sago ko sa kanila.

"Edi wow!"


Kinabukasan naglaro ulit kami. Ang una naman namin makakalaban ang Basilisk. Nagpakilala silang lahat samin at kami din. Gusto daw nila makipagkaibigan kahit na yung iba sa kanila ay nayayabangan si Jayden pero nag-explain naman ang Basilisk na ganon talaga sila.

"Hi cutie Zoe." nilapitan ako ni Drea. Ngumiti ako sa kanya.

"Hoy Drea kung ayaw mong matulad kay Peyto kahapon, umayos ka dyan!" biro ni Cian.

"Hoy! grabe ka! hindi naman ako mang-aagaw!" sagot naman ni Drea. "Hi Japan! kinakausap ko lang girlfriend mo." nakangiting sabi ni Drea kay Japan at natawa naman ang ilan samin.

"Maglalaro ka ngayon?" tanong ko sa kanya. Tumango sya.

"Ikaw? gusto kita makalaban, ang galing mo kasi nung nakaraang araw." sabi nya. Hindi sya isinalang nung nakaraang nakalaban namin sila.

"Sa tingin ko hindi eh." kamot ulo kong sabi.

"Aw ganon ba? sad naman." sumimangot sya.

"Madami pang pagkakataon para makaharap tayong dalawa." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya.

"Tama ka. Gustong gusto ko talaga mashutdown ka, Zoe." napangiti ako. "Ipapakita ko sayo kung paano ako lumaban kaya humanda ka." tumango ako sa kanya. May pagkamayabang din pala sya.

"Goodluck." sabi ko sa kanya nung tinawag na sila.

"Babawi kami!" natawa ako at kumaway sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Alexa dahil yun lang ang bakante. Hindi sya maglalaro ngayon laban sa Basilisk. Si Japan naman hindi ko alam kung bakit gustong gusto nyang maglaro dahil lahat ng laban nung nakaraan, nakalaro sya. Nagpapasub lang sya minsan kapag napapagod sya.

Pinanood ko ang laban nila. Bumabawi nga ang Basilisk dahil panay ang score nila. Hindi naman mapigilan nila Japan ang opensa nila at parang nahihirapan sila. Pinanood ko si Drea. Magaling sya. Magaling sya mangopya ng galaw. Nagagaya nya ang galaw ni Japan at Torey. Kahit na galaw nila Japan 'yon hindi pa din nila mapigilan si Drea.

Ang naging resulta ay natalo nila kami. Sobrang saya nila habang kami ay malungkot dahil tatakbo kami. Kasabay namin tumakbo ang Qilin. Natalo sila ng Wyvern. Tinanong namin sila kung seryoso na ba sila at nagulat kami na tinambakan sila ng bente.

"Sa totoo lang, ang gagaling nila." sabi ni Amber. "May binatbat din pala ang Peyto na 'yon. Nalagpasan nya kami ni Hale."

"Seryoso?" tanong ko dahil silang dalawa lang naman ang magaling mag-double team sa team nila. Hindi nga makalusot sa kanila si Japan.

"Oo, nakakagulat 'no? tsk." sabi nya.

"Delikado pala sila kung ganon." sabi ko habang nakatingin sa mga kasamahan namin na tumatakbo. Natapos ko na kasi ang parusa ko kaya kausap ko si Amber.

Matapos ang parusa. Naglaro ulit kami. Kalaban naman namin ang Mušḫuššu. Kahit pagod ay pinilit pa din namin manalo sa kanila pero hindi nangyari dahil masyadong magagaling at hindi napapagod ang mga Mušḫuššu. Sabagay sila ang stand by kanina tapos kami naglaro at naparusahan pa.

Kasabay naman namin sa parusa ang Basilisk. Katulad ng sabi ng mga Qilin, tinambakan sila ng bente ng Wyvern at magagaling daw sila. Hindi nga daw nakopya ni Drea ang mga galaw ng Wyvern dahil mabibilis din ang Wyvern.

"Mukhang seryoso na sila." sabi ni Yuri. "Ano balak nyo? sila ang makakalaban natin pagkatapos ng Qilin."

"Hindi natin alam." sabi ko.

