My Girl is a LESBIAN [COMPLET...

By Rancey_23

20.1K 664 10

Synopsis: Im Killian Kane Reeztucker, the son of congressman of Makati. Wala naman akong balak sumunod sa ya... More

My Girl is a LESBIAN
Prologue
Chapter 1- Familiar
Chapter 2- I'm a lesbian
Chapter 3- Childhood friend
Chapter 4- Memories of Killian
Chapter 5- Owned
Chapter 6 - Miss Ambisosya
Chapter 7- Nightmare
Chapter 8- I'm a gay
Chapter 9 - Halik
Chapter 10- Period
Chapter 11- Seatbelt
Chapter 12- First time
Chapter 13- Liar
Chapter 15- Headphone
Chapter 16- Her
Chapter 17 - Confession
Chapter 18 - Name
Chapter 19- Who am I?
Chapter 20 - FiancΓ©e
Chapter 21 - Can not be reached
Chapter 22 - Where?
Chapter 23 - Looking for you
Chapter 24 - Leave
Chapter 25 - Kababata
Chapter 26 - Bye
Chapter 27 - Nakakaakit ka!
Chapter 28 - Marry me
Chapter 29 - Sofiayla Devesa
Chapter 30 - Buntis
Chapter 31 - I want her
Chapter 32 - Ayla
Chapter 33 - Sayo lang
Epilogue
Vhong's story is posted

Chapter 14- Fetch

422 14 0
By Rancey_23

Chapter 14


Limang araw ng lumipas. Hindi parin ako pinapansin ng dalawa. Ito na ata ang pinaka matagal na pag aaway namin. Kapag nag aaya sila Liza. Hindi na ako sumasama sinasabi ko nalang na may mas importante akong gagawin tutal hindi rin naman ako masaya kasama sila.

Pinipilit kong kausapin sila na parang wala lang ang lahat. Kasi ganun naman kami e. Pero sa pag kakataong ito. Hindi iyon gagana.

Nag skip ako ng isang subject upang magtungo sa cafeteria dahil alam kong iyon ang breaktime nila. Susubok ako. Kasi hindi ko na ito magagawa mamaya. Dahil alam kong mauuna silang dalawa na umuwi.

Nakita ko sila. Kumakain. Napangiti ako. Ngunit naglaho rin iyon ng makitang silang tumatawa. Bakit ganun? Parang may tumutusok saakin. Ang sakit. Kaya pala nilang maging masaya ng wala ako?

"Hi." napaangat sila ng tingin saakin. Naglaho ang mga ngiti nila. "Pwede ba akong makishare?" inilapag ko ang tray ko at tumingin ako sa paligid. "Wala na kasing bakanteng table." sabay ngiti ko. Kausapin nyo ko please!

"Pupunta akong library," sabi ni Justine kay JM.

"Sama ako," sunod ni JM at umalis silang dalawa. Hindi ko man lang napigilan. Bumagsak ako sa upuan. Ang tanga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumili pa ako ng pagkain. Hindi ko naman makakain. Kumain na kasi ako nung breaktime namin. Wala rin naman ako napala sa pag skip ko ng subject. Tinusok tusok ko nalang ang ulam ko at naghintay sa sunod na subject ko.

"Can I?" napaangat ako ng tingin sa maskolidong lalaki. Kilala ko ito ah. "There's no vacant seat. Baka pwede?"

"Ah Oo." sagot ko. At umupo na siya sa harapan ko na upuan. "Vhong?" napaangat siya ng tingin sakin. Kumunot ang noo niya. Tila ba pinipilit inaalala kung sinu ako. Bigla nalang nanlaki ang mata niya.

"Ayla?" gulat pa nitong sabi.

"It's Bly!" tamad kong pagtatama. Here we go again.

Tumawa siya. "Okay, so wutsap?" matamis itong ngumiti.

May pagkakapareho sila ni Killian ng features ng katawan. Parang mas batang Killian ito. Ngunit may pagkakaiba rin. Yung sa mga mata. Mas komportable katitigan itong si Vhong kaysa sa kapatid niyang intense kung makatingin.