Bumalik kami sa loob ng gym. Naghanda kami sa laban ng Qilin. Ayaw naman namin na matalo ulit 'no. Habang naghihintay na magsimula ang laban. Tumingin ako sa kabilang court na naglalaro. Mušḫuššu vs Wyvern. Tumingin ako sa score. Mukhang natatapatan ng Mušḫuššu ang Wyvern dahil sila pa din ang lamang.

"Change player!" sigaw ni Ate Abby. Sya ang naka-assign na mag-score kasama nya ang vice-captain ng Qilin na si Ate Jillian. Sila din ang nagsusulat kung nakakailan points, foul at kung ano pa.

Tumingin ako sa player na pinalit nila. Sya na naman. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din sya kilala.

Napatingin ako sa kanya habang nagtatali ng mahaba nyang buhok. Bumaba ang tingin ko sa maputi nyang batok. Hindi ko alam kung naramdaman nyang may nakatingin sa kanya at bigla syang napatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Tara na, Zoe!" tumango ako at pumunta sa court.

"Babawi kami ngayon!" sabi ni Kiara. Kami nila Ivy, Jayden, Yuri at Gen ang maglalaro sa umpisa.

"Tignan lang natin." nakangiting naghahamon naman ng mga Qilin. 


"Walangya kayo!" napangiwi kami. Inis na inis ang mga seniors samin dahil natalo na naman kami.

"Napaparusa kami ng walang ginagawa!" sabi ni Ate Anya.

"Sorry na." sabi ni Ivy.

"Nakakastress kayo. Tatlong beses. Tatlong beses huh!" sabi ni Ate Krytal.

"Hoy! kilos-kilos!" natatawa naman ang mga seniors ng Qilin.

"Manahimik ka dyan Kate!" inis na sabi ni Ate Zeke. Lalo tuloy natawa ang mga Qilin.

"Humanda kayo pagbalik natin sa camp." napasimangot kami sa sinabi ni Ate Juls.

Nakasimangot kaming tumakbo paakyat ng hills. Panay pa din ang sermon ng mga seniors samin. Anong magagawa namin? pagod kaya kami!

Natapos ang parusa at nagpahinga na muna kami. Dahil parehas kami ng Wyvern na magpapahinga muna dahil sunod-sunod ang mga laban namin. Ang sabi, kami daw ang huling maglalaban. Matatapos ang lahat ng laban exact eight ng gabi. So alas tres palang naman, may three hours kami para magpahinga. Mabuti naman para mapaghandaan namin ang laban sa Wyvern.

Sa laban nila sa Mušḫuššu, nanalo pa din ang Mušḫuššu pero isa lang ang lamang nila. Lamang kami, sampu ang lamang ng Mušḫuššu samin pati na sa dalawang team pero sila isa lang. Talagang magagaling ang Wyvern. Hindi lang sila nagseryoso nung nakaraan.

Huling laban na ng Mušḫuššu pero may isa pang laban ang Basilisk at Qilin. Sila ang kasabay namin maglaro mamaya. Hindi sya naglaro sa huling laban ng Mušḫuššu. Nakaupo lang sya at nanonood.

Hindi ko pa sya nakikitang maglaro kaya hindi ko alam kung ano ang kakayahan nya. Kung hindi siguro ako naglaro kanina sa Qilin baka napanood ko sya maglaro. Tsaka, ano ba kasi ang pangalan nya? Wala naman kasing nakasulat sa uniform namin na pangalan sa likod at hindi din naman sila nagpakilala kanina nung naglaban kami.

After three hours. Nagpunta na kami sa court. Hindi ako kasali sa first five laban sa Wyvern pati si Steph. Sila Alexa, Gen, Japan, Aj at Nikki ang first five. Hindi din naman kasali sa first five si Peyt.

"Hoy umayos kayo ah! malilintikan talaga kayo sakin!" sigaw ni Ate Zeke. Napangiwi na naman ako.

Nag-umpisa na ang laban at seryoso na nga talaga ang Wyvern kaya walang nagawa ang lima at nagseryoso din. Pero yung dalawa, si Alexa at Japan hindi pa nila pinapakita ang lahat ng kakayahan nila. Si Gen hindi ko alam dahil kokonti pa lang ang alam kong kaya nyang gawin.

Nagsasalitan sila sa pagkuha ng score. Hindi umaabot ng tatlo ang lamang nila. Mabibilis din talaga ang Wyvern at nalalagpasan nila sila Japan. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ako makaisip ng paraan para ishutdown sila.

Pagdating ng third quarter tsaka lang nila sinalang si Peyt. Si Alexa, Jayden, Torey, Russel at Ivy ang naglalaro samin ngayon. Nagpapahinga si Japan simula nung second quarter. Ang score namin ay hindi naglalayo, isa lang lamang. Sila ang lamang.

Napapikit ako ng mariin dahil lumalaki ang lamang namin. Hindi na kasi makascore sila Jayden dahil laging nakukuha sa kanila ang bola. Hindi ko naman alam kung ano binabalak ng mga nasa bench dahil ang tahimik nila.

"Change player. Steph." utos ni Japan.

"Sawakas. Kanina ko pa gustong lampasuhin ang Peyt na yan dahil kanina nya pa inaakit si Alexa." sabi ni Steph at lumapit kay Ate Blair.

Tama sya, kanina pa inaakit ni Peyt si Alexa. Ang lakas talaga ng loob ng Peyt na 'yon kahit sa loob ng laro. Nailing ako.

Humanda ka sa dragon Peyt. Si Alexa pa talaga ang ginusto mo.

Pinalitan ni Steph si Torey. Lumapit sya kay Alexa at humalik pa sa pisngi kaya ayun nag-away pa sila ni Ivy bago nagseryoso sa laro. Nailing ako.

Pinagmasdan ko si Steph. Hindi sya ang bumantay kay Peyt dahil may dalawang nagdo-double team sa kanya kaya ayun hindi nya malampaso si Peyt. Nailing tuloy ako. Parang wala tuloy nangyari nung ipinasok si Steph. Hindi sya makawala sa dalawa eh.

"Zoe, papasok tayong dalawa." tumayo si Japan at lumapit kay Ate Blair. Sumunod naman ako sa kanya.

"Jayden, Ivy." sabi ni Japan. Lumapit naman samin ang dalawa at nakipag-apir.

"Goodluck." sabi nila. Tumango ako.

"Sawakas!" sabi ni Peyt. Hindi sya sakin nakatingin, kundi kay Japan.

Lumapit naman samin yung tatlo at hindi pinansin ni Japan si Peyt.

"Bantayan ninyong dalawa yung dalawang bakulaw na 'yon." tukoy nya sa dalawang nagbabantay sa kanya.

Wala naman kami magagawa ni Russel. Sila ang magagaling saming lahat eh.

Si Russel nagpasok ng bola at pinasa lang sakin. Nagulat ako na yung dalawang nagbantay kay Steph ay bigla na lang ako nilapitan. Napatigil tuloy ako. Wala pa sa gitna ng court hinarangan agad nila ako. Naghahanap ako ng butas pero wala talaga.

"Hoy!" napatingin ako sa likuran. Nandon si Steph. Maka-hoy ang isang 'to.

Pinasa ko sa kanya ang bola. Akala ko lalayuan na ako ng dalawa pero hindi pa rin pala.

"Hoy! ano yan!" sigaw ng nasa bench. Psh.

Naka-score kami nang dahil kay Steph. Lumayo naman yung isa nagbantay sakin. Mabuti naman. Nagsimula na silang sumugod. Nakaharap na ni Steph si Peyt. Sakto pang na kay Peyt ang bola.

Hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil sa nagbabantay sakin kaya pinanood ko na lang muna yung dalawa. Nakangisi si Peyt habang si Steph seryoso lang. May sinasabi ni Peyt pero hindi ko marinig, wala naman reaction si Steph.

Mabilis na nagdribble si Peyt. Sinisubukan nyang makalagpas kay Steph pero hindi nya magawa. Napangisi ako. Si Japan nga hindi makaalis sa kanya kahit mag-ankle break, sya pa kaya?