"Ito. Short hair," natatawa kong sagot.

Natawa din siya. "By the way. Have you met my brother?" nawala bigla ang aking mga ngiti ng banggitin niya ang kanya kuya. Naalala ko na galit ako sakanya. Bwuset siya. Siya ang dahilan kung bakit nag away kaming magkakaibigan.

"Oo. Araw araw." kaya nga ko araw araw na badtrip e.  "Nagtataka nga ko saiyo e. College ka na. Nagpapahatid sundo ka pa sa kuya mo," sabay subo ko ng steak. Papakin ko nalang tong ulam. Sayang.

"What?" tila nagulat pa siya sa sinabi ko. Napaangat ako ng tingin. "Hindi ako nag papahatid sundo sakanya! I have my own car no." nagulat ako roon. Kung ganon. Bakit siya araw araw naririto?

"Pero ang sabi niya saakin. Ikaw daw ang pinupuntahan niya rito." kunot noo kong sabi.

"No. Hindi nga kami nag kikita rito e. Sometimes we meet. But not everyday."

"E bakit andito siya araw araw? Tuwing uwian?" tanong ko.

"Nong tinanong ko siya. Ang sagot niya. May hinihintay daw siyang babae," kumunot bigla ang mata ko.

Babae? Sino naman kaya? Nagsinungaling pa siya na si Vhong pinupuntahan niya dito. Iba naman pala.

"Sino daw?" biglang nalang iyon lumabas sa bibig ko.

Napatigil ako ng bigla siyang ngumisi. Ano nginingisi ngisi niya.

"Actually. Ayl-BLY." pagtatama niya. "I don't know. Kasi hindi naman dito si Ate Thal. At saka nagtatrabaho na iyon." at sino naman iyong Thal? Nagpatuloy nalang ako sa pag papak ng ulam.

"Hindi mo ba tatanungin kung sino si Thal?"

"Huh? Hindi. Bakit ko tatanungin," tumawa siya sa sinabi ko

Nalaman naming magkaklase kami sa isang subject at sa loob ng 2 linggo hindi namin iyon namalayan.

"So. Gantong time pala ang breaktime mo?"tanong niya

Umiling ako.

"Hindi. Nag skip ako ng subject," sagot ko habang naglalakad kami sa hallway.

"O? But why?" kumunot noo niya.

"K-kasi... Ano." hindi ko dapat sabihin. Hindi naman importante. "Nagutom ako!" tangi kong sagot. Tumango naman siya sa sagot ko.

"Sayang sabay sana tayo mag breaktime. Di bale. Magkaklase naman tayo sa isang subject."

"Huh? Bakit wala ka bang kasabay mag breaktime?"

"Meron naman. Hindi ko lang sila type."sagot nito. "Sige. Pasok na ko. Ms. Tisa," sabay pumasok siya sa isang silid.

Ms. Tisa? Hindi ko gets. Bakit Ms. Tisa? Hindi naman Tisa ang pangalan ko? Ang weird ng isang iyon.

Nung malapit na mag uwian. Nilapitan uli ako ni Liza. Tiyak mag aaya na naman ito sa Bar.

"Ah. Bly. Sorry pala." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit siya nagsosorry? "Napagalitan ka daw noong last week ng nagpunta tayo ng Bar." bumagsak ang tingin ko sa sa sinusulat ko sa notebook. Naalala ko na naman iyon. Lalo na iyong nangyari sa Bar. Tangina.

"Ayos lang." malamig kong sagot.

"Ah..." nangangapa siya ng sasabihin pa saakin. " Pupunta kami nila Isabel sa Mall. Sama ka?" nag angat ako ng tingin.

"May problema pa ako sa mga kaibigan ko. Aayusin ko pa iyon. Saka nalang," sabay dampot ko ng bag ko at lumabas ng room.

Wala ako sa sarili habang naglalakad sa highway. Napapaisip ako. Ano ba ang gagawin ko para mabalik ang mga kaibigan ko? Hindi ko na alam. Lalo na kapag nakikita kong masaya sila ng wala ako.