Lumayo ng konti si Peyt at tumalon. Nailing ako. Mabilis din na tumalon si Steph at nablock nya ang tira ni Peyt. Napatakbo kaming lahat sa kabila dahil hawak na ni Alexa ang bola. Pinasa ni Alexa kay Steph ang bola. Humahabol naman si Peyt sa kanya. Nung mag-

dunk si Steph napatumba si Peyt. Parang katulad lang nung nangyari saming dalawa.

Lumapit ako sa kanila.

"Ayusin mo sarili mo. Nagmumukha kang basura." tumalikod si Steph at naglakad palayo. Tumingin ako kay Peyt.

"Sya pala yung tinutukoy ko." sabi ko sa kanya. Masamang tumingin sya sakin. Ngumiti lang ako at lumayo na din.

Bumalik ulit kami sa paglalaro. Hinarangan na nila si Steph kaya ako ang umiiscore. Hindi tuloy nila alam kung sino ang babantayan nila. Ako ba o si Steph. Dahil kapag binabantayan nila ako, si Steph naman ang nakakascore dahil hindi magawang pigilan ni Peyt si Steph.

Last quarter at lamang na kami ng lima sa Wyvern.

"Alright. Masyado ako nagpadala sa inis." sabi ni Peyt na mukhang kumalma na. Nagseryoso na ang mukha nya.

"As if naman kaya mo pa din ako." sabi ni Steph.

"Tignan natin." akala ko ngi-ngisi na naman si Peyt pero hindi, seryoso pa din sya.

Sumugod sila samin. Napa-huh ako nung binantayan ako ng dalawa. Tumingin ako kay Peyt. Nasa kanya ang bola at kaharap nya si Steph. Maya-maya mabilis na kumilos ang dalawa. Sinasabayan ni Steph ang kilos ni Peyt na bigla na lang bumilis.

Grabe ang dalawang ito. Para silang hindi napapagod.

Tumira si Peyt sa labas. Nadaplisan 'yon ni Steph pero mabilis naman silang dalawang tumakbo papunta sa ilalim kahit na may taga-rebound naman. Sabay silang tumalon at nag-unahan makuha ang bola. Nakuha ni Peyt pero ipinasa nya sa kakampi nya at umiscore.

"Hanep." nasabi ko na lang sa dalawa.

Ipinasa sakin ni Japan ang bola. Bigla na naman humarang ang dalawa sakin. Namumuro na sakin ang dalawang ito ah!

"Kayong dalawa." nasa likuran ng dalawa ang nagsalita tapos umalis yung dalawa at si Peyt naman ang pumalit sa dalawa. Mabilis nyang kinuha ang bola sakin.

"Taena." sambit ko at hinabol sya. Pero nauna sakin si Steph. Pinigilan nyang ipasok ni Peyt ang bola.

Na-block nya 'yon. Hindi nya lang pinasa sakin ang bola. Tumakbo sya na kasunod naman si Peyt. Napatingin lang ako sa kanilang dalawa na nag-uunahan sa ring. Block din ni Peyt si Steph. Kaya pabalik naman dito yung dalawa. Pinilit ko naman pigilan si Peyt pero mabilis lang nya ako nilagpasan.

"Tsk!" sabi ni Steph. Napasimangot ako. Buti nga triny kong pigilan si Peyt eh.

Naka-score si Peyt. Isa na lang tuloy ang lamang nila. Nagtime out si Steph.

"Zoe bakit hindi ka makalagpas sa dalawang 'yon?!" sabi nya.

"Eh hindi ko magawa eh." sabi ko.

"Hays!" sabi nya. Sumimangot ako.

"Tapos na ang oras." sabi ni Japan at tumayo.

"Umayos ka, Zoe." sabi ni Steph. Napabuntong hininga ako.

Napatingin ako sa kamay ko. Iniisip ko kung paano ko ba malalagpasan yung dalawang 'yon. Inalala ko ang naging training ko sa boys.

Yung galaw ni Kuya Kyle. Napalunok ako. Kaya ko nga ba 'yon?

"Zoe." tawag sakin ni Japan.

"Oo na, nandyan na." tumayo ako. Napatingin ako sa weights ko. Mabilis kong tinanggal ang weights ko.

Naging magaan ang pakiramdam ko.

"Taena lalong bumigat 'to ah!" sabi ni Jayden nung kinuha ang weights ko. Ngumiti ako sa kanya.

Tumakbo ako palapit kanila Japan.

"Game." sabi ko sa kanila.

Napairap sakin si Steph. Nailing na lamang ako.

Binantayan na naman ako ng dalawa kahit wala sakin ang bola. Ipinasa sakin ni Alexa ang bola. Huminga ako ng malalim.

First. Ankle Break. Mabilis kong drinibble ang bola. Tumakbo ako pakaliwa at sinundan ako nung isa. Tumigil ako, tumigil din sya at humakbang ako ng isa, sumunod sya. Napatumba sya.

Second. 360 Instinct.  Papunta sa likuran ko ang isang bumantay sakin kanina at may palapit namang isa sakin.

Third. Kuya Kyle's move. Iniwan ko ang bola sa ere. Kukunin sana nung isang papalapit sakin ang bola pero mabilis kong kinuha at umikot dahil nasa likuran ko na ang isa na dapat iiscreenan ako. Mabilis akong tumakbo papunta sa ilalim. Sumugod sakin si Peyt. Tumigil ako. Sinubukan nyang kunin ang bola pero pinasa ko sa likuran ko papunta sa kaliwang kamay ang bola.

Finake kong ipapasa ang bola at uto-uto naman sya kaya napatingin sya kung saan dapat ipapasa ang bola. Tumakbo ako sa gilid nya. Sumunod din agad sya nung napansin nyang fake 'yon.

Tumalon ako at ganon din sya. Nakaharang ang kamay nya sa ring. Hindi ko itinira ang bola. Palagpas ako ng court nung pababa na sa pagkatalon. Tinira ko ang bola kahit na palabas ako. Napamura ako nung tinamaan yung board yung bola pero sakto naman na nahulog sa ring.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Ohmygosh!!" sigaw ni Russel at niyakap ako. "Ang galing mo! ang galing ng galaw mo!"

"Ang lupet non Zoe!" sigaw naman na nasa bench. Natawa ako.

"Paano mo nagawa 'yon ah?" tanong ni Russel. Nakitbitbalikat ako.

Nakita ko ang galaw na 'yon kay Kuye Kyle nung harang na harang ang ring. Hindi ko aakalain na magagawa ko 'yon. Well, hindi naman perfect dahil tumama sa board, mabuti na lang sa ring bumagsak.

"May binatbat ka naman pala." tumingin ako kay Peyt.

"Sa totoo lang. Wala pa 'yon sa kaya ko." nakangiting sabi ko. Napakunot ang noo nya.

"Oh talaga lang ah?"

"Pero hindi ko iyon ipapakita ngayon." sabi ko sa kanya. "Talunin mo muna si Steph."

"Wow kapal ah." sabat naman ni Steph. Natawa ako.

Hindi ko pa pinapakita ang naging training ko sa boys dahil hindi ko pa 'yon nape-perfect lalo na ang isang bagay na naging idea ni Ate Kill. Buti nga nagawa ko pa ang galaw ni Kuya Kyle at maayos ko naman nagamit ang 360 instinct.

Ang sabi sakin ni Ate Kill. Kung balak ko naman daw umalis sa camp. Mas maganda daw na gamitin ko ang mga natutunan ko sa kanila sa oras na makalaban ko sila para magulat ko daw sila. Yun daw kasi ang ginawa nya noon.

Sabagay tama din naman sya kaso gustong gusto ko talagang lampasuhin si Steph. Yung naging laban nila ni Peyt. Malayo pa ang kailangan kong matutunan para matalo sya.

Pinagdadasal ko na sana, mag-stay sya sa Dragon Empire.





----------------------


Continue Reading

You'll Also Like

110K 3K 65
© 2017 - Beauty and her Knight in shining armor. ☺️ [Completed]
5.1M 79.1K 50
Simpleng Psychology student lang naman si Genesis eh. She took up that program kasi gusto nyang tulungan yung mama nya sa psychological clinic nila...
94.5K 4.7K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
384K 14.4K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...