Bigla ko nalang naisip. Friday nga pala ngayon! Chix day. Kaya dali dali ako tumakbo papunta sa classroom nila JM. Magkaklase kasi sila kapag last period na.

Sakto! Kakalabas lang nila. Napansin nila agad ako. Gamit ang hindi nagbabagong ekspresyon kapag nakikita ako.

"Guys. Friday ngayon," masaya kong asunsyo.

"Alam namin," walang emosyong sagot ni Justine habang nag aayos ng gamit sa bag niya.

"Chix day." napaangat ng tingin si Justine.

"Ikaw nalang. Diba nasasayo naman na si Liza," sagot nito.

"H-huh?" bigla nalang siyang umalis nang hindi pinapakinggan ang sasabihin ko. Nanatili naman doon si JM. "JM?"

"I'm sorry Bly," sabay sunod nito kay Justine.

Bumagsak ang tingin ko sa baba. Hindi ko na talaga alam. Hindi ako magaling sa mga ganto. Napakagat labi nalang ako. I guess uuwi na naman akong mag isa. Araw araw nga pala akong mag isa umuwi simula nung nag away kami.

Pagkalabas ko ng gate. Nagulat ako ng makita na naman itong baklang ito. Nilagpasan ko nalang.

"Ayla!" tawag nito. Kaya naman dahan dahan akong humarap.

"Ano?" tamad kong tanong.

"Pinapasundo ka ng mama mo sakin," huh? Si mama? Bakit naman?

"Kaya kong umuwi. At saka bakit ako maniniwala sayo. Mamaya budol budol ka pala."

"What? Budol budol?" kunot noo nitong pagtataka.

"Wala. Nevermind," at nag simula akong uli maglakad.

"Wait. Ayla!" pero tila wala akong naririnig. "Hello Tita Bryna?" napatigil ako bigla ng marinig ko ang pangalan ng aking ina. Napaharap ako bigla sakanya.

"Ayaw niya pong sumama. Ah. Opo. Andito po siya." saad niya habang hindi nilulubayan ng tingin ang aking mata. Seryoso? Si mama kausap niya. "Kausapin ka daw!" sabay abot niya ng cellphone saakin.

[BLYTH LAYLA!] iyon agad ang bungad saakin. Si Mama nga. Nailayo ko ang cellphone.

"Ano naman ma?"

[ Magpahatid ka kay Sir Killian. At baka kung saan saan ka na naman pumunta! NAIINTINDIHAN MO BA AKO?]

"Wala naman na akong gagawin. Hindi na ko pupuntang bar mama. At saka ano tingin mo saakin? Kindergarden. Para magpahatid sundo?,"

[HUWAG KANG MAGREKLA REKLAMO DYAN.] nailayo ko nanaman ang phone. Sa sobrang lakas na galit na galit na si Mama. [ KAPAG LANG NALAMAN KO KAY SIR KILLIAN NA HINDI KA NAGPAHATID. MAKIKITA MO AYLA. MAKIKITA MO HINAHANAP MO!]

Tinignan ko ng masama si Killian. Nag taas lang siya ng kilay habang tinitignan ako. Bakit siya pumayag ihatid ako? Tangina naman.

"Sasama na," sabay patay ko ng tawag. Nakita ko ang bakla na ngumisi na para bang tuta. NAKAKAASAAAAR!

Continue Reading

You'll Also Like

112K 2.5K 51
Alissa Iris De LeΓ³n the daughter of both the Spanish and Italian Mafia. A week after she was born she was sent away from her 2 brothers to live with...
14.2K 821 16
Mew a ruthless Mafia. Ruling the underworld in all black and whites. He had everything but Love. He was Lonely. And Soon he found true Love for hims...
3.3M 89.4K 71
(THIS WAS MY FIRST BOOK!!, it may not be what you like and that doesn't matter to me because it was long ago, ANYWAY HOPE YOU ENJOY) ALSO ITS NOT EDI...
417K 14.3K 69
Sam and Mon's family life. No drama this time, their pre-marital life is full of it already. P.S. - GAP the Series in not mine nor the characters. Ju...